NANG sumapit ang alas onse ay nagsimula na siyang tumingin sa fridge niya. Ano ba'ng kakainin nila sa lunch? Ipinag-grocery siya ng parents niya kahapon.
May nakita siyang mga gulay at karne. Ang problema prito lang ang kaya niyang lutuin. Nag-offer ang Mama niya kanina kung gusto niyang isama ang isang maid kaso tinanggihan niya. Mas mapapadali kasi ang plano niya kung sila lamang dalawa ng binata rito.
Kinuha niya ang chicken. Mag-fried chicken kaya siya? Kaso hindi niya alam ang ingredients. Kinuha niya ang cellphone niya at ginoogle kung paano magluto ng fried chicken.
" What's for lunch?"
Bahagya siyang nagulat nang marinig ang tanong na iyon ng binata. Magulo ang buhok nito at mukhang nakaidlip. But he still look so freaking hot. Huwag lamang pipilantik ang mga daliri nito at magbo-boses bakla.
" I'm planning to cook fried chicken."
" Hindi ka pa nakakaluto? Tayo lang ba ang tao rito? No maid?"
" Kaya nga magluluto pa lang 'di ba? No maid here. Just you and me."
" Hindi ka kumuha ng maid? Who will do the house chores here? Ikaw?!"
" Yup. I have to. I will be your wife soon so I need to learn right?"
He gave her the disgusting look.
" You've got lost your mind. I will not marry you. Alam mo ba lutuin iyang fried chicken?"
Umiling siya saka ipinakita rito ang nireresearch niya.
" I'm looking it up. Do'n ka muna sa living room while I am trying to figure it out."
" Gusto mo'ng mag-asawa pero magluto hindi ka marunong. Yung totoo saan ka kumukuha ng kapal ng mukha 'te? Kung ibang lalake ang ibabahay mo at wala ka'ng alam sa kusina baka sa mismong araw na humiwalay ka sa parents mo ay isauli ka rin kaagad ng lalakeng mapapang-asawa mo sa bahay ninyo." sabi nito saka tumungo sa may counter. Tiningnan nito ang rice cooker.
" Wala pa'ng kanin?" nakapamewang na tanong nito.
" I was about to cook. Doon ka na sa living room and---"
" Nevermind. I will do the cooking. Baka abutin pa ng dinner ang lunch kapag ikaw nagluto." at saka ito nagsimulang magsaing.
Habang siya naman ay nakatayo lamang at pinapanuod ang maliksing paggalaw nito. Mukhang sanay na sanay ito sa kusina. Sabagay, Chef nga pla ito. Matapos magsaing ay binuksan nito ang refrigerator.
Ibinalik nito ang chicken at sa halip ay kinuha ang steak at kumuha rin ito ng ilang gulay. Ibinabad nito sa tubig ang karne at nagsimulang maghiwa ng mga gulay.
Ang sarap panuorin nito na gumagawa sa kusina. Turn on para sa kanya ang lalakeng marunong magluto kasi nga hindi siya marunong. Habang pinapanuod niya ito ay hindi niya maiwasang mag day dreaming.
Nakikita niya itong nagluluto para sa kanya habang siya naman ay hinihimas-himas ang malaking tyan niya. Kasal na sila at buntis siya sa panganay nila. Sobrang spoiled raw siya nito sa mga cravings niya. Hindi niya namalayan na napapangiti na siyang mag-isa sa paglalakbay ng wild imagination niya.
Nahinto lamang siya sa pag-iisip ng may tumilamsik na tubig sa mukha niya. Napakurap siya. At nakita niya na ang binata pala ang nagwisik ng tubig sa mukha niya.
" Day dreaming, Gabriella? I am asking you. Saan nakalagay ang frying pan?"
Tinuro niya ang isang cabinet sa right side nito. Bago nito iyon buksan ay nagsalita muna ito.
" Go in the living room. Wala ka namang silbi dito."
" Ayoko nga. I wanna watch you from cooking so I can learn."
" You wanna learn but you are not paying attention from what I am doing. Doon ka na sa sala you are distracting me here."
" Why am I distracting you? Nakatayo lang ako rito."
" Exactly. Para ka'ng estatwa dyan and it distracts me, so, go. Tsu!" pagtataboy nito sa kanya.
At dahil nagugutom na rin naman siya ay hindi na siya nakipagtalo pa. She walked out and went to the living room. She turned on the TV and sat in couch. Habang nanunuod siya ay nag-ring ang cellphone niya. Si Feny ang tumatawag.
Simula nang umuwi siya rito ay nakalimutan na niyang balitaan ang kaibigan. Sinagot niya ang tawag nito.
" Hello girl."
" Hoy bru, what's up? Never heard anything from you."
" I'm okay. Got busy since I arrived here and I forgot to call you."
" Busy flirting with him? How's it going? How is the love of your life?"
Nang makitang busy pa rin si Kit sa kusina ay nakipagkwentuhan muna siya sa kaibigan niya. Ikinuwento niya lahat dito mula day one hanggang sa pag-amin ng binata na bading ito.
" Wait what? Who's gay?"
" You heard me right. But I will not let him to become completely gay. Alam ko may solusyon pa sa pagkatao niya. Kaya I made a decission."
Ipinagpatuloy niya ang pagkukwento rito. Ang naging plano nila ng parents ng binata at ang paglipat nila sa bahay niya. Nagulat ito sa hakbang na ginawa niya. Hindi ganuong klaseng babae ang pagkakakilala nito sa kanya.
" Are you insane? Why did you do that? Handa ka'ng itaya ang virginity mo para sa kanya?"
" Well, if that's the only way to prove him wrong why not? I told you I love him and even if he told me that he was gay, my feelings for him never changed. Tagal ko'ng naghintay na magkita kami. Hindi ako papayag na babalik siyang bakla at tuluyang mawawasak ang puso ko. Okay lang na wasakin niya ang bahay bata ko pero hindi ang puso ko. Kaya para sa ekonomiya ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya."
Napatawa ang kaibigan sa sinabi niya.
" Gaga ka talaga! Sige good luck kung magagawa mo'ng maging lalake iyang man of your dreams mo. Just make sure na dala mo dyan sa bahay mo ang mga sexy lingerie mo."
" Well prepared ako girl. Laban para sa forever!"
" All the best for you, besty! Update me okay? Miss you. Enjoy the vacay while no call from boss."
" Miss you too. See you when I see you. 'Bye!"
Nang ma-end na niya ang call ay napasinghap siya nang maamoy ang mabangong steak na niluluto ng binata.
" Smells yum. Ready na ba?" sigaw niya mula sa sala. Hindi man lang nag-abalang sumagot ang future husband niya.
Tumayo siya nang makitang naghahain na sa dining room ang binata. Tinulungan niya ito. Nang mailagay nito ang pagkain sa mesa ay hindi siya nakatiis at titikman sana ang mashed potato na inilagay nito doon. Ngunit hinampas nito ang kamay niya.
" Don't touch anything yet. Hindi pa kompleto 'yan kaya wait lang."
Muli itong pumasok sa kusina at nang bumalik ay dala na ang steak with steam veggies on side. Again natakam siya kaya akmang kukuha sana siya ng isang carrot pero hinampas uli nito ang kamay niya.
Inis na tiningnan niya ito.
" Nakakadalawa ka na ha. Masakit!"
" I told you to wait. Patay gutom ka ba? Tabi dyan." at itinulak siya nito ng bahagya saka kinuha ang cellphone sa bulsa nito.
" What are you doing?"
" Taking picture of the food. Bulag lang? Before we eat let me take a food selfie and I’ll post it in Instagram."
Napanganga siya. Hindi niya akalain na mahilig rin itong kumuha ng picture sa pagkain bago kumain. One thing that she hates kapag ginagawa ni Feny everytime na lalabas sila. Pag gutom siya gusto niya kain kaagad. Saka why do people like to take picture of their food? She finds it weird.
" There you go. Ano'ng magandang caption? Wait alam ko na. Lafang with my muchacha."
Salubong ang mga kilay na nilingon niya ito. Siya ba ang muchacha na sinasabi nito?
" Sinong muchacha? Ako?"
" Ay hindi ko sinabi na ikaw. Ikaw ang nag-isip nyan."
Inirapan niya ito saka naupo na. Nagsimula na silang kumain. This is the first time na matitikman niya ang luto nito. Una niyang tinikman ang mashed potato at sumunod ay ang steak. Infairness, ang sarap!
" Wow. I didn't know you can cook so well. But anyway, chef ka nga pala. Good job, hubby."
" Hubby? Yuck! Kilabot all over my body!"
" You know what? Hindi bagay sa'yo yang mga ganyang klaseng salita. At kahit pa paartehin mo pa yang boses mo ng bongga I'm telling you. Macho ka pa rin para sa akin. At never kitang makikitang bakla. For me you can be every girls ideal man."
" Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo dyan. At saka bakit ganyan ka na lang mag-effort na baguhin ang gender ko. I hate to ask this pero may gusto ka ba sa akin?"
Medyo nabigla siya sa tanong nito. Pero nakuha niya pa ring ngumiti rito saka naghahamon na tiningnan ito sa mga mata.
" What if I say yes? Maniniwala ka ba?"
He was shocked for a few seconds. Ngunit maya-maya lamang ay napatawa ito. What's so funny there?
" Ano'ng nakakatawa?" she asked.
" Your jokes. Paano ka magkakagusto sa isang bakla? Parehong boys ang type natin."
" As I have said hindi ka nga bakla!"
Huminto na ito sa pagtawa saka kumumpas sa ere.
" Let's stop this nonsense. Ayokong makipag-argue while eating." sabi nito saka muling sumubo.
Natahimik na rin siya saka nagpatuloy na sa pagkain. Hanggang saan ba siya susubukin ng pasensya niya? Parang gusto niya na itong ikulong sa kwarto at maghubad sa harapan nito nang magkaalaman na kung may pag-asa pa ba'ng maging lalake ito.
' Brielle, you have to be patient. Soon enough mapapatunayan mo rin na hindi imposibleng magnasa siya sa katawan mo. Just wait and see.' sabi ng isang side ng isip niya.
MATAPOS mag-lunch ay umupo muna siya sa sala at nanuod ng TV. Habang ang dalaga naman ay nakita niyang umakyat muna sa itaas. Naiinip siya rito. Gusto niyang lumabas at mag-seeing ng mga boylets ngunit wala namang mall sa probinsya nila.
Super namimiss na niya ang city life. Ayaw niya namang maging close sa babaeng kasama niya dahil ito ang ugat ng mga kamalasang nangyayari sa kanya.
Nang nakarinig siya ng mga pababang yabag ay napatingin siya sa may hagdanan. Nakita niya ang dalaga na naka-bathrobe lamang.
" Hey, swimming tayo." nakangiting aya nito sa kanya.
Binawi niya ang tingin dito saka umiling.
" Ayoko. May period ako." sagot niya.
" Ambisyosa ka! Hindi ka babae. Sige na, keep me company in the pool."
" Ayoko nga. Ang init-init sa labas eh. Saka bakit ba feeling close ka?"
Lumapit ito sa kinauupuan niya saka huminto sa mismong harapan niya. Tinanggal nito ang bathrobe nito. Bumulaga sa kanya ang pang-modelong katawan nito na naka-floral two piece.
" kaya nga swimming tayo because it’s hot today." nakapamewang na sabi nito.
" Ayoko nga. Swimming ka mag-isa mo. Go!"
Tiningnan muna siya nito saglit bago lumayo. Buong akala niya ay tutungo na ito sa backyard kung saan naroroon ang swimming pool. Ngunit puwesto ito sa may gilid ng TV stand at maya-maya ay tumalikod saka nag-stretching.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
" What the heck are you doing?" sita niya rito.
Hindi siya komportable na nasa harapan niya ito at naka-bikini lamang.
" Stretching."
" And you really need to do that infront of me? Get outta here! Doon ka sa pool side mag stretching!"
" Maka-demmand ka, bakit bahay mo 'to?"
Naiinis na pinaikot niya ang mga eyeballs niya.
" Nakakairita kang babae ka! Kung inaakala mo na makukuha mo ang atensyon ko sa ginagawa mo pwes manigas ka! Akala mo perpekto yang katawan mo. Wala ka namang puwet!"
Ngumiti ito saka nag-pose.
" May puwet ako. Hindi nga lang kasing laki ng puwet ng mga Kardashians! Pero atleast maganda at sexy pa rin ako!"
" I don't care!" saka siya inis na tumayo mula sa pagkakaupo at saka binato muna ito ng throw pillow bago siya umakyat sa itaas.
Ang bruha mapang asar pa'ng humalakhak sa pag-walk out niya.
" Distracted ka lang sa kaseksihan ko! Aminin mo na, Kristobal." sigaw pa nito.
" In your dreams, Gabriella. Kung may abs ka baka sakali pa! Etchoserang froglet!"
DALAWANG araw bago ang kasal ni Megan ay nag-pasya siyang mag-book ng ticket. Bukas na ang flight niya. Tinawagan na niya ang dalaga at ipinaalam na niya rito na makakadalo siya sa kasal nito.
Hindi niya ipinaalam sa mga magulang niya na luluwas siya ng Manila. At mamaya naman ay saka siya magpapaalam sa dalaga.
Matapos niyang mai-print ang ticket niya ay lumabas siya ng silid. Hinanap niya ang dalaga. Magpapaalam siya rito para sa pag-alis niya. Kahit hindi sila close ay kailangan niya pa ring sabihin dito kung saan siya pupunta. Dahil baka magsumbong ito sa parents niya kapag basta na lamang siya tumakas pabalik ng syudad.
Halos isang linggo na silang magkasama at mainit pa rin ang dugo niya rito. Naiinis siya sa guts nito na itira siya sa bahay nito. Pakiramdam niya ang liit ng bahay nito dahil kahit saan siya pumwesto ay nakasunod rin ito sa kanya.
" Hey, bruha." untag niya sa dalaga na natagpuan niyang nasa garden at nagpipinta.
He was surprised. Hindi niya alam na may talent pala itong mag-paint. Nilingon siya nito.
" Bruha who?"
" Ikaw. May iba pa ba'ng tao rito?" sarcastic na sabi niya. Hindi niya ito maintindihan. Kahit sobrang sarcastic na siya minsan ay ngingitian lamang siya nito.
" Ang ganda ko namang witch."
" I'm leaving tomorrow." diretsahang sabi niya.
Napatayo ito bigla.
" You what?!"
" I am leaving tomorrow to Manila. I will be gone for three days. Wedding ng kaibigan ko. So, if my parents call you don't mention to them na aalis ako bukas." saka siya tumalikod na. Pero mabilis itong humabol at hinawakan siya sa braso.
" Hey wait! You're leaving tomorrow?!"
Inis na tinanggal niya ang kamay nito sa braso niya.
" Bingi ka ba? I just said it right? Yes I am leaving tomorrow."
Tumayo ito sa harapan niya.
" Sasama ako."
Tinaasan niya ito ng isang kilay.
" The wedding is exclusive for people only. No pets allowed so hindi ka pwedeng sumama."
" I am not a pet! Basta hindi ka aalis without me. Malay ko ba kung hindi ka na bumalik dito."
" I have a round trip ticket. Here. Rest assured na babalik ako." at ipinakita niya ang ticket na iprinint niya kanina.
" Still I wanna go with you!"
" No!"
" You have to let me accompany you or else I'm gonna tell this to Mama Ninang? Choose." nakahalukipkip na sabi nito.
Ang sarap kurutin ng singit ng babae na ito. Ayaw niya itong isama dahil baka kung ano pa'ng kalokahan ang gawin nito. Knowing her likas yata na makapal ang mukha nito. Pero kung hindi naman siya papayag baka nga tawagan nga nito ang parents niya. Napamura siya sa isip.
" So? Should I book my ticket now?"
" Fine! But make sure you will behave in the party or else I'm gonna throw you in the sea!"
Ngumiti ito saka akmang yayakapin siya pero iniharang niya ang mga braso niya.
" If you will introduce me as your fiancee sure I will behave."
" Fiancee, my ass! We are not engaged bruha! I am serious. You gotta behave there."
" We'll see!" saka ito pumasok na sa loob ng bahay para mag-book ng ticket nito.