Amusement Park Unti unti na rin akong nasanay sa mga sweet gestures nilang dalawa sa akin. Lalo pa noong nagdaang pasko at bagong taon na kung saan ay sa Switzerland kami nagdiwang. Hindi lumilipas ang araw na hindi ko kausap ang dalawa. Kulang na lang ay pati pagjebs ko ay ikwento ko na sa kanila. Imbes nga na sa movie ako magpuyat ay sa kanilang dalawa ako inuumaga sa pagtulog. Medyo weird lang sa pakiramdam dahil dalawa sila, feeling ko ay nagche-cheat ako. s**t! Hindi ko na rin muna ipinaalam sa pamilya ko ang nagaganap, lalong lalo na sa kuya kong bwisit. Dahil siguradong hindi niya ako lulubayan nang pang aasar kapag nalaman niya ito. Mabilis na lumipas ang araw namin sa Switzerland. Ilang araw lang matapos ang new year ay umuwi na rin kami sa Pinas. Naging masaya naman ang pagcel

