Manliligaw Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang mga pictures namin nina Max sa park. Sobrang naenjoy ko rin talaga ang araw na iyon. Bahagya pa akong natawa noong lumabas ang picture namin ni Jix kasama si Squidjix. Ang kambal na sama ng loob. "Ano yan?" Mabilis kong itinago ang cellphone ko dahil sa pagsulpot ni Kian. "Patingin." hirit pa niya, pero itinago ko na yun sa bulsa ko "Wala yun. Tsk!" Napairap lang ito tapos ay naupo sa desk ko. Nagcross arms pa siya saka ngumisi. "Umatras na ba talaga si Kurt sa 'yo?" Tumango lang ako. Mas lalong lumapad ang ngisi nito. "So, pwede nang manligaw si Ranz?" Agad nagsalubong ang kilay ko. "Tsk!" usal ko at saka umalis sa harap niya Sinisikap ko na ngang alisin yun sa utak ko pero ito at pinaaalala niya pa.

