Akila's Past Akala ko sobrang ayos pa namin ni Sam, hanggang isang araw bigla na lang siyang nag aya patungo sa kubo. Ang kubo sa gitnang bukid na madalas naming tambayan kasama ng iba pa naming kababata. "Ano ba kasing gagawin natin dito? Hapon na oh?" tanong ko kay Sam na tuloy parin sa paghila sa akin "Basta sumunod ka na lang, okay." Nagpatianod na lang ako. Pagdating doon ay may nakita akong bote ng isang alak. Agad ko siyang tiningnan ng may pagtataka. Hindi naman ako inosente dahil sadyang mabarkada ako ay bukas na ako sa mga ganoong inuman. Pero si Sam ay hindi, hindi siya katulad ko. "Uminom tayo, gusto ko ng magmove on kay Justin." aniya "Ngi? Dahil lang doon iinom ka? Ni hindi nga iyon gwapo sa mata ko." Natatawang saad ko. Bahagya lang sumilay ang ngiti niya at nagpat

