Chapter 2

3977 Words
Childhood Friends It has been a week simula noong pumasok ako sa AMU. Hindi ko na rin so called friends ang anim na itlog. Dahil sa maikling panahon na nagdaan ay mas nakilala ko na sila. Si Ranz, sa kaniya ako pinaka-komportable, akma sa kaniya ang maamo niyang mukha dahil sobrang bait at maintindihin niya. Para nga siyang kuya ng grupo nila kahit di naman siya ang pinaka-matanda, pero syempre may kalokohan din itong taglay. Si Rye na hindi ko feel noong una, okay naman pala siya. Despite of him being the oldest mukhang siya pa ang pinaka-isip bata. At sobrang babaero niya, literal na araw araw iba ang babaeng akbay niya. Hindi rin pala siya manyak gaya ng iniisip ko. Si Do hyun, ang pinaka-bata at pinaka-matalino sa kanila. Minsan sobrang seryoso at tahimik niya, pero pag bumanat siya ng kalokohan talagang solid. Mature din siyang mag isip. Si Miel naman ang influencer ng grupo. Sikat sa mga social media accounts niya. Mostly pag magkakasama kami pag break time, nasa cellphone lang ang atensyon niya. Si Kurt, medyo question mark pa ang ugali niya. Magkasing level sila ng kalokohan ni Rye, minsan seryoso at tahimik tapos minsan nagugulat na lang kami sa mga words of wisdom na lumalabas sa bibig niya. And lastly si Kian, wala na ba talaga akong choice kundi makasama siya? Wala na? Sobrang bwisit at kontrabida sa buhay ko. Pakiramdam ko di nabubuo ang araw niya pag di ako nabubuwisit, mabuti na lang at nandiyan si Ranz para awatin kami kundi matagal ko na siyang nasuntok. "A - KI - LAAAAAAAAAA!" Speaking of bwisit ayan na siya at may pa- slowmo effect pa ang pagtawag sa akin. Nagpamewang ako. "Ano na namang kaabnormalan yan?" taas kilay na tanong ko sa kaniya "Sorry na namiss lang kita," Akma pa siyang yayakap sa 'kin pero agad naman akong umiwas. "Uyy kadiri ka, at isa pa di kita namiss no. Asan pala yung limang itlog?" Imbes na sagutin ako ay nagpuppy eyes pa siya sa 'kin. Nakakaasiwa! "Bakit hindi pa ba ako sapat sa 'yo Kila? Naghahanap ka pa ng iba nandito naman ako. Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" "Oo pangit ka nga." seryosong sagot ko Napahawak naman ang dalawang kamay niya sa kaniyang dibdib na akala mo ay sobra siyang nasasaktan. Hindi ko mapigilang mapa-face palm sa kalokohan nito, pero may naisip din akong kalokohan. "Maaaay baaaaaliiiiiiw." ginaya ko ang slowmo na pagkakatawag niya sa 'kin kanina Tapos ay tumakbo rin ako ng pa-slowmo at ganun din ang ginawa niya habang hinahabol ako. Tawa kami ng tawa sa ginagawa namin, nahawa na yata ako sa kaabnormalan nito. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang mga estudyante pero ewan bakit di parin kami tumitigil. Noong malapit niya na akong maabutan ay binilisan ko na ang takbo ko. Napatigil lang ako sa pagtakbo ng makarating ako sa corridor ng 1st floor ng building namin, panay parin ang lingon ko kaya naman sa muling pagharap ko ay nabangga ko ang isang lalaki. "Sorry." Sabay naming sambit. Hindi man lang lumingon yung lalaki at nagpatuloy. Sinisipat ko naman ang likod niya, teka siya yun ah... "Sorry sa pagtulog ko sa puno mo!" sigaw ko Agad naman siyang napahinto ngunit hindi ito lumingon tapos ay nagpatuloy na sa paglalakad. "Hmp tumira ka sa mars," Umakyat na ako sa 2nd floor at pagpasok ko sa room ay nandoon na si Kian at ang iba pa naming kaibigan. "Saan ka galing?" bungad na tanong sa 'kin ni Kian Agad ko naman siyang tinaasan ng kilay. "Ikaw ang saan galing? Gunggong na 'to takbo ako ng takbo wala pa lang humahabol sakin." inis na singhal ko sa kaniya Tumawa pa siya. "Bakit chix ka ba para habulin kita?" pang-iinis pa nito kaya naman inihagis ko sa kaniya ang bag ko "Siraulo!" "Sige sanay naman akong binabalewala. Salamat sa lahat." sabat ni Ranz Nagkatinginan kami ni Kian at saka pareho kaming natawa. "Maaaaaaaay baaaaaaaliiiiiiiw." slowmo na sabi naming dalawa na mas lalong ikinakunot ng noo ni Ranz "Taaaakbooooo." dagdag pa ni Kurt tapos ay tumakbo ng slowmo Agad naman kaming sumunod ni Kian sa kaniya. "Laaayooo kaaaayoooo diyaaann baaaaliiiwww yaaaannn" sabi pa ni Kian Hinila niya pa si Rye at Hyun, habang nagvi-video naman sa 'min si Miel. Nakisakay naman sila sa kalokohan namin. Tawa kami ng tawa habang si Ranz ay halos magdugtong na ang kilay at binabato kami ng crumpled paper. Ngayon ko lang nalaman na masaya pala ang ganitong katangahan. Habang tuloy kami sa pang aasar kay Ranz ay bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang grupo ni Yvette. "What the hell is going on?!" bakas ang gulat sa mukha niya ng makita kami "Waaaalaaaa kaaaang paaaakeeeee." slowmo pa ang pagkakasagot sa kaniya ni Kian na mas lalo kong ikinatuwa. "Mga baliw!" bulyaw niya sa 'min Napatigil kami sa paglalaro. "Ang lungkot naman ng buhay mo." sabi ko sa kaniya Sumilay ang nakakairita niyang smirk. "Sorry ah, pero hindi kasing babaw nyo ang kaligayahan ko. Mga isip bata!" Siyempre hindi ako nagpatalo, nginitian ko din sya pabalik. "At anong nagpapasaya sa 'yo? Ang mang bully ng taong mahina? Yun lang naman kaya mo diba?" panunuya ko pa sa kaniya. "Ang yabang mo na talaga ano? Matapang ka lang kase nandyan yang mga kaibigan." "Yvette wag kang magkakamali na kantiin ulit si Kila." sabat ni Miel "It's okay boys, kayang kaya ko 'to. Ano Yvette, gusto mo na ba akong sabunutan, nanggigil ka na ba?" pambubuyo ko pa sa kanya Nilakihan ko pa ang pagngisi para mas lalo siyang mapikon. "Hinahamon mo talaga ako?!" bakas na ang gigil sa boses niya. Napadapo naman ang mata ko sa may bintana at natanaw ang paparating na si Ms. Dela Cruz na class adviser namin. Agad may nabuong plano sa isip ko kaya naman lumakad ako palapit kay Yvette. "Akila!" narinig kong saway sakin ni Ranz pero hindi ko sya nilingon "Mahina lang ang kaya mo!" ngumiti pa ako ng nakakaloko At gaya ng inaasahan ay mukhang napikon ko nga siya. Mabilis niyang hinila ang buhok ko na siya namang pagbukas ng pinto, na ikinagulat ng lahat. Maliban sa akin syempre. "Yvette! Bitawan mo siya!" sigaw ni Ms. Dela cruz Napabitaw si Yvette sa akin. "Ma'am wala naman po akong ginagawa, bigla niya na lang po akong sinabunutan." kunwari ay naiiyak na sabi ko at hinakawan ko pa ang ulo ko. Nanlalaki ang mga mata ni Yvette dahil sa inasal ko. "No! That's not true ikaw ang nauna!" Lumapit sa akin si ma'am at inayos ang buhok ko. "Akila are you okay?" concern na tanong niya at tumango naman ko. "Siya po talaga ang nauna, nagpapaawa lang yan. She provoked me. Itanong niyo pa po sa kanila." depensa pa nito at bumaling sa mga kaklase namin. Muli siyang hinarap ni ma'am. "Stop it Yvette, alam kong ikaw ang kakampihan nila dahil takot sila sayo. At isa pa kilala na kita, nasa junior high ka pa lang naririnig ko na ang pangalan mo. President ka pa man din ng room na ito pero ikaw pa ang pasimuno ng kaguluhan." Natameme naman si Yvette sa mga sinabi ni Ms. Dela cruz. "Mag sorry ka kay Akila," Nanlalaki ang mga mata niyang napabaling sa akin. "S-Sorry Kila." singaw sa ilong na sabi niya Hindi ako nagsalita, pinanatili ko lang ang nakakaawa kong mukha. "Ayoko ng maulit pa ito ha. Lalo na rito sa loob ng kwartong ito. Sa susunod na may mag away pa sa room na ito, hindi ako magdadalawang isip na ilipat kayo sa section F. Hindi mahalaga sa 'kin kung gaano kayo katalino, what matters to me the most is your attitude. Wag na wag n'yo akong bibigyan ng kahihiyan. Understood?" "Yes ma'am." sagot namin sa kaniya Bago bumalik sa upuan niya si Yvette ay pinukol ako nito ng napakasamang tingin na sinuklian ko naman ng malapad na ngiti at finger heart. HA HA HA. "And the best actress award goes to..... Akila Cayne Samonte. " Kunwari ay may isinusuot pang korona sa 'kin si Kian. Kumaway pa ako na gila nanalo sa isang pageant. Naglalakad kami papuntang cafeteria para sa 30 mins break namin. "Galing mo palang umarte Kila, pag ako nakagawa ng youtube channel lagi kitang isasama sa mga scripted pranks na gagawin ko." sabi naman sa 'kin ni Miel "Sige ba, basta malaki tf ko ah." sagot ko naman na nagpatabang sa kaniyang mukha Paulit ulit sila doon sa nangyari sa room, kesyo iyon daw ang unang beses na may lumaban kay Yvette. Hindi ko talaga alam kung bakit madami ang takot sa kaniya, at bakit may mga taong hinahayaan na ma-bully sila. Pagkarating sa cafeteria ay pumila na kami para sa pagkain, este sila lang pala. Madali kase silang nakaka-order dahil pinapauna sila ng mga babae roon, sanay na rin ako sa masasamang tingin nila sa tuwing kasama ko sina Ranz. Mabulag sila kakatingin. Habang kumakain kami ay bigla na namang nanahimik ang buong paligid. Mukhang nandito na naman ang Montereal na yun. Well, wala naman akong pakialam sa presence niya 'no. Mabuti na lang mabilis lang siya doon kaya naman nagbalik na sa normal ang paligid. "Bakit ba kayo takot na takot sa kaniya?" tanong ko sa kanila "Ano? Takot? Di kami takot sa kaniya. Sadyang ayaw lang namin ng gulo." depensa ni Rye Ayaw ng gulo sus! Napa-ismid pa ako. "Oo. Di naman kasi kami tulad mo na mahilig makipag away. Saka di niya naman kami pinakikialaman." sabi naman ni Kian "Owkaaayyy." Nagkibit pa ako ng balikat. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami agad sa classroom. *** "Kila ,wala pa yata yung driver mo.Hatid na lang kita?" alok sakin ni Ranz Mabilis naman akong umiling. "Nope. I can manage." "Sabi mo e. Ingat ka na lang. Bye." Ngumiti naman ako sa kaniya "Bye." Pagkapasok sa bahay ay agad na hinanap ko si mama. Dumiretso ako sa kitchen at doon ko siya nakitang naghahanda ng mirienda. "Oh nandyan kana pala." Tinungo ko siya saka ako humalik sa kaniyang pisngi. "Umakyat kana roon ipapasunod ko na lang kay Nay Andi itong merienda mo. Mag pahinga ka may lakad tayo mamaya." Agad namang kumunot ang noo ko. "Lakad? Saan naman po?" "Kahapon kase sa mall, nagkita kami ng childhood bestfriend kong si Jana. Eh diyan lang pala sila sa kabilang village nakatira, birthday niya ngayon kaya inimbita niya tayo." paliwanag niya "Kailangan pa po ba kasama ako?" Tumabang ang mukha ni mama. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga party lalo na kung ganito, malamang ma-op lang ako doon. "Oo naman baby, para makilala mo yung panganay na anak ng tita Jana mo. Wala ng madaming tanong, umakyat kana don. Mag ayos ka before 6pm, okay?" Tumango na lang ako. Mukhang di naman na ako makakakontra pa. Hindi ko na masyadong inisip pa ang party mamaya. Sa halip ay nanood na lang ako ng kung anu-ano sa youtube. Ipinahinga ko na muna ang mga mata ko bago naligo. Pagkatapos kong magtuyo ng buhok ay nag apply na ako ng light make-up. Marunong naman ako mag make-up ng simple dahil lagi akong tinuturuan ni mama. Para saan pa raw ang cosmetic botique niya sa mall kung ako na anak nya ay di marunong gumamit nun. Noong makuntento sa itsura ko ay nagtungo na ako sa aking walk in closet. Pulang apron dress ang napili ko na tinernuhan ng pumps. Bahagya kong kinulot ang dulo ng buhok ko at saka tiningnan sa salamin ang aking hitsura . I dont like it, sabi ko sa isip ko. Ipinusod ko na lang iyon ng mataas, looks better mas malinis tingnan. Labas din ang haba ng leeg at ang kaliitan ng mukha ko dahil nakatali ang buhok ko. "Nak, di ka pa raw ba tapos sabi ng mama mo?" tawag sa 'kin ni Nay Andi "Bababa na po ako." Dinampot ko na ang black purse ko at saka lumabas ng kwarto. "Siguradong matutuwa ang mommy mo, napaka-ganda mo hija." puri ni Nay Andi sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti Inalalayan niya ako sa pagbaba. Noong makita ako nina mama ay abot tainga ang mga ngiti nila. "Clark tingnan mo yung baby natin, dalaga na." naghuhugis puso pa ang mata ni mama May pagka oa din e. "Dalaga na pero tinatawag mo paring baby, pano maliligawan yan." "Pa!" protesta ko ng marinig yung word na ligaw Wala sa isip ko ang mga ganong bagay. Tumawa pa sila."Biro lang. Pero seryoso anak, you look stunning. At mukhang gumagaling kana mag make up ah." "Siyempre magaling ang nagtuturo." sagot naman ni mama "Tama na po yan, lika na kayo." pag aawat ko sa kanila Sumakay na kami sa kotse. At makalipas lamang ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa bahay este mansion nung kaibigan ni mama. Pagkababa ay may nag escort sa amin papasok sa venue, engrande nga ang party pero hindi ganoon kadami ang bisita siguro ay mga closest friends and family lang nung celebrant. "Alexa?" tawag kay mommy nung babae na naka- long gown. Siya siguro ang celebrant. "Dito tayo," dagdag niya pa at inakay kami sa isang bakanteng round table. "Happy birthday Jana." bati ni mama sa kaniya, binati din siya ni papa Maya maya pa ay may lumapit na lalaki sa amin, iyong asawa niya siguro. Nagbeso at kamayan sila. Sabi ko na mao-op ako e. "Siyanga pala, Martin, Jana, this is my beautiful daughter, Kila." pagpapakilala ni mama sa akin Pero ano daw? Beautiful? Nahiya tuloy ako kahit totoo naman iyon. "Happy birthday po tita, and good evening po sa inyo." nakangiting bati ko sa kanila "Napaka-gandang bata naman nito ni Kila. Noon puro iyak lang ang alam mo." sabi sakin ni tita Jana Nahihiya naman akong ngumiti sa kaniya. "Nako e kanino pa ba magmamana ng ganda yan, siyempre sa akin." pagbibida pa ni mama Agad namang natawa si papa at tito Martin. "Nako, pag usapang mana talaga sa kanila ang credits ano. Pero pag nagpasaway sa atin ang sisi." sabi pa ni papa at agad naman siyang hinampas sa braso ni mama Mukhang malapit nga talaga sila sa isa't isa. "Oh pano maiwan ko muna kayo diyan, aasikasuhin ko muna ang ibang bisita. Pagbalik namin isasama ko naman ang mga anak namin." pagpapaalam ni tita Jana sa amin Nag umpisa na nga ang event, may pa-video greetings mula sa kamag anak niya sa Bulacan, tapos ay ang message ng kaniyang asawa. Nagbigay din ng maikling speech si tita Jana para sa kaniyang pamilya at sa mga bisita. Habang kumakain kami ay siya namang pagdating nila tita kasama ang isang cute na batang babae. "Alexa, Clark ito nga pala si Maxene ang bunso namin. Say hi to them baby." pagpapakilala ni Tita Jana sa kaniyang anak, agad naman itong bumati kina mama "And this is your ate Akila. She is also a bunso like you." dagdag pa nito at namilog pa ang mata ng bata noong nakita ako "Wow! Mom she looks like a barbie doll. Hi ate barbie doll." Parang uminit ang pisngi ko dahil sa compliment nya. "Baby, mas mukha kang barbie doll kaysa kay ate. Hello baby barbie doll." Pagbawi ko, at mukha naman siyang kinilig. She's so cute. "Pareho lang kayong mukhang barbie doll. Siyempre mana sa mga mommy." sabi naman ni tita Jana at bumaling pa kay mama. Agad namang natawa sina tito at papa. "Nako mukhang may kokontra na naman. Teka nga, Jana nasaan na pala yung panganay niyo?" pag iiba ni mama Napawi naman ang ngiti ni Tita. "Mahiyain kase si Matt, kaya wala siya kanina. Hayaan mo tatawagin ko siya." sagot pa nito at tumayo "Mom..." pigil sa kaniya ni Max. "I'll call kuya, ate barbie doll sama mo 'ko?" nagpout pa ito sakin Nako napaka-cute. Mabuti na lang mahilig ako sa bata. "Sige baby." Mabilis niya akong hinila papasok sa kanilang mansion. Pagkaakyat namin sa second floor ay agad kaming tumungo sa ikatlong pinto sa kanan. "Kuyaaa mom's looking for you!" sigaw ni Max "Tell her that I'm sleeping." balik na sigaw nung kuya niya Anong klaseng anak naman 'to, birthday ng nanay niya tapos nagkukulong sa kwarto. Tsk! "Kuya, don't you love mommy. It's her birthday. Labas kanaaaaa." Napaka-cute niya kahit mukha naiinis na sya sa kuya niya. "I'll greet her once the visitors left." Mas lalong nalukot ang mukha ni Max. "Labas naaaa. I'll count upto 5. Magagalit ako sa 'yo." Nag umpisa na siyang magbilang, at mukhang maiiyak na din. Kawawa naman ang cutie na yan. "3...2...kuyaaaaaaa!" sumigaw na siya kasabay ng pagbukas ng pinto. Lumabas doon ang isang matangkad na lalaki at agad niyang hinarap si Max. Nasa gilid ako kaya hindi niya ako napansin, di ko rin nakita ang mukha niya. "Don't be mad at kuya andito na ako oh." pagsuyo nito sa nagtatampong kapatid Aww ang cute. Hinalikan pa niya sa noo si Max. "Let's go?" aya nito "Wait...kuya may kasama akong barbie. Ayon oh si ate barbie doll." turo sa akin ni Max Agad naman akong tumuwid sa pagkakatayo. Dahan dahang lumingon sa 'kin ang kuya niya. Ganoon na lang ang gulat ko noong masilayan ko ang mukha nito. Holy cow! Si Montereal? Si Jix Montereal ang kuya nya?! Bahagya ring sumilay ang gulat sa mukha niya pero agad din iyong nawala. "I-Ikaw?" Imbes na sumagot ay tinalikuran niya ako. Owkay. "Did you know each other?" tanong sa amin ni Max "No. Let's go." mabilis na tugon ni Jix Sabagay di naman talaga kami magkakilala. Tumayo na si Jix at hinawakan ang kamay ni Max, pero hinahawan din ni Max ang kamay ko kaya naglalakad kami ngayon na magkasabay habang nasa gitna si Maxene. Di parin ako makapaniwala, sa dinami-rami ng tao bakit si Jix pa? Pero ano naman diba? Tsk Sinalubong kami ni tita Jana. "Good job baby." sabi nito kay Max, "Son, I want you to meet tito Clark and tita Alexa. Also their beautiful daughter Kila. Si Tita Alexa mo yung childhood bestfriend ko sa Bulacan." pagpapakilala samin ni tita pero ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Dewag! "Good evening." maikling sabi nito kina mama Ni hindi man lang siya ngumiti kahit katiting. "Napaka-gwapo at tangkad na pala ni Matt." papuri ni mama dito Sus! Lonelyman naman. Naupo na kami at nagpatuloy sa pagkain, abala sa pagkukwentuhan ang mga magulang namin, si Max naman ay panay ang kulit sakin. At si Jix ayon, payapang kumakain. Medyo awkward talaga. "Alexa, natatandaan mo pa ba noong isang beses na bumisita kami sa inyo? Yung inaaway ni Matt si Reiven?" malapad ang ngiti na tanong ni Tita Jana "Oo naman, pinapaiyak kasi ni Reiven itong si Kila. Tapos todo kampi naman itong si Matt sa kaniya." dugtong naman ni mama habang sinusulyapan kami ni Jix "At ang di ko makalimutan ay yung sinuntok ni Matt si Reiven, sabay halik sa noo ni Kila." natatawang sabi ni Tita Jana Napahinto ako sa pagkain dahil sa pag init ng pisngi ko. Narinig ko naman ang pagbaba ng kubyertos ni Jix. "Magpapahinga na po ako." walang emosyon na sabi niya at mabilis na umalis Wow! Sana puwede ko rin gawin yun 'no. "Kayo naman, hindi n'yo dapat binabanggit yun sa harap nila. Mga binata't dalaga na yan e." sabi ni papa "Sorry Akila." sabi sa 'kin ni tita Tumango na lang ako at pilit na ngumiti para matunaw na ang tensyon. Ibig sabihin noon ko pa pala na-meet ang lonelyman na iyon. Wow! Small world indeed. "Hindi ba bibo at masiyahing bata iyan si Matt? Bakit naging mahiyain siya." tanong ni mama Napabaling ako kay tita, nag aabang sa sasabihin niya. "Mahabang kwento." sagot niya at ngumiti ng pilit Hindi na rin nagtanong pa si Mama. Buti pa ako alam ko na ang dahilan. Hindi pa nga pala proven yun, tsk. Pagkatapos kumain ay muli na naman akong hinila ni Max. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pero di niya ako sinagot Nagpatuloy siya sa paghila sakin papasok sa mansion nila, akala ko nga kakatok ulit siya sa kuya niya pero sa ikalawang kwarto kami tumuloy. Agad niya akong pinaupo sa kama tapos ay tumayo siya sa harap ko. "Ate you know my kuya,right?" seryosong tanong nito sakin "Oo baby, sa AMU kasi ako nag aaral kaya nakikita ko siya doon." Bigla na lang lumungkot ang mukha ni Max. "Ate barbie doll, can we be friends?" Napangiti ako at tumango sa tanong niya. "Friends trust each other right?" dagdag nya pa Para siyang matanda kung umasta. Tumango ulit ako. "Kuya Matt is not a bad person. For me, he is the best kuya in the world." sabi nito at saka ngumiti. Isang mapait na ngiti. Mukhang aware rin siya sa kung paano iwasan ng mga estudyante si Jix. "Friends na tayo diba? Naniniwala ka sakin diba ate?" Napaka-inosente ng mukha niya. Panong hindi ako maniniwala sayo baby? Ngumiti ako. "Oo naman, naniniwala ako sa 'yo." hinagod ko pa ang buhok niya Mukhang mahal na mahal niya ang kaniyang kuya. "My kuya is not a bad person, please wag ka matakot sa kaniya." Parang tinusok ang puso ko noong sinabi niya iyon. Isa lamang siyang inosenteng bata, para sa mga ganitong bagay. Agad kong hinawakan ang mga kamay niya. "Don't worry baby hindi ako matatakot sa kuya mo. And I know that he's a good person like you." sabi ko at yumakap naman siya sa akin. Gaano kaya kasakit sa isang bata na gaya ni Max na makitang ang kapatid niya na mahal na mahal siya ay kinatatakutan ng ibang mga tao. Habang nakayakap ito sa akin ay may musika na galing sa kabilang silid naman akong narinig. Mas lalong napasubsob sakin si Max, at nagulat ako dahil umiiyak na pala siya. "Maxene, bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ko at hinawakan ang mukha niya. "Si kuya—" Umiiyak na sagot niya at muling yumakap sa 'kin. Naguguluhan man ay di ko na siya kinulit pa, hinayaan ko na lang siya sa ganoong sitwasyon. Hanggang sa nakatulog sya sa pag iyak sa bisig ko. Inihiga ko na siya sa kama at tinitigan kong mabuti ang inosente niyang mukha. I feel guilty, because I am one of those people who judged her brother. Sino ako para husgahan ang kapatid niya? Sino kami? Ganoong sa mata ng inosenteng bata na 'to napaka-buti niyang kapatid. Bumaba na ako, at mukhang tapos na rin ang party. "Uhm tita, nakatulog na po si Max. Bigla po siyang umiyak." Mukha namang nataranta ang mukha nya. "G-Ganoon talaga si Max. Thankyou pala sa pagsama sa kaniya. And sorry din sa pangungulit niya." Ngumiti ako. "Natutuwa nga po ako sa kaniya e." Matapos ang paalaman ay sumakay na kami sa sasakyan para umuwi. Habang nasa sasakyan ay di parin mawala sa isip ko ang mga nangyari sa gabing ito. Si Jix as a loving brother, and si Max na napaka-buting kapatid. Kinakatakutan siya sa AMU pero kaya siyang sindakin ng anim na taon na bata. "Umakyat kana at magpahinga baby, may pasok ka pa bukas." utos sa akin ni mama noong makauwi kami "Goodnight Ma, Pa." sabi ko at humalik sa kanila Pagka-akyat sa kwarto ay gumugulo parin sa isip ko ang mga rebelasyon ngayong araw. Family friends pala kami, tapos nagmeet na rin kami noon. Grabe napaka-liit talaga ng mundo, of all person siya pa na binigyan ako ng death note. Sabagay, hindi naman nangangahulugan na magbabago na ang lahat. Magulang namin ang magkaibigan, hindi kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD