Dinner
Naglalakad ako sa hallway ng AMU noong bigla kong makita si Jix. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Teka saan ba siya papunta? At teka bakit sinusundan ko siya?
Naglakad ito hanggang sa pinaka dulong parte ng field. May isang gate doon maliit lamang iyon ngunit hindi ko parin alam kung ano ang nasa loob nito. Nilabas niya ang susi sa kaniyang bulsa at binuksan ang tarangkahan. Wow! Isa siyang garden, ito pala ang tinutukoy na garden ng mga mokong. Luminga linga pa siya bago pumasok sa loob, mabuti na lang at may natataguan akong puno. Pero teka, anong gagawin niya dun? Ang mabuti pa silipin ko na lang.
Lumapit ako sa may gate at sumilip sa isang parte nito na walang nakaharang. Nakatalikod siya at naka upo sa isang pahabang upuan sa harap ng mga anthurium at bromeliads na nakatanim doon. Oh? Di ko napansin may hawak siyang gitara. Nanatili lang akong nakatitig dito habang sinisimulan niya ang paghagod sa gitara.
*Hiling: by Silent Sanctuary*
–
Minsan di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa t'wing nag iisa
Ano na kayang balita sa iyo
Naiisip no rin kaya ako?
–
Infairness ang ganda pala ng boses ng niya.
–
Simula ng ikaw ay mawala
Wala ng dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko nang tinatago
Hinahanap ka parin ng aking puso
Parang kulang na kapag ika'y wala
–
Biglang nag c***k na yung boses niya sa part na 'to. Teka naiiyak ba siya?
–
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihihiling kahit dumilim na ang aking daan
Na tatahakin patungo
–
Ramdam na ramdam ko yung lungkot at sakit sa bawat linyang kinakanta nya.
–
Ala-ala mong tinangay na ng hangin
Sa langit ko na lamang ba yayakapin?
Nasan kana kaya
Aasa ba sa wala
–
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago muling kumanta. Lalong nabasag ang boses nito at sa puntong iyon alam kong umiiyak na siya.
–
At hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Ihihiling kahit dumilim na ang aking
daan na tatahakin
Patungo sa iyo
–
Saglit siyang huminto at nagpunas ng luha. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ramdam ko ang bigat na kaniyang dinadala.
–
Ipipikit ko ang aking mata
Dahil nais ka lamang mahagkan
Nais ka lamang masilayan
Kahit alam kong tapos
Kahit alam kong wala ka na....
–
Hindi nito tinapos ang pagkanta. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Brokenhearted ba siya? Paalis na sana ako kaso napansin kong muli siyang nagpunas ng luha at nagpakawala ng malalim na hinga. And then I found myself na naglalakad na palapit sa kanya. Gawd! Nakapasok na pala ako kanina habang kumakanta siya. Dahan dahan akong tumalikod at akmang aalis na, pero bigla niyang hinawakan ang wrist ko at mabilis na iniharap. s**t patay ako!
"S-sorry." mahinang sabi ko sabay abot ng panyo ko
Tinitigan niya lang yung panyo, nakikita kong lumalabas ang sungay niya. Swear nakikita ko talaga.
"Ikaw na naman?" iritableng tanong niya
"Sorry. Eh napadaan lang ako, tapos nademonyo tong paa ko. Di ko nga namalayan nandito na pala ako sa loob."
Anong klaseng palusot yan Kila?
Padabog niya akong binitiwan tapos ay tumalikod na siya.
"Get the hell out of here, now!"
"Okay, okay. Pero teka bat ka ba umiiyak?"
Bigla siyang humarap, and s**t tatlo na yung sungay niya.
Napaatras ako baka kasi dito niya ako ibaon ng buhay. "Sige aalis na. Iwan ko na lang to dito ah." sabi ko pa at mabilis na inilapag ang panyo sa upuan
Why I am doing this?
Nagmartsa na ako palabas at bago tuluyang lumisan sa lugar na iyon ay muli akong lumingon sa kaniya. Grabe, ang sama parin ng tingin nito sakin, kaya naman nginitian ko siya ng pagkalapad lapad.
"Jix, Ang ganda ng boses mo!" sigaw ko sabay karipas ng takbo
It feels like I am running for my life. s**t Kila, napaka-bwisit mo talaga. Ano ba kase talagang pinagdadaanan niya? Hays! Bat ba nagiging pakielamera ako. Tiningnan ko ang oras sa relo ko, wtf Im 30 mins. late. Mabuti na lang at wala si Ms. Dela Cruz noong dumating ako.
"Tss! What an attitude?" parinig sakin ni Yvette noong makaupo ako
Nginitian ko lang siya at di ko na pinatulan pa.
"Why are you late?" tanong sakin ni Kurt na nasa likuran ko
"Tinanghali ng gising." maikling tugon ko
Nagkibit lang ng balikat si Kurt, at itinuon ko na rin ang atensyon ko sa isinusulat nila na nasa tv.
"Bakit ba late ka? Akala namin di kana papasok. Di mabubuo araw ko pag wala ka." sabi sakin ni Kian na halata namang nambubuwisit lang
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Di talaga buo ang araw mo hanggat di mo nasisira ang araw ko. Mukha kang patatas."
Agad naman siyang pinagtawanan nina Ranz liban kay Do Hyun na abala sa pagbabasa.
"Makatawa akala mo naman ang gagwapo. Tsk!" baling niya kina Ranz
Jusko napaka-isip bata talaga.
"Excuse me, saksi ang daang libong followers ko kung gaano ako kagwapo." pagbibida ni Miel
"Sapat na naman sigurong ebidensya ang mga babaeng nagkakandarapa sakin, sa kung gaano kataas ang level ng kagwapuhan ko." sabi naman ni Rye
Seryoso? Pinapatulan nila ang pagka-isip bata ni Kian? Sabagay ako din pala.
"Ano ba para kayong mga bata. Alam niyo ang tunay na gwapo, ay yung lalaking masipag mag aral." sabi ko naman at bumaling kay Hyun
"Ow! Magrereview pa nga pala ako." sabi ni Kian sabay dampot sa notebook niya
"San na ba yung notes ko?" tanong naman ni Miel
"Uyy Kurt pahiram ngang book may babasahin lang ako." sabi naman ni Rye
Natawa na lang kami nina Ranz sa mga kalokohan nila.
***
"Hi ma?" bati ko kay mama noong makauwi ako
"Oh? Kila baby, how's your school? Ang aga mo yatang umuwi?"
"Okay naman po Ma. Wala kasi yung last teacher namin kaya maaga ang dismissal. Aalis ka?" tanong ko noong mapansin na nakabihis siya
"Yeah. Mago-grocery lang ako. Saka dadaan na din ako sa boutique."
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Okay ma. I'll go upstairs na."
Muli akong humalik sa pisngi nya at nagsimula nang umakyat, pero bigla nya akong tinawag kaya naman agad akong napalingon.
"Why don't you invite your friends for a dinner? Para naman makilala namin sila ng papa mo." nakangiting sabi niya
Nanlaki ang mga mata ko. "Sigurado ka Ma? Makukulit yun e."
Mag iimbita ako ng stress? Nonono!
Napangisi si mama. "Oo naman anak. Papuntahin mo sila ha." dagdag niya pa
Tumango na lang ako. Okay na rin siguro yun.
Pagkatapos kong magbihis ay agad kong dinampot ang cellphone ko at tinawagan si Ranz.
"Hello?" bungad nito
"Hello Ranz?
"Oh Kila? Napatawag ka? Miss mo na ako agad?" aba nang aasar ka din ah!
"Sira. Tatanong ko lang kung pwede ka mamaya? I mean kayo. Iniinvite kase kayo ni mama ng dinner."
"Ahhh. I thought you were asking me for a date. Pwede ako mamaya, hayaan mo tatanungin ko sila. Pag hindi pwede, pipilitin ko." pabirong tugon niya
"Date my ass! Sige na. Asahan ko kayong lahat mamaya. Bye."
"Wait. Di namin alam bahay mo."
"Oo nga pala. I'll send you the address."
"Okay, bye."
It was around 6pm nakahanda na ang pagkain at nandito na rin si papa.
"Mukhang andyan na po sila." sabi ng isa sa mga kasambahay namin
"Okay. Ako na pupunta."
Agad na akong lumabas at nakita kong kinakausap sila ng guard namin. Kumpleto sila, kumpletong sakit sa ulo. Agad namang nagawi ang mata ko sa tatlong convertible cars sa harap ko. Whoaaa! Apaka-yayabang naman nito.
"Good evening." bati nila sa 'kin
"Good evening. Whoa! Kanino ba itong mga gwapong kotse na 'to?"
Im really a fan of fancy cars.
Napa-ismid si Rye. "Akala ko naman kami na ang sinasabi mong gwapo. Saming tatlo nila Kurt at Ranz yan. Teka, yan din ang dinadala namin sa AMU ah."
"Di ko napapansin e. Kanino yung nasa gitna, sobrang angas."
Sobrang napukaw kasi ang atensiyon ko noong matte black na kotse.
"Sa 'kin." sagot ni Kurt, "Mukhang maganda ang taste mo sa kotse ah."
Nag apir pa kaming dalawa. Mula ngayon favorite friend na kita Kurty boi.
"Ano? Wala ka na bang balak papasukin kami?" Nakabusangot na epal ni Kian.
"Wala ka lang kotse e." pang aasar ko sa kaniya
Agad naman siyang nagmake-face. "May kotse ako di ko lang dinala, hayaan mo bukas sasagasaan kita."
Ibang klase talaga magbiro 'to. Dark humor.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Hoy! Nandito ka sa teritoryo ko, pati kayo. Kaya dapat magbehave kayo sa harap ng parents ko, dahil kung hindi uuwi kayong paa na lang."
Nagsitango naman sila. Good.
Pumasok na nga kami sa loob, agad silang bumati at nagpakilala kina mama at papa. Kala mong ang titino, sus! Naupo na kami at nagsimula na ring kumain. Mukhang pasado naman sila sa mga magulang ko.
"Pinagkakatiwalaan ko kayong anim. Ingatan nyo ang prinsesa ko ha. Lapitin ng gulo yan kaya lagi niyong bantayan. Be a kuya to her ha! KUYA, hindi boyfriend." ma-otoridad na sabi ni papa at agad namang sumang ayon ang mga mokong. Tsk!
"Pa naman e. Boyfriend daw? Tsk!"
Bakit naman ako pupulot ng bato na ipupokpok sa ulo ko.
"Oo nga Hon, ano naman kung maging boyfriend ni Akila ang isa sa kanila. Lahat naman sila gwapo at mabait." sabi naman ni mama
Akala ko kakampihan niya na ako, mang aasar din pala.
"Maaaa!" pagkontra ko sa kaniya nakita ko naman ang mga ngiti ng mga mokong
"Oh siya kain pa, ang mahuling matapos siya ang manliligaw sa anak ko." pabirong sabi pa ni papa
Halos magsalubong na ang kilay ko. Wow! Pinagtutulungan nila ako sa sarili kong bahay. Ang galeng.
Nagpatuloy ang kwentuhan at pangbu-bwisit nila sa akin. Sabi na e masama kutob ko sa dinner na 'to. Tsk
"Tito, Tita salamat po ulit sa pag imbita. Napaka-sarap po ng luto niyo. "pagpapaalam ni Rye
Napangiti naman si mama, kayang kaya talaga siyang utuin ng mga mokong na 'to.
"Oo nga po. Ang sarap po ng luto niyo tita. Ang swerte po ni Kila sa inyo. Sa inyo din po tito."
Sige Miel bolahin mo pa sila.
"Sana po may next time pa." sabi naman ni Kian
Mabilis akong napabaling dito. "Asa ka! This is the first and last time."
Pinanliitan naman ako ng mata ni mama. "Pwede kayong bumisita anytime you want."
"No!" protesta ko
"Si tita na ang nagsabi. Bleeeeh!"
Yari ka sa 'king Kian ka at nagagawa niya talaga akong bwisitin sa harap ng magulang ko? Ibang klase.
"Salamat po ulit tito, tita uuwi na po kami." malambing na sabi ni Hyun
"Welcome mga anak ko sa labas. Balik kayo ha."
Mukhang mas gusto na sila kaysa sa akin. Sige Ma, salamat na lang sa lahat.
"Thankyou po mommy namin sa labas." sagot pa ni Kian
Ays! Pabida.
"Sige na tama na yan. Kila ihatid mo na ang mga KUYA mo sa labas." diniinan pa ni papa ang word na kuya bilang pang aasar
Wow! Clark game na game mang asar ah.
"Paaaaaaa!"
Pinagtawanan pa nila ako kaya naman pinagtutulak ko na sila palabas.
"Ang bait ng parents mo Kila. Mukhang may bago na kaming tatambayan bukod sa bahay ni Kurt."
Agad tumalim ang tingin ko sa sinabi ni Ranz.
"Oo nga e ang bait nila. Sa sobrang bait nila, nabully ako sa sarili kong pamamahay. At gaya nga nang sabi ko kanina, this is the first and last. Kaya wag na kayong umasa pang mauulit to. Nako pinasasakit nyo ulo ko."
Tatawa tawa lang sila sa akin. Kay sarap pagbibirahin hmp.
Pakiramdam ko allergic na talaga ako sa kanila.
"Sorry ka mommy mo na mismo nagsabi na welcome kami dito. Bleeeeh" binilatan pa ako ni Rye
Isip bata.
"Kala kina-cute niya yung pagdila. Aish! Goodnight Kila thank you ulit."
Agad naman akong napangiti sa sinabi ni Hyun. Binigyan niya pa ng disgusted look si Rye kaya mas lalo akong natuwa.
"Goodnight Do Hyun." nakangiting sabi ko sa kaniya
Nagsitabang naman ang mga mukha ng ibang epal.
"Sa kaniya lang?" nagpout pa si Kian
Napaka-pangit!
"Hays! Goodnight Kian, Goodnight Ranz, Goodnight Rye, Goodnight Miel, Goodnight Kurt. Happy na?" naiinis na sabi ko
Ano may reklamo pa?
"E bakit huli ako?" protesta ni Kurt
"Oo nga bat ba si Kian ang una?" dagdag pa ni Ryker
Napasapo na lang ako sa noo ko. Inirapan ko sila at saka ko sila tinalikuran. Napipikon na talaga ako.
"Goodnight Kila." sabay sabay na sabi nila
Napaharap naman ako sa kanila, at huling huli ko na pinagtatawanan nila ako.
"Alis na!" pagtataboy ko
Nagtawanan pa sila bago magsipasok sa sasakyan. Hindi ko na hinintay na makaalis sila. Bahala sila diyan. Kanina pa ako napipikon sa kanila.
Bakit ba kasi pumulot ako ng anim na bato para ipukpok sa ulo ko. Tsk!