Fansclub
Maaga akong nagising dahil ayokong makasabay si papa sa breakfast o sa pagpasok. Ngunit pagbaba ko ay naabutan ko na siyang nag aalmusal.
"Oh baby? Ang aga mo yata? Halika sabayan mo na ang papa mo." sabi sakin ni mama habang si papa naman ay tuloy lang sa pagkain
"Sa school na lang po, may kailangan pa po akong tapusin na activity." sagot ko. "Magpapahatid na po ako sa driver." dagdag ko pa at iniwan ko na sila
"Kila!" tawag sakin ni mama, "Alam kong nagtatampo ka sa papa mo, but you know hindi naman sinasadya ng papa mo ang mga nasabi niya."
Ngumiti na lang ako at humalik sa pisngi nito saka sumakay sa kotse.
Para akong lantang gulay na naglalakad papunta sa aming classroom kaya naman pagkadating doon ay agad akong nagpangalumbaba sa aking desk.
"Kila are you okay?" tanong sa 'kin ng kararating pa lang na si Hyun
"Yeah, Nagbreakfast kana ba? Tara sa cafeteria." sabi ko at tumayo na hindi man lang hinintay ang sagot niya
Tumango lang ito at pinauna ako sa paglalakad, ngunit bago pa man ako makalabas ay dumating sina Yvette at Vernice, nakita ko ang band aid sa kanilang tuhod at siko. Napa-buntong hininga na lang ako. Here we go again....
"Akala mo tapos na ako sayo? You've just got lucky yesterday. Babawi ako." bungad ni Yvette pero tiningnan ko lang siya ng walang emosyon
"Pwede mo bang ipagpa-bukas yang kaartehan mo? As you can see di maganda ang gising ko." sabi ko at akmang lalakad palabas ngunit humarang sya sa pinto
"No!" mariing sabi nito
"Yvette!" sigaw ng kararating pa lang na si Ranz kasama sina Miel at Rye
"Hindi ba't binigyan ka na ng warning ni Ms. Delacruz? Tigilan mo na si Kila." sabi pa nito at lumapit sakin
"Tigilan?! Tingnan mo nga kung anong ginawa sa 'min ng babaeng yan." Pinakita pa nito ang mga band aid nila. Agad namang nanlaki ang mata ng mga kaibigan ko habang ang ibang nakiki-usyoso doon ay panay ang bulungan.
"Nag sakitan ba kayo?" naguguluhang tanong ni Rye
At mas lalo pang dumami ang nakiki-chismis noong dumating sina Maureen at Natalia na gaya nila Yvette ay may band aid din sa katawan.
"Sya ang may gawa sa amin nito. Siguro miyembro ka ng gang 'no?!" sigaw sakin ni Vernice.
Bahagya akong tumawa sa sinabi nito. Gang? "Hindi ba kayo nahihiya? Apat kayong nag abang sakin tapos ngayon parang kasalanan ko pa ang mga natamo nyo. Ipaaalala ko lang ulit ah, apat kayo at mag isa lang ako. Alam niyo ibig sabihin nun?" huminto ako at humakbang palapit sa kanila napaatras naman sina Vernice pero nanatili si Yvette. "Mahihina lang ang kaya niyo!" mariing sabi ko kay Yvette at saka ako ngumisi. Mukhang nalunok nito ang kanyang dila kaya naman binangga ko pa sya para makalabas ako sa silid na iyon.
Nakita ko ang dami ng mga nakiki-usyoso doon lahat sila ay naiilang na titigan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa cafeteria, doon ko lang napagtanto na nasa likod ko pala ang mga kaibigan ko.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Rye. Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko naubos ang pagkain ko kagabi at di rin ako nagbreakfast gutom na tala-
"Kila!" nabitawan ko ang kubyertos ko noong singhalan ako ni Rye kaya naman agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Bakit kasi nag skateboard ka pa pauwi, ayan tuloy." sabi ni Ranz at napabaling naman sila dito
"Skateboard?" ulit pa ni Miel
"Hays! Kaya naman pala. Ano ba naman kasi yang trip mo ha? Napapahamak ka tuloy." sermon pa ni Rye.
Binalingan ko ito sabay ngisi. "Napahamak? Di naman ah. Wala nga akong galos oh." sabi ko pa at pinakita ang braso ko sa kanila. Mabuti na lang at di bumaon ang kuko ni Yvette nung kalmutin niya ako. Tsk! Pusa ba siya?
"Teka pano mo ba nagawa yun? Gangster ka ba talaga?" tanong ni Miel at muntik pa akong masamid sa kaniya
"Gangster my ass! Sadyang kaya ko lang ipagtanggol ang sarili ko. Let's just say na marunong ako ng kaunting martial arts." sagot ko at mukhang napahanga naman ito. "Wow! Talagang idol na kita." sabi pa niya
"Pero kahit na, hindi parin tama na nakikipag sakitan ka." sabi naman ni Ranz at muling bumalik sa isip ko ang pagluha ni Yvette.
Huminga ako ng malalim. "Yeah. Di ko rin naman gusto yun. I just had no choice kundi ang ipagtanggol ang sarili ko." nakayukong sabi ko
"Hays! Don't feel bad about it. They just got what they deserved. Ito naman kasing si Ranz, kinokonsensya pa si Kila e." sabi pa ni Rye at tinapik ako sa balikat. Nginitian ko na lang sila at nagpatuloy sa pagkain.
"Asan nga pala yung dalawa?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik sa classrooom. "Si Kian nagpadala ng pekeng medcert, di daw niya kayang mag ika-ika ng isang linggo." sagot ni Ranz
"Kawawa naman yung mokong na yun."
"Anong kawawa? Tuwang tuwa pa nga e saka wag ka mag alala di maiiwan sa lesson yun andiyan naman si koryano. Diba? sabi pa ni Rye at tumango naman si Hyun.
"Si Kurt?" tanong ko pa
"Natutulog pa noong iniwan ko, mukhang nasobrahan na naman sa alak." sagot ni Hyun
"Sa room 6 ba natulog si gago?" tanong ni Rye at umiling naman si Hyun
"Anong room 6? Di ko kayo maintindihan." naguguluhang tanong ko
"Ah basta sa sabado maiintindihan mo na yung sinasabi namin." sagot sakin ni Ranz at nagkibit balikat na lang ako
"Siya nga pala class, diba next month na yung search for the next Mr. & Ms. AMU senior high. Pag usapan niyo na kung sino ang inyong representative. Sa monday kailangan ko na ng pangalan okay." sabi ni Ms. Delacruz bago niya kami iwan
"So? Who's it gonna be?" tanong ni Yvette pagkalabas ni ma'am
"Nagtanong ka pa, as if naman papayag kang hindi ikaw ang representative."nakadukdok sa desk na sagot ni Rye
"Exactly. What Im asking is sino ang gusto sumali for Mr. AMU? Ranz?" baling nito kay Ranz at ngumiti pa. Kung makaasta parang walang nangyare kanina. Tsk! She's unbelievable.
"Huh? Ayoko si Miel na lang." mabilis na pagtanggi nito
"Bat ako? Ayan si Ryker." sabi nito
Napabangon naman sa pagkakadukdok si Rye. "Hays! Dinadamay niyo pa ako sa kalokohan niyo. Malay ko sa pageant na yan, mag iinom na lang ako kaysa maka-partner yang si Yvette. Pagkatapos mong awayin si Kila. Tsk!" umirap pa ito kay Yvette. Hindi ko tuloy mapigilang matawa sa mga huling sinabi nito para siyang bata na pinagtatanggol ang kalaro niya. Padabog na naupo si Yvette dahil wala naman siyang nakuhang matinong sagot.
"Tara nasa restaurant daw si Kian. Kila sumama ka ah." sabi ni Ranz nung matapos ang last period namin sa umaga. Tumango naman ako sa kaniya at nag umpisa na kaming maglakad palabas. Si Miel ay nakisabay na lang sa isa naming kaklase na papunta rin sa restau, dahil nga sa dalawa lang ang capacity ng sasakyan nina Rye at Ranz.
"Did yah miss me?" bungad sakin ni Kian
"No! I dont." sabi ko at tinaasan ko pa siya ng kilay. "Sungit." bulong pa niya.
Naupo na kami at umorder para sa lunch.
"Kian alam mo sayang wala ka, ang tindi ng nangyari kay Kila at sa grupo ni Yvette." pagbibida ni Rye
"Alam ko. Viral nga e napanuod ko." simpleng sagot ni Kian na ikinagulat ko naman
"Huh? s**t! Seryoso ka ba? San mo napanood? Patingin nga?" sunod sunod na tanong ko at lumapit pa ako sa kaniya, pero bigla na lang itong tumawa. Tsk!
"Joke. Ano ba nangyare?" natatawang sabi pa niya. Agad ko naman siyang binatukan. Kinabahan ako dun ah.
"Kahapon kasi inabangan ng grupo ni Yvette itong si Kila, tapos ayon nagpang abot sila. Itong idol ko wala man lang natamong galos pero ang grupo ni Yvette, ayun ang daming band aid sa katawan. Tapos ipinahiya niya pa kanina sa Room si Yvette." may aksiyon pa si Miel habang pinapaliwanag nito ang nangyare
Tiningnan naman ako ni Kian at di ko mabasa ang expression niya.
"Sanggano ka ba?" tanong nito
"Eh kung totohanin ko kaya yang pilay mo?" sabi ko sa kaniya at nag ngiting aso naman siya. "Joke lang e." sabi niya pa.
Nahinto lang ang asaran namin noong dumating na ang order naming pagkain.
"Ano palang plano mo sa loob ng isang linggo?" tanong ni Ranz kay Kian
"Tutulong na lang ako kay tita Mara, galing na ako dun kanina." sagot nito at napakunot naman si Hyun
"Anong tulong naman maibibigay mo kay mommy? Papasakitin mo lang ulo nun e." salubong ang kilay na sabi ni Hyun
"Rye tingnan mo nga itong si bunso nagagalit sakin oh." sabi ni Kian na akala mo batang nagsusumbong
"Bunso, wag ganyan kay kuya." malambing ang boses ni Rye at tinapik pa nito ang balikat ni Hyun kaya mas lalong kumunot ang noo niya. Natawa naman ako sa kalokohan ng nito, ang galing mang inis.
"Huy! Tigilan niyo nga si Hyun." saway ni Ranz at naghagikhikan naman yung dalawa
"Wag ka mag alala Hyun, magtatrabaho ako ng maayos sa bar niyo." sabi pa ni Kian. Nag make face lang dito si Hyun at nagpatuloy na kami sa pagkain.
"Kian!" tawag ni Kit na kaklase namin kung saan nakisakay si Miel kanina. "Di naman pala totoong may pilay ka." dagdag pa nito
"Bakit magsusumbong ka? Gusto mo ipabugbog kita kay Kila para ikaw ang mapilayan?" sabi ni Kian at napakamot naman ito ng ulo saka umalis
"Napaka-isip bata mo talaga!" sabi ko pero binelatan nya lang ako. Isip bata nga eh!
Pagakatapos kumain ay tuloy parin sa pag aasaran sina Hyun at Kian. Natutuwa naman akong pagmasdan ang mga ito para silang bata..
"Alam nyo ang cute niyong dalawa pag nag aasaran." sabi ko at napahinto naman sila
"Sila lang?" nagpout pa si Ranz
"Ako hindi? Cute naman ako sabi ng mga followers ko ah." nagpuppy eyes pa si Miel
"Mas cute kaya ako sabi ng mga girlfriend ko." dagdag pa ni Rye
Napasapo naman ako sa ulo ko. Bakit ba nagiging isip bata sila? Mukhang nakakahawa talaga ang pagka isip bata nito ni Kian. "Di ba kayo nasasabihan ng compliment sa bahay niyo? Oo na cute na kayong lahat? Nai-stress ako sa inyo." naiiritang sabi ko habang ngingiti ngiti naman sila
"Yun naman pala e. Pero sino talaga pinaka-cute sa 'min? Ako 'no?" sabi pa ni Kian
Tumayo ako at saka ko sila tiningnan ng masama bago maglakad palabas.
"Kila mainit dun, dito ka na lang kasama ang mga cute." sigaw pa ni Kian. Agad ko itong hinarap at nakita kong nagtatawanan sila, kaya naman bingyan ko sila ng isang dirty finger saka umalis.
"Hala gago pinakyuhan tayo." narinig ko pang sabi ni Rye at saka muli silang nagtawanan
Habang pinapakalma ko ang sarili ko dahil sa pikon sa mga mokong na yun ay may dalawang lalaking lumapit sakin. Nagtatanong lang pala ng direksyon...
"Kila?!" narinig kong tawag ni Ranz kaya naman lumapit ako sa kanila. Kalmado na ako. Kalmado na. "Sino yun?" tanong nya
"Ahh wala nagtatanong lang ng direksyon." sagot ko at tumango naman siya
"Kala ko nagrereport kana sa sindikato mo." sabat ni Rye na mabilis kong tinapunan ng masamang tingin
"Pag di ka tumigil sa kaka-sindikato mo, ipapadukot talaga kita." sabi ko at napahawak naman ito sa bibig nya "Let's go Ranz, naistress na naman ako." sabi ko pa sabay tingin kay Kian
Ngumiti ito ng malapad sa akin. "Bye Kila. Wag mo'ko mamimiss ah." inirapan ko lang ito at sumakay na ako sa kotse ni Ranz.
Nagsisakay na din sina Rye at Hyun, habang si Miel naman ay ihahatid na lang daw ni Kian. Tsk! Ibang klase.
"Is there something wrong?" tanong ni Ranz at umiling naman ako. "Kanina ka pa tahimik diyan." dagdag pa niya
"May iniisip lang," maikling tugon ko
"Nandito lang ako kung gusto mong magkwento okay?" sabi pa niya at ngumiti naman ako.
Infairness kahit may pagka bwisit itong mga mokong na 'to nagagawa nila akong pasayahin at saglit na burahin sa isip ang tampo ko kay papa.
Pagdating namin sa parking area ay naghihintay na doon sina Rye at Hyun. Pagkalabas namin ay nagulat kami sa grupo ng mga kababaihan na sumalubong sa amin.
"What's going on?" takang tanong ni Hyun. Wala naman sa amin ang sumagot dahil pare-pareho naman kaming walang ideya sa nangyayare.
Lumapit sakin ang isang babaeng maputi na may kaliitan. "Hi? Ikaw ba si Akila?" tanong niya and I nodded. "Gusto lang namin magpasalamat sa ginawa mo kina Yvette. Natutuwa kami dahil meron na din siyang katapat sa school na 'to." dagdag pa niya at mukhang naiintindihan ko na ang nagyayari
"Oo. Hanga kami sa 'yo kaya naman nagtayo kami ng fansclub mo." sabi naman ng isa pang babae
Agad napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Ha?! Fansclub? Nagpapatawa ba kayo?" tanong ko pa pero mukhang seryoso ang ang mukha nila
"Hindi. Seryoso kami. Su-suportahan ka namin laban sa witch na yun. Ang pangalan nga pala ng club ay Kila's Angel. Okay lang ba yun?" narinig ko namang naghagikhikan ang mga kaibigan ko noong marinig ang sinasabi nilang pangalan ng club
"Hindi ko kailangan ng fansclub o yung paghanga niyo. At isa pa ginawa ko lang yun para ipagtanggol ang sarili ko, wala akong plano na maging hero o tigapag-tanggol niyo. At kung talagang hinahangaan niyo ako, I suggest na pag aralan niyong protektahan ang inyong mga sarili. Dahil wala magagawa yang paghanga niyo. Okay?" nakita ko naman ang pagka-dismaya sa mukha ng babae pero tumango parin siya sa mga sinabi ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Itutuloy parin namin ang pagbuo sa fansclub mo!" sigaw nung babae. Lumingon ako, "Whatever." sabi ko at ngumiti
"Ayos ah, may fansclub kana rin." nakangiting si Hyun
"I-aknowledge mo na sila Kila. Masaya kaya yun." dagdag pa ni Ranz
"Bakit may fansclub din ba kayo?" tanong ko at nagsi-tango naman sila. Tsk! Anong kababawan naman yan.
"Oo. Ang Ryker's Babes, ang baduy lang kase ng pangalan dahil si Rye ang nag suhestiyon." sabi naman ni Hyun
Natawa naman ako sa pangalan ng fansclub nila. "Edi kay Rye lang pa lang fansclub yun?" tanong ko
"Nope! Sadyang 90% lang talaga ng nandoon ay sakin may gusto kaya dapat lang na pangalan ko ang gamitin sa fansclub na yun." agad na umasim naman ang mukha nung dalawa
"Ewan ko sayo! Saka bahala sila kung anong gusto nila gawin sa fansclub na yan. Sige na mauna na kayo sa room, dadaan lang akong CR." sabi ko pa at iniwan ko na sila
Habang naglalakad patungong comfort room ay may dalawang babae na humarang sa akin. At base sa kanilang uniform ay isa silang college student. Ano na naman ba?
"Are you Akila?" tanong nung babaeng full packed ang make up
"Yeah."
"Sumama ka samin may gustong kumausap sayo." sabi pa nito at akmang hahawakan ako sa braso pero umiwas ako
"Teka, balak niyo ba akong kaladkarin? Marunong ako maglakad saka pwede hayaan niyo muna akong mag cr?" nagtinginan pa sila bago tumango sakin
Sinamahan pa nila ako sa loob, ano bang kala nila tatakas ako.
"Let's go?" taas kilay na sabi nila
Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Gulo na naman ba 'to? Huminto kami sa isang espasyo sa pagitan ng bsba at gr. 11 building. At doon ay may nag hihintay na tatlo pang mga babae.
"Siya na ba yun?" tanong nung babaeng may katangkaran, at sa aura nito ay mahahalata mo ng siya ang lider ng grupo
"Pwede bang pakibilisan? May 10 minutes na lang ako." sabi ko pa sabay pakita ng wrist watch ko sa kanila
Mukhang nayabangan yata siya sa asta kaya biglang umasim ang mukha nito. "Nabalitaan ko kase ang ginawa mo kay Yvette at sa grupo niya." sabi nito at lumapit pa sakin.
Napa-smirk ako, "Ahhhh. So nagsumbong ba sa 'yo si Yvette? Kaaway na din ba kita ngayon?" Agad naman syang napatawa sa sinabi ko.
"You've got it wrong my dear. The truth is, I'm happy with what you've done to her. And because of that, I'll give you a round of applause." sabi pa nito habang pinapalakpakan ako. "Girls sabayan nyo 'ko." dagdag pa nito at pumalakpak din sila. Tsk! Ano ba ako kalapati ha?
"C'mon wag na tayong maglokohan. Ano ba talagang dahilan at nandito ako?" tanong ko at agad naman silang nahinto. Biglang sumeryoso ang mukha nung babae at tinitigan ako mata sa mata.
"Simple lang. Sundin mo lang ang mga ipapagawa ko sayo laban kay Yvette. I just want her out of this University. You hated her and I hate her whole existence. What do you think?" paliwanag nito. Di ko mapigilan ang tawa ko sa mga sinabi niya. "W-what's funny?" nagtatakang tanong nito
"Let me make it clear to you,hmm. I don't hate her, kung nagawa ko man na saktan siya yun ay dahil kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko. I'm sorry to dissapoint you pero mukhang maling tao ang nilapitan mo." sabi ko at nag smirk pa
"Ibang klase ka nga talaga Kila. Hindi mo ba kilala kung sino ak-"
"Sad to say pero di ako interesado kung sino ka. Mukhang di naman tayo magkakasundo. I should get going. Bye." pagputol ko sa pagsasalita niya. Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti at saka ko ito tinalikuran. "How could you hate someones existence? Aish!" tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa saka nag smirk. Hindi naman maipaliwanag ang expression sa kanilang mga muka. Bakit ba panay smirk ko? Tsk!
"San ka galing? Bat ang tagal mo?" tanong sakin ni Ranz
"Wala may kumausap lang sakin."
"Sino?" tanong pa ni Miel
"Di ko inalam e. Pero base sa uniporme mukhang college student na siya." nilakasan ko pa ang boses ko sabay tingin kay Yvette. Agad namang rumehisto ang pagkabigla sa kaniyang mga mata. "Di naman mahalaga yung mga pinag usapan namin." dagdag ko pa at nagkibit na lang sila ng balikat.
Kasalukuyan akong nanonod ng WWE sa kwarto ko, noong kumatok ang isa naming kasambahay. Nagpaakyat akong pagkain kahit alas sais pa lang, dahil ayokong makasabay sa pagkain si papa. Nagtatampo ako sa kaniya and the same time nagi-guilty din ako dahil alam ko na may nagawa akong kasalanan. Teka, bakit ba ako nanunuod ng wrestling? Tsk!
Tapos na akong kumain, nabo-bored na din ako sa wrestling. Ano ng gagawin ko? Nandito na kaya si papa? Hays! Bakit ba ako nagtatago?
"Kila baby?" boses ni mama yun ah
"Ma?" nakita ko namang umikot ang doorknob ko
Pagbukas ng pintuan ay hindi ko inaasahang kasama niya pala si papa.
"Hija pwede ba tayong mag usap?" tanong ni papa sakin, tumango na lang ako. Wala naman akong choice nandito na siya e. Iniwan na kami ni mama para makapag usap ng maayos.
"Alam kong nagtatampo ka sakin dahil sa mga nasabi ko kagabi." yumuko lang ako "I- Im sorry anak, gusto lang kitang protektahan. I just want the best for you..." sabi pa niya at hinawakan ang kamay ko
Tiningnan ko naman siya at bahagyang ngumiti "Wag po kayong mag alala Pa, hindi na po mauulit ang mga pagkakamali ko noon." mukhang na-guilty naman siya sa sinabi ko
Nagbuntong hininga pa siya. "I know Hija. Ako lang talaga itong praning mag isip. Sorry na, pinapatawad mo na ba si papa?" nag pout pa siya sa 'kin kaya naman di ko mapigilang mapangiti
"Yah Pa, wag ka ng magpa-cute diyan. Nakaka-kilabot kayo. Apology accepted na po." sabi ko at ngumiti, ganun din ang ginawa niya at saka ako niyakap
"Good night baby." agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Aish! Wag niyo nga po akong tinatawag na baby." nanunulis ang nguso na sabi ko
Pinagtawanan niya naman ako at saka hinalikan sa noo. "Goodnight aking dalaga." sabi pa nito bago tuluyang lumabas
Sawakas maayos na kami ni Papa, makakatulog na ako ng maayos. Pero medyo guilty parin talaga ako. Hayaan ko na, friendly match lang naman yun. Goodnight universe.....