Good time
"Good morning ma." bati ko kay mama
Tumulis naman ang nguso niya. "Good morning ka diyan. Alas onse na oh, ano na naman pinagkapuyatan mo kagabi?"
"Yaan mo na Ma sabado naman ngayon e." sagot ko, "Ma, aalis nga pala ako mamaya. Inimbita ako ni Hyun sa bar nila."
Natigil ito sa pinagkaka-abalahan niya. "Bar?! Ha? Akila Cayne?!" naniningkit pa ang mata niya
Luh? Ang react naman.
"Ma hindi naman ako mag iinom."
"Ikaw hindi, pero yung mga kasama mo?"
Tumabi ako dito at niyakap ko ang kaniyang braso. "I can manage Ma, saka nakilala niyo na ang mga kaibigan ko. Wala ka bang tiwala sa kanila? Sakin?" nagpout pa ako sa kaniya
Napairap pa ito sa gawi ko.
"Oo na. Anong oras ka ba aalis at uuwi?"
"Mamaya pong 5pm. Tapos uuwi ako mga 9:30 po."
"9:30 ka dyan?! 8:30." Nanlalaki ang mata niya.
"8:40?"
Baka sakaling makalusot.
"Akila Cayne!" bulyaw ni Mama
Baka lang naman makalusot e.
Tinawanan ko siya, "Opo sabi ko nga 8:30."
"Sige na tapusin mo na yang pagkain mo. May lakad ako kaya wag mo na akong hanapin mamaya."
Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"Nay, wag niyo na po ako tawagin para sa lunch. Bababa na lang ako pag gusto kong kumain." bilin ko kay Nay Andi
Habang naglalakad paakyat ay nagring naman ang cellphone na hawak ko. It was Do Hyun.
"Hello?"
"Hey Kila, you're coming right?"
"Yeah, Ofcourse."
"Good. Okay I'll hang up na tinanong ko lang. Bye see yah later."
"Bye, bunso."
Pagkarating sa kwarto ay binuksan ko agad ang tv ko para ipagpatuloy ang pinapanuod ko. Pero wala pang kalahating oras ng panonood ay nalalaglag na naman ang mata ko. I turn off the tv at naglakad na papunta sa kama ko at pabagsak na humiga.
Nagising ako 3:50 ng hapon, sobrang sakit ng ulo ko. Nagpahinga akong saglit para kumalma ang sakit ng ulo at saka ako bumaba para kumain. Napaka-boring naman ng sabado ko.
Nagpahanda ako ng makakain kay Nay Andi, may lakad nga pala ako mamaya.
Matapos kumain ay umakyat na ako ulit sa kwartopara maligo at makapagbihis. Nagsuot lang ako kulay dilaw na loose t-shirt na ipinaloob ko sa tattered jeans at pinarisan ng puting sneakers. I put lip and cheek tint, habang ang buhok ko naman ay bahagya ko lang ikinulot at hinayaang nakalugay.
Time check, 4:55. Ready to go na ako, dinampot ko na ang bag ko at saka lumabas sa kwarto. Natanaw ko namang paakyat si Nay Andi.
"Oh hija pababa kana pala, aakyatin na sana kita. Andyan na yung kaibigan mo."
"Kian?!" bulalas ko
"Parang nagulat ka ah. Hindi ba ako ang inaasahan mo?" may panunukso pa sa boses nito
Pag minamalas ka nga naman, nasa harap ko agad ang isang major stress.
"Sira! Hindi yun 'no. Tara na nga."
Tumayo naman siya habang nakangisi parin.
"Nay, alis na po ako."
"Mag iingat ka anak." tugon nito
Tumango lang ako at naglakad na palabas kasunod ang buhay na stress.
"Kala mo si Ranz 'no?" may bahid ng panunukso na sabi niya
Tsk.
Inirapan ko na lang siya, ayokong ma-stress. Sumakay na ako sa sasakyan at ganun din ito.
"Dumiretso na kasi doon si Ranz, kaya ako na lang sumundo sa 'yo." sabi niya habang nagmamaneho
"Tinatanong ko ba? Issue ka ha." inis na sabi ko
Bahagya naman siyang natawa. Kalma Kila, no stress muna.
"Issue agad? Sinasabi ko lang naman, masyado kang defensive." panunukso pa niya
"Mag focus ka nga sa pagda-drive!"
Tinawanan lang ako ni mokong. Kakairita talaga.
Makalipas ang halos bente minutong pagmamaneho ay nakarating na din kami sa aming destinasyon. Isang 3 story building iyon, napakalaki naman para sa bar.
"Bar na 3 storey?"
Tinaasan ako ng kilay ni Kia. "Pumasok na tayo para malaman mo."
Nagsimula na siyang magmartsa papasok. Wala talagang kagentle-gentleman sa katawan 'to, ni hindi man lang ako pinauna. Sabagay ano pa ba aasahan ko sa isang Kian? Tsk!
Agad kong natanaw si Hyun sa lobby kaya binilisan ko na ang paglakad ko.
"Akila!" excited ang mukha na bungad sakin ni Hyun, "Welcome to Amara's."
Ngumiti naman ako at iginala ang mga mata. Ahhh restaurant pala, asan yung bar na sinasabi?
"Asan yung bar?"
"Nasa 2nd floor, mamaya pupunta tayo dun. But for now ipapakilala muna kita kay mommy ha." sabi pa niya at hinila ako
Wala na rin pala doon si Kian. San na napunta ang mokong na yun.
Agad kong natanaw ang mga kaibigan ko sa isang table nandoon na rin si Kian at nakikipag huntahan. Kumaway sila noong makita ako habang si Hyun naman ay tuloy ang paghila sakin papunta sa office ng mommy niya.
"My, si Kila po yung kinukwento namin sa inyo." pakilala niya sa 'kin.
"Good afternoon po Ma'am." bati ko
Tumayo naman ito at lumapit sa 'kin.
"Masyado namang pormal ang batang 'to. Just call me tita Mara okay."
Tumango ako.
"You're so pretty Kila, dali halika na roon ako mismo ang magluluto ng gusto mong kainin." sabi pa nito at lumakad na kami patungo sa table nina Ranz
"Naku, mukhang manlilibre si tita Mara ngayon ah." pabirong sabi ni Kian
"Libre ka diyan? Bakit Kila ba ang pangalan mo?"
Napakamot naman ng ulo si Kian.
"Pero sige na nga, libre na kayong lahat." nakangiting sabi ni tita
Tuwang tuwa naman ang mga mokong.
"Oh hija may napili kana ba?"
"Nahihirapan po akong pumili mukhang masarap po lahat e." nahihiyang sagot ko
"Edi piliin mo lahat." sabat naman ni Kian na agad kong sinamaan ng tingin
"Sige hija kung nahihirapan kang mamili ako na lang ang pipili para sa 'yo, okay ba yun?"
Tumango naman ako sinabi niya.
"Iwan ko muna kayo diyan, Do Hyun ikaw ng bahala riyan."
Habang hinihintay ang niluluto ni tita Mara ay nag umpisa narin kami sa pagluluto ng samgyupsal.
"Hyun diba tatlong floors 'to? Ano yung nasa pangatlo?" tanong ko
"Nako Kila yun ang favorite ni Rye." natatawang sagot ni Kurt
Mas lalo lang akong na-curious. "Ano nga?"
Ngumiti naman sa 'kin si Rye bago nagsalita. "Ganito kasi yun Kila. 1st floor restaurant, syempre kakain ka muna para may laman yung sikmura mo para pag busog kana pwede ka nang umakyat sa 2nd floor at mag inom sa bar. Diba?"
Tatango tango naman ako habang matamang nakikinig.
"Tapos pag naubos na ng bar nila Hyun ang pera mo sa kabibili ng alak at sobra na ang kalasingan mo, pwede ka nang umakyat sa 3rd floor na kung saan may mga kwarto kang pwede rentahan. Pag kasing gwapo ko ang nag check in dun, palaging may sumusunod sa 'king babae sa kwarto." natatawang pagbibida nito
Nakita ko ang pag asim ng mukha ni Hyun.
"Ngayon alam mo na kung ano ang nasa 3rd floor. Tandaan mo ang langit laging nasa taas." dagdag pa niya saka napahagikhik
"So? Parang motel yung nasa taas?" tanong ko
Natawa naman sila liban kay Hyun.
"Hindi ah! Sadyang ginawang motel lang talaga niyan ni Rye." depensa ni Hyun, "Ang purpose lang naman kasi nun ay para sa mga customer ng bar na hindi na kayang umuwi dahil sa kalasingan."
"Pinaganda mo lang pero motel parin yun." panunukso pa ni Rye kay Hyun na halos magdugtong na ang kilay
"Alam mo kasi yan si Rye halos dito na tumira yan. Kulang na lang bilhin niya yung room 6." sabi naman ni Ranz
"Ah yun pala yung room 6. Ang ganda naman ng ideya niyo na to Hyun. Sobrang pabor sa kaibigan natin."
"Oo talaga. Kung nakakapagsalita nga lang yung room 6 malamang matagal ng nagpa-tulfo yun. Dahil masyado ng maraming karumal dumal ang nasaksihan." sabi naman ni Kurt at binigyan pa si Rye ng nandidiri look
Agad naman siyang binatukan ni Rye, at nagpatuloy sila sa pag aasaran.
Maya maya pa ay dumating na rin si tita Mara, bitbit ang niluto nyang beef bulgogi.
"Kila mas sinarapan ko yan para sa'yo." nakangiting sabi sakin ni tita
"Thankyou po tita." tugon ko at tumango naman ito
"Enjoy your food mga anak. Sige ha, andyan na yung supplier ko ng karne." sabi pa niya at nag madaling umalis
Nagpatuloy naman kami sa pagkain, mas nauna pa ngang sumandok sina Kian sa niluto ni tita para sakin. Habang sina Ranz at Hyun naman ay todo ang saway sa kanila.
"Ito oh Kila, ikinuha na kita at mukhang may mga alagang dragon sa tiyan ang mga kasama natin." sabi ni Ranz at binigay sakin ang bowl na may bulgogi
Nginitian ko naman sya. "May pagka isip bata talaga mga kaibigan natin 'no?"
Napatingin naman ito kina Kian na tuloy parin sa pag aasaran, "Oo nga 'no, ngayon ko lang napagtanto." bulong niya sakin at napahagikhik naman kami
Napansin naman agad yun nina Kian kaya napahinto sila at napatitig sa amin.
"Huy! Bakit n'yo kami pinagtatawanan. Itong magjowang 'to!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rye.
"Magjowa? Baliw!" sabi ko at kami naman ang pinagtawanan nila
Bilis makabawi ng mga mokong na 'to ah. Inirapan ko sila at nagbalik na sa pagkain.
"Huh! Chickboy daw pero di makuha ang babaeng pinapangarap." tukso ni Kian kay Rye sa kalagitnaan ng pagkain namin
Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Uy sino yun?"
"Sino pa edi yung ate ni Ranz." tugon ni Miel
Napabaling naman ako kay Ranz at kay Rye habang natatawa.
"Ahhh. Nako, Rye magbago kana kasi." tukso ko
Nag cross arms lang siya at tinitigan si Ranz. "Magbabago lang ako, pag pumayag na si Ranz na ligawan ko si Reign."
Nangunot naman ang noo ni Ranz.
"Ungas! Papayagan lang kitang manligaw pag nagbago kana. Tsk."
"Hays. Pano nga ako magbabago, kung ayaw mo paligawan?"
"Kaya nga magbago ka muna. Alin ba dapat mauna ha?!" nag cross arms din si Ranz dito
Kahit naman siguro ako ang nasa katayuan niya di ko rin paliligawan sa isang womanizer na tulad ni Rye ang kapatid ko.
"Ranz, okay lang na maging brother in law mo ang kumag na 'to?" kunot ang noo na tanong ko
"Oo, atleast alam ko na hilatsa ng bituka niyan. At sinasabi ko rin naman kay ate ang mga kalokohan niya."
Agad namang nalaglag ang panga ni Rye. "Ano?! Akala ko ba boto ka sa 'kin? Bakit nilalaglag mo 'ko sa kapatid mo? Hays!" inis na singhal nito
Binigyan naman siya ng mapang asar na ngiti ni Ranz. "Oo nga kaibigan kita kaya dapat suportahan kita sa pangarap mo, kaya lang yung pangarap mo kasi pangalawa sa pinaka-mahalagang babae sa buhay ko. Saka di naman kita nilalaglag ah, sinasabi ko lang ang totoo. May sinabi ba ako na wag ka niyang gustohin? Wala naman diba? Support pa rin kita. Support." may pagka-sarkastiko pa si Ranz
Mukhang umuusok na ang ilong ni Rye.
"Ranz Christopher Mendez! Itaga mo pa sa noo ni Kian, magiging kuya mo ako balang araw." dinuro duro pa nito si Ranz, "At alam mo ba sa oras na maging kami ni Reign, bibigyan agad kita ng pamangkin."
Sinubukang hablutin ni Ranz ang kamay nito ngunit mabilis nitong naitago.
"Akyat na 'ko sa taas. Bye, lil' bro." panunukso pa nito at mabilis na umalis
"Siraulo!" sigaw ni Ranz dito habang kinakalma ang sarili niya
Kami naman ay natatawa na lang sa mga kalokohan ni Rye. Ang mokong na yun hindi talaga pumapayag na hindi sa kaniya ang last word.
Noong matapos kaming kumain ay umakyat na rin kami sa bar at dumiretso sa isang sofa table. Agad na may naghatid ng alak sa table namin, mukhang madalas sila rito. Ikinuha din ako ni Hyun ng Iced tea, kahit di ko naman maiinom yun dahil busog na ako.
"Para sa unang inuman na kasama si Kila, walang uuwi hanggat hindi gumagapang." itinaas pa ni Kian ang ang kanyang baso at ganon din kami
"Cheers!" sigaw namin saka tinungga ang mga nasa baso namin
"Kila mag enjoy ka lang diyan at panoorin mo kung paano ako lapitan ng mga babae." sabi sakin ni Rye at saka nakihalo sa mga tao sa dancefloor
"Hala! Di pala ako pwedeng uminom, ihahatid pa kita." ani Kian
"Sus, pwede naman ako magpasundo sa driver o kaya mag taxi."
"Ahhh basta. Hindi ako iinom!" kompiyansang sabi niya
Napakibit balikat na lang ako. Sige nga tingnan ko kung makakaya mo.
"Kila sabihin mo lang sa 'kin pag hindi kana komportable." pasigaw na sabi ni Ranz dahil na din sa ingay
"Nag eenjoy ako, wag mo'ko masyadong alalahanin."
Kasabay ng pagpatay sindi ng mga ilaw at ang malakas na musika ay ang mga kwento ni Kian na wala namang kwenta, hindi nga siya umiinom pero siya naman ang bumabangka. Kahit hindi ako nakakasabay sa inuman nila ay nag eenjoy padin naman ako sa mga kwento at asaran namin doon. Nakikita ko naman si Rye na mukhang naghahanap na ng target niya sa dance floor. What a jerk.
"Ang galing palang sumayaw ni Rye." sabi ko at lahat naman sila nakanganga
"Ha?" tanong ni Kurt
Pakiramdam ko samin nakatapat ang speaker.
"Sabi ko ang galing pala magsayaw ni Rye!" sigaw ko na mukhang narinig na naman nila
"Nako wala yan, mamaya makikita mo kung sino talaga ang magaling." natatawang sagot ni Kurt at tiningnan pa kami isa-isa
"Sino ikaw?"
"Ahh basta." pilyo ang ngiti na sagot niya
"Owwkayy. Guys puntahan ko lang si Hyun. Enjoy lang kayo riyan, wag niyo akong alalahanin." sabi ko at tumango naman sila
Tumayo na ako at naglakad patungo sa bar kung saan nandoon si Hyun.
"Oh Kila, do you need something?" bungad niya sa akin
"Wala. Ang ingay kasi masyado dun, parang nakatapat samin ang speaker." sagot ko at naupo
Naupo din ito sa tabi ko at sabay naming pinagmamasdan ang mga kaibigan namin.
"Sorry ah, mukhang sila lang yata ang nag eenjoy dito."
Pinagsalubong ko ang kilay ko. "Nag eenjoy naman ako ah." nakangiting tugon ko
Ngumiti din siya pabalik, "Nga pala Hyun, how long have you been here in the Philippines?"
Tumingin naman siya sakin at mukhang nag isip. "Uhm? More than four years."
Tumango tango ako. "Ahhhh pero ang galing mong mag-tagalog 'no? Bat pala kayo napunta rito?"
Medyo tumabang naman ang mukha niya sa huling sinabi ko.
Nag iwas siya ng tingin, hala ang chismosa ko na ba?
"Bata pa lang ako tinuturaan na ako ni mommy mag tagalog." tugon niya, "At kaya naman kami nandito– nag divorced ang parents ko."
Nagpikita pa siya ng isang pilit na ngiti.
Parang nahiya tuloy ako dahil sa pagtatanong ko.
"Pero okay naman na ako, masaya naman kami nina mommy at mga kapatid ko." Ngumiti pa siya.
"May mga kapatid ka?"
"Oo. Kambal na babae at lalaki, 7 years old na sila. Makikilala mo sila one of these days."
Ngumiti naman ako, buti na lang nag lighten na ang mood.
"Ikaw may kapatid ka ba?"
Tumango ako. "Oo. Si kuya Reiven, kaya lang nasa Switzerland siya kasama ng grandparents namin."
"Hala! Si Miel!" sabi ko habang tinuturo si Miel na parang bulateng naasinan sa dance floor
Hataw na hataw ito sa pagsasayaw niya kaya naman di ko mapigiling matawa.
"Nako masanay kana riyan kay Miel, pag nakakainom talagang nagiging hari ng dance floor 'yan." natatawang sabi ni Hyun, "Buti nga nagsasayaw siya ngayon kung minsan kasi umiiyak yan pag lasing na."
Napatingin naman ako rito ng naguguluhan. "Umiiyak? Bakit?"
Nagbuntong hininga pa ito bago magsalita. "Tuwing umiiyak siya sa amin pag lasing, lagi niyang hinahanap ang mommy niya... His mom passed away when he was 14, at yung daddy niya may bago ng asawa ngayon. Pag nasa bahay daw siya pakiramdam niya nanlilimos siya ng atensyon. Pakiramdam niya hindi siya belong sa kaniyang bagong pamilya."
Napatingin ako kay Miel, kaya pala ganun na lang ito kasaya sa nakukuha niyang atensyon sa social media.
"Di ko alam na may ganun pala siyang pinagdadaanan. Tapos kayo tinatawag niyo pa siyang kulang sa atensyon."
Napakamot batok naman si Hyun.
"Birong totoo lang yun, pero suportado namin ang pagiging influencer wannabe niyan." nag ngiting aso pa ito na tinaasan ko naman ng kilay
Magsasalita pa sana ako nung mapansin kong papalapit samin ang iba naming mga kaibigan.
"Kila sayaw tayo?" aya sa 'kin ni Miel habang humahataw
"Tara sama kana samin." dagdag pa ni Rye at hinawakan ang kamay ko
Agad ko namang binawi iyon, "Ayoko nga!"
"Hmp! Bahala ka riyan. Fuckboy, tara naaaaa." hinila na ni Miel si Rye pabalik sa dancefloor
"Ayan nakita mo na ang tinutukoy kong hari ng dancefloor." natatawang sabi ni Kurt
"Oo nga mukhang lango na yung dalawa." tugon ko
"Okay lang yan, wala naman ng planong umuwi ang mga yun. Eh ikaw ba okay ka lang diyan? Di ka na bumalik sa table." sabi sakin ni Ranz
"Oo nga. Uwi kana hatid na kita..." naniningkit ang mata ni Kian
"Teka, lasing ka ba?" tanong ko
Ngumisi lang ito. Hindi pala iinom ah, ewan ko sayo Mercado.
"Ganyan talaga yan, mababa ang alcohol tolerance." sabi ni Ranz habang inaalalayan si Kian, "Di pa ba kayo babalik sa table? Saka Kila, wag kang mahihiya na magsabi pag gusto mo ng umuwi ah."
"Maaga pa naman ah, saka di naman talaga ako mahihiyang magsabi pag gusto ko ng umuwi. Bakit naman ako mahihiya sa inyo. Tara na nga dun sa table."
Naglakad na kaming pabalik sa table kasama si Hyun.
"Bashta Kila ihahatid kita... Di ako uminom... Di ako lashing." sabi ni Kian bago tuluyang dumukdok sa lamesa
Tsk.
Nagpatuloy sa pag inom sina Kurt at Ranz, habang si Miel at Rye naman ay hindi na mahanap ng mga mata ko. Kwentuhan, tawanan at inuman kasama ng mga bago kong kaibigan. Habang tinititigan ko sila isa isa ramdam ko ang totoong kasiyahan, I'm so lucky to have them. Pero mas masaya siguro kung pwede din akong uminom. Aish!
"Bakit ka ngumingiti habang tinitingnan mo ako? Di kita type."
Agad nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Kian.
Inirapan ko ito. "So do I. Tsk! I'll go to restroom muna. Okay?"
Tumayo na ako at naglakad patungo sa restroom, and there I saw Rye kissing a random girl. Such a jerk. Hindi ko na ito inabala pa, pumasok na ako sa restroom at ginawa ang pakay ko. Pagkalabas ko ng restroom ay nagulat pa ako noong makita ko doon si Ranz.
"N-Nag cr din ak— ahh di kasi ako komportable na hindi kita natatanaw." napakamot pa ito ng ulo
Natatawa ko itong tiningnan. "Sige na. Bumalik na tayo doon Mr. Bodyguard."
****
Ranz
HINAWAKAN ko ang kamay niya at saka kami naglakad pabalik sa table. We're about to take our seats noong biglang magdilim ang paligid.
"Kel, paki-check ng power source at paki-buksan na agad yung generator." utos ni Hyun sa isa sa mga crew
Ang kaninang maingay na musika ay napalitan ng mga rant ng mga customers doon.
"Teka asan si Kila?" tanong ni Hyun
Doon ko lang napagtanto na binitawan ko na nga pala ang kamay niya. Agad namang binuksan ni Kurt ang flashlight ng cellphone niya at nakita namin si Kila nakatayo parin siya.
"Akala ko nawala kana. Bakit di ka pa nauupo?" tanong ko pero mukhang di ako naririnig nito
"Ahh. Takot ka siguro sa dilim 'no? Tingnan mo." itinapat pa ni Kian ang ilaw ng cellphone sa mukha nya, but Kila didn't move an inch.
Tumayo na ako. "Kila are you okay?"
"W-Wag... Please.. A..ayoko.. Wag." mahinang sambit nito na animo'y takot na takot
"Kila what's going on?" Inilawan ko ang mukha niya.
"Kila naman, ano to prank time." niyugyog pa ni Kian ang balikat niya pero nanatili siyang nakatulala.
"L-Lumayo ka sakin. W-Wag..Pakiusap. Ayoko.."
Lahat kami ay naguguluhan sa nangyayari. Iniabot ko ang cellphone ko kay Kian at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kila. Yung mga mata niya parang nakapako sa iisang direksyon lang.
"Ilawan niyo siya!" utos ko sa kanila
Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya.
"Kila anong nangyayari? Naririnig mo ba ako?!" niyuyogyog ko na ang katawan nito
Ngunit sa halip na tumingin sa 'kin ay tumulo ang mga luha niya.
"Kila..." hinawakan pa ni Hyun ang mukha nito ngunit parang hindi kami nag eexist sa harap niya.
"Sam.. Sam..tama na...Sam..." paulit ulit niyang binabanggit ang pangalan na iyon habang umiiyak
Parang gusto ko na ring umiyak nung mga sandaling iyon. Hindi ko naiintindihan.
"Kila? Nandito ako, si Ranz 'to. Tumingin ka sa 'kin, nandito ako." tuloy lang ako pagyugyog sa kaniya
Paulit ulit padin siya sa pagsambit sa pangalang Sam.
"Kila please... Andito ako. Tumingin ka sakin. Kila..." Hindi ko na alam ang gagawin, I just hug her.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, ang paghikbi, at ang paulit ulit na pagtawag sa pangalang Sam. It broke me, it broke us.
Maya maya pa ay lumiwanag na ang paligid, agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
"Kila?! Kila are you okay?"
Dahan dahang pumihit ang tingin niya sa akin.
"Ranz..."
Napahinga kami ng malalim noong sambitin niya iyon.
"Okay ka la–" hindi na naituloy ni Kian ang tanong niya dahil biglang tumalikod sa amin si Kila.
"I'm okay." sabi nito pagkaharap at saka nagbigay ng ngiti. "Gusto ko ng umuwi."
Inabutan siya ng tubig ni Hyun, at hindi naman ito nag atubiling inumin iyon. Her hands are still shaking.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko
"Yeah. Gusto ko nang umuwi." Tumayo na ito at nag umpisang maglakad.
At kahit na clueless sa mga nangyari ay tumayo na rin kami at sinundan siya.
Sinalubong kami ni tita Mara, nakipag beso si Kila at nagpaalam na dito. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad palabas.
"Ihahatid na kita, Kian pahiram ng kotse mo." sabi ni Hyun, tumango lang si Kila
"Sasama ako." sabi ko
"Ako din. Ako ang sumundo sa kaniya, dapat kasama din ako sa maghahatid." dagdag pa ni Kian
Walang binitawan kahit isang salita si Kila. Sumakay na kami sa kotse ni Kian magkatabi kami sa back seat, si Kurt naman ay nagpaiwan na para hanapin ang dalawa.
Nabalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan, gusto kong magtanong at alam kong ganun din sina Kian pero wala sa amin ang nangahas na magtanong kung ano ba talagang nangyari. Nakatuon lang sa bintana ang tingin ni Kila.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay nila, agad namang lumabas si Tita Alexa kasunod si Nay Andi na yaya ni Kila.
"Kila, baby are you okay? Nay andi paki-alalayan na si Kila sa pagpasok." bakas sa mukha ng ginang ang pag aalala
Mukhang alam niya kung ano man ang nangyari kanina.
"Thankyou sa paghatid. Mag ingat kayo pauwi." sabi samin ni Kila at saka pilit na ngumiti
Inalalayan na siya ni Nay Andi papasok habang kami ay naiwan parin na walang nakukuhang kasagutan.
"Tita wala po kaming ginawa kay Kila, di po namin siya pinainom o ano pa man. Wag niyo po sana kaming pag isipan ng masama." paliwanag ni Kian kay tita Alexa
Hinawakan naman ni tita ang balikat nito. "I know Kian. Salamat sa pag alaga sa anak ko." sabi niya at nagbuntong hininga pa, "Gusto niyo ba munang pumasok?"
Umiling kami.
"Hindi na po tita, hinihintay pa po kami nina Kurt." tugon ni Hyun
"Eh tita bakit po ba ganun si Kila?"
Agad tumabang ang mukha nito at nag iwas ng tingin dahil sa tanong ni Kian
"Sige na po tita, una na po kami." sabi ko at hinahawakan ko ng mahigpit ang braso ni Kian
"Mag iingat kayo. Salamat ulit." pilit ang ang ngiti na sabi nito
Sumakay na kami sa sasakyan at nagmaniobra na rin si Hyun.
"Grabe, nag evaporate ang alak sa katawan ko dahil kay Kila. Ano kaya talagang nangyari dun?" napahawak pa sa ulo niya si Kian
"Hindi ko din maintindihan, parang hindi naman normal na takot yun." sagot ko
"Oo nga. Kasi kung takot lang siya sa dilim, diba dapat nagtiti-tili siya at napayakap sa atin. Pero hindi e, para siyang nawala sa sarili niya. Saka kung ano ano pa sinasabi. May binanggit pa nga siyang pangalan e, ah Sam tama. Akala ko sinasapian na si Kila. Ano kaya talaga yun. Tingin mo Hyun?" nangungunot pa ang noo ni Kian habang pilit iniintindi ang nangyari
"Sa tingin ko may traumatic experience si Kila, at yung dilim ang nag trigger sa trauma na yun. Kaya ganun ang naging reaksyon niya." sagot ni Hyun habang sa pagmamaneho ang focus
Posible nga kayang iyon ang dahilan? Di ko talaga maiintindihan.
"Tama! May mga napanuod na akong drama na ganon e. Ano naman kaya yung traumatic experience na yun?" nanlalaki ang mga mata ni Kian
"Wag nga kayo mag jump into conclusion na dalawa riyan. Saka kung sakali man na trauma ang dahilan nun, sana wag na natin siyang kulitin pa tungkol sa bagay na yun. Nakita niyo naman siguro kung paano siya umiwas sa mga tanong natin kanina. Kung hindi pa niya kayang magkwento, irespeto na lang natin yun." paliwanag ko na mukhang sinang ayunan naman nila
"Kaya siguro palaging its a long story ang sagot niya tuwing nagtatanong tayo tungkol sa buhay niya. Naaawa tuloy ako kay Kila, kung ano man yung pinagdaanan niya sana hindi ganun kagrabe." napabuntong hininga pa si Kian
"Kaya ikaw wag mo na masyado bwisitin yung tao." walang tingin na sabi ni Hyun
Nag cross arms si Kian. "Nope! Mas bubwisitin ko siyang lalo para hindi siya malungkot."
Napabuntong hininga na lang ako. Ano nga kayang pinagdadaanan ni Kila?
Pagdating sa Amara's ay naabutan naming nagve-vape sa labas si Kurt. Mukha rin siyang hindi mapakali.
"Is she okay?" tanong niya
Tumango naman ako.
"Nalaman nyo ba kung bakit siya ganon?"
"Di na kami nagtanong pa. She obviously didn't want to talk about it." sagot ni Hyun.
"Hula ko may traumatic experience siya sa dilim."
Napahinto naman kami at napabaling kay Kurt.
"Tingin mo rin? Ganiyan din sinabi ni Hyun kanina." mukhang interesadong interesado si Kian
"Di naman ako sigurado, pero may napanuod lang ako na ganoong movie."
"Kayo talaga, ibabase niyo talaga sa drama at movie ano? Basta, wag na natin siyang tanungin pa tungkol sa nangyari, okay?"
Sumang ayon naman sila sa sinabi ko.
"Nahanap mo na ba yung dalawa?" baling ko kay Kurt
"Oo. Natutulog na sa room 6."
"Wag sanang mapagkamalang babae ni Rye si Miel." natatawang sabi ni Kian
"Sira! Parang di mo kilala si Rye. Kahit pa drogahin mo yun, di mo mapapa-pasok sa maling butas yun."
Natawa naman kami sa sagot ni Kurt
"Puro kayo kalokohan." Naiiling na sabi ko.
Umakyat na kami sa taas at bumalik sa table namin. Hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina, yung pag iyak at panginginig ni Kila. Ramdam ko yung takot niya nung mga sandaling iyon, yung pagmamakaawa niya sa kung sino man ang Sam na yun.
Nakaramdam ako ng init sa aking dibdib, at doon nabuo ang isang kagustuhan ko. Gusto ko syang protekhan. Po-protekhanan kita Kila...