Chapter 8

3497 Words
Ms. AMU Kila LUNES na ngayon pero nasa isip ko parin ang nangyari noong sabado. Paniguradong uulanin ako ng tanong nina Kian. Bakit kasi kailangan pa nilang masaksihan yun? Hindi pa ako handang magkwento sa kanila. "Hija we're here." Nabalik lang ako sa realidad noong magsalita si papa. Bumeso na ako sa kaniya at saka bumaba. I took a deep breath bago maglakad papasok sa AMU. Pagdating sa classroom ay nagulat pa ako noong makita ko na kumpleto na ang mga kaibigan ko roon. "Aba, ang aga niyong lahat ah. Anong meron?" casual na tanong ko "Siyempre para maaga mong masilayan ang aking kagwapuhan." nagpogi sign pa si Kian Agad ko siyang inirapan. "Tara libre kita ng breakfast." sabi naman ni Rye at inakbayan ako Tiningnan ko naman siya na may nagtatanong na mga mata pero ngumiti lang ito. "Sagot namin lahat ng gusto mong kainin." sabi naman ni Miel na nasa kabilang gilid ko Hindi ko na nagawang kumontra pa sa kanila dahil kinaladkad na nila ako papuntang cafeteria, habang ang iba naman ay nakasunod lang sa amin. Ano ba trip ng mga to? Pagdating doon ay inalalayan pa nila ako sa pag upo. "Stay put ka lang diyan." sabi ni Rye at umalis na sila ni Miel para umorder ng makakain Naiwan naman akong nakanganga at naghahanap ng kasagutan sa mga naiwan doon pero tinatawanan lang nila ako. Pagbalik ng dalawa ay napaka-dami ng dala nilang pagkain. "Ubusin mo yan ah." nakangiting sabi ni Miel "Para saan ba 'to? Mukha ba akong patay gutom?" kunot noong tanong ko Napangiting aso naman silang dalawa. "Peace offering namin yan sa 'yo." tugon ni Rye Mas lalo lang akong napakunot noo. "Peace offering?" "Eh kasi diba noong sabado iniwan ka naming dalawa. Kaya ayan pambawi man lang." Bahagyang sumilay ang ngiti ko sa sagot ni Miel. "Sus! Iyon lang pala, hindi naman big deal sa 'kin yun. Halina kayo, tulungan niyo 'ko di ko kayang ubusin 'to 'no." sabi ko na ikinangiti naman nila Naupo na sila at nag umpisa na rin kaming kumain. Habang kumakain ay di ko mapigilang tingnan sila isa isa, di ba sila magtatanong sa nangyari? Dapat kinukulit na nila ako ngayon pero wala sa kanila ang nag bring-up ng pangyayari na yun. "Oh bakit mo na naman ako tinitingnan? Naga-gwapuhan ka na naman sakin 'no?" sabi ni Kian noong mapansin ang ginagawa ko "Sira! Naalala ko lang ang sinabi mo noong sabado. Sabi mo di ka iinom, pero it turns out na ikaw pa ang nalasing. Ikaw dapat magbigay sakin ng peace offering." Tumabang naman ang mukha niya. "Peace offering my ass!" nag make-face pa si mokong "May nalalaman pang walang uuwi hanggat di gumagapang, weak naman pala, tsk tsk tsk" pang aasar ko pa saka namin siya tinawanan Ang sama ng tingin nito sa amin. Mas lalo lang akong natutuwa pag nabubwisit siya. "Oh wag nakikitawa yung todo hataw pareho namang kaliwa ang paa." baling niya kay Miel Napahinto tuloy ito sa pagtawa at napahalukipkip. "Pinakita n'yo agad kay Kila ang mga kahihiyan niyo. Hays" umiiling iling pa si Rye Natutuwa akong pagmasdan sila, everything seems fine and normal na para bang wala silang nasaksihan na hindi nila maunawaan noong sabado. I don't know kung hindi nila ginawang big deal yun o pinili na lang nila na wag magtanong, ngunit ano pa man ang dahilan, masaya ako. Masaya akong hindi ko kailangang magpaliwanag lalo't hindi pa ako handa. "Oh nakatingin ka na naman, sabihin mo na lang kasi kung crush mo'ko." pang aasar sakin ni Kian "Disgusting! Tara na nga." sabi ko at tumayo na Nagsitayo na din sila at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa aming classroom. Nauuna nang maglakad yung iba habang nasa likuran naman kami ni Ranz. "T-Thank you pala." mahinang sabi ko Tiningnan niya naman ako at mukhang tinatansiya niya kung para saan ang pasasalamat ko. Naririnig ko ang boses at naramdaman ko ang pagyakap niya noong gabing iyon. Nginitian lang ako nito ngunit nakikita ko sa mga mata ang mga katanungan. Napaka-dali niyang basahin. "Next month na nga pala ang Mr. And Ms. AMU 'no?" Narinig kong sabi ni Kian noong madaanan namin ang mga bulletin board. "Bakit gusto mo bang sumali?" tanong ni Kurt. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa amin. "Pwede din. Pero si Kila talaga ang gusto kong sumali." sabi pa niya at napatingin naman sila sa 'kin. Agad kumunot ang noo ko, ako na naman ang nakita ng mokong na 'to. "Wag ka nga mandamay, ano malay ko sa pageant na yan." sabi ko at nilagpasan ko na sila Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit naririnig kong nagbubulungan sa likod ang mga mokong. Lokong Kian yun ah ako na naman nakita. "Siya nga pala diba ngayon ko na kailangan ang pangalan ng representative natin for the pageant. President, sino ba napagkasunduan niyo?" tanong ni Ms. Delacruz "Ma'am ako na po sa Ms. AMU." sagot ni Yvette Ibang klase, ganun sya ka-kompiyansa sa sarili niya. "Huh? Ikaw na naman? Eh taon taon ka na lang sumasali dun pero lagi ka lang namang runner up. Why don't you give chance to other? Andiyan naman si Kila." Muntik pa akong malaglag sa upuan ko sa sinabi ni Kian. "Ano?!" sabay na sabi namin ni Yvette Tumingin naman sa 'kin si Kian suot ang pilyo niyang ngiti. "Hoy! Diba sabi ko di ako interesado sa ganiyan at isa pa wala akong alam sa pageant. Ma'am wag n'yo nang pansinin yan si Kian. Si Yvette po, mas bagay siya dun. Diba Yvette?" binalingan ko ito "No." maikling tugon niya na ikinalaki ng mata ko, "Kian's right. Sa tingin ko dapat iba naman ang lumaban. Kaya Akila ikaw na ang representative natin, okay?" nag smirk pa siya sa 'kin "Wag ka ngang plastik diyan. Gusto mo lang akong mahirapan dahil wala akong alam sa page–" "Akila! Watch your words." saway sa 'kin ni Ms. Delacruz "S-Sorry po." mahinang tugon ko, "Pero ayoko po talagang sumali, wala akong alam sa ganiyan." "Akila, Mr and Ms AMU lang ang sasalihan mo hindi Binibining Pilipinas. At isa pa, lahat naman nag uumpisa sa pagiging walang alam. Sumali ka na okay, you have the beauty and brain. Ano ikinakatakot mo?" "Pero ma'am ayo–" "Wala ng pero pero, okay. Isipin mo na lang na isa itong magandang experience." Ni hindi ako tumango sa sinabi niya. Ano ba kasing malay ko sa pageant?! "Let's move on to Mr. AMU, sino?" Pwede bang sapilitan ang pagsali ko? Hindi to makatarungan! Humanda ka sa 'kin Kian! Nahuli ko itong lumingon sakin at nag peace sign pa. Princeeee! "Ma'am gusto ko pong sumali sa Mr. Amu." nagtaas pa ng kamay si Kian Taas kilay naman siyang tiningnan ng aming guro. "Are you serious Mr. Mercado?" "Siyempre naman Ma'am bestfriend ko yan si Kila e." sagot ni Kian at kinindatan pa ako Bestfriend mo mukha mo! "Ano naman alam mo sa pageant?" tanong ni Kurt Tumayo naman si Kian, nakakairita talaga ang pagmumukha. "Gusto niyo bang sample? Ma'am may I?" Tumango tango naman si Ms. Delacruz kahit mukhang diskumpyado ang mukha nito. Agad nagpunta sa likuran si Kian, at mula doon ay rumampa ito papunta sa harap. Sarap batuhin ng notebook. "Good morning ladies and gentleman. Kia—" "Prince!" sigaw nina Kurt na nagpahinto sa kaniya sa pagsasalita Agad sumimangot ang mukha ni mokong. "Prince Kian Mercado 18, representing ABM A. At naniniwala ako sa kasabihang, lunukin muna ang puting bato wag lang ang puting likido." malakas na pagkakasabi niya Nagtawanan naman ang buong section namin. Kahit ako ay natatawa, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Galit ako, di dapat ako matawa. Pero gagi, abnoy talaga 'to si Prinsipe. "Aray!" Napahawak sa braso niya si Kian nang tamaan ito ng white board marker na ibinato ni Ms. Delacruz. "Puro ka talaga kalokohan. Maupo ka na nga." inis ngunit nagpipigil ng tawang sabi ni ma'am "Sakit nun ah. Papa- tulfo kita ma'am." hinihimas himas pa ni Kian ang braso niya habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan Wala talagang pinipili ang kalokohan nito. "Sino na nga? We're running out of time." "Si Ranz na lang ma'am." pagtuturo pa ni Kian "No way. Akala ko ba give chance to other ha?" mabilis na pagtutol ni Yvette "Di naman sumali si Ranz last year ah." sagot naman ni Kian Sasagot pa sana si Yvette ngunit pumagitna na si Ms. Delacruz. "Ranz, is it a yes or no?" Tumingin muna sa 'kin si Ranz at ngumiti bago magsalita. "Sige po. Sasamahan ko po si Kila." Napa-ayieee naman ang buong klase. Ano kami? Nilulutong loveteam. Tsk "Okay good. Mainam na yan at magkaibigan kayong dalawa. Ranz, Akila okay na tayo ha? Don't worry may 2 weeks preparation pa naman kayo." sabi nito at tiningnan kami pareho Tumango na lang ako kahit sobrang labag sa loob ko. Pagkaalis ni Ms. Delacruz ay tatayo na sana ako para sakalin si Kian, ngunit agad namang pumasok si Mr. Enriquez. Ikinuyom ko na lang ang kamao ko, masasakal din kita Mercado! Buong klase akong hindi makapag focus, bwisit na yan. Pageant?! s**t! Kahit sa panaginip hindi ko nakita ang sarili ko na sasali sa ganon. Maya't maya ang silip ko sa wrist watch ko, hindi na ako makapaghintay sa recess, kanina pa gustong manakal ng kamay ko. Pagkalabas na pagkalabas ni Mr. Enriquez ay inihanda ko na agad ang kamay ko para kay Kian. Pero pagtingin ko sa upuan niya ay wala na siya roon. Nakita kong tumatawa sina Ranz at Hyun. "Princeeee?!" sigaw ko at nagpunta pa ako sa upuan nito para wala talaga siya roon "Mukhang hindi pahuhuli ng buhay sa 'yo si loko." natatawang sabi ni Rye Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang numero niya. "Pag hindi ka nagpakita sa 'kin ngayon mismo, hinding hindi na kita mapapatawad!" sigaw ko sa kabilang linya at saka ko ibinaba ang telepono Natanaw ko naman na dahan dahang sumilip sa pinto si Kian habang nakangiting aso, agad ko itong nilapitan at sinakal. Hindi ko naman siya literal na sinakal, gusto ko lang talaga hawakan ng mahigpit ang leeg niya. Inawat ako nina Ranz habang si Kian naman ay naghahabol ng hininga. "Stop overreacting, hindi naman kita sinakal ah!" Nagpapa-biktima na naman si loko. "Grabe ganun pala sumakal si Ms. AMU." pang aasar pa nito habang hinihimas ang leeg niya Agad ko naman siyang binigyan ng hampas sa braso. "You. piece. of. disgusting. shit." mariin na sabi ko dito at binunggo ko pa siya Nagsimula na akong maglakad papunta sa cafeteria, at nararamdaman ko naman na sinusundan nila ako. Bakit ba sila sumusunod? Pagdating sa cafeteria ay umorder na ako ng pagkain at naupo sa isang bakanteng table, natanaw ko ring umorder sila ng pagkain at naupo table sa gilid ko. Lahat ba sila may kasalanan sa 'kin? Plinano ba nila to at umaarte sila ng ganyan? Tsk! Hindi ko na sila tiningnan pa at nagumpisa na ako sa pagkain, habang abala sa pagsubo ay may biglang umupo sa harap ko. "Hoy, sorry na." nagpout pa si Kian pero iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, "Kaya ko lang naman ginawa yun kasi naniniwala ako sa kakayahan mo." Bakit ba siya nagsasalita ng may sense? That makes me more upset. "Akila Cayne, patawarin mo na ako please." pinagdikit pa nito ang kaniyang mga palad at mas lalong nagpa-cute Nakakaasiwa. Tiningnan ko siya ng masama, "Oo na. Tigilan mo na yang pagpapa-cute mo riyan, nakakasuka!" Napakalapad naman ng ngiti ni loko. Agad namang nagsitayo sina Ranz at lumipat sa table ko. "Hays! Si Kian lang naman may kasalanan pero bakit lahat kami damay." nakakunot ang noo na sabi ni Rye "Bakit sino ba may sabing kasali kayo?" nakapoker face na tanong ko Agad tumabang ang mga mukha nila tapos ay muling bumalik sa kanilang lamesa. "Wag mo na masiyadong alalahanin ang pageant. Kasama mo naman ako, I got your back Kila." nakangiting sabi ni Ranz Napabuntong hininga naman ako. "Kinakabahan ako." tugon ko Bahagyang sumilay ang ngiti niya. "Hindi ko inaasahan na ang babaeng napakatapang na gaya mo ay kakabahan dahil lang sa pageant. Sila nga ang dapat kabahan dahil makakalaban nila ang isang Akila Cayne Samonte, drag race queen, magaling na skater, at higit sa lahat walang inuurungan kahit pa si Montereal. Diba? Sila ang dapat kabahan sayo." sabi nito at inakbayan pa ako Napangiti naman ako, tama si Ranz. Ano ba naman yung school pageant? Bakit ko ba ginagawang big deal 'to? I shake off the negative vibes. "Handa ka na bang kunin ang titulo?" kompiyansang tanong ko Ngumiti naman siya at itinaas pa ang kamao niya. "Handa na!" Paglingon ko sa kabilang table ay napansin ko namang nakangiting aso sa amin sina Kian. "Ano?!" singhal ko dito "Walaaaa." sagot ni Kian saka humalakhak Tumayo ako at saka nagpamewang sa harap niya, mukhang naguguluhan naman ito. "Hoy Prinsipe, ihanda mo na ang sarili mo dahil kukunin ko ang korona at ipapakain ko sa 'yo! Itaga mo yan sa noo ni Ryker!" naniningkit pa ang mga mata ko habang si Rye naman ay napahawak sa kaniyang noo "Yan! Iyan ang Akila na kaibigan ko, matapang at walang inuurungan. Wag kang mag alala, handa na kami ni Rye na kumain ng korona." Nagpamewang din ito at itinuwid ang pagkakatayo, pero agad ding nasira ang posture niya nung batukan siya ni Rye. "Bakit lagi akong kadamay sa away niyo ha?! Hays." singhal niya samin ni Kian Mukhang nai-stress na sa pagiging aso't pusa namin ang f boy ng barkada. Nagtawanan na lang kami at saka bumalik ng magkakasama sa classroom. *** "Oh guys paano ba 'yan, mauuna na kami nito ni Rye. May pupuntahan pa kaming party." paalam ni Kurt sa amin at saka mabilis na tumalima kasama si Rye Nagpaalam na rin sina Hyun at Miel kaya tatlo na lang kami na naiwan. Agad kong tiningnan si Kian habang naka-cross arms. "Oh bat nandito ka pa?!" taas kilay na tanong ko Ngumisi siya, "Hahatid kita pauwi." "Ayoko nga. Pilitin mo muna ako." nagmake face pa ako Agad na tumabang ang mukha niya saka bumaling kay Ranz. "Pumayag kana Kila, gusto lang niyan bumawi. Sige na." sabi ni Ranz at ngumiti pa "Sige na nga! Pero ako ang magda-drive? Deal?" "Huh?! Ayoko nga, mamaya ibangga mo yung kotse ko." umiiling iling pa siya Nagpout naman ako at bumaling din kay Ranz. "Pumayag ka'na Kian. Bat naman gagawin ni Kila yun? Diba?" tumingin pa ito sakin at tumango naman ako "Kanino ka ba talaga kampi? Oo na sige." halos magdugtong na ang kilay nito noong iniabot sakin ang susi Nagngitian naman kami ni Ranz. Mission passed! Sumakay na ako sa drivers seat at ganon din si Kian. "Ranz pag di ako nakauwi. Ikaw tumayong witness para sakin ha. Pag hindi ka nagwitness, mumultuhin kita sa CR hanggang sa afterlife mo." bilin nito Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa pagpipigil na matawa sa mga sinasabi ni mokong. Nginitian lang nito si Kian. "Bye. Ikaw na bahala riyan ah." maloko ang ngiti na sabi ni Ranzat sinulyapan pa si Kian Nanlaki naman ang mga mata nito at sinubukang buksan ang pinto ngunit nailock ko na yun. "Huy! Plano niyo ba 'to? Ranz ako bestfriend mo. Bababa na ak—" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin niya dahil pinaharurot ko na ang kotse "Kila, kala ko ba pinapatawad mo na ako? Ano ba binabalak mo ha?!" bulalas niya Mukang kinabahan si mokong. Ha ha Tiningnan ko ito na kunot ang noo. "Balak ko lang umuwi, ano pa ba?" Unti unti namang kumalma ang mukha niya. Wait ka lang. "Siguraduhin mo lang, mahal na mahal ako ni mommy." Nginitian ko siya ng may pang aasar at saka ko binilisan ang pagpapatakbo "Hoy, bagalan mo nga!" "Ano? Mabagal?" panunuya koat mas lalo ko pang binilisan "Bagalan mo na please. Sorry na kaseeeee!" Halos yakapin niya na ang upuan sa tindi ng pagkakahawak doon. "Ano? Di ko marinig, bilisan ko pa?" Dinagdagan ko pa ang bilis ng aming takbo. Sigaw na ito ng sigaw at mukhang maiiyak na rin. "Mommy...mommy...mommy koooo..ayoko na...Kilaaaaaa!" halos mapatid ang ugat sa leeg nito sa kasisigaw Unti-unti ko namang binagalan ang aming takbo habang tumatawa. Mabilis at malalim ang pagtaas at baba ng balikat niya, habang hawak ang kaniyang dibdib. "Magmumura ako, Lord sorry po pero putangina!" tiningnan niya ako gamit ang pinakanakakatakot niyang mukha, "Balak mo ba akong patayin ha?!" Tinawanan ko pa ang mangiyak ngiyak niyang itsura. "Ihinto mo! Bilis!" sigaw pa niya habang hawak ang bibig Itinabi ko naman ang kotse at mabilis itong bumaba at tumakbo sa gilid ng kalsada at... at nagsuka. Mas lalo akong natawa kay mokong. Inabutan ko siya ng tubig at tinanggap niya naman iyon gamit ang nanginginig na mga kamay. "Seriously? Ano feeling mo sumakay ka sa roller coaster? Ngayon alam mo na, wag mong kakalabanin ang isang Akila Samonte." natatawang sabi ko Napaupo na siya sa kalsada habang hawak padin ang dibdib. "Pakiramdam ko mamamatay na ako. Hoy! Pano kung inatake ako sa puso at namatay ha?!" nanunulis ang nguso na sigaw niya "Edi itatapon kita sa daan." Napatayo naman ito, "Ako na nga magmamaneho." Napatingin naman ako sa mga kamay niya. "Prince, nanginginig ka." natatawang sabi ko habang tinuturo ang kaniyang kamay Mabilis niya namang itinago sa likod iyon. "Di ah! Sige na ikaw na magmaneho ayusin mo ah!" banta pa nito na sinamahan ng death glare saka umikot sa passenger seat Nagmaneho na ulit ako habang si Kian ay masama parin ang tingin sa akin kahit mabagal na lang ang takbo namin. "Thanks for the ride. Nag enjoy ako." sabi ko pagkababa at saka nag smirk "Tsk! Di kita mapapatawad!" masama parin ang mukha na sabi nito "Okay lang. Bye." Nagwave pa ako sa kaniya at iniwan ko na siya roon. Pagkapasok ay sinalubong ako ng nakakunot noong si Mama. "Sino yung naghatid sa 'yo?" "Ahhh. Si Kian po." Mas lalong nangunot ang noo niya. "Bumabawi lang yun, may kasalanan kasi sakin." "Kasalanan?" ulit pa ni mama Tumango naman ako. "Oo ma, alam mo siya lang naman ang dahilan kung bakit nasali ako sa Ms. AMU na yan. Alam niyo namang wala akong interes sa ganun diba?" napabuntong hininga pa ako Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya saka ang paglitaw ng isang ngiti. "Ms. AMU? Ibig sabihin kasali ka sa beauty pageant?" tila kinikilig siya Naguguluhan akong tumango. "Finally! Makikita na rin kitang rumampa, alam mo matagal ko ng pangarap na sumali ka sa mga ganiyan. Kaso di ka nga interesado. Pero ngayon kasali kana, I should thank Kian. Oh my God!" Pumapalak pa si Mama. Wow! Sinamaan ko siya ng tingin, akalain mong matutuwa pa pala siya. "Sige na baby, umakyat kana at magpahinga." bakas na bakas ang saya at excitement niya Tsk! Sinunod ko na lang ang sinabi ni Mama at nagsimula na akong umakyat. "Mag beauty rest kana future Ms. AMU." "Maaaa!" inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako at sinenyasan nang umakyat *** "Kila nak, tulog ka ba?" "Nay Andi bakit po?" sagot ko habang nakahiga parin "Pinatatawag ka ng mommy mo, may bisita ka." Napabalikwas naman ako at mabilis na lumabas sa kwarto ko. "Bisita?" "Ay nako, bumaba kana doon at ng malaman mo." Bumaba na rin ako at naabutan ko sa living room ang isang babae na kung titingnan ay nasa mid 30's na. Napalingon naman sila noong mapansin ang pagdating ko, agad kong tiningnan si mama na may pagtatanong sa aking mga mata. "Kila, this is Via siya ang magiging coach mo para sa pageant." pagpapakilala ni mama sa babae Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama. "G-Good afternoon Ms. Via. But Ma, is this necessary?" intimidated na tanong ko Ngumiti naman sa 'kin yung coach Via. "Akila, excited lang ang mommy mo para sa iyo. At gusto niya lang na maibigay mo ang best mo sa araw ng contest. Ganun talaga ang mga mommy." sabi pa nito na sinang ayunan naman ni mama Napabuntong hininga na lang ako. "Ano pa nga ba magagawa ko?" mahinang sabi ko "Sige na. Mag ensayo na kayo. Via ikaw na bahala sa anak ko." "Yes ma'am." "Ensayo agad agad? Ma next month pa yun." protesta ko Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kahit na. Sige na samahan mo na si Via dun sa gym or sa garden." Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod kay mama. Sa isang iglap lang mayroon na akong pageant coach. Walanghiya ka talaga Prinsipe! Kasalanan mo ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD