(Lust Ride) Ep. 9

2753 Words
Mag aalas dose na ng matapos ang party sa aming bahay. Habang nag aayos sina manang simang at ana ng mga kalat sa bahay, Ako naman ay nakatitig lamang sa lasing na lasing na aking asawa na ngayon ay nakahiga sa sofa ng aming kwarto. Napapaisip ako kung bakit ba kahit anong mangyari ay hindi ako magawang tabihan sa kama ng lalaking pinakasalan ko. Mag mula ng ikasal kaming dalawa ay para bang naglaho narin ang mga matatamis na ngiti nito sa akin ng mga panahong kinukumbinsi ako nitong magpakasal sa kanya. " Do i really such a fool? or he make me to become a fool? lalaban ko pa ba tong merrage na pinanghahawakan ko kung ayaw na sakin ng taong minamahal ko?" Napapahawak ako sa aking dibdib habang iniisip ko ang mga nangyayari sa aming mag asawa. Hindi ko na alam kung ano ba ang problema at bakit ginaganito ako ni dave na para bang uhaw sa pagmamahal ng isang asawa. Kung sa kanya ang lahat ng ito ay palabas lamang, para sa akin ito ang tamang disisyon ko na pumayag akong magpakasal sa kanya at hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng iyon. Umaasa akong mahal din nya ako sa loob ng tatlong taong mag asawa nararamdaman ko mamahalin ulit ako ng asawa ko. Mga salitang pumapasok sa isip ko habang nakatitig kay dave na mahimbing na natutulog. Kumuha ako ng kumot at inalis ang sapatos nito at saka ko ito kinumutan. Hinalikan ko ito sa noo bago ako mahiga sa kama. Tatalikod na sana ako ng bigla nag vibrtate ang celphone nito na nasa lamesa. Nilapitan ko iyon upang malaman kung ano ang dahilan ng pag ilaw nito at bakit naka vibrate lamang iyon. "Ahh baka nakalimutan lang ayusin yung settings ng sounds." Sambit ko sa aking sarili. "Message? ganitong oras may message sa kanya? ahh baka importante." Pagkasabi ko noon ay lalapitan ko na sana si dave upang ipabasa ang message sa kanya at baka importante iyon, Ng biglang napindot ko ang read sign nito at aksidente kong nabasa ang laman ng text na iyon. "From Trixie 3 message 25 missed calls.... "Grabe naman to consistent ang taawag?" sambit ko at taas kilay kong binabasa ang message nito sa asawa ko. Ngunit nagsalubong ang kilay ko sa galit kung bakit ganun ang sinabi ng trixie na tumatawag sa kanya. 1st message "Kanina pa ako tumatawag, hindi mo sinasagot sorry kung nag message na ako sayo.. tawagan mo ako pag nabasa mo ito." 2nd message "Mukhang lasing ka na ah, I miss you na kita tayo ngayon dito ka na umuwi." Pagkabasa ko ng pangalawang message ay para bang sumikip ang dibdib ko sa mga nababasa ko. Galing iyon sa isang babae at para bang matagal na silang may pinagsasamahan, ang masakit pa noon ay mukhang masaya ito sa piling ng aking asawa. Samantalang ako nangungulila sa pagmamahal ni dave dahil akala ko busy sya sa negosyong ipinamana sa kanya ng kanyang mga magulang ng kami ay ikinasal, kaya hindi ko sya magawang istorbohin sa lahat ng pagka busy time nya. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko magawa, Gusto kong makatulog lang ng mahimbing si dave habang binabasa ko pa ang ilang mga mensahe sa kanya ng babae nito. Naupo ako sa gilid ng kama at doon tahimik akong umiiyak sa mga nababasa ko. 3rd message "Sige na matulog ka na. Basta bukas magkita tayo ahh.. may utang kang isang gabi sa akin.. I love you and i miss you babe.." Pagkabasa ko ng pangatlong message nito sa asawa ko. Hindi pa ako nakuntento at mas pinili ko pang saktan ang sarili ko sa pamamagitan ng paghanap ng mga litrato ng mga ito, At hindi ako nagkamali. Pag bukas ko ng image folder ni dave. Nagdungawan ang mga litrato na may kasama itong babae. Ngunit ang mga picture nila ay kung hindi mga paa nila sa isang higaan habang nanonoon ng movie, Nakayakap si dave sa baba at nakangiti na para bang unang kita ko sa kanya na ang mukha lamang ni dave ang kita at likod ng babaeng kayakap nito. Meron pang hawak nito ang kamay ng babae na nakasoot ng bracelet na may pulang mga bato at halik-halik nito ang kamay ng babae habang nakangiti itong nakapikit. Magtitingin pa sana ako ng biglang may nag message ulit kay dave. Kung kaya ay itinigil ko ang pagtingin sa mga litratong iyon. 1 new message "Babe wag mong kalitutan lakad natin bukas ha,, Maghihintay ako.. sige na good night my dreamboy.. delete mo na po itong message ko baka mabasa ng boring mong asawa hahaha..." "Ako? boring? sasapakin ko talaga to pag nakita ko to!" Sambit ko sa aking sarili ng mabasa ko ang pahabol na mensahe nito kay dave.. Matutulog na sana ako ngunit baka mahalata ni dave na binasa ko ang message nito galing sa kabit nito. Kung kaya ay inasayos ko ang celphone nito at sinet ko ang message nito as unread message. "Kaylangan ko ng umaksyon, Kung hindi baka wala na akong asawang babalikan. Tanga na kung tanga pero hindi ako pinalaki ng magulang ko na basta basta nalang magpatalo." Sambit ko sa aking sarili at inilapag na ang celphone sa lamesa kung saan ito nakalagay, at natulog na ako ng masama ang aking pakiramdam. Kinabukasan pagkagising ko mahimbing pang natutulog si dave, Sinadya ko kasing magising ng mas maaga sa gising nito upang simulan ang aking pinaplano sa araw na ito. Kaylangan hindi makaalis sa paningin ko si dave, upang maghintay sa wala ang babae nito. Kaylangan naming magkaroon ng bonding bilang mag asawa. Kung kaya ay kinakailangan ko ng tulong mula sa nakakataas sa aming dalawa. Agad kong kinuha ang celphone ko at nag isip kung sino nga ba ang pwedeng makatulong sa aking plano. "Ahhh!" Tili ko sa mataas na boses, ng makita ko ang number ng isang taong kahit kaylan ay hinding-hindi kayang tanggihan ni dave. "Hello? kamusta na po kayo?" sambit ko sa aking kausap. Nang matapos kong ikwento sa taong yon ang aking planong pag surpresa kay dave, Ay agad naman na akong nag handa upang makapag ayos na sa aming pupuntahan sa araw na ito. Dapat ay maunahan kong makapag ayos si dave pago pa ito magising. "hmmm!(hinga kong malalim) Nangangamoy pagmamahal sa araw na ito" masaya kong sambit sa aking sarili na para bang nakalimutan ang lahat ng mga nakita at nabasa ko kagabi sa celphone ni dave. "Ngayong araw na ito ang huling pag asang ibibigay ko, pag ito hindi pa nag success hindi ko na alam ang gagawin ko," sambit kong muli sabay bukas ng shower at naligo na akong may pag asa sa aking pagmamahal para kay dave. Pagkatapos ko mag bihis at mag ayos ng sarili nagluto ako ng paburitong pagkain ni dave sa tuwing ito ay may hang over. Sila manag simang at ana naman ay nagpunta sa palengke upang maagang makapamili ng stock namin dito sa bahay. Napangiti na lamang ako ng makita kong pababa na si dave at saktong sakto ay tapos na ako sa lahat ng aking gagawin. "Goodmorning mister!" Masaya kong bati dito at tinapunan ko pa ito ng matatamis na ngiti. Inayos ko ang kainan nito at ipinagsandok ito ng pagkain sa kanyang plato. Habang pinagmamasdan ko itong kumakain hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. "Ang tagal naman ng tawag sa kanya exited na akong umalis!" kabado kong sambi sa aking sarili. "Anong meron bakit bihis na bihis ka?" tanong ni dave sa akin habang nakatingin ito sa aking soot na dark blue na dress. "Ahhmm wala dito sa bahay, Bakit? yayayain mo ba akong mag date?" nakangiti kong sabi dito. Nakita ko na lamang itong umiling habang umiinom ito ng kape . "Bakit ganyan suot mo kung dito ka lang sa bahay?" tanong muli nito pagkababa nito ng kanyang tasa. "Bawal ba? eh dito nalang naman ako sa bahay di pa ako mag aayos ng sarili?" Sambit ko dito sabay talikod sa kanya. "Ang tagal naman nila tumawag!" sambit kong muli sa aking sarili. "Anyway you looks good on that dress" nakatitig nitong sabi sa akin. Ako naman ay tnagpatuloy lamang sa aking ginagawa habang hindi makapaniwala sa aking narinig. "Ohmy ohmy! napansin na nya! sawakas! mamayang gabi akin ka na ulit asawa ko." bulong ko sa aking sarili. "Kath?" tawag nito sa akin, agad ko naman itong nilingon ng may ngiti sa aking mga labi. Pagkakita ko sa kanya ay nakita ko iyong naka ngiti kung kaya ay nilapitan ko pa ito nang sa ganon ay malinaw kong marinig ang kanyang sasabihin sa akin. "This is it! naaakit na sya sa ganda ko, konti pa kath sayo na talaga ang korona!" kinikilig kong sambit sa aking sarili. "Are you sure your okay? tell me lets talk a litle bit." sambit nito sa akin na para bang totoong nag aalala ito sa akin. "Grabe naman yan! kung nagagandahan ka sakin wag naman sobrang OA! jusko ka!" Sambit ko dito habang napapahawak pa ako sa aking buhok. "Seryoso?" seryoso nitong tanong sa akin, at dahan-dahan itong tumayo papalapit sa akin habang ito ay nakatitig lamang sa aking mga mata. "Bakit?" tanong ko dito habang humahakbang paatras kasabay ng paghakbang nito papalapit sa akin. Nang mapansin kong wala na akong aatrasan pa, ay agad ko naman na itong tinanong sa kanyang ginagawa. "Ano ba ginagawa mo dave, pwede wag dito? baka may makakita satin nakakahiya baka kung anong isipin satin" sambit ko dito sabay lihos ko ng aking paningin patingo sa labas ng bahay. "Don't worry wala silang iisiping masama kasi wala naman akong gagawin sayo." Sambit nito sa akin at napahinga naman ako ng malalim kasabay ng sinabi nito sa akin. "Anong ibig mong sabihing wala?" Takang tanong ko dito sabay tingin nito sa lababo. "Nagtataka lang ako sayo, kasi 2 in one pala ang damit mo." Pang asar nitong sabi sa akin. Habang ako naman ay napatingin din sa tinitignan nito at sabay kaming napatingin sa soot ko. "Ayyyy! ano ba tong ginagawa ko. bakit basa ang damit ko!" sambit ko sa mataas na tono ng aking boses. "See? sabi ko sayo hindi ka okay ehh, Gamitin mo ba naman yang damit mo pang punas ng lababo, sinong hindi magtataka sayo?" Pagkasabi nito sa akin ay napayuko na lamang ako at agad na tumakbo sa kwarto upang makapag palit ng bagong pang malakasang awrahan. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na agad ako ng kwarto, Ngunit natigilan ako sa aking kinatatayuan ng makita kong may kausap si dave sa kanyang celphone at doon napangiti ako lalo ng malaman kong ang kausap nito ay si mama Devina ang mommy ni dave. Pinilit kong pakinggan ang pinag uusapan nila, kung kaya ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hanggang sa marinig ko na lamang ang kanyang mga sinabi na nakapagpabagsak ng maganda at masayang umaga ko. "Ma! Ayoko nga sabi may emergency akong pupuntahan. Can we re sched that request ? Kaylangan din kasi ni kath magpahinga pagod sya kagabi sa party." Sambit nito sa kanyang kausap. "Basta ma, I can't make it today i'm sorry bye ma i have to go." pagkasabi nito ay pinatay na nito ang tawag sa kanya at pagkalingon nito sa akin ay bigla namang bagsak ng mga luha ko na hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon mapigilan. "Bakit ka umiiyak?" tanong nito sa akin. Yumuko lamang ako at hinintay ko munang tumigil ang pagwawala ng mga luha ko dahil sa mga narinig ko. "Hindi umifect sa kanya ang plano ko, ano pa ang dapat kong gawin ngayon?" tanong ko sa aking sarili at sabay tingin ko sa mga mata ni dave na nakatayo lamang sa aking harapan. "Hindi naman ako pagod ah. Bakit nagsinungaling ka kay mama? Saan ka ba pupunta dave?" sunod sunod kong tanong dito. "Office." mmaikling sagot nito sa akin. "Dave? meron ka na bang ibang mahal?" malungkot kong tanong kay dave. "Bahala ka sa mga iniisip mo wala akong panahon pag usapan ang mga bahay na yan." inis na sambit nito ng may madilim sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Bakit dave? tama ba ako? meron na nga bang bago kaya ganyan nalang ako sayo kadaling balewalain?" tanong kong muli sa kanya habang hindi ko na talaga kayang pigilan ang mapahagulgol sa pag iyak. Ngunit imbis na kausapin ako ng maayos nito, Ay kabaligtaran naman ang ginawa nito. Tinalikuran lamang ako nito at sabay lakad papunta sa kwarto at doon ay binagsak nito ng malakas ang pintuan ng aming kwarto. "Anong kaylangan kong gawin?" sambit ko sa aking sarili habang nakatakip ang aking mukha gamit ang aking dalawang kamay. Habang ako ay umiiyak at hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon hanggang sa makaalis ng bahay si dave, Nagpunta ako sa kwarto at doon ako nagpatuloy umiyak, Mahirap magkaroon ng ganitong problema ng wala kang pwedeng pagsabihan na mapagkakatiwalaan mo sa lahat ng hirap mo sa buhay. Mayaman ka nga malungkot naman ang buhay mo, Mas masarap pa ang buhay ko noong nasa puder pa ako ng aking mga magulang. Bagamat mahirap lang kami pero totoo ang sayang nararamdaman. Nang mapagtanto ko na wala na talaga si dave sa bahay. Naupo ako at kinuha ko ang isang bote ng alak na nasa lamesa, Hindi man ako sanay na uminom noon, ngunit ayon daw ang makakatulong sa akin para hindi na ako umiyak ng ganito. Ngunit ng akmang iinumin ko na ang inuming isinalin ko sa aking baso. Bigla akong may naalala. Yung lalake kagabi sa garden na nag alok ng tulong para malaman namin ang mga kasagutan sa mga tanong namin para sa aming mga asawa. "Asan na ba yun! kaylangan kong mahanap yon." inis kong sabi sa aking sarili. "Anong oras na ba?" "Mag na nine na pala? nako takbuhin ko nalang kaya. sabi naman nya hihintayin nya ako doon.." kausap ko sa aking sarili at ng mapagod na sa kakahanap ay nagmadali na akong pumunta sa coffee shop na malapit sa sinasabi nitong mall na bagong bukas na coffee shop. "Please sana naman andyan ka pa! ikaw nalang ang pag asa ko." sambit kong muli. "Please God, I need your help for the sake of my merrage kung itong lalaking to ang sulusyon sa mga tanong ko please kaylangan ko po syang maabutan." sambit ko habang sakay ako ng taxi papunta sa pagkikitaan naming dalawa. "Salamat po manong," sambit ko ng makarating ako sa coffee shop. Agad akong nagpalinga-linga upang hanapin ang lalaking nakausap ko kagabi. "Nako! sana andito pa sya kahit late ako ng 15 minutes." sambit ko sa aking sarili. "Ay kabayo!" sambit ko ng magulat ako sa pagkakatabig ko ng drinks na hawak ng nasa likuran ko. "Nako sorry! napaso ka ba? nako nadumihan ko ang damit mo sorry talaga." Sambit ko ng makita ko ang dumi sa damit ng binata. "Miss? ohh woohh! easyhan mo lang, okay lang ako damit lang yan, ikaw nga itong nasabuyan ng mainit ikaw okay ka lang ba?" sambit nito sa akin ng kukuha ako ng panyo pamunas sa mantsa ng damit nito. "Okay lang ako," Sambit ko dito. "Nako namumula ang balat mo let's go to the nearest hospital hindi pwedeng ganyan." sambit nito sa akin sabay tingala ko upang makilala ko naman ang binatang kausap ko. "Ikaw?( nanlaki ang mata sa gulat)" sambit ko sa kanya ng maiangat ko na ang aking paningin sa kanya. "Ikaw?"( sabay naming sabi)" sambit nya. "Sorry ahh late ako, marami kasing kaganapan sa buhay ko ngayong araw na ito." malungkot kong sabi dito. "Hayaan mo na, it's just a litle of time, first, let me carry you to the hospital." Sambit nito sa akin at pumayag naman ako sa kanya. Pumayag akong sumama sa hospital, ngunit hindi ko naman inaasahan ang ginawa nito sa akin, Hindi naman ako napilayan or nahimatay, Pero bakit? Kinarga ako nito papunta sa pinag paparkingan ng sasakyan nito at pumunta na kami sa malapit na hospital sa lugar. "I'm Katherine," pagpapakilala ko sa aking sarili. "I'm Oliver," Sagot nito sa akin ng nakangiti sa akin. "Nako kath! Ayan nanaman ang mga ngiti, Delekado to halos karamihan ng nakikilala ko na matatamis ngumiti sa huli nagiging demonyo," sambit ko sa aking sarili kung kaya ay binaling ko na lamang ang aking paningin sa labas ng sasakyan at pinapanood ang mga nag gagandahang mga ilaw sa aming mga dinaraanan. "Anong plano natin ngayon?" malumanay kong tanong dito. "Magpanggap kang girlfriend ko, At hahanapin ko ang babae ng asawa mo," walang preno nitong sabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD