(Lust Ride) Ep. 10

2761 Words
Natahimik ako sa gulat ng marinig ko ang plano nito, Walang ka preno-preno nitong sinabi sa akin ang plano na para bang pinag isipan nito ng halos matagal na panahon. "Seryoso ka? paano pag nalaman ng asawa mo at asawa ko to?" gigil na sabi ko sa kanya. "Anong problema doon? Don't worry smooth ako mag plano." buong kumpyansa nitong sabi sa akin. "Pwes ako? may problema dyan, Pag nahuli nila tayo, tayo pa ang magmumukhang masama sa lahat ng taong malapit sa atin, at dagdag pa nyan pwede pa tayong makulong." nag aalala kong sabi dito. "It's so unfair alam mo ba? Sila pwedeng mag loko, pero tayo na faithful sa kanila bawal? kulong agad pag nahuli? samantalang ako nahuli ko mga convo nila pinakulong ko ba?" galit na sabi nito sa akin at walang preno nanaman nitong sinabi sa akin ang kanyang hinanakit sa buhay na para bang matagal na kaming magkakilala. "Anyway, what's y our husband name?" seryosong tanong nito sa akin, Ngunit pumasok sa isip ko na pag nalaman nito ang pangalan ng asawa ko, baka kung anong mangayring masama sa buong pamilya naming dalawa. "Lucio," maikling sagot ko, ito lamang ang alam kong pangalan na maaaring ipang tago ko sa pangalan ni dave. "Lucio? hmm(hingang malalim nito.) I know it's not he's name, paano kita matutulungan kung hindi mo sasabihin sa akin ang pangalan nya?" sambit nito sa akin, sabagay may point naman sya doon. Lahat ng bagay ay kaylangan ng pangalan para mahanap kung ano ba talaga ang nawawala. "Dave" mahina kong sabi dito. "Dave?" sambit nito sa akin. "Asawa mo si dave? holy moly!" gulat na sabi nito at natapakan pa nito ng malakas ang brake ng sasakyan kung kaya ay napausog ako at nakas-kas ang bahagi ng napaso sa akin. "So ikaw pala ang asawa ni dave? Do you think may ibang babae si dave?" gulat at naniniguradong tanong nito muli sa akin. "Bakit parang gulat na gulat ka? bakit? hindi ba ako karapat-dapat mapangasawa nya?" inis na sambit ko dito. "Ang hirap ng sayo, sigurado ka ba talaga? eh sobrang busy ng taong yan mambabae pa kaya?" muli nitong sabi sa akin. "Sana nga oliver, sana nga mali ako. Kaso yung mga nabasa kong convo nila ng babae nya, yun ang malinaw sa akin." malungkot kong sabi dito. "So that's the grave that he created to you, i feel it same as mine." malungkot din nitong sabi sa akin. "Okay let's have a new plan, But for now let the doctor check your arm first. let's go pasok na tayo sa loob." sabi nito sa akin pagkabukas nito ng pintuan sa side ko. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito sa akin. At sa tingin ko naman ay hindi ito magpapatalo sa akin pag sinabi kong okay lang ako. Sumusunod lamang ako kay oliver papasok sa clinic ng hospital at agad namang may nag asikaso sa akin. Nagtataka lang ako kung bakit kilalang kilala si oliver dito sa hospital na ito. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na lagi ba syang nahohospital or lagi ba syang may dinadala dito, nakakatawa ang mga pinag iisip ko patungkol sa kanya sa mga oras na ito. "Sir Oliver, Ano po nangyari sa kanya? Sya ba ang misis mo?" tuloy-tuloy na tanong nito sa binata. "Ah hindi (sabay hawak nito sa kanyang batok habang nangingiti sa kausap) Malabong madala ko dito sa hospital si misis." Nakakunot na noong sabi ni oliver sa doctor na kausap nito. Hindi ko na sila maintindihan pero ang galing ng doctor na gumagamot sa akin, bukod sa nakikipag usap ito habang ginagamot ako, eh napaka gaan pa ng kamay nito na para bang hindi ko nararamdaman na nilalagyan nito ng gamot ang paso ko sa aking kamay. Kung tutuusin nga hindi ko naman na kaylangan magpunta dito sadyang mapilit lang talaga si oliver, dahil kung ako lang baka binabad ko lang ito sa malamig na tubig at saka ko nilagyan ng cream. Mga mayayaman nga talaga sobrang waldas sa pera. Habang nag uusap sila ay bigla namang tumunog ang celphone ko, Hudyat na may message sa akin. Kinuha ko iyon kaagad at tinignan kung sino ang nag message sa akin. Nagulat ako ng mabasa ko ang pangalan ni dave sa screen ng phone ko. Napangiti naman ako dahil sa pakiramdam ko ay kahit papaano ay tumalab ang pang aakit ko dito at nagbago ang isip nito kung kaya ay agad-agad ko naman itong binasa. 1 Message "Hubby Davey" Read... "Kath nasaan ka? tinanong ko si ana kung nasa bahay ka ba sabi sakin wala ka?" "Nako hindi ko pala nasabihan si ana sa pag alis ko," sabi ko sa aking sarili at nangamot pa ako ng akong ulo sa pag iisip ng aking idadahilan sa tanong ng aking asawa. "Doc... Ahmmm sorry sa pag interupt ko sa masayang usapan nyo, pero matagal pa po ba yang ginagawa nyo?" Nahihiya kong pag istorbo sa pag uusap ng dalawa. "Ha? Hindi naman sorry, Namiss ko lang tong kaybigan ko. Anyway okay na to, Bakit may lakad pa ba kayo?" nangangamot nitong sabi sa amin at pagkatanong nito ay napatingin ito sa kaybigan nito. Magsasalita na sana so oliver ng bigla kong sinalo ang tanong nito at ako na mismo ang sumagot dito. "Ahmm, kaylangan ko na kasing umuwi hinahanap na ako ng asawa ko." Pagkasabi ko noon ay napatingin ako kay oliver na para bang nahihiya sa araw na iyon. Dahil sa may usapan kaming gagawin upang mahuli ang aming mga asawa at magtutulungan sa planong iyon, subalit sa isang message lamang sa akin ng aking asawa ay natataranta na ako agad na makauwi para lang makita sya. Reply to "Hubby Davey" "Lab, bumili lang po ako ng coffee.. Wala kasi sila ana kanina kaya ako na ang lumabas. Pero pauwi na rin naman na ako, Bakit? Nagbago ba isip mo at hindi ka na pupunta sa emergency meeting mo?" Pag aalibay kong reply sa tanong ni dave sa akin. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito sa akin at tumayo na ako sa aking kinauupuan at humingi na ako ng paumanhin sa dalawa at nagmadali na akong lumabas sa clinic. Pagkalabas ko ay biglang may humila sa akin papasok sa isang room malapit sa exit ng hospital at tinakpan nito ang aking bibig, Pinilit kong lingunin ito ngunit sya na mismo ang pumunta sa aking harapan upang makilala ko ito. "Olivv.." sabi ko sabay pigil nito sa akin sa aking pagsasalita sa pamamagitan ng paglagay nito ng kanyang hintuturo sa nakanguso nitong mapulang labi, sabay turo nito sa may salamin ng pintuan kung saan ay makikita ang mga taong dumadaan doon. Pagkatingin ko sa tinuturo nito ay nanlaki ang mga mata ko na ang asawa ko ay nagmamadaling papasok sa loob ng hospital, at kitang-kita ko ng dalawang mata ko kung saan ito pumasok na pintuan. Bago ito pumasok ay nag ayos muna ito ng kanyang suot at saka tinignan ang kanyang celphone na para bang may binabasa at saka naman ito pumipindot sa screen ng celphone nito. Ilang saglit pa ay tuluyan na itong nilamon ng pintuang iyon, Agad namang bumilis ang t***k ng puso ko na halos mabingi na ako sa ingay na likha ng nag uunahang tambol sa aking dibdib na kahit pa anong salita ng kasama ko ay hindi ko na magawang pakinggan pa. Inalog ako nito kung kaya ay nagbalik ako sa aking katinuan at saka ko narinig ang sinasabi nito sa akin kanina pa. "KATH! hoyyy! Ano ka ba nabablanko ka nanaman, Nag message ata sya sayo basahin mo." Sambit nito sa akin. Dahan-dahan kong nilingon ang celphone ko na para bang ayaw umalis ng aking paningin sa pintuang pinasukan ng aking asawa. Ngunit kinakailangan ko iyong basahin ng sa ganoon ay mabigyang linaw at magkaroon ng kasagutan ang kaba ng puso ko. 1 Message from "Hubby Davey" "Ahh.. ganun ba? sige pagtapos mo dyan umuwi ka na, magpasundo ka nalang para safe ka makauwi. Hindi nagbago isip ko emergency kasi talaga to kaylangan nandito ako." Reply nito sa akin, Para bang nanlamig ang buong katawan ko dahilan upang hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Binulungan ako ni oliver ng irereply ko kay dave dahil sa mga oras na iyon ay napapansin na nitong hindi na ako makapag isip ng sasabihin pa dito. "Itanong mo kung nasaan ba sya at kung pwede mo ba syang puntahan." sambit nito sa akin, at para naman akong isang puppet na sumusunod naman sa sinasabi ng aking kasama sa mga oras na iyon. Reply to "Hubby Davey" "Nasaan ka lab? Baka pwede naman kitang bisitahin dyan sa work mo?" Reply ko dito. Nagulat nalang ako na wala pang isang minuto ang aking hinintay at nakatanggap na agad ako ng reply sa kanya. 1 Message from "Hubby Davey" "Andito sa office, naghihintay mag start... wag na ngayon kasi hindi rin kita mahaharap at baka mainip ka lang sa paghihintay sa akin." Alibay nitong sagot sa akin. Reply to "Hubby Davey" "Saglit lang naman ibibigay ko lang tong coffee na binili ko for you..." Pangungumbinsi kong sabi dito. 1 Message from "Hubby Davey" "Wag ka ng makulit, pag sinabi kong hindi pwede! hindi pwede! Pag ako napahiya dito, baka makalimutan kong mag asawa tayo." Pagkareply nito sa akin ay para bang si oliver ang mas nagalit sa mga nabasa nito sa reply ni dave sa akin. Kung kaya ay hinila ako nito palabas at papunta sa kwarto kung saan pumasok si dave. Pagkatapat namin sa pintuan ay maski si oliver ay natigilan sa kanyang nakita. "OB GYNE" "Aaa-an-anong ginagawa nya d-dyan?" Utal at hindi makapaniwalang sambit ni oliver at sabay lingon nito sa akin na para bang may pag aalala sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na maintindihan ang aking sarili, Samo't saring palaisipan ang naiisip ko sa mga oras na iyon, dumagdag pa ang panlalamig ng aking katawan at panlalambot ng aking mga tuhod. Naramdaman ko nalamang ang aking pagbagsak at pahina ng pahinang boses ni oliver sa pagkakatawag sa pangalan ko, Hanggang sa hindi ko na maalala ang mga sumunod na nagyari sa oras na iyon. Sa mga oras naiyon ay para bang nag flashback ang lahat ng masasayang ala-ala namin ni dave, At ayun lang ang mga paulit-ulit na masaya na nagiistay sa aking isipan wala ng iba at hindi na ito nadagdagan pa. Gusto kong ilaban ang pagmamahal ko pero paano? "Kath?" tawag sa akin ng paulit-ulit magmula sa mahina palakas hanggang sa maimulat ko na ang aking mga mata. "Finally! your awake! kamusta? sorry nga pala kasi hin.." sambit nito ngunit hindi ko na iyon pinatapos at hinawakan ko ang kamay nito na malapit sa akin. Nang mahawakan ko na ay para bang nagulat iyon sa aking ginawa. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at tinitigan ko ito ng seryoso na may halong galit at hindi ko na iyon pinatagal pa, agad naman akong nagsalita sa kanya. "I'm ready to fight..." Pagkasabi ko noon ay nakita ko ang mga ngiti nito sa akin at sabay himas nito sa aking ulo. "That's my girl!" Masaya nitong sabi sa akin. "Gusto ko ng malaman agad kung sino, at anong dahilan kung bakit nya ako nagagawang lokohin bakit ako pa! sa- sa dinami rami ng babae na pwede nyang gamitin ako pa ang napili nyang paglaruan ng ganito, Pinagkatiwalaan ko sya at yun ang isang bagay na malaking pagkakamali ko." Umiiyak kong sabi kay oliver. Habang ako ay naglalabas ng sama ng loob sa kanya, siya naman ay tahimik na nakikinig lamang sa akin. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko, Pakiramdam ko ay halos lahat ng taong makakasalamuha ako ay gagamitin lang ako sa mga pansarili nitong kagustuhan. "Wag ka mag alala Kath, Your fight is my fight! magtutulungan tayo sa laban na to makakaasa ka na hinding-hindi ko gagawin sayo ang ginagawa ng asawa mo, From now on, i'm the one who took a knife from anyone who try to stab your back and can i trust you that you do the same way for me?" Seryosong sabi nito sa akin habang hawak nito ang aking kamay habang ang isa nitong kamay ay pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha. Tanging pagtango lamang ang aking naging sagot sa mga sinasabi nito. Para akong nabuhayan ng pag-asa dahil sa mga sinabi sa akin ni oliver, dahil sa pagkakataong ito nagkaroon na ako ng taong maari kong pagkatiwalaan at taong pwede kong masandalan. "Tahan na, Narinig ko na ang side of story mo, Leave the rest to me. Tatapusin muna natin ang sayo bago mo ako tulungan sa problema ko para makasiguro kang totoo akong kaybigan sayo." Sambit nito sa akin at nginitian lamang ako nito, Gumaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko sa mga sinabi ni oliver sa akin. Nang matapos itong magsalita, ay bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ng clinic na iyon. "Pwede mo na syang ihatid oliver, maayos na ang kalagayan nya, Ito ang mga gamot para sa sugat nya. At sayo naman kath, alam mo bang nawalan ka ng malay kanina, at dahil yan sa total impact ng depression mo dagdag pa ang pagka shock ng brain cells mo sa sobrang daming nangyari sa iyo. So i recomend that you need a full rest, bawal muna stressin ang sarili well maganda ka naman na pero kaylangan mo pa ng more beauty rest. Sige na oliver hatid mo na si Kath." Sambit nito sa amin ni oliver, Tumango naman si oliver kasabay ang pag ngiti nito sa doctor, at inalalayan na ako nitong makatayo sa aking pagkakahiga. Bago pa man kami makalabas ay bahagyang hinila ng doctor si oliver dahilan upang umatras ng bahagya si oliver palayo sa akin, At napansin kong may binulong si doc kay oliver at para itong seryosong usapan na sila lang dalawa ang dapat na makaalam. Hindi ko pinahala na pinagmamasdan ko sila at kinakalkula ang mga ekspresyon ng kilos at galaw ng dalawa. Hinatid ako ni dave sa labas lamang ng subdivusyon kung saan ako nakatira. Bago pa man ako pagbuksan ni oliver ay may sinabi pa ito sa akin. "Pasensya ka na Kath, kaylangan nating mag ingat kaya dito nalang muna kita ihahatid, Gustuhin ko mang ihatid ka sa tapat ng bahay nyo pero baka mabulilyaso ang plano natin." Pagpapaliwanag nito sa akin. "Wag ka mag alala oliver, okay lang sa akin wala kang dapat problemahin. Dapat nga magpasalamat pa ako sayo at tinulungan mo ako." sambit ko sa kanya at nginitian ko naman iyon. "Kath, one more thing bago ka umalis, Please clear your mind alam ko mahirap pero kaylangan mo munang mahalin ang sarili mo, Kalimutan mo muna yang G*g* mong asawa, Promise mo sa akin as your new trusted friend na HINDI KA MAG PAPAKAMATAY AH!" Pagkasabi niya noon ay puro tango lamang ang sagot ko sa pagpapalakas nito ng loob ko. Hanggang sa lumakas ang boses nito na ikinagulat ko naman, Imbis na mainis ako dahil sa muntik na akong mabingi sa lakas ng boses nito, Ay natawa ako sa pagsigaw noon sa akin. "Anong nakakatawa?" seryosong tanong nito sa akin. "Seryoso ako!" dagdag pa nito. "Paano kasi, hindi ko malaman kung galit ka ba o nag aalala, (Laughing) Sige na uuwi na ako, at baka masigawan mo ulit ako." sabi ko dito habang napapahawak pa ako sa aking tiyan sa kakahagalpak ko ng tawa dito. "Pakinaylangan mo ng tulong ko sinave ko na number ko sa cell mo hanapin mo nalang pag uwi mo." seryosong sabi nito sa akin. Kumaway na ako dito habang naglalakad palayo sa kinaroroonan nito. Nang bigla itong nagsalita muli na naging dahilan ng paghinto ko sa aking paglalakad. "Wag ka mag alala kath! Akong bahala sayo! and i won't accept, your Thank You now! I only accept that when i give you the best reward that will make you free from pain and until i gain your friend of trust!" Sambit nito at bigla nanaman akong naluha dahil hindi parin ako makapaniwala na bukod sa mga magulang ko meron na akong bagong masasandalan at mapagkakatiwalaan. Humarap ako kay oliver na may luhang sanhi ng kaligayahan dulot ng magagandang salita na galing sa bagong kaybigan. "Hindi naman siguro masamang sumugal ulit ng tiwala sa bagong kakilala." sambit ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang pag alis ni oliver sakay ng kanyang sasakyan. "Pangako ko, Babawiin ko ang saakin, hindi ako papayag na basta-basta mawala sa akin ang pamilyang binuo ko mula ng umpisa! Akin ang asawa ko at lalaban ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD