Umaga na nang magising si Althea sa malambot na puting kama.
Nang buksan nya ang mga mata, mukha ng isang lalaki ang unang bumungad sa mga mata nya.
"Hoy! gising! ipagluto mo ako!"
unti nalang ay magkaka nose-to-nose na sila.
humalakhak ng tawa ang lalaki
"Kung nakita mo lang ang pagmumukha mo kagabi"
marahas na itinulak ni Althea ang mukha ng lalaki palayo sa mukha nya
"Sino ka ba?!"
tarantang napatayo ng kama si Althea na halos matapilok pa.
Hindi naman sya pinansin ng lalaking hindi naman mapagkakailang napaka gwapo.
Maamo ang mga mata nito na kulay kayumanggi, makakapal na kilay, matangos ang ilong, perpektong mga ngipin, maganda ang hugis ng mukha, hindi naman kaputian ng balat pero makinis, may magulong buhok pero...
ang gwapo.
Napalunok ng laway si Althea at inilayo ang paningin sa gwapong nilalang bago paman sya tuluyang mapanganga.
binuksan ng lalaki ang bintana.
nakapasok naman ang sinag ng araw sa loob ng silid na nakasilaw sa mga mata ni Althea na bagong gising
"Umaga na. pwede ka nang umalis"
masungit na nakataas ang kaliwang kilay ng lalaki
"Gising ka na pala ineng. Sya nga pala si Drei Halsem ang may ari ng mansyon na ito"
pumasok sa silid ang matandang babae hawak ang makapal na libro na naiwan ni Althea kahapon sa second floor.
"Lola, sinabi ko na sa inyo ni mommy at ni daddy. hindi ko kailangan ng makakasama dito sa mansyon
iritang sabi ni Drei.
"Wala akong magagawa apo. yan ang gusto ng mommy mo. Isa pa, para naman may makausap ka dito"
"Oo nga po lola nuh? at para may patayin nanaman ako.."
nakakatakot nyang tiningnan si Althea na napalunok naman ng laway sa takot
"Hay naku apo... wag mo na gawin pa sa kanya ang mga ginawa mong pananakot sa iba. At ano ba yung mga pinagsasabit mong mga nakakatakot na litrato sa pader? alisin mo yun"
"Lola—"
"Ah.. ha! kagagawan mo lang ang lahat ng yun?! Alam mo bang muntikan na akong kumaripas ng takbo palabas ng mansyon??"
inis na singhal ni Althea
"Eh ano bang pakialam ko sayo?"
"Tama na yan. ano bang pangalan mo ineng ko?"
"Ako po si Althea"
nakangiti nyang sagot sa matanda
"Ako naman si lola Bineng. tawagin mo nalang rin akong lola. Oh sya ineng. ipagluto mo na ng almusal itong apo ko. Apo, aalis na ako at wag mo na pagtripan pa si Althea"
"Lola, isama mo na 'tong babaeng 'to.."
Matapos magluto ng macaroni soup, magprito ng sausages at tatlong sunny side up na itlog at mag saing, tinawag nya na si Drei.
"Sir Drei! ready na po ang breakfast!"
pero walang sumagot.
"Nasaan na kaya ang masungit na yun?"
Lumabas sya ng kusina habang nagsisisigaw
"Sir Drei! ready na po ang breakfast! kain na po tayo!"
Akala ba ni Althea paglilinis ng mansyon ang trabaho nya?
Eh bakit parang trabaho nya pa ang alagaan at disiplinahin ang lalaking mukhang matanda pa sa kanya ng tatlong taon?
Hayyyy... bwisit!
"Ano ba?! ingay mo"
walang expression ang mukha nitong tiningnan sya.
"Kain na po sir Drei. ready na po ang breakfast"
nakangiting sabi ni Althea
"Wag ka ngang ngumiti! ang plastik mo"
Nilampasan sya ni Drei saka pumuntang kusina.
sinundan naman sya ni Althea.
Handa na ang pagkain sa mesa nang pumasok sa kusina si Drei.
Nakahiwalay ang pagkain nya sa pagkain ni Althea.
"Mag-isa ka lang talagang naninirahan sa malaking mansyon na 'to?"
manghang tanong ni Althea na nauna pang sumubo ng pagkain kesa sa masungit na si Drei.
"Pakialam mo ba?"
"Sa bagay... kung ganyan ang ugali ko wala naman talagang makikisama sa akin kaya naman mas gugustuhin ko nalang lumayo..."
"May sinasabi ka?"
"Ang sabi ko po sir, hindi ka po ba natatakot mag-isa dito?"
"Mas okay nang mag-isa. kesa makasama ang isang tulad mong madaldal at mukhang aswang"
pang aasar ni Drei kay Althea
"Bakit ka ba... mag-isa dito?"
"Hindi ka rin tsismosa nuh? Hoy hindi tayo close kaya wag mo akong tanungin Ng mga personal na tanong. Isa pa, ang pangit ng lasa ng luto mo. Yung totoo? hindi ka ba tinuruan ng nanay mo?"
umalis na sa kusina si Drei
"Pangit daw ng lasa ng luto ko pero naubos..."
Matapos ligpitin ang pinagkainan, binuksan nya ang malaking bintana at nakita ang fountain sa labas na bumubuga parin ng pekeng dugo
"Pasaway."
nasabi ni Althea.
Binuksan nya ang pintuan na isinara nung aswang— este ni Drei.
Nang humakbang sya palabas ng kusina ay napa slide sya dahilan para mapahiga sya sa semento.
"Arayyy... ang likod ko..."
"Ops. natapon ko yata yung mantika sa sahig"
humalakhak ng tawa si Drei saka ngingiti-ngiting lumakad palayo.
"Bwisiiittttt!!"
napasigaw na lamang sa inis si Althea.
"Ano bang nasinghot ng lalaking yun? nag da-drugs ba sya? Isip bata... nakakainis!"
inis na sabi ni Althea habang nililinis ang nagkalat na mantika sa sahig sa labas ng kusina.
Matapos linisin ang natapon na mantika, bumalik sya sa kwarto na tinulugan nya kagabi at nilinis iyon.
Hindi pa lamang isang araw mukhang may Bali na ang likod nya.
kung hindi lang 30,000 pesos a month ang sasahurin nya, umalis na sana sya dito kahapon pa noong nakita nya ang fountain.
Pero hindi sya susuki sa lalaking yun.
"Yun lang ba? yun lang ba ang kaya nyang gawin? yun lang ba aalis na ako? NO!"
padabog syang lumabas ng kwarto at buong buo ang loob nyang pagsasalitaan ng masama si Drei pero isang kamay ang sumakmal sa pagmumukha nya
"Hoy pangit!"
"Ano ba?!"
tinapik palayo ni Althea ang kamay ni Drei sa mukha nya.
"Ah... naiinis ka na? 10:30 am palang naman eh. umuwi ka na habang maaga pa"
"Asa ka! nagpunta ako dito para sa trabaho kaya wag mo akong pagtripan!"
"Ang daldal daldal mo eh ang baho naman ng hininga mo.
may bagaheng lumubog dun sa swimming pool sa likod ng bahay. kunin mo"
"Bagahe??? wag mong sabihing ang bagahe ko yun?!"
"Abay malay ko. nakita ko lang yun sa first floor katabi ng bookshelf"
"Ikaw—!"
Tumakbo sya pababa ng second floor at palabas ng bahay.
Tumakbo sya sa likod ng bahay at nakita ang bagahe nya na nakalubog sa malalim na level ng tubig ng swimming pool.
Nakadungaw naman sa bintana mula sa second floor ang ngiting tagumpay na si Drei.
tiningnan sya ng masama ni Althea.
paano nya makukuha ang bagahe?
Eh hindi sy marunong lumangoy!
nasa loob ng bagahe ang mga damit nya, ang cellphone nya at ang wallet nya.
"Ahhhhhhhhh!!!!"
napasigaw sa inis si Althea
Sinubukan nyang hilahin ang bagahe paangat gamit ang mahabang sanga ng punong kahoy pero dahil sa lalim ng tubig sa swimming pool ay hindi nya maabot.
Marahas nyang itinapon ang sanga ng punong kahoy at saka umiyak.
Isa lang ang cellphone nya at ang lamang 15,000 pesos sa wallet ay pinaghirapan nya pandagdag sa pagpapatayo ng negosyong pinapangarap.
Wala na. siguradong sira na ang cellphone nya at punit na ang 15,000 pesos nya.
Maya maya'y nadulas sya sa kinatatayuan nya kaya naman nahulog sya sa swimming pool at kaagad na pinasok ng tubig ang tainga at ang ilong nya.
Ang lalim ng tubig at hindi pa sya marunong lumangoy.
Sinubukan nyang ipagaspas ang mga kamay at paa para makaahon pero lalo lang lumulubog ang katawan nya.
Nawawalan na sya ng pag-asa nang may brasong yumakap sa kanya at iniangat sya.
Inihiga sya ni Drei sa semento
"Hoy pangit! gising!"
Inilagay ni Drei ang dalawang kamay sa dibdib ni Althea saka idiniin.
Shit. hindi sya marunong.
Yung s**o ang nakakapitan at nadidiin nya.
"Paano ba 'to?... kainis!"
tinakpan ni Drei ang butas ng ilong ni Althea at hinalikan nya ang labi ng dalaga at binugahan ng hininga.
Maya maya lang ay naubo na ng tubig si Althea at nagkamalay.
"Kasalanan mo. Ang Bobo mo kasi hindi ka marunong lumangoy"
Lalakad na sana palayo si Drei pero hinawakan sya sa paa ni Althea
"Ang paa ko..."
na injured ang paa ni Althea kaya hindi sya makatayo.
"Ang lampa mo"
binuhat sya ni Drei at iniupo sa baba ng hagdan ng first floor paitaas ng second floor at ng third floor.
Umiiyak parin si Althea.
ngayon lang sya nagkaroon ng ganito kasamang amo.
Kaya nga siguro walang tumatagal dito kasama nya...
"Wag ka ngang umiyak! lalo kang pumapangit eh!"
"Ang sama sama kasi ng ugali mo!"
hindi na napigilan pa ni Althea na sigawan si Drei.
"Hoy! sinisigawan mo ba ako?"
"Ay hindi sir! nagpapasalamat pa nga po ako sayo dahil hinulog mo sa swimming pool ang bagahe ko kaya naman wala na akong cellphone ngayon at wala narin akong pera at kani-kanina lang ay muntikan na akong magpaalam sa mundo"
sarkastikong sabi ni Althea.
Ang walang awang si Drei, syempre hindi manlang nakonsensya.
tinanong pa si Althea
"O ano? stay ka pa?"
"Oo naman! wait— baka naman may kaunti ka pang awang natitira. pahiram naman ng damit mo oh. basa kasi lahat ng damit ko"
tiningnan sya ni Drei na para bang isa itong malaking desisyon na kailangan nyang gawin.
Iniwan nya si Althea sa baba ng hagdan at makalipas ang limang minuto ay may dala itong sando at short na panglalaki.
itinapon nya ang mga iyon sa mukha ni Althea saka muling umakyat sa itaas.
Marami nang nakaaway si Althea pero si Drei lang mismo ang nakakapagpakulo ng 100 degree Celsius ng dugo nya.
ang sama sama ng ugali!
hindi mo manlang makitaan ng bahid ng awa! kung gagawa man ng mabuti, parang labag pa sa loob nya!
parang wala lang nangyari kanina!
tatlong oras na ang nakakaraan pero kumukulo parin ang dugo ni Althea sa galit.
high blood na sya.
Wala na syang cellphone at wala pa syang pera.
mabuti nanga lang hindi serious injury sa paa ang natamo nya.
kahit papaano swerte pa sya.
Sa ngayon ay hindi nya na mahagilap ang masungit na impaktong si Drei matapos syang iwan nito sa hagdan tatlong oras ang nakakaraan.
siguradong may binabalak nanaman itong plano na ikamamatay na ni Althea.
Kailangan ni Althea na maghanda!
Hindi na pwedeng mabiktima pa ulit sya ni Drei!
kailangang palagi syang mapag matyag.
Kung may kakaiba sa paligid, aalamin nya na muna kung may patibong.
Kung may kakaiba sa isang kwarto, hindi dapat nya pasukan.
Kailangan rin hindi sya kakain kung sakali mang may ibibigay sa kanyang pagkain si Drei dahil baka may lason pa.
At kailangang hindi sya masyadong lumapit kay Drei.
Okay. sa ngayon, yan muna ang mga kailangan nyang gawin.
kailangan nyang mag ingat kung gusto nyang tumagal sa mansyon na ito at kumita ng pera.
5:37 pm na nang matapos maglinis ni Althea, magluto para sa hapunan at isampay ang mga nabasa nyang damit at itapon ang punit punit nyang pera na muli nyang iniyakan sa huling pagkakataon, ay wala pa syang nakikitang salbaheng Drei sa paligid.
Nasaan na kaya yung hinayupak na yun?
Maingat at palingon lingon sa paligid na bumaba si Althea ng first floor.
wala na sa pader ang mga nakakatakot na litrato ng mga nakasuot na black, red at green cloaks.
Inalis na siguro ng gago.
Isinara nya ang pinto ng bahay at in-on ang switch ng mga ilaw sa buong bahay.
Ang street lamp naman sa labas ng bahay at automatic nang bumubukas kapag dumidilim na ang paligid.
Napalingon sya sa TV.
deserve nya naman sigurong magpahinga pagkatapos ng nkakaapagod at nakaka stress na araw na ito.
hindi naman siguro ikakaltas sa sweldo nya kung magpapahinga sya at manunuod ng TV.
Binuksan nya ang TV at bago laman sya maupo sa mahabang malambot na sofa ay siniyasat nya na muna ang paligid dahil baka nagtatago si Drei sa kung saan at bigla syang gulatin at baka iyon pa ang maging mitsa ng pagkamatay ni Althea.
Relax syang bumuntong hininga at naupo sa mahabang sofa katapat ng bukas na TV.
Unang araw nya pa lamang sa mansyon na ito ay napaiyak na sya ni Drei at muntikan na syang mamatay.
mala demonyo nga ang ugali ng Drei na yun.
pero sa kabilang banda at ayaw mang aminin ni Althea, ang gwapo ni Drei at hindi nya kayang tumitig ng matagal sa mga mata nito.
Ano kaya ang dahilan kung bakit ang isang gwapong katulad ni Drei ay nag iisa sa lumang mansyon na ito at wala sa bayan para maging isang modelo?
sigurang kung sino mang kukuha sa kanya bilang isang modelo ay yayaman. sa gwapo ba naman at ganda ng katawan ni Drei.
Bakit kaya ang layo naman sa bayan ng mansyon na ito?
Ang weird.
Ang weird nya.
Naka tutok ang mga mata ni Althea sa TV screen pero na kay Drei Halsem naman ang isip nya.
Naiinis man sya sa lalaki, naiintriga parin sya kay Drei Halsem.
Maya maya ang tahimik na paligid ay binulabog ng malakas na putok ng baril na nanggagaling mismo sa loob ng bahay na ito.
nahulog naman sa sofa si Althea sa sobrang takot at gulat.
tinakpan nya ng magkabilang kamay ang magkabilang tainga nya at ang bilis ng t***k ng puso nya.
takot na takot sya at hindi malaman ang gagawin.
"Ano ba itong pinasok ko Lord..."
nanginginig na dasal ni Althea.
Maya maya lang ay maririnig ang malakas na pagsigaw ni Drei.
"Ahhhhhhhhh!!!!!!"
sigaw na parang namimilipit sa sakit
"Sir? sir! nasaan ka?"
nag panic na si Althea.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa sahig at nagmadaling umakyat ng hagdan patungo sa second floor
"Sir! sir! nasaan ka?!"
kinatok nya ang bawat nadadaanang pintuan pero wala doon si Drei
kaya naman umakyat sya ng third floor at sa unang silid katabi ng silid nya ay nakita nya si Drei na nakahandusay sa puting kama at duguan!
"Sir!!"
bulalas ni Althea at kaagad na nilapitan si Drei.
"Ano pong nangyari?? Oh my God..."
"Habulin mo! habulin mo yung killer!
Yung killer!!!!"
lalong nataranta si Althea kaya naman halos matapilok syang lumabas ng kwarto pero hindi paman sya nakakalayo ay narinig nyang humalakhak ng tawa si Drei kaya naman galit na galit syang pumasok ulit sa kwarto at sinugod si Drei pero mabilis syang napaibabawan ni Drei sa kama kaya naman hindi sya makagalaw.
"Ano ba?! hindi yun nakakatawa!"
sigaw ni Althea.
Nakadaghan sa kanya si Drei at hawak nito ang dalawang kamay nya sa itaas ng unan.
*Panandaliang katahimikan*
Shit. malayo pa nga lang ang gwapo na ni Drei. ganito pa kaya kalapit?
"Aware ka bang... tayo lang dalawa dito at kayang kaya kong gawin ang kahit na ano mang gusto kong gawin sayo?"
bulong ni Drei sa kanang tainga ni Althea na nakapag pakiliti naman sa buo nyang katawan.
Tumulo man mula sa noo ni Drei ang pekeng dugo, hindi parin naman nabawasan ang kagwapuhan nito.
Napakagat naman ng labi si Althea sa takot.
ano bang sinasabi ni Drei?
"Umalis ka na nga diti sa kwarto ko! Ang bilis mong mapaniwala"
asar sa kanya ni Drei saka bumangon sa kama para makatayo si Althea.
Nagmadali namang lumabas ng kwarto si Althea.
Bwisit! naisahan nanaman sya!