bc

Something's weird about mr. Halsem

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
badboy
sensitive
humorous
heavy
lighthearted
mystery
scary
passionate
like
intro-logo
Blurb

Mataas ang pangarap sa buhay ni Althea.

nais niyang makaipon ng pera para ipampatayo ng negosyo. Kaya lang, hindi sya sine-swerte sa trabaho kaya naman ay desperado na sya.

Kahit hindi alam ang malayong lugar na pupuntahan, sumugod sya sa nasabing trabaho na tagalinis lamang ng mansyon pero ang taas ng sweldo.

Ang hindi nya akalain ay makikilala nya sa nakakatakot na mansyon ang masungit at salbaheng si Drei Halsem na mayroon namang sakit na Enochlophobia (phobia sa matatanong lugar).

Posible kayang mapabait ni Althea ang masungit at salbaheng si Drei at posible kayang matulungan ni Althea si Drei na gumaling sa sakit?

o katulad ng ibang mga sumubok ay susuko rin sya dahil sa masamang asal ni Drei?

chap-preview
Free preview
Scary Mansion
"Nandito na po tayo madam" tinulungan ng driver si Althea na ibaba ang kanyang bagahe mula sa sasakyan. Bumaba ng sasakyan si Althea at napalunok sya ng laway at kinilabutan nang makita ang lugar at ang nakakakilabot na mansyon na para bang matagal nang walang naninirahan dito dahil kupas na ang pintura ng bahay at ng gate. "M-manong? s-sigurado ka bang tama itong n-napuntahan nating lugar?" nauutal na tanong ni Althea. naramdaman niya ang pagtaasan ng mga balahibo nya sa braso at sa batok. "Oo madam eh. sigurado po ako. makailang ulit ko na rin pong tsinek sa Google map habang nasa byahe tayo" Matapos magbayad, naiwan na si Althea sa nakakakilabot na lugar. Lalo pa syang kinilabutan nang may lumipad na malaking uwak sa harapan nya at dumapo sa tuktok ng mansyon. Hila ang bagahe, binuksan nya ang gate at saka pumasok. Bumuntong hininga sya "Kalma Althea. hindi totoo ang mga kababalaghan. nandito ka para mag ipon ng pera at pagkatapos, aalis ka na dito" kinalma nya ang sarili na hindi matakot. pero sino ba namang hindi matatakot sa ganitong lugar? malayo ang lugar na ito sa lugar na pinanggalingan ni Althea. probinsyang probinsya ang lugar na ito at ang nakakatakot na mansyon ay wala pang kapitbahay! Ipinagdadasal tuloy ni Althea na sana ay may makasama manlang sya dito sa mansyon kahit itim na pusa manlang. at least sigurado syang buhay. Malawak ang lote ng mansyon at ang laki ng bahay na makikitaan naman ng maraming bintana kung kaya naman tiyak na maraming silid sa loob. hindi naman gaanong matataas ang mga halaman at iilan lang naman ang makikitang mga puno sa loob ng lote ng mansyon. may ilang mga uri ng bulaklak sa kapaligiran pero gayunpaman, hindi parin maalis ang takot ni Althea sa lugar. bukod sa walang kapitbahay, ang laki pa ng na ito at mukhang mag-isa lamang syang maninirahan dito. kinuha ni Althea mula sa bulsa ang cellphone upang tawagan sana ang pamilya nya at ipaalam na nandito na sya sa pagtratrabahuhan nya pero walang signal! nanginginig na ngayon sa kaba si Althea. tutuloy pa kaya sya? 4:32 pm na. wala namang masasakyan sa lugar na ito pabalik sa lugar na pinanggalingan nya at kung sakaling lalakarin man nya ang daan pabalik, gagabihin sya sa daan at umaga na sya makabalik. yun ay kung makabalik pa sya. Napatanda ng krus si Althea. "Diyos ko Lord... alam nyo naman pong hindi ako matapang na tao..." Takot na takot man, nagpatuloy parin sa paglalakad si Althea palapit sa pinto papasok ng malaking bahay. Mataas ang kulay puting pinto na medyo madumi. kinailangan pang gamitin ni Althea ang buong lakas para mabuksan ito. Kung hindi nagustuhan ni Althea ang labas, lalo na itong loob na bukod sa may kalumaang mga kagamitan, hindi naman masyadong makalat pero wala sa tamang arrangement ang mga kagamitan. Makikita dito sa first floor ang mahabang sofa na may katabing maliit na table na may nakapatong namang maliit na lampara. kaharap ng mahabang sofa ang malaking TV na nakapatong sa Stylish Walnut TV Rack na mukhang hindi naman nagagamit hindi katulad ng mga libro na may ibat-ibang kulay, disenyo at laki na nakalagay sa mataas na bookshelf na nasa bandang kanan ng first floor, mukhang malinis naman itong mga libro at mukha namang may bumabasa ng mga ito. sa harap ng mataas na bookshelf ay ang single sofa na kulay maroon at ang maliit na table. Sa pader naman ay makikita ang ilang mga litrato na naka frame. litrato ng isang weirdong babae at lalaking nakasuot ng weird na black cloak, grupo ng mga taong nakasuot rin ng black cloaks. naisip ni Althea na baka mga bampira ang mga nakatira dito pero dahil pinipilit nya ang sarili na wag matakot, kinumbinsi nya na lamang ang sarili na baka naman litrato iyon ng pamilyang may ari ng mansyon na ito na dumalo ng hollowen party. Yung iba namang mga litrato ay madilim ang pagkakakuha kaya hindi makita ang mukha ng nasa litrato. Wala namang ibang silid dito sa first floor. Kung titingala ka naman sa itaas, makikita mo ang mataas na paikot na hagdan na papunta namang second floor and third floor. kitang kita mula sa first floor ang bungad ng second floor at ng third floor. yumuko naman kaagad ng tingin si Althea nang ma-imagine ang mga napapanood sa mga horror movie. baka mamaya ay may bigla na lamang sumulpot na nakaputing babae na may mahabang buhok at duguang mga mata na nakatingin naman sa kanya mula sa third floor. baka mamatay pa sya sa takot kung sakaling may magpakita sa kanya dito. Iniwan ni Althea ang kanyang bagahe katabi ng mataas na bookshelf. Kumuha sya ng makapal na libro para kung sakaling may magpakita man sa kanya ay hahampasin nya. yun ay kung natatamaan ang mga multo. Unang hakbang nya pa lamang sa hagdan ay kinilabutan na sya. "H-hello?! a-ako si Althea! ako po ang b-bagong tagapaglinis ng mansyon! m-may tao ba dyan?" patuloy syang umakyat ng hagdan ng dahan dahan. nilingon nya ang pintuang nakabukas palabas ng bahay at inihanda ang sarili na kung sakali mang may magpakitang kakaibang nilalang ay kakaripas sya ng takbo palabas. "M-may tao b-ba dyan?!" Nang nasa ikalimang hakbang na sya, may narinig syang tunog ng pintuang bumukas. kaagad bumilis ang pagtibok ng puso nya sa takot at handa na syang tumakbo palabas ng bahay pero mas pinili nyang wag tumakbo dahil naisip nya ring mamamatay rin naman sya sa labas. Ano bang malay nya kung may mamamatay tao pala o kaya naman r****t sa daan? Baka naman nag ha-hallucination lang sya. baka naman pagod lang sya dahil sa mahabang byahe papunta dito kaya naman kung ano-ano na ang mga naiisip at naririnig nya. Nagpatuloy sya sa pag-akyat paitaas habang nagdadasal. Nang nasa second floor na sya, bumungad sa kanya ang malawak na silid na may mga weird na kagamitan na makaluma. medyo makalat ang silid at maalikabok na nakapag pabahing pa kay Althea. sa bandang kaliwa ng malawak na silid ay may malaking closet na kulay mahogany na hindi na ginusto pang buksan ni Althea dahil baka mamaya ay kung ano pa ang makita nya sa loob. Feeling proud sa sarili, feeling matapang dahil nakaabot sya ng second floor na hindi pa nahihimatay sa takot, bumuntong hininga si Althea at kalmadong pinagmasdan ang second floor. Wala naman palang nakakatakot dito. OA lang talaga syang mag isip. sa bandang kanan ay may tatlong pintuan na makikitaan ng kaunting sira. sa bandang dulo ng second floor ay may malaking pintuan na kulay itim na may kakaibang disenyo ng bungo na kulay ginto naman. Sa gitna ng second floor ay ang hagdan patungo sa ikatlong palapag. sa kisame ay may malaking chandelier na hindi naman nagbibigay ng sapat na liwanag. gayunpaman ay natatanglawan parin ng liwanag nito ang buong second floor maliban sa mga silid na naririto na hindi na pinapasok ng mahinang liwanag nito. sa pader naman ay may makikitang mga litrato ng kagaya ng nasa first floor ay mga weirdo rin. mga litrato ng mga taong nakasuot rin ng black, green at red cloaks. Nagtataka man, hindi na ito binigyang pansin pa ni Althea. Sa harapan nya naman kung saan sya nakatayo ay ang malaking bintana kung saan ay matatanaw ang malawak na lote ng mansyon na unti unti nang nilalamon ng dilim. gayunpaman ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Althea ang malaking fountain sa gitna ng lote na— lumalabas ng dugo??? Sa takot, Napaatras si Althea at nabitawan ang hawak na makapal na libro. nagmadali nyang isinara ang malaking bintana. Kamay sa dibdib dahil sa kaba, tumakbo sya paitaas ng hagdan. Nang makarating sya sa ikatlong palapag ng bahay, mas marami ang nakita nyang mga pinto at may daang pakaliwa, pakanan at paderetso. Saan ba sya pupunta? Saan ba sya papasok? Saan ba sya ligtas? Saan bang silid ang walang multo? Naiiyak na sa takot si Althea. mas binilisan nya ang pagdadasal sa isipan. Panandaliang huminto ang pagtibok ng puso nya nang may maramdaman syang may dumaan sa likuran nya. Nang lumingon naman sya ay wala naman syang nakitang tao. "Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!" hindi na napigilan pa ni Althea ang sarili. kumaripas na sya ng takbo habang nagsisisigaw. Hindi nya malaman kung madudumi ba sya o maiihi lang sa sobrang takot. hindi nya rin alam kung saang silid sya papasok. pero dinala sya ng mga paa nya sa daan papuntang kaliwa. may bumungad sa kanyang apat na silid at ang ikalawa ang pinasukan nya. Kaagad nyang isinara ang pinto at nang humarap sya ay kusina pala ang napasukan nya. malawak ang kusina at hindi naman madumi. may dalawang malaking ref, mamahaling lamesa na may mga fresh na bulaklak na tulip sa gitna na nakalagay sa kulay blue na paso at sa ilalim ng lamesa ay apat na upuan. katabi ng dalawang ref ang kitchen sink at katabi naman sa bandang kanan ng kitchen sink ang plates and utensils cabinet na kulay pale blue. sa bandang dulo naman ng kusina ay ang malaking bintana. at sa malaking bintana ay muling natanaw ni Althea ang malaking fountain sa labas na patuloy parin sa pagbuhos ng sariwang dugo. pero hindi katulad kanina, mas dumilim na ang paligid at bukas na ang mga street lamp na mismong nasa loob ng mansyon. bukas narin naman ang mga ilaw sa loob ng bahay nang pumasok si Althea. Maganda sanang pagmasdan mula dito sa itaas ang tanawin sa ibaba pero ang katotohanang nasa isang nakakatakot na lumang mansyon mag-isa si Althea ay hindi maganda. Kaagad na isinara ni Althea ang malaking bintana. Uhaw na uhaw at gutom na gutom man sya dahil sa pagod ng byahe at dahil sa mga kababalaghang nasasaksihan sa mansyong ito, hindi gugustuhing buksan o lapitan manlang ni Althea ay alin man sa dalawang malaking ref. Ano bang malay nya kung may mga bangkay pala sa loob at hilahin sya papasok at doon na rin mamatay? "Ahhhhhhhhh!!!!!!!!!" muli syang napasigaw sa takot at napakaripas ng takbo nang mawalan ng liwanag ang ilaw sa kusina "Ahhhhhhhhhh!!!!!!!" patuloy sa pagsigaw at sa pagtakbo si Althea. pinagdadasal nya sa isipan na sana nga ay himatayin na lamang sya kesa naman makakita ng kung ano-ano. "Hoy! ang ingay mo!" parang isang tren na napreno ang pagtakbo at pagsigaw ni Althea nang may marinig syang may sumigaw sa likuran nya. Dahan dahan syang lumingon sa likuran nya kahit halos mamatay na sya sa takot at nang makita nya ang nilalang ay nahimatay sya sa sobrang kagwapuhan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.2K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.7K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook