I pressed the button of the lift, hoping that it would bring me to my unit's floor immediately. Kating kati akong makalabas sa tamang palapag dahil may nakuha akong magandang balita para kay Sian. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nung binaba ko ang tingin ko sa hawak kong brown envelop. I know Sian would be so happy like I am if i'll tell him about it. Pagkabukas na pagkabukas ng lift ay tumakbo na ako kaagad patungong pinto ng unit ko. "Sian!" excited kong sigaw nung tuluyan na akong nakapasok habang tinatanggal ang suot kong sapatos. "Sian!" muling pag tawag ko sa kanya. Saktong pagdating ko sa living room ay lumabas siya galing kitchen, wearing a black polo on top is my white apron. Mukhang nag luluto ng dinner namin. I smiled at him from ear to ear as I hid the brown envelope behin

