HI
All right Reserved
Date Started: October 13,2021
Date Ended:
This story is a work of fiction. Any resemblance to real people, living or dead, events, places and other stories are coincdental. No part of this story may be copied or reproduces in any form.
MY SECOND STORY FOR EHU SERIES
_______________________________
"Chef Xyra saan ko po ba to ilalagay?" tanong sakin ng isang crew habang tinutulak niya ang handle ng cart paakyat sa ship
Sinara ko ang hawak kong white folder na ang laman ay ang ingredients na kakailanganin namin through out this trip bago ko siya tiningnan
"Pakilagay na lang doon sa freezer" sagot ko "Oscar samahan mo na siya papuntang freezer" utos ko sa apprentice ko
"yes chef" sagot niya bago silang nag lakad palayo sakin
Nasa port ng Singapore naka dock ngayon ang cruise ship kung saan ako nag tratrabaho. Kahapon pa kami nakarating dito. Bukas pa ulit kami aalis pauwing Pilipinas para mabigyan ng pagkakataon na maka pasyal ang aming mga pasahero dito.
I'm working as the head chef kaya sobrang busy ko ngayon sa pag tingin kung gaano ka fresh ang mga ingredients na iloload namin dito. Sa pag kakaalam ko kasi halos isang linggo ang travel time namin pauwing Pilipinas. Ayaw ko naman na may mag reklamo na masakit ang tyan dahil sa inihanda naming pagkain sa buffet. Kaya better safe than sorry
Pagkatapos ng trip na ito ay plano kong mag pahinga muna sa Pilipinas ng ilang buwan bago umuwi ng France. Bata pa lang ako ay nag migrate na ang buong pamilya ko sa France dahil tumatanda na ang lolo ko at wala siyang ibang kasama kundi kami lang at ang isa pang tito ko. Pero paminsan minsan ay umuuwi parin naman kami sa Pilipinas para mag bakasyon. Actually, doon ko pa nga tinapos ang pag aaral ko ng dalawang taon sa culinary.
It was around 4pm when I called all my staff para ma discuss ang menu na ihahanda namin ngayon for dinner. Italian cuisine for tonight. I said some reminders and pointers sa lahat bago ko sila dinismissed para masimulan na ang pag prepare ng mga ingredients.
Sinuot ko ang aking white apron and white chef cap at lumapit sa apprentice ko na nag cucut ng vegetables
"Hindi ganyan ang pag cut" sabi ko sabay agaw ng knife at ipinakita kung paano icut ng tama ang ingredient "Mas mabilis ito matatapos kung ganito ang pag hiwa" sabi ko bago ko binitawan ang knife. Nakita ko siyang tumango tango bago hinawakan muli ang knife at cinut ito katulad ng pagkakacut ko kanina
Tahimik na tumayo ako sakanyang tabi para pag masdan kung tama na ba ang ginawa niya
"Good" puri ko bago umalis at tumungo sa isang section para tingnan naman ang progress ng pag gawa ng pasta
Lumalalim na ang gabi kaya mas lalo kaming naging busy sa kitchen. Naikot ko ang buong kitchen dahil yun ang gawain ko, tumutulong ako sa lahat,pero dahil sa bilis na ng pag labas ng mga dish ay nag focus na ako sa pag pleplating, bago ko nilalabas ang dish ay sinisigurado kong presentable ang dish at walang kahit anong dumi na makikita sa plate.
Agad kong pinidot ang buzzer hudyat sa waiter na may nakahanda ng pagkain sa counter.
"Puno na ang dinning area, mag double time tayo" sigaw ko sabay palakpak
"Yes Chef!" sagot naman nila saakin
Panay ang punas ko sa takas na sauce ng pasta sa plate, ayos ng pag kakalagay ng topping
Buzz
Buzz
6pm hanggang 7pm yan ang rush hour namin, wala kaming panahon umupo sa mga oras na ito. Mabilis ang galawan dito sa loob. Bawal ang mga mababagal. Lahat kami ay may naka assign na gawain, sauce, pasta,cut ng ingredients, pag luluto ng meat, dessert, soup at pati ang pag huhugas ng plato ay may naka assign na employee.
"Chef Xyra" nag aalinlangan na pag tawag sakin ni Manuel isang waiter. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang plato.
Walang bawas ang pasta bakit kaya niligpit niya na ito
"Bakit?" kunot noo kong tanong
"Chef may isang pasahero kasi tayo na hindi gusto ang nilalabas nating pagkain"
"Huh? Bakit? Ayaw niya ba ng Italian cuisine?"
Ang tour kasi na ito ay may naka schedule ng pagkain kaya alam na ng mga pasahero ang mga pagkain na ihahanda namin sa trip na ito.
"Hindi daw masarap" nakayukong sabi niya
parang nag init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi ni Manuel sakin. Ano daw? Hindi masarap?
Napahawak ako sa batok ko at mariin na pumikit trying to calm myself. Calm down Xyra hindi lang siya ang nag iisang taong hindi gusto ang pagkain na inihanda mo.
Huminga ako ng malalim bago ko tinawag si Huebert ang asst chef ko "Huebert"
"Yes Chef" tumakbo siya papunta sakin
"Ikaw na muna bahala dito. Haharapin ko muna ang isang pasahero natin para matanong kung anong gusto niyang kainin"
Si Huebert Gonzaga ay naging kaklase ko din sa EHU nung college. Kaya laking tuwa ko nung nalaman ko na dito din pala siya nag tratrabaho.
"Yes Chef" sagot niya
Hinubad ko ang suot na apron at hat bago lumabas ng kitchen. Kahit na hindi magandang makarinig ng reklamo mula sa isang pasahero ay kailangan ko parin siyang harapin dahil at the first place he or she is our client. Our ship's vission is to provide an unforgettable trip for our clients.
Kung hahayaan ko ito baka magka bad feedback pa kami sa aming page dahil sa hindi magandang experience niya sa trip na ito.
Tahimik akong nakasunod sa likod ni Manuel papunta sa table kung saan nakaupo ang pasahero na nag reklamo.
Our dinning area is full of passenger, happily eating our food that we prepared. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. This is why I love cooking, yung mapapasaya mo ang mga tao sa pamamagitan ng pag luluto.
Tumigil si Manuel sa isang table malapit sa malaking glass window.
Hindi ko pa tuluyang inangat ang aking mga mata ngunit nakikita ko na ang kanyang kamay na nilalaro ang kanyang glass wine
"A pleasant evening sir, I'm Xyra the head chef of this ship." pakilala ko sabay tingin sakanya ngunit parang umurong ang dila ko tsaka bahagyang napaatras sa kinatatayuan ko nung nakita ko kung sino pala ang nag rereklamo sa hinanda naming pagkain
He is wearing a black polo, two upper buttons are open. Half shaved hair. Unti unti niya akong tiningnan. It made my body shiver, and I felt my knee trembling because of his glare.
Tahimik niyang pinaikot ikot ang kanyang wine glass bago ito ininom.
"So you are the chef in charge" sagot niya habang nasa kanyang glass wine parin ang kaniyang buong atensyon
"You don't like our food that we prepared sir?" I tried to sound normal when in fact I wanted to run away and hide from him
Why is he here? Bakit hindi ko nahanap ang pangalan niya sa guestlist namin
"Yeah." maikling sagot niya. Tiningnan niya muli ako sa mata bago ito bumaba sa aking braso kung saan bahagyang makikita ang tattoo ko. Mabilis ko ito tinago sa likod ko. I saw how his dimples flashed because he smirked
Damn it! Nakita niya!
"What do you want? I'll prepare it for you" taas noo kong sabi. Hindi ko hahayaan na makita niya nanginginig ang tuhod at sikmura ko ngayon dahil lang sa kaharap ko siya ngayon
And besides, he is still our guest after all I don't want to be rude. Napatayo ako ng tuwid nung tiningnan niya ako derecho sa aking mga mata. Muli akong napaatras sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung pano siya nag pigil ng ngiti.
"I want garlic butter steak, do you have it perhaps?" he smirked
Damn! That dish!
"I'll check it. Is that what you want?"
Calm down Xyra, he's your client, calm down. It was like a chant inside my head
His lips pursed as he raised his brow. Hudyat na sumangayon siya "make it two by the way."
"Okay, give me a moment sir I'll prepare the dish for you" pilit akong ngumiti sakanya bago ko siya tinalikuran at nag martsang papuntang kitchen
Ako ang mag hahanda ng pagkain niya pero si Huebert na ang mag dadala nun sa mokong na yun. Hinding hindi na ulit ako haharap sakanya.
After how many years he is still the same, he is still cold,arrogant and authorative. The guy that can make my world upside down with just one snap.
My knee trembled and my heartbeat beats so fast when I went back to the kitchen. Napahawak ako sa counter para kumuha ng lakas. Why is it that he's here? Kasama niya ba si Dana?
"Chef are you okay?" Nag aalalang tanong ni Heubert sakin
No i'm not okay! "Yeah I'm fine." I tried to smile "May available meat ba tayo dito?" sinuot ko muli ang aking hat tsaka apron.
"Yes chef. Anong lulutuin mo? Ako na po ang bahala" alok niya ngunit agad akong umiling
"Ako na ang bahala dito mabilis lang naman to." sagot ko
Dumerecho ako sa malaking fridge kung saan naka stock ang meat at agad na kinuha ang kakailanganin ko.
Nilapag ko ito sa isang counter pagkatapos ay yung ibang sangkap naman ang kinuha ko bago ako nag hugas kamay para masimulan na ang pag luluto.
Dahil kabisado ko na ang dish na ito naging mabilis ang pag luto ko. Si Manuel ulit ang pinahatid ko ng dish sa client na yun.
"Sino ba ang client na yun? Na nag request pa talaga siya ng kakainin." Huebert sabay bigay sakin ng isang bottled water
"Thank you." sabi ko tsaka tinanggap yung bottled water "Si Sian"
"Ano!" Tumaas yung boses niya kaya napatingin lahat saamin
"Tone down your voice Huebert" suway ko
Huebert raised his brow
"anong ginagawa niya dito? At bakit siya nandito?" Sunod sunod niyang tanong
"I don't know" Kahit gusto kong itanong sakanya hindi ko magawa dahil wala akong balak na makausap siyang muli kahit kailan.
"Chef Xyra" pareho kaming napatingin ni Huebert sa kakarating na si Manuel hawak hawak ang steak na hindi man lang ginalaw
"Bakit anong problema?" tanong ko
"Ayaw niya pong tanggapin yung pagkain." explain niya "gusto niya po na ikaw daw po mismo ang mag hatid ng pag kain niya."
My jaw dropped while Huebert cursed when Manuel said that. Padabog na tinapon ni Huebert ang kanyang hat sa gilid at walang pasabing nag lakad patungo kay Manuel. "Ako na ang mag dadala." sabi pa niya bago tuluyang kinuha sa kamay ni Manuel ang dalawang plato.
Kahit na nakaalis na silang dalawa sa kitchen ay hindi ko parin magawang gumalaw. Madaming tanong ang pumapasok sa aking isipan.
Makalipas ang mahigit pitong taon bakit ngayon lang siya nag pakita? Wala akong balita sakanya simula nung huli naming pagkikita. Sa tindig at ayos niya kanina ay sa tingin ko he's doing fine. Is he married? May mga anak na ba?
And the hell I care right? Ano naman kung mayroon na nga hindi ba?
I guess he is still on top of the pyramid in the business world kaya imposibleng hindi pa siya kasal. Every woman will do anything just to be his wife. Kahit pag silbihan pa nila ito buong buhay nila.
Nahinto ang pag pupunas ko ng counter nung nakita ko si Huebert na pabalik ng kitchen na mag kasalubong ang kilay.
"Oh bakit? May problema na naman ba sa niluto ko?" tanong ko sabay talikod tsaka pumunta ng sink para makapag hugas ulit ng kamay. Pinunas ko ang basang kamay ko sa aking suot na apron
"That bastard wanted you to give these to him personally."
"Ano?" gulat kong tiningnan si Huebert
Narinig ko ang matunong mura ni Huebert "He even warned me na kapag hindi kita pinapunta doon ay mag rereklamo siya kay Xander sa service natin sakanya. Damn it!" kunot noo kong sinundan ng tingin si Huebert
Teka ang simpleng bagay lang niyo isusumbong kaagad kay Xander? Sumosobra ata tong lalaking to ah. Feeling VIP masyado.
Hinubad kong muli yung hat at apron ko bago lumapit sa isang counter kung saan nilapag ni Huebert yung dalawang steak.
Nauna na akong nag lakad patungo sa kung saan siya nakaupo kanina. Kumpara kanina wala na masyadong tao dito na kumakain. Past dinner time na kasi ngayon, siguro nasa pool area na silang lahat. O kaya naman nasa labas lang nag papahangin.
Hindi ko na hinayaan na sumama pa sakin si Manuel dahil maliban sa kaya ko na naman ay mas kailangan siya doon sa labas para ligpitin ang mga platong ginamit ng mga passengers doon.
"Here's your butter garlic steak sir." pahayag ko sabay lapag ng hawak ko sa harapan niya. Tiningnan niya muna ako bago tumayo at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kamay
"Have a sit" pormal na sabi niya sabay lahad ng kamay sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Is he asking me to sit beside him? I smirked, this is ridiculous.
Umiling ako "You are our guest in this ship sir. Wala po akong karapatan na maupo katabi ang isang guest namin." kahit gusto ko siyang ipagtabuyan ay nagawa ko paring galangin siya. Best actress talaga ako mula noon hanggang ngayon.
Ngunit konting konti na lang ay masusuka na ako sa ginagawa kong pagkukunwari sa harap niya.
"As a staff you'll do what your guest wanted you to do right?" Aniya, may ngiti sakanyang labi na halatang may pinaplanong hindi maganda
"Yes sir." Tumayo ako ng tuwid at matapang ko siyang tiningnan derecho sakanyang mga mata "If you wanted me to cook you a new dish i'll do it right away sir. If you wanted to change your table i'll ask Manuel to guide you." His mouth curved into a smile "so tell me sir, what do you want?"
"I want you to sit besides me while i'm peacefully eating my dinner."
Huminga ako ng sobrang lalim hanggang sa ma puno na neto ang lungs ko. Parang umuusok yung ilong ko dahil sa namumuong galit. Konting konti na lang talaga ma lilintikan na talaga siya sakin. Itatapon ko talaga siya sa karagatan. Makikita niya
Wala na akong pakealam kung isusumbong niya ako kay Xander basta't makaisa lang ako sa lalaking ito.
"Sorry I can't do that sir. I don't have the time to waste here. I still have a lot of things to do." I showed him a fake smile.
"Okay then." His left hand went to his chin and his brow furrowed "Hihintayin kita dito hanggang sa matapos ka sa trabaho mo" he casually said
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya "Why?"
"Cause I won't eat unless you" huminto siya para ituro yung bakanteng upuan na nasa harap niya "sit there" patuloy niya
I laugh mockingly. Unbelievable a guy like him who's time is so precious will wait for me until i'll sit besides him? Kung noon nadali niya ako, ngayon hindi na.
"I won't buy your bullshit Sian" malutong pa sa chicharon bulakbulak ang pagkakasabi kong yun dahil hindi na ako makapag pigil. Hindi ko na kayang makipag kunwari pa. Ngunit bigla akong nagsisi sa kung paano ko tinawag yung pangalan niya.
May mapaglarong ngiti na sumilay sakanyang mukha. His dimples shows because of it.
"What did you just call me?" inangat niya ang tingin niya sakin na agad ko naman iniwasan.
I won't say his name again, especially his nickname. Puputi lang ang uwak hinding hindi ko siya tatawagin ng ganun.
"Excuse me sir. Alis na ako I still have work to do." nagulat siya sa biglaan naging pormal ako sakanya. Obviously it is still my working hour and he is our client. "Kung may kailangan ka pa feel free to ask the waiters here sir. They will always be happy to serve you. Excuse me, enjoy your dinner." paalam ko at nag martsa na kaagad palayo sakanya ng hindi hinintay ang isasagot ngunit hindi pa ako tuluyang nakaalayo nung narinig kong muli ang kanyang boses.
"I'll wait for you here Xyra." Napahinto ako ng ilang saglit bago umiling at nag patuloy sa pag lalakad
He's crazy. Dahil passenger siya namin sa trip na ito ay ma papayag niya akong umupo sa tabi niya. Anong akala niya sakin? I'll waste my time looking after him while his eating his dinner?
Asa siya!
Nung nakabalik na ako ng kitchen ay agad akong nilapitan ni Huebert at tinanong kung anong nangyari sa labas ngunit I don't want to talk about it. Mabuti na lang at na gets niyang wala ako sa mood na pag usapan yun kaya tinantanan niya na ako.
Tumulong na kami ni Huebert sa paglinis at pagligpit ng kitchen. Past dinner time na kaya tapos na ang trabaho namin dito. After naming mag ligpit ng gamit ay may oras na kaming kumain ng dinner. 9 pm na at ngayon lang kami nakakain.
Ang sobrang pasta ang kinain ko yung ibang kasamahan ko ay ganun din ata yung kinain. Kanya kanya na kaming hanap ng ma pwepwestohan dito sa kitchen para makakain ng maayos.
This is our life. It's funny that we cook all the dishes para makakain yung mga passengers ngunit kami hindi makakain ng maayos o kaya naman kung minsan nalilipasan na lang ng gutom dahil sa sobrang busy. Tapos ang masaklap pa nun ay yung kinakain namin ay ang mga tira tira pang pagkain na iniluto namin. Fine dinning sa labas habang cowboy dinning naman dito sa loob ng kitchen.
10 pm na nung natapos kaming kumain lahat napasarap sa kwentuhan. Nakapalit na ako ng damit at handa ng pumunta sa sarili kong room para makapag pahinga dahil bukas maaga na naman ang pasok ko. Mag hahanda para sa breakfast.
Heubert is walking beside me tumatawa dahil sa sinasabi ng isang kasamahan namin. Bago kami makarating sa aming quarters ay kailangan namin dumaan sa dinning hall dahil doon lang ang may daanan palabas.
Napahinto ako nung bigla akong may naalala.
He won't be there right? Late na kaya umakyat na siguro yun. Ilang oras na ang nakalipas siguradong nainip na yun sa pag hihintay.
Natigil ako sa pag iisip ng kung anu ano nung tinawag ako bigla ni Huebert. Hindi ko napansin na napag iwanan na pala nila ako.
"You coming?" tanong pa niya nung napansin hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
"Ah oo." tarantang nag madali akong lumakad palapit sakanila.
Agad akong inakbayan ni Huebert kaya kinurot ko ang tagiliran niya. I think him as my friend kaya okay lang saakin ang ganitong gesture niya ngunit dahil pagod ako ngayong araw ay wala na akong lakas para dito sa mabigat niyang braso.
"Xyra ano inuman tayo next week? Bago makarating ng Pilipinas?" tanong sakin ng isang kasamahan ko sa kitchen
"Oo ba" pag sangayon ko
May day offs naman kami dito. Ngunit sa tuwing off ko sa loob lang ako ng sarili kong kwarto nag papahinga, lumalabas lang kabag nagugutom.
Tawanan at kulitan ang ginawa namin ng mga kasamahan ko hanggang sa dumating na kami sa kaniya kaniyang room.
I already took my shower, finished my night routine. Nakahiga na ako sa aking malambot na higaan ngunit hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi niya.
Hindi naman talaga niya ako hihintayin na bumalik doon diba? I looked at my phone it's already 12midnight. Imposibleng nandun pa yun hanggang ngayon.
Gamit ang kumot ay ibinalot ko yun sa buong katawan ko at pumikit hoping na makatulog ng mahimbing.
Pero sino nga ba ang niloloko ko? Nakailang ikot na ako dito sa bed ay hindi parin ako dinadalaw ng antok. Inis akong bumangon at sinuot yung jacket na nasa pintuan ko.
I'll just check if he is still there. Kung wala siya edi mabuti, hindi ako maguiguilty na hindi ko nga siya binalikan dun.
I hug myself nung hinampas ako ng hangin. Kahit makapal na ang suot kong jacket ay mararadaman ko parin ang ginaw.
The ship is now quiet compare earlier. I'm sure they are already asleep on their rooms. Pawang ang hampas ng alon lang ang naririnig ko.
Nung makarating na ako sa dinning area ay patay na ang iilang ilaw at wala na ngang tao ngunit nasa bandang hindi masyado kita siya nakaupo kanina kaya kailangan ko pang pumasok ng tuluyan para malaman kung nandoon pa ba siya o wala na.
Bigla kong nakalimutan kung paano mag lakad ng maayos nung nakita ko siyang nakaupo parin sa kung saan huli ko siyang nakita. He's still here waiting for me. But he is busy typing something on his MacBook. I saw him tilted his head from left to right. Mukhang seryosong seryoso at pagod sa ginagawa.
Nung papalapit na ako sakanya ay doon ko lang nakita na hindi niya pa ginalaw yung steak na niluto ko kanina.
"Why are you still here?" I crossed my arms infront of my chest. He stopped typing before he looked at me from head to foot.
"As I've said I'll wait for you." Sinara niya ang kanyang Macbook at nilagay ito sakanyang gilid.
"Paano kung hindi nga ako bumalik dito wag mong sabihin dito ka matutulog?"
"But you came back" he then chuckled. Tumayo siya atsaka inilahad ang kanyang kamay "have a seat" anyaya pa niya
"Have you eaten your dinner?" umiling siya "You're crazy." sambit ko sabay tingin sa pagkain niya hindi man lang nagalaw kahit yung side dish man lang. Huminga ako ng malalim bago walang sinabing kinuha yung dalawang steak
"Hey wag mong itapon. Kakainin ko pa yan." Pag pigil niya sakin
"Hindi ko ito itatapon. Sobrang lamig na neto iinitin ko." Paliwanag ko "pag patuloy mo yang ginagawa mo, mabilis lang to." Sabi ko. Kita ko kung pano siya nag pigil ng ngiti. I rolled my eyes bago mag martsa papuntang kitchen.
Sino ba namang matinong tao ang mag hintay ng ilang oras hindi ba? Tapos mukhang busy pa siya sa trabaho.
Argh!! Minicrowave ko na lang yung steak niya para mabilisan. Wala na akong pake kung hindi na masarap yung steak dahil kasalanan niya na hindi niya ito kinain kaagad.
Nung napansin niya akong pabalik sa table niya ay agad siyang tumayo atsaka inayos ang suot niyang polo. Sinuklay pa niyang muli ang kanyang buhok gamit kamay.
"Upo ka muna Xyra." mahinahong sabi pa niya nung nakita niya akong hindi parin umuupo pagkatapos kong nailapag ang steak sa kanyang harapan.
I rolled my eyes for the second time bago umupo sa harapan niya. I saw him touching his nose before smiling. Padabog akong umupo sa upuang kaharap niya. His corner lips curved.
"Bilisan mo. May trabaho pa ako bukas." walang gana kong sabi sabay kuha ng phone ko para makapag laro ng word puzzle.
Wala akong planong makipag usap sakanya. Mag pasalamat pa nga siya dahil naisipan ko pang bumalik dito.
"I'm glad that you're doing fine Xyra." napatingin ako sakanya. He is slicing his steak now. "Have you eaten?"
"Why? Did you wished that my life would be ruined?" Sarcastic kong pag kasabi "And I already ate my dinner"
Nahinto siya sa ginagawa dahil sa gulat. "No! Hindi ko gustong masira ang buhay mo Xyra" binitawan niya ang kanyang hawak tsaka ibinigay sakin ang kanyang buong atensyon "Look Xyra kahit noon pa man hindi ko pinangarap na mangyari ang lahat ng ito sa atin."
Tumawa ako hindi dahil sa masaya ako kung hindi tumatawa ako sa guts ng lalaking ito para sabihin yun sa mukha ko mismo.
"I trusted you." kahit ilang taon na ang nakalipas ngunit ang sakit sa aking puso ay parang kailan lang ito nangyari sakin. Preskong presko parin sa utak ko. I saw how he clenched his fist "But you never trusted me, even just once you never did." bahagyang tumaas ang boses ko kaya tumayo na ako at planong umalis. Kaya mas pipiliin kong hindi na siya makita habang buhay dahil sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang mga nangyari. How I felt so insecure that time, kung paano ako minaliit ng mga taong nasa paligid niya. Kung paano nila ipinamukha sakin na hindi ako karapat dapat para sakanya.
Kung ganito pala ang gusto niyang pag uusapan ay wala na akong balak pakinggan siya.
"Xyra please let me explain" pag makaawa niya tumayo na rin siya atsaka lumapit sakin "It was all planned by them."
I smirked "Planned or not, hinampas lang sa pag mumukha ko ang katotoohanan na kailan man hindi ka nga naniniwala sakin. Na mas pinaniniwalaan mo pa ang ibang tao." hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko "Ipinaglaban kita alam mo ba yun? Pero anong ginawa mo sakin?" I sighed "you know what? This is useless, we shouldn't talked about this" bahagya kong binangga yung balikat niya nung dumaan ako sa harapan niya.
"I'll take you back Xyra." napahinto ako sa pag lalakad atsaka ko siyang hinarap muli. Nakatayo parin siya habang seryosong nakatingin saakin "I'll make you fall inlove again with me darling."
I smiled without any humor.
"Tsk! Asa ka! I would never fall inlove with you again you bastard!."
I saw how he licked his lower lip. Lumabas naman yung dimple niya dahil sa ginawa "Wanna bet darling?"
"I don't need it Cassian. So f**k off!" mataray kong sabi bago tuluyang nag martsa palabas ng dinning area.