"Are you really sure about this mon amour?" nag aalalang tanong ng kausap ko sakin
Kakalapag pa lang ng eroplano na sinakyan ko pauwi dito sa Pilipinas ay tawag niya na kaagad ang bumungad sakin.
"Yes Alexander, matagal ko nang gustong umuwi at mag aral dito sa Pilipinas. Pumayag din naman sila nanay at tatay tungkol dito"
I call my parents as nanay at tatay. Noong mas bata pa ako ay nag taka ako kung bakit yun ang itinuro nila sakin kung paano ko sila tawagin ngunit nung tumanda na ako ay napag tanto kong mas sweet pala talaga na ganun yung tawag ko sakanila. Lalong lalo na nung nasa France na kami nanirahan.
"Sa mansyon ka ba titira?"
"No the mansion is too big for me. I'll be staying sa condo na binili nina nanay para sakin few years ago"
"But why not mon amour? Mabuti kung sa mansion ka na lang. May mga kasambahay tayo dun at driver pero kung sa condo ka mag isa ka lang. At walang mag aaruga sayo dun" I can hear how worried Alexander is
"Kaya nga umuwi ako dito Alexander. I want to be independent. And besides, mas malapit yung condo sa university napapasukan ko" nakatayo ako ngayon sa harap ng baggage drop counter. Inaabangan ang mga dala kong maleta
Napahinga siya ng malalim like as if he accepted his defeat "Alright mon amour if that's what you want"
"Alexander I need to end this call now. My baggages are here. Bye" paalam ko nung nakita kong unti unti ng nag silabasan ang mga baggage ng ibang passangers
"Okay, take care. Call me if somethings happend"
"Okay bye" ako na ang nag end ng tawag
Alexander Rodriguez is my uncle, half brother siya ng aking nanay. He is just few years older than me kaya it is so awkward for me to call him tito. Tapos laking France naman kami kaya he didn't mind if I call him by his first name.
After my senior high graduation sa isang exclusive school sa France ay nag paalam na ako sa parents ko na gusto kong mag aral dito sa Pilipinas ng college.
At first ayaw pa nila, syempre ito yung kaunaunahang mapalayo ako sakanila ng matagal. Hindi naman sila pwedeng sumama sakin dahil na din sa business ni Lolo sa France.
Alexander and my tatay, Vince Villanueva ang nag papatakbo ng buong companya nung nag retire na si lolo. While si nanay naman ay mayroong ilang branch of pastries shops dun sa France.
I've spent my early childhood days here in the Philippines bago kami tuluyang nag migrate sa France. This is my home kaya it is right to go back.
I'm fluent in french and tagalog. Dahil sa loob ng bahay ay purong tagalog ang ginagamit naming langguage para kahit papano hindi namin makakalimutan na pilipino parin kami. Lalong lalo na ako na bata pa ako nung nag migrate kami. Dahil sa galing ko paring mag tagalog ay minsan ko ng minura yung mga nakaaway kong kaklase sa France.
Pagkatapos kong mahanap ang dala kong baggage ay lumabas na ako ng airport. Nakita ko kaagad si Nikka na nakataas yung kamay para makuha ang atensyon ko. Siya ang sundo ko ngayon.
She is the daughter of tita Nikki, my moms bestfriend. She has this sophisticated look in her. Long wavy hair, pale skin, high nose, thin pinky lips and almond like eyes.
I waved back to her at humakbang papunta sakanya.
"You look so gorgeous Xyra" bati niya sabay nakipag beso sakin nung tuluyan akong nakalapit sakanya "how was your trip?" tinulungan niya ako sa mga bagahe ko
"My trip was fine. Where's Niel?" luminga linga pa ako to confirm if may kasama ba siya o wala.
"Sleeping on his condo, he went out with friends last night. Let's go?" pag yaya niya sakin patungo sa sasakyan niya
Niel Delos Santos is her twin brother. He is handsome, like tito Sky kaya he is known as the living Adonis in town idagdag niyo pa na varsity player siya. Every girl wanted to attract him. Without raising a finger women will flock besides Niel.
While driving her 2 seater benz marami kami napag usapan ni Nikka tungkol sa university na papasukan ko. Actually, siya ang tumulong sa enrollment ko doon.
I will be taking 2 yrs course na culinary sa East High University. Dalawang taon lang dahil hindi parin ako dito pwedeng mag tagal sa Pilipinas.
Nikka is now on her second year, taking up Business Administration. While Niel is taking up Physical Therapist on that university also
Naging panatag ako dahil kahit papano ay may kakilala parin ako sa university na papasukan ko. I won't be lonely.
Huminto kami kami pareho ng biglang tumunog yung phone ni Nikka. Her twin is calling
"Hello. Yeah kasama ko na si Xyra bakit? Hindi ba't kakanight out mo lang kagabi?" nakita ko kung pano kumunot noo si Nikka sa kausap niya sa telepono "Niel pagod yung tao sa biyahe, pwede next week na lang yan? Psh, i'll ask her wait"
Sumulyap si Nikka sakin, mabuti na lang at kulay Red yung stoplight
"Si Niel ba?" tanong ko
Tumango siya "he invited you mamayang gabi mag night out daw tayo. Welcome party, pero kung pagod ka pwede naman next week na lang"
"No i'm fine hindi pa naman ako pagod. Bukas ko pa siguro mararamdaman ang jetlag ko sa biyahe" I smiled
"You sure?" tumango ako. Kaya naman pag dating namin ng condo unit ko ay agad na akong nag bihis para sa party mamaya.
Pinalinis na nina ate Nikka ang unit ko kanina para daw comportable akong makatulog pag dating ko dito.
Wearing a dark blue mini backless dress, cigarette shoes and a clutch bag. I curled my auburn colored hair (I went to a parlor before the flight ) and did some light make up bago lumabas ng kwarto ko.
I have softer features than Nikka. I have a rounded, light brown eyes and a little freckles on my face. Hindi yun mahahalata kung mayroon akong make up.
Dahil marami akong dalang dress at malelate kami ng tuluyan sa party kung uuwi pa kami sa bahay nina Nikka kaya pinahiram ko na muna siya ng isang white sexy bodycon dress ko. Mabuti na lang at same size and height kami kaya nag kasya sakanya yung dress.
Nikka jaw dropped when she saw my outfit. "You can easily pass as a model Xyra. Do you want me to recommend you kay mommy?" I can say that I have a slender, hour glass like body like any other models out there. Dahil sa trabahong gusto kong kunin, ang pagiging isang kilalang magaling na chef, ay mas nag dodoble ako sa pag wowork out nung nasa France pa ako. Dahil kung hindi ko gagawin ay paniguradong lolobo ang katawan ko dahil sino ba naman ang titikim ng lulutuin ko? Walang iba kung hindi ako lang naman. That's why, pag katapos kong isettle ang lahat ay mag hahanap na din ako ng gym na malapit sa condo na ito para madali ko lang mapuntahan.
"Nah! I don't want to enter showbusiness. It's too chaotic and I hate dramas." Sabi ko "let's go?"
It was around 10pm nung makarating kami sa isang exclusive high end club dito sa BGC. May mga bouncer sa labas ng club. Pagkapasok namin ay namangha ako sa kabuoan ng buong club.
Not bad actually, hindi nalalayo ang club na ito sa mga clubs na napuntahan ko sa France. Kahit ilang segundo pa lang kami na nakapasok dito sa club ay masasabi kong magaling ang DJ.
I've been partying with my friends sa France kaya hindi na kayo mag taka kung bakit ang dami kong dalang party dresses papunta dito. My parents are not strict about me going out with my friends to party, as long as hindi daw ako mag drugs okay na sakanila yun. They wanted me to enjoy my life to the fullest. They want me to explore before settling down for good.
Lahat ng experience ko daw na mararanasan ay magiging aral ko sa buhay. I should be ready for all the consequences that might happend because of the decisions that I made. Ngunit ganun pa man, I know my limits. Hindi ko inaabuso ang kalayaan at tiwala na ibinigay sakin ng magulang ko para sakin.
"Xyra" nakangiting bati ni Niel saamin nung nahagip kami ng kanyang mga mata with his arms wide open. Handang handa na yakapin ako
Nakangiti akong lumapit sakanya tsaka yinakap siya ng mahigpit
"Ang laki ng pinag bago natin ah" sabi niya sabay dahan dahan niya akong binitawan
"Mas lalo ba akong pumangit?" agad siyang umiling
"You look wonderful Xyra" aniya "wait do you drink?"
"Yeah" maikling sagot ko
"Great! Nikka you should also drink tonight" aniyaya niya sa kakambal na nakatayo sa tabi ko
"I brought my car" walang sa mood na sagot
"Mag papasundo ako mamaya sa driver natin. Alam na ni mommy ang party na to kaya pinayagan niya tayo ngayong gabi." Explain niya. Kahit na madilim sa loob ng bar ay kita ko ang pag irap ni Nikka
Kahit na sabay silang pinanganak ay mag kaibang mag kaiba ang pag uugali ng dalawang to. While Nikka is a reserved and poised woman, kinikilala muna ang isang tao bago kaibiganin o kausapin man lang. While Niel is like a social butterfly in the society. He can befriend with anyone, kaya kilalang kilala bilang isang playboy. Kung may balak siyang tumakbo bilang isang government official for sure mananalo to.
"Come on Nikka don't be so KJ" Niel bago siya pumagitna samin ni Nikka tsaka hinawakan ang baywang namin pareho at hinila papunta sa isang L shaped sofa na kinuha niya para samin
Habang papalapit ay iginala kong muli ang tingin ko sa buong club. It is saturday night kaya sobrang dami ng tao ngayon. I guess ako ang isa sa mag eenjoy ng gabing ito mamaya.
"Sina Enzo at Dianne East High din nag aaral kaso nasa senior high department nga lang" sigaw ni Nikka dahil sa ingay ng tugtog ay hindi kami masyadong mag kaintindihan
"Oh right! Enzo and Dianne. Nasaan sila ngayon?" Muntik ko ng makalimutan ang dalawang yun.
"Probably nasa bahay sila ni Enzo nag aaral"
"Ganun ba?" Malungkot na sabi ko "sayang hindi pa natin sila maisasama sa ganitong lugar"
Anak si Dianne ni tita Colleen while si Enzo naman ay anak ni tita Patricia. Mga kaibigan din ni nanay ang mga mommy nila. I am two years older sa dalawang yun.
"Drinks for everyone" sabay kaming napaangat ng tingin sa kakabalik lang na si Niel na may hawak na dalawang bottles of imported drinks. Tsaka may isa pang waiter na nakasunod mula sakanyang likuran na may hawak pang tray na puno ng tequilas at margaritas.
Nilapag niya ito sa table namin "It's on me" mayabang pa niyang sabi bago siya umupo sa tabi ko.
"Alam ba to ni daddy?" Nikka fired at her twin brother habang yung mata ay nasa inumin namin.
"Of course! Welcome party natin ito para kay Xyra" ngumiti siya pagkatapos ay parang nag hand sign siya sa waiter na lumapit samin kanina. Ewan ko lang kung anong ibig sabihin nun
"Tsssk! Mag susunog ka na naman ng pera Niel" inis na sabi ni Nikka sa kakambal "Ang dami neto, sino ang uubos eh tatlo lang tayo?"
"Will you just enjoy this party Nikka? Wag mong sirain ang gabing ito dahil sa ayaw mong mag waldas ng pera" Niel ignoring what Nikka said a while ago.
"I told you it's on me." nag lagay na si Niel sa kanyang got glass ng imported na whiskey.
Mag aaway pa ata yung kambal dahil sakin. Habang si Nikka naman ay napabuntong hininga at napairap na lang trying not to burst.
We are at the middle of a conversation nung tumayo bigla si Niel para salubungin ang isang katangkarang lalaki nakatayo malapit sa table namin.
"Hey ladies, I want you to meet my friend, this is Clintton Tiu." Pakilala niya "Clint this is Nikka and Xyra" isa isa niya kaming pinakilala sa kaibigan niya.
Agad akong tumayo para kunin yung kamay niya para makipag kamayan. I know Nikka, wala siyang balak na makipag kaibigan o batiin man lang yung kaibigan ni Niel
"I'm Xyra. Nice to meet you." pormal kong pakilala
"Clint" ulit pa niya tapos bahagyang may ibinulong si Niel sakanya na hindi ko man lang narinig pagkatapos ay ngumiti siya bago niya muli akong tiningnan.
Pinasadahan ko nga tingin si Clint mula ulo hanggang paa. Wearing a summer black polo, jeans and topsider shoes, his porcelain skin is screaming that he is a foreigner.
Kinuha ko yung shot glass na may lamang tequila at inabot kay Clint to welcome him here in our table. His lips curved bago niya kinuha yung shot glass na inabot ko. Tinaas pa niya ito bago nilagok yung tequila. I saw how his adam apple moves and made a face after drinking the shot.
It was a hard one I was surprise that he didn't asked for a chaser right away. He can drink I must admit. Dahil kung hindi yan sanay sa party for sure hahanap yun ng chaser pagkatapos niyang inumin ang tequila na yun. Ang tapang kaya nun at ang init pa sa lalamunan. Mapapa yuck ka na lang talaga.
"You like this kind of drink huh?" I can see amusement on his face when he said that.
"Hindi naman kasi ako mapili sa inumin. Kung ano ang nasa mesa yun ang iinumin ko." Sagot ko sabay kuha ng shot glass na inabot ko sakanya kanina.
"Sino kasama mo Clint?" Rinig kong tanong ni Niel sakanya.
"Mga kasama ko sa org."
"Nandito din ba sina Dana?"
Napansin kong umiling si Clint "No,only Gavin" tumango tango si Niel. Pagkatapos nun ay hindi ko na nasundan ang usapan nila kaya nag pasya akong umupo na lang muli. Ngunit hindi ko matanggal ang mata ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Hanggang ngayon parin ba busy si Cassian? Ilang labas niyo na na hindi ko siya nakikita ah." kuya Niel
"Well he's busy sa business nila"
I admit it i'm a bit attracted to him. He has this chinky eyes like a korean or chinese guy, matangos na ilong, well curved thick eyebrows, and his red lips is on fire. I might sound crazy but his lips looks so sexy that I want to taste. This is not new to me i've kissed so many guys before.
Kung dito siya uupo buong gabi baka makakascore nga ako sa labi niya mamaya. Kung hindi naman edi better luck next time. I'm sure hindi din naman ito ang huli naming pag kikita dahil mukhang mag kaibigan nga silang dalawa ni Niel. I can't help but to smirk thinking that one day maging kaibigan ko din tong si Clint na ito. Or more!!!
Dahil mukhang lumalim ang usapan nung dalawang lalaki at mukhang wala na atang plano si Niel na isali kaming mga girls sakanila, fraustrated na makipag close kay Clint ay tumayo ako para makalapit sakanila. Inayos ko pa ang takas kong buhok bago ko sila hinarap.
"Nag aaral ka pa?" Tanong ko nakita ko pa ang pasimpleng tingin ni m Niel sakin tsaka natatawang tinuro niya pa ako na parang alam niya ang gusto kong gawin. I winked at him tapos inangat ang hawak kong margarita.
Kung hindi ako kikilos at mag hintay na lang sa isang sulok baka abotin kami nang siyam siyam ni Clint walang mangyayari.
"Yes graduating na this year" three years older than me. Mas na eexcite ata ako sa kalalabasan.
Mas prefer ko kasi yung mga lalaking mas matanda sa akin. I like mature men. And the way I see, Clint is mature. Pasok sa standards ko.
"Sa EHU ako mag aaral? Ikaw din ba?"
"Yeah" maikling sagot niya
Lumalalim ang gabi kaya napadami na ang inom ko. I'm currently dancing right now, banging my head kasabay ng music. Naramdaman ko ang pag grind ng lalaking kasayaw ko.
I forgot his name, but I know he is also a friend of Niel. My mission towards being with Clint a while ago failed. Hindi ko siya mahila paupo sa table namin hanggang sa nag paalam na siyang umalis para mapuntahan ang kaibigan niya.
But there's nothing to worry dahil alam kong hindi ito ang huli naming pag kikita. Knowing nasa EHU din siya nag aaral katulad ko mag kikita at mag kikita kaming muli.
So for the meantime i'll enjoy the rest of the night with this I forgot the name guy. Hinayaan ko ang kasayaw ko sa ginagawa niya sa likuran ko, nasa dj lang ako nakaharap. Si Niel nandito rin sa gitna ng dancefloor kasama ng ibang babae while si Nikka nandoon nakaupo lang sa sofa. She's not fond of this kind of party kaya mas pinili niya pang mag mukmok doon sa sulok na mag isa
Biglang hinawakan ng mahigpit nung lalaking kasayaw ko ang aking baywang kaya ako napahinto. I can feel his breath on my ear "Do you want to go somewhere?" he asked alam ko ang gusto niyang mang yari. As far as I remember he is also a varsity player in EHU like Niel. His body is firm at guwapo din siya. May pagka mestizo ngunit wala akong may naramdamang excitement katulad nung naramdaman ko kanina kay Clint.
I guess sawa na ako makakita ng western look dahil nung nasa France ako ganitong ganito ang mukhang araw araw kong nakikita.
I politely smiled at him "Upo muna ako. Pagod na ako." kumawala ako sa dagat ng mga tao sa gitna ng dance floor. Ni hindi ko na nga siya hinintay na makapag salita pa.
Imbes na dumerecho ako sa upuan namin ay mas pinili kong pumunta sa mga high chair dito sa loob ng bar. Yung malapit kung saan naka pwesto yung mga bartender para mas mabilis ang pag order. I have my cards with me kaya okay lang kung mapadami maiinom ko while staying there. At mas maganda ang pag sisight seeing dito sa mga boys compare doon sa pwesto namin na medjo hindi kita sa crowd.
"Hey! Don't you mind if I give you a drink?" hindi pa nga ako nakakaupo ng maayos ay may lumapit na sa aking isang makisig na lalaki.
Mula noon hanggang dito pala sa Pilipinas may maaakit parin pala ako. I smirked.
"Thanks!" maligaya kong tinanggap yung binigay niya sakin.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay alam ko nang wala akong nararamdaman na kahit maliit na spark mula sa lalaking ito. I find him cute but not attractive. He is a good speaker but I find him a bit boring.
Laking pasalamat ko nung may tumawag sakanya na kaibigan. Tinangka niya pa akong isama sakanya ngunit hindi ako pumayag. Ayaw kong masayang ang buong gabi ko sa isang boring na lalaki.
"Miss ganda pinabibigay niya po." napangat muli ako ng tingin nung may inilapag sa harapan ko yung bartender.
"Sino nag pabigay?" imbes na sagutin niya ako ay may tinuro siya sa bandang kaliwa ko at isang lalaking nakatingin sakin ang bumungad.
He is wearing a plain black shortsleeves polo, has a little stubble on his chin and a clean military cut.
Tinaas niya bahagya yung hawak niyang inumin saakin nung napansin niyang nakatingin na ako sakanya.
I smiled and mouthed thank you to him. He then gave me a mischievous smile before standing up and went closer to me.
"Sorry, mind if I sit here?" he asked pero hindi pa ako nakasagot ay umupo na nga siya sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
"Sure no problem" sabi ko na I think hindi naman kailangan dahil nga nakaupo na siya "Thanks for the drink" sabay angat ng drink
"Welcome" his lips pursed "Do you come here often?"
I sipped my drink that he gave "No, this is my first time coming here actually." tsaka ko siya bahagyang hinarap
Our topic went on and on. He doesn't allow us to have a dull moment. Actually I enjoyed talking to him. He is five years older than me kaya mas na cucurious ako sakanya, sa mga ginagawa niya sa buhay.
He's into climbing the mountain and camping on his free time. He even invited me to come with him if I wanted to. So adventurous I like it.
Nakaramdam ako ng excitement sa pag invite niyang yun. Well maybe some other time sasama na ako but not today. I still need to do a lot of things in school. At kailangan ko pang mag adjust sa body clock ko at weather ng Pilipinas.
After talking to him, napagtanto ko na lang na nasa isang sulok at madilim na part kami ng club malapit sa restroom. He trapped me in a wall then started kissing me. He was a smooth kisser. Hinawakan ko lalo ang buhok niya para mas ma halikan niya ako lalo. I bit his lower lip to tease him more. I want it to be an aggressive kiss.
I smirked when he gave me the type of kiss that I wanted from him. Nalulunod na ako sa mga halik niya. And I swear kung hindi ko narinig ang boses ni Niel na tinatawag ang pangalan ko ay baka kung ano na ang nangyari samin dun.
Masama ang tingin ni Niel sa lalaking kahalikan ko nung hinawakan niya ang wrist ko para hilain palayo doon. He didn't say a word kahit na nakapasok na kami sa kotse nila hanggang sa hinatid na nila ako sa unit ko. Nikka was already asleep nung nasa biyahe, siguro dahil sa kalasingan na rin.
Lumipas yung araw ko sa pag aabala para bilhin ang iilang gamit na kakailanganin ko sa semester na ito.
Wearing a long fitted black skirt with a slit on my left left, white gucci shirt and a white sneakers is my outfit for my first day of school in EHU. Kumurap kurap pa ako sa harap ng salamin ko pagkatapos kong mag lagay ng mascara sa aking eyelashes. I tied my hair up dahil hindi parin nakaadjust yung katawan ko sa mainit na panahon dito.
I'm not done doing my daily make up when Alexander's name popped up on my phone.
"Good morning mon amour" bungad niya. I turned my camera on, ganun din yung ginawa niya. Kita ko na naka dim na yung ilaw niya and he's half naked, ready to go to sleep. Hinarap ko ang nakalapag na sari saring lipstick.
"What time is it there Xander? Bat gising ka pa?" sabi ko sabay kuha ng isang nude lipstick. Perfect tone for my complexion and mood for today.
"May tinapos lang na trabaho." aniya "Hey are you sure you won't use my car? Nasa mansion lang yun nakatambay you can use it."
Simula nung nakauwi ako ng Pilipinas maliban sa tumira ako sa mansion ay gusto niyang ibigay sakin yung sasakyan niya. I can gladly accept his offer dahil mas convenient yun sakin. Ngunit his cars are for boys, it was all spots car or hindi kaya malaki para gamitin ng isang babae na katulad ko.
"Xander your car is not suitable for me. Do you want me to use your sports car and then malalaman mo na may nakabangga ako?"
"Well you can use it for the meantime hanggang sa makauwi ako diyan." Aniya "I'll buy you one."
Simula pagka bata Xander is spoiling me so much to the point na inaaway na siya ni nanay dahil doon. Kahit na naging abala siya sa pag tatrabaho nila ni tatay ay hindi niya parin ako kinakalimutan. He even brought me pasalubongs everytime their on a business trip.
Hindi kasi ako parating humingi ng kung ano sakanila, i'm already contented sa lahat ng kung anong meron ako. Nagkaroon pa nga ako ng summer job para may pang gastos ako sa mga lakwatsa ko kasama ng mga kaibigan ko na hindi humihingi sa parents ko. Kaya ganun na lang sila lolo, Xander at tatay pumayag saakin sa kung ano ang hingin ko sakanila.
"No need Xander. Malapit lang ang university dito kaya hindi ko pa kakailanganin ang sasakyan" I rejected his offer
Napabuntong hininga siya "alright then, but the moment na umuwi ako diyan bibili tayo ng sasakyan mo."
"Sure Xander. I'm fine with a second hand car."
"Let's see"
Nag kwento pa si Xander tungkol sa companya. My family is running a cruise ship line and cargo vessels. May plano daw sila ni tatay na bumili ng panibagong cruise ship. Mas malaki daw ito kesa sa mga ships na pag mamay ari namin ngayon.
Nakailang punta na ako sa main office namin. At nakailang family tour na din ang ginawa namin sakay sa cruise ship.
Hindi sa wala akong interest sa family business namin ngunit this business includes operating hundreds of huge ships. Masasabi ko na mas maganda kung ang lalaki ang mag manage nito. Siguro in the near future I could still help our company on the other side of it. The kitchen, hr or the management for example.
After a while ako na mismo ang nag paalam na ibaba na ang tawag dahil kailangan ko ng umalis at malelate na ako.
Mula sa unit ko ay walking distance lang yung EHU. Dumaan pa ako sa isang coffee shop to buy some latte and bread for my breakfast.
Yung unang linggo ko sa bagong paaralan ay hindi masyadong hectic, dahil puro course sylabus lang ang bukang bibig ng mga professors ko at parating early dismissal. I've met some new found friends at isa doon ay si Sage Alonzo. He is one of my blockmate kaya buong semester ay magkasama kami neto. Since junior high sa EHU na daw siya nag aaral kaya alam niya na rin ang pasikot sikot ng university
We immediately got close nung nahuli ko ang sekreto niya.
"You're gay right?" Deretsang sabi ko sakanya.
Nandito kami ngayon nakatambay sa isang coffee shop katapat lang ng EHU. Kita ko ang gulat at natataranta siya nung sinabi ko iyon. Sa ilang araw pa lang namin na mag kasama ni Sage ay may nararamdaman na ako. Ito rin siguro yung dahilan kung bakit magaan ang pakiramdam ko sakanya.
Kapag kasi may lalaki na nag tatangkang kumapit sa amin para makipag usap ay parang sinusuri niya ito. Pagkatapos, once na makaalis na yung lalaki ay agad niyang sasabihin na pangit, pwede na, guwapo nun ah. Like as if I care, gusto lang naman nila makipag kaibigan sakin kaya ko sila kinakausap.
"Huh?" He faked cough "Ano ba yan Xyra? Nag papatawa ka ba?" I noticed on how he slightly changed his tone.
Tama nga ang hinala ko. I grinned and leaned forward para mahuli ang kanina niya pang iniiwas na tingin saakin "You're gay" not a question but as a statement.
"Do you have a proof miss Villanueva?" He raised his brow and crossed his arms. Nag hahamon pa itong baklang to sakin.
"If you're not gay. Then kiss me" hindi nag patalo sa pag hahamon niya sakin.
"Disgusting" he then made a face kaya hindi ko mapigilang mapangiti.
Sage is a well built guy, may pagka mestizo yung mukha at sa tindig pa lang nito hindi mo talaga aakalain na malambot pala ang loob nito.
"Is this your biggest secret huh?" I grinned dahil kahit hindi niya sabihin. Alam kong nahuli ko na siya "Don't worry I won't tell anyone." Sabay sip ng caramel frappe ko.
Nung natapos na namin ubusin yung pagkain na inorder namin ay nag pasya na kami pareho na bumalik na ng university malapit na kasi yung next class namin.
As always, introduce yourself at course sylabus lang ang diniscuss ng prof namin kaya early out na naman kami. Ngunit sa ngayon binilin ng professor na kailangan namin mag hanap ng masasalihan na org for this school year. At required daw lahat na mga freshmen na sumali atleast two student org. Para daw mas mabilis ang pag aadjust namin sa university life at makatagpo ng bagong kaibigan.
Instead of going straight to the field kung saan nakapwesto ang sari't saring mga orgs and clubs ay mas pinili muna namin pumunta ng cafeteria ni Sage para bumili ng ulit ng pagkain.
"Anong sasalihan mo? Sama na lang ako sayo." sabi ko nung makaupo kami sa isang bakananteng table. Medjo maingay ang buong cafeteria dahil sa mga estudyanteng nag kwekwentuhan at nag tatawanan.
"I'm planning to join the barista's club or bartending para connected parin sa course natin. We can also use that skill someday" Sage sabay dampot ng piattos na binili ko kanina
"Sige gusto ko yan!" excited na sabi ko. I'm already imagining myself flipping and mixing drinks on a bar "Ano naman yung isa?"
Kung bakit kasi dalawa pa yung required na sasalihan namin. Pwede pa ngayon na mag sayang ng oras dahil kakabukas lang ng semester ngunit kapag mag back to normal na talaga yung klase I doubt na mag kakaroon pa kami ng oras para sa mga clubs na sinalihan namin.
"Well I don't know. Hanap na lang tayo ng kung ano sa field mamaya." he then shrugged. Like me he is not also interested in these kind of stuff.
"Oh shoot! Andito pa pala sila!" gulat na sabi ni Sage tsaka kita ko kung paano siya nag takip ng mukha gamit yung kamay niya na punong puno ng kulay yellow dahil sa kinaing piattos.
Curious na hinarap ko yung huling beses na tiningnan niyang side. Kumunot noo ako dahil it is just a bunch of college students, nothing special. So why is it that he's acting like this.
Tinampal ko ng bahagya yung kamay noyang nakatakip sa mukha "Anong problema?" tanong ko. Medjo kinabahan sa inaasal ni Sage.
Bakit ganito siya kung mag tago. May atraso ba siya? Mag hahanda na ba ako sa isang sampalan na magaganap sa harapan ko kung sakali?