"I heard some chika last night, pero ang paniniwalaan ko ang sasabihin mo." sabay sulyap sakin ni Sage habang nag huhugas ako nang mga gamit ko sa pagluluto kanina. Kakatapos lang kasi ng lab class namin kung saan tinuturuan kami ng iba't ibang techniques sa pag luluto.
"Chika? Tungkol sa akin?"
May pakiramdam na ako kung tungkol saan ang narinig niya. Pagkatapos kong hugasan ng maayos yung mga kawali at sandok ay kumuha ako ng malinis na towel para punasan ito.
"Totoo bang nag kasagutan nga sina Cassian at Noel kagabi?" tapos na siya sakanya kaya kasalukuyan na lang siyang nakasandal sa counter na katabi ko. Pinag mamasdan niya ako ng mabuti. Trying to read my emotion, kung mag sisinungaling ba ako sakanya o hindi.
Pagkatapos kung ipwesto yung mga ginamit ko sa tamang lagayan ay hinarap ko na si Sage. "I'm not sure about that, sa sobrang kalasingan ay hindi ko na pinroblema yung mga nasa paligid ko." I lied, nauna akong nag lakad palabas ng lab para makagamit pa ng sink yung iba pa naming mga kaklase.
Atsaka wala akong planong ikwento kay Sage ang naging sagutan namin ni Cassian, baka mas lalo niya akong aasarin sa lalaking yun.
At wala narin akong planong magpakita o makausap siyang muli. Hindi ko gusto kung paano niya husgahan si Noel. Paano kung dumating na yung panahon na siya na mismo ang mag iinterview sa mga aspirant employees niya? One glance at kung sa tingin niya masamang tao yun irereject niya kaagad?
Pano kung ganun lang talaga yung mukha at aura nang tao tapos malalaman mo sa huli na sila pa pala yung mga taong may magandang loob, at magaling sa trabaho?
Kung sabagay yung mukha niya nga eh, aakalain mo sobrang mahinahon at mabait, yun pala kabaliktaran yung ugali niya. Suplado, mayabang at higit sa lahat gusto niya siya ang masusunod. Tsk.
"At may nakakita daw sainyo sa main road na nag uusap kagabi." I stiffened when he said that. "Siya ba ang nag hatid sayo pauwi?" Huminto ako sa corridor para maharap ko siya na ngayon ay yung isang kilay niya ay nakataas.
"Of course not!"singhal ko. I saw him pursed his lips and nodded. "At bakit naman ako ihahatid ni Cassian? Eh hindi niya nga tayo pinapansin masyado nung nag golf tayo" ako ang naunang nag iwas ng tingin. Natatakot na baka mahuli pa niya akong nag sisinungaling.
"Kaya nga hindi din ako makapaniwala sa narinig ko kagabi. At alam naman nang lahat na itatali na yan si Cassian sa isang babaeng gusto ng mga magulang niya pagka graduate niya dito."
"Itatali?" kunot noo kong tanong
"Fixed marriage are normal to chinese families. Especially to the Dy's. Syempre they are the most wealthiest empire in this country. Hindi nila ibibigay ang kaisa isang tagapagmana sa isang pipitchuging babae lang. At sa pagkakaalam ko kahit ilang henerasyon pa ang dumaan, hindi parin mauubos yung kayamanan nila." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Sage na agad niya itong napansin "Hindi ba't na sabi ko na to sayo nung nasa cafeteria tayo?"
Hindi ako makasagot kaagad sakanya dahil sa nararamdaman ko. I know this is crazy and unbelievable. Pero bakit ako nakaramdam ng kirot sa aking puso nung nalaman ko na may babae na para kay Cassian.
Bakit ako nasasaktan?
Nasasaktan ako dahil kahit man lang sa babaeng makakasama niya habang buhay ay wala parin siyang choice. Na ang pamilya niya parin ang pipili para sakanya.
Oo, yung ang rason kung bakit ako nalulungkot at nasaktan.
Oo, yun yon!
At sino ba ang niloloko ko dito?
I sighed
"Nakalimutan ko" matagal kong sagot sa sinabi ni Sage "Tara punta tayo sa cafeteria, rinig ko wala daw yung prof natin sa susunod na subject."
Habang papunta kami sa cafeteria ni Sage ay panay yung kwento niya sa nangyari sakanya kagabi. Hindi ako masyadong nakikinig sa kwento niya ngunit nakuha niya lang ang atensyon ko nung sinabi niya na may isang sikat na artista ang pumunta kagabi.
Sobrang type niya daw si Sage.
"And she even asked me out!" pa hesterikal niyang sabi "I can't imagine myself kissing her passionately in a dark room." pagkatapos niyang sabihin yun ay nasuka pa siya na para bang diring diri siya sa iniisip. "Kahit ilang bote pa ng matatapang na alak ang maubos ko hindi talaga ako papatol dun. Proud to be rainbow talaga ako 'te"
Hindi ko mapigilan na humalakhak sa sinabi niya. Hinampas hampas ko pa siya sa braso niya sa kakatawa.
"Pano kung sabihin ko na mahal kita? Tatanggihan mo rin ba ako?"
"Aba syempre! Walang exception dito no." He stopped for a while nung nasa harapan na kami sa napili naming kiosk. "Isang chili mansi nga po sakin"
"Siomai po sakin ate. Pa lagay na lang po nang maraming chili sauce." I smiled after ordering my food.
Pagkatapos naming mag bayad ay hinintay namin yun sa gilid.
"Anyway, alam kong hinding hindi mo ako magugustuhan kahit kailan. Hindi ako pasok sa standards mo sa mga lalaki no" patuloy niya sa naudlot niyang sinabi kanina.
I crossed my arms above my chest and raised my brow "bakit mo naman nasabi? Anong standards?"
"Napansin ko lang na ang gusto mo sa isang lalaki ay matangkad, fit ang pangangatawan, a bit older than you, you prefer almond shaped or has a monolid eyes, at pansin ko rin na you don't care what's their skin tone is. At ang pinaka nakakaagaw ng pansin sayo ay when the guy looks neat and clean on your eyes." huminto siya sa pag sasalita para igala ang kanyang tingin sa buong cafeteria. Umayos siya ng tayo nung may nakita siya. He leaned closer to my ear "That group for example" he whispered.
Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nagulat ako nung nalaman ko kung sino ang tinutukoy niya.
"You like Clint before right?" muli ko siyang hinarap and I saw him smirked. "Gusto mo siya dahil pasok siya sa standard mo na nabanggit ko kanina. At pasok naman ang dalawa dun. Matangkad, maganda ang katawan at sobrang linis tingnan. Lalong lalo na't si Cassian. He really looks good in that hairstyle." when he mentioned his name saktong napalingon ako sakanya. He had this normal undercut hair. It is really normal cut for men but he look so dashing on it. Nilagyan niya ng kaonting hairwax para hindi kaagad magulo.
Nag lalakad sina Cassian, Gavin and Clint papunta sa mga kiosk dito. Sa tingin ko pinag pyepyestahan silang tatlo dito sa cafeteria ngayon. Agaw talaga nila ang atensyon ng lahat sa tuwing magkasama silang tatlo kahit saan man mag punta dito sa campus.
"What do you think about Cassian?" kunot noo ko siyang tiningnan ngunit nakangisi lang siya.
"Sobrang suplado, ayoko." laglag ang panga ni Sage dahil sa sinagot ko. Hindi niya siguro inaasahan ang pag tanggi ko kay Cassian, isa lang naman siya sa pinag aagawan ng mga babae dito sa campus. Kung uutusan sila ni Cassian na lumuhod ay sigurado akong luluhod sila para lang maging girlfriend ng supladong yun. Tsk
Nanatiling tahimik si Sage mabuti na lang at tinawag muli kami sa kiosk dahil nandun na yung pagkaing binili namin.
"Thank you po ate" sabi ko tsaka aalis na sana para makahanap ng mauupuan. Ngunit nahinto ako bigla sa paglalakad nung nakatayo na pala sa harapan ko si Cassian. Hindi niya na kasama ang dalawa
"Hi Cassian" pag bati ni Sage sakanya tumango naman siya bilang sagot bago binalik ang atensyon niya sakin.
Seryoso siyang nakatitig sakin, sa tingin ko may gusto sana siyang sabihin sakin ngunit hindi niya magawa dahil sa mga matang nakatingin sa amin. Nag aabang kung ano ang sasabibin ni Cassian. Hindi ko mapigilan ang mapairap bago nag tangkang aalis na sana ngunit agad niyang hinarangan ang dadaanin ko.
Inis ko siyang tiningnan "What? Pwede ba?"
Sumenyas naman si Sage na mauna siya para mag hanap nang pwede naming mapwestohan dito sa cafeteria
"Didn't you see my messages?" Nung tuluyan nang nakaalis si Sage ay doon lang muli siya nag salita. He said using his low tone. Enough for me to hear those words alone.
hindi ko mapagilan ang pagkagulat ko sa sinabi at boses niya. Pagkatapos ko kasing mag bihis at maligo kagabi may natanggap akong message sakanya.
From Cassian
I'm home
Ngunit pinili kong wag siyang sagutin dahil wala talaga akong balak kausapin siya. Kaya natulog na lang at nagising na may text ulit galing sakanya
From Cassian
I'm here at the university. Can we meet?
And I ignored his message again. Coincidence lang talaga ang pagkikita namin ngayon.
"Nakita" walang gana kong sagot
"Then why are you not replying?"
"Bakit kita rereplyan? Hindi naman kita boyfriend para sagutin ang mga messages mo." mataray kong sabi. Nakita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Alam niyang galit parin ako sakanya kaya napabuntong hininga siya.
"Mag usap tayo mamaya." aniya
"I have class"
"After your class"
"Mag tatagal ako." I lied kahit wala naman talaga kaming gagawin pagkatapos dahil wala talaga akong balak makipag usap sakanya. Akala ko susuko na siya sa huli kong sinabi ngunit ang ikinigulat ko ay kabaliktaran sa iniisip ko ang sinagot niya.
"Hihintayin kita."
"No!" napataas nang kaonti yung boses ko kaya may iilang estudyante ang naagaw ko yung atensyon. May iilan na nag simula na ang bulong bulongan. At yung iba naman ang sasama na ng tingin sa akin.
I need to run away now, or else kakalat to sa buong campus. Ayaw ko ng gulo. I need to think a better response. Dahil hinding hindi ako papakawalan nang lalaking to hanggang sa makuha niya yung sagot na gusto niyang marinig sa akin.
"Susunduin kita pagkatapos ng klase mo. Mag usap tayo." he said using his authorative voice. Pakiramdam ko kapag ganito ang tono na ginagamit niya ay nawawalan ako ng lakas na tumanggi sakanya. Yung bang siya ang batas. Susunod at susunod ka sa kagustuhan niya
I sighed and nodded as I close my eyes. Bahala na! Tatakas na lang ako sakanya mamaya. Tutal hindi niya rin naman alam kung anong oras yung dismissal ko sa huli kong klase. Hindi ko na lang siya sisiputin. At mukhang hindi niya naman talaga ako hihintayin.
Ramdam ko ang tinginan ng lahat saamin kaya nag madali na akong umalis sa harapan niya nang walang paalam. Taas noo kong hinahanap kung saan nakaupo si Sage kahit na pansin ko ang namumuong bulongan ng mga estudyante saakin.
Nung nakita ko na si Sage ay laking gulat ko na lang nakikipagtawanan siya kay Dana. Nandun din sina Gavin at Clint na halatang kakarating lang din nila.
Don't tell me sa mesa ding yan uupo si Cassian.
Bigla akong napahinto sa pag lalakad at agad na tumingin sa bandang likuran ko. At tama nga ang hinala ko, kaya pala ganun na lang ang pag bulong bulongan ng mga estudyante dito dahil nakasunod pala sakin ang isang Cassian Dy. Syempre kahit sino mapapachismis ka talaga nang wala sa oras kung malalaman mo na ang isang Cassian kilala bilang isa sa pinakasupladong nilalang sa balat ng lupa ay bigla bigla na lang may kinausap sa cafeteria.
Idagdag niyo pa na ang grupo nila ay kahit kailan hindi tumatambay sa cafeteria. May sariling lounge kasi sila dito sa EHU. Bumibili lang pero hindi tumatambay.
Masama kong tiningnan si Cassian ngunit nag iwas lang ito ng tingin sakin. Napabuntong hininga ako nung bigla niya akong nilagpasan para makaupo katabi ng mga kaibigan niya.
Hanggang sa makaupo na rin ako sa tabi ni Sage at sa harapan niya ay masama parin ang tingin ko sakanya.
Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Akala ko ba mamaya pa kami mag uusap? Oo galit ako sakanya at hindi ko gustong malaman ng iba na may hindi kami pinagkakasunduan, ngunit hindi ko gusto ang pagkakalapit namin ngayon dahil ma hahalata talaga nilang lahat na may mumuong pagitan saming dalawa.
"Masaya pala kung dito na tayo parati kumain." Masayang sabi ni Dana kaya ako napalingon sakanya
"Bakit saan ba kayo kumakain parati?" tanong ko
"Kung minsan bumibili lang kami dito tapos sa isang room namin na sinadyang pinagawa sa campus kami tumatambay. Tapos kung minsan kapag gusto naming matulog pansamantala at kumain kapag mahaba haba yung vacant ay sa hotel kami nina Cassian" aniya na ikinagulat ko. No wonder hindi sila nakikita sa campus dahil literal na hindi talaga sila makikita o nag papakita sa iba "Kayo ba ni Sage? Parati ba kayo dito sa cafeteria?"
"Ah oo tsaka kapag hindi na mainit sa field kami tumatambay. Nanunuod sa mga estudyanteng nag lalaro ng football."
Maliban sa masarap ang simoy nang hangin sa field. Doon din kasi kami nakakahanap ng mga gwapong pawisan na mga estudyante. Lalong lalo na't yung mga exchange student ng EHU. Kaya natutuwa kami pareho ni Sage na tumambay dun.
"Nanunuod ng football?" gulong gulo si Gavin nung tinanong niya yun. "May kilala ba kayo dun?"
"Ah wala naman. Saktong tumatambay lang kami dun kapag mahaba haba yung vacant namin. Gusto mo bang sumama samin Dana?" Anyaya ni Sage "Para ma tunghayan mo kung pano pagkaguluhan nang ibang estudyante si Xyra." pahabol pa niya
Bigla akong nasamid ng tubig dahil sa sinabi ni Sage. Mabuti na lang talaga at kaonti lang yung ininom ko walang natapon o lumabas na tubig sa ilong ko. Pero panay yung ubo ko.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Sage sabay abot ng tissue sakin. Napatingin din yung apat sa akin
"Ah oo okay lang ako." sabi ko in between my cough.
Habang punas ko ang bibig ko ay sumulyap ako kay Cassian na ngayon ay nag aalalang nakatingin parin sakin. Umiwas ako ng tingin sabay upo ng maayos. Medjo okay na ang pakiramdam ko.
"Anong ibig mong sabihin na pinag kakaguluhan si Xyra tuwing nanunuod kayo ng football?" Dana na mukhang interesado na sumama samin manuod ng football. Ewan ko lang kung hahayaan siya ni Clint.
"Maraming lalaki ang lumalapit sa amin sa tuwing nanunuod kami. O di kaya yung mga nag lalaro sinasadya na papuntahin samin yung bola para makalapit lang." Sage sabay hagikhik na parang ewan. Huminto lang nung pasimple kong kinurot ang tagiliran niya "Aray!" reklamo niya ngunit pinalakihan ko siya ng mata.
I heard Dana chuckled, kaya nung hinarap ko siya ay pilit akong ngumiti.
Sage doesn't need to tell them the real reason why we choose those spot during our vacant time.
"Don't mind him" pagbawi ko sa sinabi ni Sage
"Sa tingin ko tama nga yung ikinwento ni Sage na pinagkakaguluhan ka ng mga lalaki." Dana sabay harap kay Clint na seryosong nakikipag usap kay Gavin. "Babe" she poked his forearm to get his attention "Maganda si Xyra diba?" laglag ang panga ko sa biglaang tanong ni Dana kay Clint.
Bago siya mag salita ay pinagmasdan niya muna ang mukha ko. Nakaramdam ako ng init sa pisngi sa mga titig niya kaya agad kong iniwas ang tingin ko. I remember how I got attracted at him when we first met. Kung wala lang talaga siyang girlfriend matagal na ako nakipag hook up sakanya.
Saktong pag iwas ko ng tingin kay Clint ay yung mga titig naman ni Cassian ang sumalubong sa akin. Tahimik na pinagmamasdan ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero pakiramdam ko parang inaaral niya ang buong mukha ko sa paraan kung pano niya ako titigan.
Matagal ko nang sinabi na he has a perfect face at kahit anong angle ay gwapo parin siya. With his monolid eyes, well arched brow, perfect high nose and thin lips. Sayang talaga at suplado siya.
Ramdam niya ang pag tagal ng titig ko sakanya kaya siya na mismo ang umiwas ng kanyang tingin sakin. But I notice he touched his nose and licked his lower lip.
"Sobrang ganda niya, at dapat lang na pagkaguluhan siya ng mga kalalakihan. She is single after all. Am I right?" dun ko lang napansin na nawala ang atensyon ko sa usapan dahil sa kakatitig kay Cassian.
"Yeah i'm single."
"Why?" gulantang na tanong ni Dana
"Wala pa eh. At sa tingin ko hindi naman kami tatagal kung mayroon na nga akong boyfriend"
"Bakit naman hindi kayo tatagal?"
"After graduation uuwi na ako ng France."
"Ano?" Dana
"What?" Cassian
Sabay silang pareho nag salita na ikinagulat ko.
"Araw araw ko yan pinipilit na wag na umalis pagkatapos ng graduation namin at dito na lang mag hanap ng magandang trabaho. Ngunit buo na ata ang desisyon niya sa pag alis." May halong lungkot sa boses ni Sage nung sinabi niya yun.
At tama nga siya, araw araw niya akong kinukulit na sabay na daw kami mag hanap ng trabaho dito na hindi ko na talaga kailangan na umalis pa. Ngunit nangako ako kina nanay at tatay na uuwi ako. Kahit masakit na iwanan ang mga taong napamahal na sakin dito.
Nginitian ko si Sage na may bahid na lungkot sa mukha niya. "Kung gusto mo sumama ka sakin. Ako bahala sayo dun."
"Ayaw ko nga" pag tanggi niya sa alok ko kaya napangiti muli ako sakanya.
Ito ang gusto ko kay Sage. Hinding hindi siya gagawa ng masamang bagay para makalamang lang sa ibang tao. He wants his success to be made by only him. Kaya kahit anong alok ko sakanya papuntang France na hindi na siya mahihirapan dahil alam kong sila Alexander na ang bahala sa papeles niya sa pag lipat dun ay tinatanggihan niya parin. Pero i'm sure papayag din yan kalaunan.
Nawala sakin yung topic at napunta sa kung kailan ulit kami mag lalaro ng golf. Ang plano ng club ay pupunta daw kami sa isang indoor golf course this saturday. Ngunit hindi ako makakasama dahil balak ko sanang pumunta sa palengke para mamili ng preskong sangkap sa pag luluto. Pumayag naman sila na hindi ako pupunta this weekend, hindi lang ako sure kay Sage.
Kahit anong katuwaan namin dito sa table ay pansin ko ang pananahimik ni Cassian sa harapan ko. Ramdam ko din ang paminsan na pasulyap niya saakin pero sa tuwing hinuhuli ko ang tingin niya ay agad niya naman itong iniiwas.
Pasimple kong binaba sa table yung phone ko para maitext siya
To Cassian
Anong tinitingin tingin mo dyan?
Agad kong nakita ang pag ilaw nung phone niya. Pinagmasdan niya muna ng mabuti ang screen bago ko nakita siyang kumunot noo. Katulad ng ginawa ko para hindi siya mahuli na may katext ay binaba niya ang hawak niya phone sa mesa at bahagyang yumuko bago mag tyoe ng kung ano man.
From Cassian
Mag usap tayo mamaya. Hihintayin kita sa labas harap ng building niyo.
To Cassian
Wag sa harapan ng building namin.
From Cassian
Why?
To Cassian
Ayaw kong pag chismisan tayo ng mga estudyante.
From Cassian
I don't care.
Bigla kong naramdaman ang init na dumaloy paakyat sa aking ulo dahil sa inis sa lalaking kausap ko. Wala ba talaga siyang pakealam sa mga taong nasa paligid niya? Pano kung gawan kami ng issue na nag sasabing may relasyon kaming dalawa?
Syempre matutuwa siya dahil ako ang magiging girlfriend niya. Sa ganda ko pa namang ito. Pero siya maging boyfriend ko? Aba talo ata ako dito.
To Cassian
But I care. Wag mo akong hintayin sa labas ng building namin. Doon na lang tayo magkita sa malayo.
From Cassian
Sa football field ba?
Bakit kahit sa text ay naririnig ko ang pagiging sarcastic nang lalaking to. Inangat ko ang aking tingin sakanya and I saw this brute is smirking at me. The guts of this guy. Sana pala hindi ko na sana siya tinext.
Gusto ko siyang sigawan dahil sa inis ko. Pasalamat lang talaga siya na nandito yung mga kaibigan niya. Tsaka madaming estudyante na panay parin ang tingin nila sa apat na to.
To Cassian
Not the field.
From Cassian
Why? Dahil ba hindi na makalapit yung mga admirers mo sayo kapag nakita nila tayong magkasama?
I can't help it but to laugh without any humor on it. And why is it that i'm still talking to this brute anyway? Nakuha ko ang atensyon nung apat ngunit hindi ko yun pinansin. Mas binigyan ko nang pansin ang kung ano yung isasagot ko sa mokong chinese na to.
To Cassian
Oo kaya wag kang lalapit sa field. Off limits ka dun
I saw he raised his brow and moved his jaw.
From Cassian
Off limits? Me?
To Cassian
Yes! You!
From Cassian
I can even buy that damn field right now.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano bibilhin niya? Alam kong ibang klaseng yaman ang meron sa pamilya nila at kayang kaya niyang bilhin ang lahat. Ngunit hindi mo naman ata mabibili ang isang bagay kung hindi for sale hindi ba? Tsaka school premises kaya yung field.
To Cassian
You're crazy!
Tsaka ko inangat muli ang tingin ko sakanya. I saw him licked his lower lip before smirking again while looking at me. Umiling ako sakanya na para bang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya
From Cassian
Just say it and i'll buy it.
Pag hamon pa niya sakin
To Cassian
No! Tigilan na nga nating kalokohang ito. Wag ka nang lumapit sa field o sa building namin. Sa condo ko o sa malayo na lang tayo magkita. Take it or leave it!
From Cassian
Sa labas ng campus kita hihintayin. At sa condo mo tayo mag uusap.
To Cassian
Okay fine!
Pagsuko ko sakanya. Nung sinulyapan ko siya ay kahit anong pigil niya sakanyang ngiti nakikita ko parin ang magandang dimples niya.
He chuckled when he saw me intently glaring at him. Umubo pa siya para pagtakpan yung tawa niya at umayos ng upo para hindi mapansin ng mga kaibigan ang kalokohan niya. Napairap ako.