"Everyone, i'd like you to meet chef Xyra." pakilala sa'kin ni Sage sa mga staffs "Expect her to be here in this branch every now and then." Isa isa ko silang tiningnan. Mayroong dalawang chefs, tatlong waiters at isang branch manager. "Good morning everyone" bati ko sabay lahad ng kamay ko sa branch manager na agad naman niyang tinanggap. Pagkatapos ng morning briefing ay balik na ang lahat sa kanikanilang trabaho. Ito ang kauna unahang branch namin ni Sage, dito nag umpisa ang lahat. This store was nanay's pastry shop before when we were still living here. Kahit na maganda ang sales niya dito dahil maganda ang location, napilitan siyang isara pa'rin ang shop nung nag migrate kami papunta sa Paris. Hindi na kakayanin ang palipat lipat ng bansa ni nanay para imanage ito. Atsaka ayaw niy

