Isang linggo pa ang nakalipas bago ako tuluyang pumasok sa trabaho. Inasikaso ko pa kasi ang license ko para hindi ko na gagambalain pa si kuya Joaquin na ipagdrive niya ako kahit saan man ako mag punta. Ngayong araw ang unang pasok ko sa opisina ni Xander sa HR department ako naka assign, kung saan ako ang unang haharap sa mga applicants namin, atsaka kami 'rin ang mag scheschedule kung kailan sila aakyat at bababa sa cargo vessels o cruise ships namin. I'm wearing our company polo uniforms, the same as the other employees are wearing. Wala lang, ayaw ko kasing bigyan nila ako ng special treatment atsaka gusto ko pantay pantay lang kami ng mga katrabaho ko dito. Nung makarating na ako sa tamang opisina ay nakita ko kaagad si Aika naka upo na sa kanyang cubicle. Agad siyang tumayo nung

