Pagkauwi namin sa bahay, hinayaan nila akong dumerecho sa kwarto nang walang binabanggit tungkol sa kung ano nga ang totoong ugnayan namin ni Sian. I thank them for not asking, dahil baka sa oras na mag salita ako ay kusa na lang na tutulo muli ang mga luha ko. Ayoko nang umiyak, pagod na ako. Kinabukasan, may iilang articles akong nakita tungkol sa engagement nina Sian at Dana. It was quoted as MOST ANTICIPATED WEDDING OF THE YEAR. Syempre, nanggaling silang dalawa sa pinakamayaman na pamilya sa bansa. Humilig ako sa headrest ng kama ko, atsaka nakapikit na tumingala. May pumatak na luha sa aking mata. Sobrang bigat sa dibdib ang nangyari sakin kagabi, ngunit hindi ko maitatanggi na kita kong nahirapan din si Sian sa mga panahong 'yon. He was torn between his family and me. Hindi alam

