Chapter 7
“Magandang umaga sa lahat!” malakas na bati ng dalagang si Camilla pagpasok nito sa Ella's Diner. Naroon na si Kara, nakaayos na at handa ng magtrabaho.
Hindi nilingon ni Kara ang kaibigan kaya naman ay nagtataka itong naglakad palapit sa kanya. Kinalabit siya nito. “Hoy! Ikaw, ha! Bakit ka ba umalis kahapon?” nagtataka nitong tanong sa kanya. “At saka, ano ba ang ginawa mo roon sa loob? Kinausap ka ba ni Doctor de’Brava?” pangungulit nitong tanong sa kanya.
Umiling si Kara. “Hindi ko alam,” tipid niyang sagot.
Sinimangutan siya nito. “Paano nangyari ’yon? Ikaw, ha! May tinatago ka sa akin. Alam ko na 'yang mga taktika mo, Kara.”
Bumuntong hininga si Kara. Hindi niya alam kung saan magsisimula at kung paano sasabihin sa kaibigan ang nangyari. Ngunit mas ayaw niyang malaman nito ang pangyayari na nagpagulo sa kanyang isipan buong magdamag. “Wala lang. Nakita ko kasi kung paano mag-extraxt ng du-dugo, kaya, mabilis akong umalis,” mahaba niyang katwiran.
Tumaas ang kilay nito sa kanya. Pumasok ito sa kusina at sumunod naman siya. Wala pa namang gaanong costumer kaya may oras pa sila para makipagkulitan.
“Hindi ako naniniwala, Kara. Ang haba ng pila natin tapos bigla-bigla ka na lang umalis pagkatapos mong pumasok? Tinawag kita hindi mo ako pinansin,” katwiran ni Camilla.
“Hmm,” tipid niyang sagot. Namuo ang butil ng pawis sa kanyang noo. Kaagad itong pinahiran ni Kara.
“Hindi ka nagsasabi ng totoo, Kara,” komento ni Camilla. “May itinatago ka ba sa akin? May gusto ka bang sabihin ngunit hindi mo lang masabi?” tanong nito sa kanya.
Diretso itong tiningnan ni Kara sa mga mata. Seryoso niyang tinitigan ang kaibigan. Pinagsalikop ni Kara ang kanyang mga palad. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan. “Ka-Kasi, ano. May ano kasi ako,” nauutal niyang sabi.
Humarap nang tuluyan sa kanya ang dalagang si Camilla. Nakataas ang kilay nito sa kanya at halata sa mukha ng dalaga na hindi na ito makapaghintay sa kanyang sasabihin. “Ano? Ano ang nangyari sa ’yo? Bakit parang natatakot kang sabihin sa akin?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Kinagat ni Kara ang kanyang labi upang pigilan ang sariling mapaiyak. Bumuntong hininga siya. “Kasi . . . Natatae kasi ako nagmamadali akong umalis,” seryoso niyang sagot. Nakatitig lamang siya sa mga mata ng kaibigan. Pinanood niya kung paanong mapalis ang kunot sa noo nito at kung paanong mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Ano?” gulantang nitong tanong. “Seryoso ka ba?” hindi makapaniwala nitong tanong sa kanya.
Tumango si Kara at impit na bumuntong hininga. “O-Oo! Seryoso ako!” bulalas niya pang sabi. “Nakita mo naman ang reaksyon ng mukha ko, hindi ba? Hindi na ako mapakali kaya tumakbo na ako palabas. Nakautot din kasi ako,” pagsisinungaling pa ni Kara. Dahil parang kumakagat naman sa chismis ang kaibigan ay pinagpatuloy na lamang niya ang panloloko rito.
Kaagad itonf umatras at nandidiring lumayo sa kanya. “Kalokohan mo, Kara! Kaya pala!” nang-aakusa nitong sambit.
Siya naman ngayon ang nagulat. “Ba-Bakit?” nagtataka niyang tanong.
Tinuro nito ang kanyang mukha. “Kaya pala bigla ring umalis ang si Doc de’Brava! Nagtakip pa nga siya ng mukha. Kaloka ka, Kara! Nakakahiya 'yong ginawa mo. Ew!” nandidiri pa nitong sabi.
Pilit siyang ngumiti. “Kaya nga, eh. Hindi na ako nakapagpaalam sa ’yo,” wika niya pa habang nakaismid. Palihim niyang pinitik ang sarili dahil sa kasinungalingan na pinagsasabi ng kanyang bibig. Nag-iwas ng tingin si Kara bago pumikit upang pigilan ang sariling magsabi ng totoo. Baka kapag nalaman ni Camilla ang nangyari ay pagtatawanan siya nito at alam niyang hindi ito tumitigil. Mahilig pa naman itong manukso.
Bumuntong hininga siya. “Huwag mong ipagsasabi sa kahit na sino. Chismosa ka pa naman,” paalala niya sa kaibigan.
Tumatawa itong tumango sa kanya. “Oo, naman. Maasahan mo ako,” pakindat nitong sabi.
“Tse! Sa chismis ka lang talaga maasahan. Pambibirang kaibigan! Oh, siya. Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong niya rito. Pinilit niyang maging magpag-alala ang tono ng kanyang boses ngunit sadyang maloko talaga siya kaya tuloy pinandilatan siya ng kaibigan.
“Anong klase ng pananalita ba ’yan? Nag-aalala ka ba talaga sa akin?” nakangiwi nitong tanong. “Grabe ka, ha! Iniisip ko tuloy kung kaibigan mo ba talaga ako,” nakanguso nitong sabi.
Umiling si Kara. “Huwag kang mag-drama. Sagutin mo na lang ang tanong ko. Mukha ka kasing matamlay kahapon pagkaalis ko. Ayos ka lang ba? Saka, sino ba 'yong lalaki na kumausap sa akin?”
“Sino?” Kunot-noo nitong tanong sa kanya.
“Pagpasok siya ang lumapit sa ’kin. Nag-fill up ka rin ba ng form?” tanong ni Kara. “Pinag-fill niya kaso ako tapos bigla niya akong dinala sa loob ng opisina kasi—” Bigla siyang nahinto dahil sa kanyang sasabihin. Mabilis niyang kinagat ang kanyang labi at nag-iwas ng tingin. Dahil sa sobrang daldal niya ay muntik niya pang masabi ang totoo.
Natigilan ito dahil sa kanyang biglang pagtahimik. “Bakit? Ayos ka lang ba? Ano ba ang ginawa niya sa ’yo?” bigla ay pasinghal nitong tanong sa kanya.
Nagitla si Kara. “A-Ayos lang ako. Bakit ba bigla ka na lang sumisigaw riyan?” nagtataka niyang tanong.
“Wala ba siyang ginawa sa ’yo?”
Umiling si Kara. “Wala naman. Hindi ko nga kasi natanong kung bakit, kasi alam mo na,” katwira ni Kara.
Tumango-tango ang kaibigan. “Ah! Alam ko na. Siguro, kaya ka pinatawag dahil sa blood type mo,” nanghuhula nitong sabi.
“Bakit?”
“Malay ko,” kibit-balikat nitong sagot.
“Uy, kayong dalawa. Tama na ang chismisan at dumarami na ang customers.” Sabay silang nagsipagkilos ni Camilla.
Tama nga ang kanilang amo na si Ella. Marami-rami na ang naghihintay na makuha ang orders nila. Kaagad silang nag-asikaso.
“Jake, patulong nga ako. Table eight, Soft drinks daw,” ani Kara sa kasama niya. Tumango ito sa kanya. “Salamat,” aniya.
Hinarap ni Kara ang kaibigan na pawisan na ngunit lumilitaw pa rin ang natural nitong kagandahan.
“Kamusta?” tanong niya rito.
“As usual, maganda pa rin,” mayabang nitong sagot.
Napangiti si Kara. “Taray! Sana lahat,” pang-iinis niya sa kaibigan. “Iinom lang ako ng tubig. Nauuhaw na ako,” paalam niya bago pumasok sa kusina. Naroon ang isa nilang tagahugas ng pinggan. Nginitian ito ni Kara. Bata pa ito sa kanya at hindi mahilig makipag-usap. Dahil sa pagiging tahimik nito ay mas napapadali ang trabaho kahit mag-isa lamang ito.
Uminom siya saka hinugasan ang sariling baso. Tumingin ito sa kanya. “Nakilala mo na ang mapapangasawa mo,” bigla nitong sabi na ikinagulat ni Kara.
Kumunot ang kanyang noo sa babae. “Ha?” gulat niyang tanong. “Paano mo naman nasabi?” nagtataka na tanong ni Kara. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
Nagkibit-balikat ang babae. “Naramdaman ko lang. Nakita mo na siya, nakausap, nakilala. Hindi mo lang alam. Bukas na bukas ay pupunta siya sa eskuwelahan ninyo. May bibisitahin siya at magkikita kayo,” seryoso pa nitong sabi.
Biglang kinabahan si Kara. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Hay, naku! Tumigil ka na sa kasasabi ng ganiyan. Wala pa akong planong mag-asawa. Oh, siya. Maiwan na kita at may gagawin pa ako,” paalam niya rito.
Hindi mapakali si Kara hanggang sa matapos ang kanilang trabaho. Wala siya sa sarili at para siyang mabaliw kaiisip sa sinabi kanina ng kanyang katrabaho.
Siniko siya ng kaibigang si Camilla. “Bakit parang tahimik ka ngayon? Ayos ka lang ba?” nagtataka nitong tanong sa kanya. Umiling si Kara ngunit kalaunan ay tumango rin. Bumuntong hininga ang dalaga. “Kara, kilala na kita. Alam ko kung kailan ka nagsasabi ng totoo. Ano ang nangyari sa ’yo? Ang kulit-kulit mo pa kanina, ah. Ngayon, bigla ka na lang naging tahimik,” komento pa ni Camilla.
Napabuntong hininga si Kara. “Hindi ko alam. May sinabi kasi sa akin ’yung kasama natin,” panimula niya.
“Sino? Si Lyneth ba?” Biglang tumaas ang kilay nito. “Bakit ka naman nagpapaniwala sa sinasabi ng babaeng iyon? Alam mo namang may pagka-Sisa ang babaeng 'yon,” nakangiwi na komento ni Camilla.
Nagkibit balikat si Kara. “Hindi lang kasi mawala sa isip ko ang sinabi niya. May pakiramdam kasi ako na totoo ang sinabi niya sa akin kanina, pero, hindi ko rin alam kung tama ba na paniwalaan ko siya,” mahabang paliwanag ni Kara habang naglalakad sila pauwi.
Nasapo ng dalaga ang sariling noo. “Kara, huwag kang maniwala sa kanya,” saway ng dalaga kay Kara.
Bumuntong hininga si Kara. Nalilito siya sa kanyang desisyon. “Pero, kasi, Cam. Alam rin nating pareho na kadalasan ay tama si Lyneth,” katwiran niya.
“Pero hindi pa rin naman tayo sigurado. Paano kung pagkakataon lang ang lahat kaya akala natin ay tama siya?” rason ni Camilla.
Natahimik so Kara at hindi nakapagsalita. “Hay, ewan ko ba. Malakas kasi ang kutob ko na tama siya, eh. Kaya kinakabahan talaga ako.”
“Sandali! Sandali!” Humarang ito sa kanyang harapan at huminto sa paglakad. Maging siya ay natigilan. “Teka lang, ah. Ano ba ang sinabi niya sa 'yo at naging balisa ka na riyan?” kunot ang noo nitong tanong sa kanya.
Nanlumo si Kara. Kinakabahan talaga siya nang matindi. “Si-Sinabi niya na, nakita ko na raw ang magiging asawa ko. Nakita, nakilala, at nakausap,” pagbibigay-alam niya sa kaibigan.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito. “Seryoso?” laglag ang panga na tanong nito sa kanya.
Tumango si Kara. “Sinabi niya 'yan sa akin kanina. Tapos, ang seryoso pa ng mukha niya. Para bang siguradong-sigurado siya,” wika pa ni Kara.
“Sandali! Hindi na proseso ng utak ko ang sinabi mo. Ang sabi niya sa 'yo, nakita, nakilala, at nakausap mo na ang future husband mo.”
Tumango si Kara. “Hmm.”
“Ibig sabihin, nagkaharap na kayo?” tanong ulit ng dalaga kay Kara.
“Oo, nga! Ang kulit mo,” nakanguso niyang sagot.
“Tumigil ka at nag-iisip ako,” saway nito sa kanya.
Natahimik naman si Kara at hinayaan ang kaibigan na manghula. Baka sakali ay may matinong kataga ang lumabas sa bibig ng kaibigan.
Nakapamaywang itong tumingin sa kanya. “Sino ba ang nakausap mo ngayon?” nakangisi nitong tanong sa kanya.
Napaisip si Kara bago nagsalita. “Ikaw,” inosente niyang sagot dahilan upang mabatukan siya ng kaibigan.
“Sira! Hindi kita gusto, no! Lalaki ang gusto ng kipay ko,” malakas na bulalas ni Camilla.
Napangiwi si Kara. “Ew! Ayaw ko rin sa 'yo, no! Talong ang gusto ng kipay ko!” singhal niya sa kaibigan.
“Bwisit ka talaga. Oh, sige. Isipin mo na kung sino ang nakausap mo,” utos nito sa kanya.
“Hmm,” ani Kara. “Si Tatay. Hindi siya,” aniya. “Si Dylan. Hindi! Ayaw ko sa kanya. Masyado siyang matanda sa akin. Si Jake naman, kaibigan ko lang ’yon. Yung lalaki kahapon na kumausap sa akin, imposible. Ang sungit noon. Si Doc Vlaire, ewan ko sa taong ’yon. Pagkatapos, may isa pa akong nakausap sa palengke,” mahabang paliwanag ni Kara.
Kumunot ang noo ng kaibigan. “Ang dami mo namang lalaki?” pasinghal nitong tanong sa kanya.
Tumaas ang kilay ni Kara. “Hay, ewan ko sa 'yo. Bakit ka naman kasi nagtatanong,” ani Kara.
“Dahil gusto kong malaman kung sino. Saka, ano ang pangalan nang nakausap mo sa palengke?” tanong nito sa kanya.
“Black? Oo, Black ang pangalan niya,” mabilis na sagot ni Kara.
Napangiwi ang kaibigan. “Taray! Paano mo nalaman?”
“Eh, nagpakilala siya,” sagot niya.
“Hmm. Siguro, isa siya sa pagpipilian natin,” ani Camilla.
“Ewan ko. Imposible. May isa pang sinabi si Lyneth. Bukas daw ay pupunta ang mapapangasawa ko sa eskuwelahan natin.”
Mas lalong nanlaki ang butas ng ilong ng kaibigan. “Huh? Talaga? Grabe namang panghuhula ’yan. Pero, malay natin magkatotoo?” hindi sigurado nitong tanong sa kanya.
Tumango si Kara. “Malay ko rin,” sagot niya. Kaagad niyang napansin ang papadilim na paligid. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Shuta ka! Naabutan tayo ng dilim dahil sa kadaldalan mo, Camilla!” paninisi niya sa kaibigan. Nagmadali siyang naglakad paalis.
Maging ito ay nagulat. “Paanong nangyari? Saglit lang naman tayong nakatayo rito?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Nagkibit balikat si Kara. “Dalian mo na at ayaw kong maabutan ng gabi. Ang dami pa namang masama ang loob ngayon,” pananakot niya sa kaibigan.
“Oo, na! Bilisan na natin.” Halos magkandasapid-sapid sa paglakad si Kara dahil sa takot. Hindi niya alam kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaiba sa paligid.
Tuluyan ng kinain ng dilim ang paligid kaya naman mas lalo niyang nilakihan ang kanyang hakbang. Saka pa lang niya naalala na wala siyang dalang flashlight. Binuksan ng kasama niya ang cellphone nito.
“Bakit wala sa 'yo? Nasaan ang cellphone mo?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Ismid siyang ngumiti. “Nasira, eh,” nakangiwi niyang sagot. “Hindi ko pala nasabi sa ’yo?” tanong niya.
Umiling ito. “Hindi ko alam. Paano na ’yan ngayon? Paano ka uuwi?” nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Nagkibit balikat si Kara. “Ayos lang ako. Sana naman na akong mag-isa,” kampante niyang sagot.
“Kahit na!” nagpapadyak sa inis nitong sabi. “Gabi na, uy! Hindi maari na wala kang ilaw,” pangungulit nito sa kanya.
“Ayos lang ano ka ba,” pamimilit niya sa kaibigan. “I-text mo na lang si Dylan at sabihan mong pakisundo ako,” utos niya rito.
“Hay, alam mo namang parang sinaunang tao iyong kapitbahay ninyo. Wala siyang cellphone,” nakangiwing sagot ni Camilla.
Natauhan si Kara. “Hay, nakalimutan ko.”
“Ayan kasi, ilang beses ko ng sinabi na bumili ka ng bago,” pangangaral nito sa kanya.
“Ayos lang. Sige na at baka mas lalo lang tayong gagabihin,” ani Kara.
Tumango ang kanyang kaibigan ngunit halata sa mukha nito ang pagdadalawang-isip. “Pero, Kara—”
“Ayos lang talaga ako, Camilla. Salamat na lang sa pag-aalala,” putol niya sa sasabihin ng kaibigan. Wala itong nagawa ng magsimula siyang maglakad palayo sa dalaga. Magkaiba sila ng daan na tatahakin at mas malayo pa ang uuwian niya.
Nasapo niya ang sariling noo. Bigla siyang kinabahan at nag-alala sa sariling kapakanan lalo na nang maalala niya ang mga nangyari noong nakaraang mga araw. Natatakot siya na baka maulit muli ang lahat at ngayon ay wala ng magliligtas sa kanya.
Bigla ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng doktor sa kanya. Wala sa sarili niyang hinaplos ang kanyang pisngi. “Bakit niya nalaman na nasaktan ang pisngi ko? Paano niya nalaman ’yon?” nagtataka nigang tanong. Hindi nga niya sinabi sa kaibigan ang nangyari sa kanya tapos malalaman lang ng doktor na iyon ang sitwasyon niya?
“Imposible!” pabulong niyang singhal sa kanyang sarili.
Natigil siya sa paglalakad ng bigla ay may narinig siyang parang huni ng hayop. Parang katunog ng pusa. Na-estatwa sa kinatatayuan si Kara at hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nanigas ang kanyang katawan at hindi siya makakilos. Papalapit ito nang papalapit dahilan upang mas lalong siyang hindi makagalaw.
“Ano 'yon?” takot nigang tanong sa kanyang sarili.
Kasabay ng kanyang paglingon ay ang pagtilapon ng kanyang katawan. Napadaing siya ng tumama siya sa matigas na lupa. “Ah!” sigaw niya dahil sa sakit. Nag-angat siya ng paningin habang naghahabol ng hininga.
Isang itim na lobo ang kanyang nakita. Sa kanyang hinuha ay galit ito at masama ang tingin nito sa kanya. Pinilit niyang bumangon ngunit hindi niya magawang igalaw ang kanyang katawan.
Naghanda sa pag-atake ang lobo ngunit hindi na ito umabot sa kanya ng isang kamay ang humarang sa mga panga nito. Nakalabas ang pangil ng lobo at naglalaway pa ito. Sa isang iglap ay napaatras ang lobo dahil sa kamao na tumama sa mukha nito.
Narinig ni Kara ang pagdaing ng lobo dahilan upang mapaatras ito. Tumakbo ito papalayo habang ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ay seryoso lamang na sinundan ng tingin ang papalayong lobo.
Humahangos na tumayo si Kara. Masakit ang kanyang katawan. “Aray ko!” daing niya pa dahil mukhang nabugbog ang kanyang mga hita.
Dahan-dahan na naglakad papalalit sa kanya ang lalaking nakasuot ng itim na damit. Mahaba ang jacket nito at pansin ni Kara na kamukha nito ang lalaking unang nagligtas sa kanya. Ito rin ang lalaking nagligtas sa kanya noong muntik na siyang masagasaan ng motor. Tinulungan siya nitong tumayo. Pinasadahan din siya nito ng tingin. Naroon ang pag-aalala sa mga mata ng lalaki ngunit seryoso ito at mukhang galit pa.
Hindi alam ni Kara kung ano ang sasabihin. Walang lumalabas na kataga sa kanyang bibig.
“Are you okay?” nag-aalala nitong tanong sa kanya.
Tumango si Kara ngunit kalaunan ay napailing din siya. “Hi-Hindi,” utal at takot niyang sagot sa lalaki.
Lumapit ito lalo sa kanya. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa ay hindi sinasadya na maamoy ni Kara ang pabango ng lalaki. Wala sa sariling siyang napapikit at ninamnam ang mabango nitong halimuyak. Nang matauhan ay kaagad siyang napaatras palayo sa lalaki.
“Ba-Bakit ka nandito?” nagtataka at takot na tanong ni Kara. Paano kung isa rin pala itong halimaw kagawa ng lobong biglang umatake sa kanya?
“Because you need my help,” kaswal nitong sagot na mas lalong nagpagulo sa kanyang isipan.
“Huh? Paano mo naman nasabi?” galit na tanong ni Kara.
“Because you are one hell of a clumsy girl,” komento nito.
“Nang-aasar ka ba?” inis na tanong ni Kara. Tinaasan niya ito ng kilay. “Alam kong clumsy ako pero wala kang karapatan na sabihin sa akin iyan,” angil niya pa.
Umiling ito. “I do,” pangungulit nito sa kanya. Kinabig siya nito at bigla siya nitong binitbit na parang sako. Napasigaw si Kara dahil sa sobrang pagkabigla.
“Hoy! Ibaba mo ako!” inis niyang singhal. “Ibaba mo ako! Ano ba?” galit niyang tanong.
Kaswal lamang ang paglalakad ng lalaki na para bang sobrang gaan niya lang. Hindi man lang ito nahihirapan kahit pa ang likot-likot niya.
“Ssh! They'll hear us. Stop fussing!” saway pa nito sa kanya.
“Ibaba mo nga ako! Ano ba!”! inis niyang singhal. Dahil hindi nakinig ang lalaki ay kinagat ito ni Kara sa pisngi. Natigil ito sa paglalakad. Maging siya ay natigilan din. Nagitla siya at biglang nagtaka.
“Ba-Bakit malamig ang mukha—”
“Sssh!” Nagpatuloy ito sa paglalakad. Mas lalong hindi mapakali si Kara ng narating nila ang kanilang tirahan. Patay pa ang mga ilaw at alam na niya kung bakit. Wala pa ang kanyang ama.
Ibinaba siya ng lalaki at tiningnan siya nito sa mga mata. “I’m going,” paalama nito.
“Salamat,” nakanguso na usal ni Kara. Tumalikod ito. “Doc Vlaire,” tawag niya sa lalaki. Lumingon ito sa kanya.
“Why?”
“Salamat.”
Tumango lang ito at sa isang kurap lang ni Kara ay nawala na ito sa kanyang paningin. Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at isinara kaagad ang pinto. Nanginginig ang kanyang katawan at naghahabol siya ng hininga. Hindi magkamayaw sa pagkabog ang kanyang puso.
“Diyos ko po! Ano ba ang nangyari? Sino ba siya?”
Dahil sa biglang pagsulpot ng doktor sa kanyang harapan ay hindi na nawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Lyneth. Magdamag siyang hindi nakatulog kaya naman bangag siyang bumangon kinabukasan.