Chapter 6
Mahaba ang pila sa isang klinika malapit sa kanilang eskuwelahan. Kumunot ang noo ni Kara dahil sa pagtataka. Puros mga estudyante ang naroon. Nahagip ng kanyang paningin ang kaibigan na si Camilla at panay ang pagtingkayad ng dalaga upang makita ang unahan ng pila.
Bumaba si Kara sa minamanehong bisikleta at dahan-dahan na naglakad papalapit sa dalaga. Kinalabit niya ito. “Hoy!” Napasigaw ito dahil sa gulat.
“Buwisit ka! Nanggugulat ka naman, eh!” ismid pa nitong reklamo.
Natawa si Kara. “Bakit? Ano ang ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mga taong naroon. “Ano ang mayroon? Bakit parang abala ang lahat?” tanong niya sa kaibigan.
“Ah, kasi may blood donation ngayon.” Tumango-tango siya. “Hindi mo ba alam?” tanong ni Camilla sa kanya.
“Ah, alam ko. Nakalimutan ko nga, eh. Kaya pala ako nagmamadali kanina kasi nga, magdo-donate ako,” nakangiti niyang sagot.
“Psh! Napaka-ulyanin mo yata ngayon. Ano ba ang kinakain mo at mukhang kulang ka sa nutrisyon?” nakangiwi nitong tanong sa kanya.
“Siyempre! Pagkain, bakit ano pa ba ang dapat kong kainin?”
“Talong!” pasinghal nitong sagot sa kanya.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Tinakpan niya ang bibig ng kaibigan dahil marami ang napalingon sa gawi nila. “Umayos ka nga! Ang ingay mo!” nandidilat na singhal niya rito sa mababang boses. “Ano ka ba. Kung ano-ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo,” saway niya rito.
Tinabig ng dalaga ang kanyang kamay. Kunot-noo siya nitong tiningnan. “Pinagsasabi mo, uy? Bakit? Ano ba ang naisip mo? Gulay naman ’yon,” paliwanag pa nito.
Natigilan si Kara. “Ah, gulay pala ang ibig mong sabihin,” tumango-tango na usal niya. Bigla siyang pinamulahan ng mukha. “Sorry naman. Akala ko kasi—”
Pinitik ng dalaga ang noo ni Kara. “Kung ano-ano ang iniisip mo. Kabaliwan mo, Kara. Umayos ka nga riyan,” saway nito sa kanya habang nandidilat.
“Nag-sorry na nga ako,” nakanguso niyang saad. “Saka, umusog ka at para makasingit naman ako,” wika niya pa upang mawala sa kanyang isipan ang pagkapahiya.
“Hmp!” umingos ang dalaga ngunit pinagbigyan naman siya nito kaagad.
Tulak-tulak niya ang kanyang bisikleta hanggang sa sunod-sunod na nawala ang mga tao sa unahan ng pila. “Malapit na tayo. Ano ang gagawin mo pagkatapos? Wala naman tayong pasok,” tanong niya sa kaibigan.
“Hindi ko alam. Siguro ay papasok ako sa trabaho pagkatapos kong magpahinga. Hindi naman siguro ako mahihilo,” nag-iisip nitong sagot sa kanya.
Tumango si Kara. “Pero mukhang bawal yata?”
“Kung hindi puwede ay uuwi na lang ako,” anito.
“Hmm. Siguro pupunta muna ako sa palengke. Kailangan kong bumili ng gatas at mga rekados. Wala na rin kasi kaming ulam sa bahay,” kuwento niya.
“Sasamahan na lang kita,” presinta nito.
Mabilis na umiling si Kara. “Naku! Huwag na. Makakaabala pa ako,” mabilis niyang tanggi.
Pinandilatan siya nito. “Bakit? May katatagpuin ka ba?” nang-aakusa nitong tanong.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kara. Maging ang butas ng kanyang ilong ay mas lalong bumilog. “Ano! Tumigil ka nga! May bibilhin lang ako. Huwag ka ng sumama dahil alam kong mapapagod ka lang,” katwiran niya pa.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Sinundot-sundot siya nito sa tagiliran. “Weh? Hindi nga?” nanunukso nitong tanong sa kanya.
Napangiwi si Kara. “Ayan ka na naman! Ayaw ko lang mapagod ka, ano ka ba? Saka, girl, may bisikleta akong dala. Saan ka naman sasakay? Sa balikat ko?”
Napanguso ito saka nag-isip. “Puwede naman kung gusto mo,” anito.
Pinandilatan ito ni Kara. “Ayaw ko nga! Baka maamoy ko pa ang puday mo,” kunwari ay diring-diri na aniya.
Napabungisngis ito. “Sira! Nagbibiro lang ako baka marinig ka nila. Isipin pa nila na hindi ako naghuhugas ng puday,” nakanguso nitong saad.
“Malay ko ba,” natatawa na komento ni Kara.
Hinampas siya nito sa braso. “Hoy, gago! Naghuhugas ako, no! May special sabon pa ako para sa puday ko,” pamimilit pa nitong sabi.
“Edi, ikaw na,” kibit-balikat na sagot ni Kara habang natatawa. “Paamoy nga?”
“Buwisit ka talagang kaibigan! Niloloko mo na naman ako,” nakanguso nitong sabi. “Paamoy mo na lang sa akin iyang puday mo.”
“No way!” Sabay silang natawa. Naunang tinawag ang dalagang si Camilla kaya natahimik si Kara at wala siyang kakulitan sa labas. Nang siya na ang tinawag ay ibinilin muna niya ang bisikleta sa labas bago siya pumasok sa loob ng klinika.
Maliit lamang iyon, may maliit din na mga higaan at may mga kurtina na nakatabing. May mga apparatus at mga gamot sa mesa. May mga gloves na nakahanda na at iba't-ibang gamit ng doktor.
Napalunok si Kara. Unang beses pa lamang niyang magpakuha ng dugo kaya hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Dahil sa sobrang kaba ay biglang kumirot ang kanyang pisngi. Wala sa sarili niya itong hinimas. Namamaga pa rin pala ito at hindi man lang niya nalagyan ng ointment kaninang umaga. Sa sobrang pagmamadali ay nakalimutan niyang uminom ng gamot.
“Miss Kara Amore?” tawag sa kanya ng isang lalaking nakasuot ng puting laboratory gown. Sa hinuha niya ay isa itong doktor. Nakasuot ito ng salamin at matangkad ang lalaki. Masyado rin itong maputi, parang kakulay na nito ang papel na hawak. Napalunok si Kara nang lumapit sa kanya ang lalaki.
Sinenyasan siya nitong maupo sa isang upuan kaharap nito. Tahimik na sumunod si Kara. “Magandang umaga po, Doc,” bati ni Kara.
Tumango ito sa kanya. “You’re new,” anito. Binigyan siya nito ng papel. “Fill up this form at kapag natapos ka ay tawagin mo lang ako.” Tumayo na ito at bumalik sa ginagawa. Tinitingnan din nito ang ibang mga beds kung saan naroon nakahiga ang mga nagpapakuha ng dugo.
Binasa niya ang nakasulat sa form. Sinagutan niya ang mga blanko ang mga blankong linya at ilang minuto lang ang lumipas ay tapos na siya. Nag-angat siya ng paningin at sumalubong sa kanya ang tingin ng lalaki kanina. Napalunok si Kara dahil sa hindi maintindihan na kaba sa kanyang dibdib. Pakiramdam tuloy niya ay pinagmamasdan siya.
Ngumiti siya at yumuko. “Tapos na po ako,” aniya. Naglakad papalapit sa kanya ang lalaki. Aligaga na ibinigay ni Kara ang kanyang papel at diretso nitong binasa ang nakasulat.
Napansin ni Kara ang pagkunot ng noo ng lalaki. Wala siyang ideya kung bakit. Wala naman sigurong mali sa mga isinulat niyang sagot. “Bakit po? May mali po ba?” aligaga niyang tanong. Tinapunan siya nito ng hindi niya mabasang tingin.
“Wait here. I’ll call Doc Vlaire,” anito saka tumalikod at naglakad palayo.
Parang may kakaiba sa pangalang binanggit ng lalaki. Bigla na lamang sumikdo ang dibdib ni Kara sa hindi niya malamang dahilan. Kinapa niya ito at marahang hinimas. Pinapakalma niya ang kanyang sarili. “Bakit ba ako biglang kinabahan? Ano ba ang mayroon sa pangalang narinig ko?” pabulong niyang tanong sa kanyang sarili.
Ilang sandali lang ay namataan na niya ang lalaki na nagmamadaling naglakad papalapit sa kanya. “He wants to see you,” anunsyo nito na ikinagulat ni Kara.
Wala sa sarili siyang napatayo dahil sa gulat. “Po?” aligaga niyang tanong. “Bakit po?” natatakot niyang tanong ulit.
Bumuntong hininga ito. “He has questions you should answer. Follow me,” ma-awtoridad nitong utos sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lalaki.
Dumaan sila sa nga higaan at kalaunan ay nahagip ng kanyang paningin ang kaibigang si Camilla na nakaratay sa higaan. May nakaturok sa braso nito at dahan-dahan na umaagos ang dugo ng dalaga papunta sa maliit na blood bag. Napalunok si Kara sa nakita.
Ibinalik niya ang paningin sa lalaki nang huminto ito sa isang nakasaradong pinto. Kumatok ito at diretsong pumasok pagkabukas ng pinto. Nahihintakutan siyang sumunod sa lalaki.
“She's here,” anunsyo ng kanyang kasama bago ito lumabas at isinara ulit ang pinto.
Isang lalaki ang bumungad kay Kara. Nakasuot ito ng salamin at may binabasa itong chart. Sa tabi nito ay mayroong robe stand at nakasabit doon ang isang itim na cloak. Sa tingin ni Kara, para itong jacket na mahaba. Puros puti ang pintura sa loob ng opisina, nakasarado ang binata ngunit mayroon itong maliit na siwang at malayang nakakapasok ang malamig na hangin. May computer sa harap ng lalaki at nakabukas ito.
Puro papelis ang nasa harap nito at ang ilan ay nakabukas at mukhang may pinag-aaralan ang lalaki. Mataman siya nitong tinitigan.
Napaatras si Kara nang mapansin ang mga titig nito.
“Sit down,” utos nito sa malamig na boses. Nagulat si Kara dahil sobrang lamig ng boses ng lalaki. Para itong yelo.
Aligaga na sumunod sa Kara. Naupo siya sa isang upuan sa harap nito. Napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang kasalanan. Wala rin siyang ideya kung ano ang sinulat niya na mali. Nanginginig ang kanyang kalamnan.
Biglang huminto ang mundo ni Kara nang mag-angat ito ng kamay. He lifted her chin and scanned her face.
“Does it hurt?” seryoso nitong tanong na ikinagulat ni Kara.
Hindi niya alam kung bakit ito nagtatanong. Hindi niya rin alam kung ano ang isasagot. Hindi siya nakapagsalita. Nanatili lamang ang tingin niya sa lalaki.
“Did he hurt you?” seryoso at may bahid ng inis ang boses nito nang tanungin ang mga katagang iyon.
Bumuka ang bibig ni Kara ngunit walang lumabas na salita sa kanyang bibig. Ibinaba ng binata ang sariling kamay at bumuntong hininga ito. Tumayo ang lalaki at naglakad papalapit sa isang mesa na may mga iba't-ibang gamot. May kinuha itong maliit na bilog. Parang ointment.
“Your face is swollen,” rinig niyang komento ng binata.
Wala sa sarili niyang hinawakan ang kanyang pisngi. Tama ang lalaki. Namamaga ang kanyang pisngi. Nararamdaman na rin niya ang kaunting kirot dito. “Hala! Ba-Bakit?” tuliro niyang tanong. “Hindi puwede 'to! Magagalit si Tatay sa akin kapag nalaman niya 'to,” pabulong niyang usal sa kanyang sarili.
Kaagad na lumapit sa kanya ang doctor at dahan-dahan nitong pinahiran ng malamig na gamot ang kanyang pisngi. Sa sobrang lamig ng gamot ay napapawi nito ang kirot na nararamdaman ni Kara. Wala sa sarili niyang tinitigan ang doctor. Nang matauhan ay mabilis siyang lumayo rito. Nagulat ito sa kanyang reaksyon at pati ito ay nagtaka rin sa sarili.
“Ba-Bakit mo ginagawa sa akin 'to?” nagtataka niyang tanong.
Natigilan ito at napaisip. “I don’t know,” sagot ng doctor. “I just want to help,” dagdag pa nitong wika.
Seryoso itong tumitig sa kanya. Titig na nakakatunaw. Biglang nakaramdam ng hiya si Kara. “Pero bakit? Sino ka ba? Hindi kita kilala,” katwiran ni Kara. “At saka, bakit dinala ako rito? Nagdo-donate lang ako, ah,” naguguluhan niyang sabi.
Tumayo na si Kara dahil ayaw na niyang magtagal pa at baka may mangyari pa sa kanyang hindi maganda. “Aalis na ako,” paalam niya pa. Puwede namang magmartsa na lang siya palabas pero dahil nanaig ang pagiging mabuti niyang tao ay nagpaalam siya. Kahit papaano ay may paggalang pa rin naman siya sa doctor.
“Sit down.”
Napalingon siya dahil sa sinabi nito. Bigla siyang nakaramdam ng inis. “Inuutusan mo ba ako?” nandidilat niyang tanong.
Umiling ito. “No. You're here because you need to know something about yourself,” paliwanag ng doctor. “I’m Vlaire,” pakilala nito sa kanya.
Huminga nang malalim si Kara. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang bag. Tumikhim si Kara bago bumalik sa pagkakaupo. “A-Ano ang dapat at kailangan kong malaman?” seryoso niyang tanong. Ayaw na niyang magtagal at nakakahilo kung tumitig ang lalaki. Nahihiya siya dahil kakaiba ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Lara siya nitong hinuhubaran.
“I like you.”
Napaubo si Kara at nabilaukan sa sarili niyang laway. Muntik niya pang malunok ang kanyang dila dahil sa gulat.
“Ha?”
“I like you,” diretso nitong sagot habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Hindi maproseso ng utak ni Kara ang mga narinig na kataga. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng doctor. “Binibiro mo ba ako?” nagagalit na niyang tanong dito.
Umiling ito. “Do I looked like I'm joking?”
Napabuga ng hangin si Kara. “Ha! Pumunta ako rito para magbigay ng dugo para kahit papaano ay makatulong naman ako sa sambayanan na nangangailangan tapos sasabihin mong may gusto ka sa 'kin! Sira ba ang ulo mo, Doctor Vlaire?” inis na tanong ni Kara. Marahas siyang tumayo. “Aalis na ako!”
Nagpapadyak na nagmartsa si Kara palabas ng silid at dire-diretso siyang lumabas ng klinika. Narinig niya pa ang pagsipol ng kaibigang si Camilla ngunit hindi na niya ito binalingan. Naiinis siya at pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng doctor. Maging ang lalaking nagdala sa kanya ay nagugulat sa kanyang reaksyon. Hindi na ito nakapagsalita ng tuluyan na siyang lumabas.
Pabalibag niyang itinayo nang maayos ang kanyang bisikleta ngunit nakonsensya rin siya kalaunan nang maalala na hiniram lang niya ito kay Dylan. “So-Sorry,” hinging paumanhin niya sa bisikleta. Sumakay siya at nagpadyak paalis ng lugar. Dahil wala naman na siyang gagawin ay dumiretso na siya sa maliit na palengke ng La Trinidad. Hindi na muna siya papasok sa trabaho dahil nainis siya sa doctor.
“Tsk! Ang landi-landi!” angil niya pa habang nagpapadyak. Hanggang sa marating niya ang palengke ay nakasimangot siya. Mabuti na lang at hindi siya inabot ng malas. Nakabusangot siyang bumaba sa bisikleta at dahan-dahan itong itinulak. Nagtingin-tingin muna siya sa mga paninda habang nag-iisip kung ano ang kanyang bibilhin. Dahil sa inis niya sa doktor ay nawala siya sa pokus.
“Hay, naku!” inis niyang singhal. “Nakakainis ka!”
“Why?”
Gulat na nag-angat ng paningin si Kara nang may sumagot sa pagmamaktol niya. Saka pa lamang niya napansin na nakaharang pala siya sa dinadaanan ng mga tao. Napapahiya siyang nagpalinga-linga. “Pa-Pasensya na. Hindi ko sinasadyang humarang," hingi niya ng depensa. Kaagad siyang umusog upang makaiwas sa lalaki.
“Why?”
Nilingon ni Kara ang lalaki. Nakakunot ang noo nito sa kanya at mukhang hindi siya nito tatantanan.
“Sorry. Hindi ikaw ang kinaiinisan ko,” aniya. “Nag-away lang kami ng kaibigan ko,” paliwanag ni Kara.
Tumango ang lalaki at lumapit ito sa kanya. “I’m Blake,” pakilala nito. “And you are?”
Inis niyang kinagat ang kanyang labi. Mukhang may isa na namang manggugulo sa kanya. “Hindi ko kailangan ng boyfriend,” pagtataboy niya sa binata.
Kumunot ang noo nito at kalaunan ay natawa. Tuwang-tuwa ito na animo ay may sinabi siyang nakakatawa. Umismid si Kara. “Ano ba ang nakakatawa?” inis niyang tanong sa binata.
“Wala naman,” sagot nito. “Nakakatawa lang talaga ang sinabi mo.”
“Ha? Pinagsasabi mo? Diyan ka na nga! Istorbo ka, eh.” Kaagad na naglakad si Kara at iniwan niya ang binatang nagpakilalang Blake. Wala siyang oras para maghanap ng boypren at wala rin siyang panahon para makipaglokohan.
Dahil sa sobrang inis niya ay huminto siya at nilingon ang kanyang pinanggalingan. Nawalan na siya ng ganang mamili kaya bumalik siya at sumakay sa kanyang bisikleta. Hindi na rin niya nakita ang lalaki.
Gusto niya sanang tawagan ang kaibigan ngunit naalala niyang nasira pala ang cellphone niya. Inis siyang bumuntong hininga. “Hay, naku! Nang dahil sa doctor na iyon, nasira ang araw ko,” nakasimangot niyang saad.
Ilang minuto ang itinagal niya sa daan bago siya nakabalik sa klinika. Gusto niyang puntahan ang kaibigan pero baka nakaalis na rin ito. Ayaw niyang pumasok dahil sigurado siya na makikita niya ang doktor na iyon. Ayaw niya itong makaharap lalo na.
“Kalokohan. I like you,” panggagaya niya sa boses nito. “Tse!” ismid na singhal ni Kara. “Paano mo naman nasabi na gusto mo ako? Hindi mo nga ako kilala,” inis niya pang bulong sa sarili.
Nagpapadyak siya hanggang makauwi. Nagulat pa ang binatang si Dylan dahil maaga siyang nakabalik. “Ang aga mo naman?” tanong nito. Katatapos lang ng binata na biyakin ang mga kahoy na nanggaling sa bukid. Kasalukuyan itong umiinom ng tubig.
Tumango si Kara at bumaba sa bisikleta. “Salamat sa pagpapahiram mo rito. Hindi ako napagod kalalakad,” sensiro niyang sabi. “Wala kasi kaming pasok kaya umuwi na ako.”
“Ganoon ba?”
“Bakit? Wala ka na bang gagawin? Si Tatay nakita mo?”
“Umalis na kaninang umaga at hindi pa nakakauwi,” sagot nito. “Magdo-donate sana ako ng dugo kaso,” nahinto siya sa pagsalita.
Nilingon siya nito. Ayan na naman ang mapang-usisa na tingin ng binata. “Kaso ano?” hindi na makapaghintay na tanong nito sa kanya.
“Hi-Hindi ako puwede. May mens kasi ako,” pagsisinungaling niya.
Nalukot ang mukha ng binata. “Mens?” nagtataka nitong tanong. Naging interesado ang binata sa kanyang sasabihin.
Bumuntong hininga si Kara. “Menstruation,” sagot niya. “Hindi raw puwede kasi baka maubusan ako ng dugo. Alam mo na, hehe,” nakangiti niya pang sabi upang mas makumbinsi ang binata na nagsasabi siya ng totoo. Kumurap-kurap pa siya upang mas makatotohanan ang kanyang pag-acting.
“Ah, iyon bang nilalabasan ng dugo ang mga babae?” Tumango-tango ito nang matauhan.
“Papasok na ako,” paalam niya rito. Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Dylan at tumakbo na siya papasok sa loob ng kanilang tirahan. Isinara niya ang pinto dahil ayaw niyang may biglang pumasok na mga hayop sa gubat. Nagpalit siya ng damit. Nakita niya ang kanyang cellphone kaya pinulot niya ito at tinitigan nang mabuti.
Bumuntong hininga siya. Lumabas siya ng kuwarto at dumiretso sa bahay ng binata. Malapit lang naman ito sa bahay nila. “Dylan!” tawag niya sa lalaki. “May ipapakita ako sa 'yo!” Kinatok niya ang pinto.
Dali-dali itong nagbukas ng pinto. “Bakit?”
Itinaas ni Kara ang hawak na cellphone. “Nasira,” nakanguso niyang saad.
“Bakit nasira?” Kubota nitong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. “Nadaganan ko yata, eh,” pagsisinungaling niya. “Hindi ko namalayan at ngayon, hindi siya mabuksan. Sayang naman,” dagdag niya pang sabi.
Binuksan nito nang malaki ang pinto at pinapasok siya. Prenteng naupo si Kara sa isang maliit na sofa. She felt at home dahil matagal na silang magkakilala ng binata. Halos sabay lang din silang lumaki kahit matanda ito sa kanya ng ilang taon. Mahilig sa libro ang binata kaya may malaking estante ng mga libro sa sala. May gitara rin na nakatayo sa gilid ng lamesa at mukhang katatapos lang nito tumugtog.
Seryoso nitong tiningnan ang kanyang cellphone. “Mukhang kailangan mo ng bumili ng bago. Hindi na ito puwede,” rinig niyang komento nito.
Biglang nalungkot si Kara. Ayaw na niyang gumastos at mas lalong ayaw niyang humingi ng pera sa kanyang ama.
“Hindi na ba talaga puwede?” umaasa niyang tanong.
Tumango ito. “Palitan mo ng LCD. Mahal ito kaya pag-ipunan mo na lang kung ayaw mong bumili ng bago. Kahit naman palitan mo, masisira din ito kalaunan dahil matagal na ang modelong ito,” paliwanag ng binata.
Mas lalong nalungkot si Kara. Kinuha na lamang niya ang cellphone at umuwi na. Saka na lang niya ito iisipin kapag may ipon na siyang pera. Sa ngayon, ang pang-field trip ang kailangan niyang atupagin.