Chapter 21 Binalingan ni Kara ang binatang himbing sa pagkakatulog sa kanyang kama. Napabuntonghininga na lamang siya. Hindi niya alam kung paano ito gigisingin at base na rin sa kanyang narinig, mukhang mahihirapan nga siya lalo na at tulog na tulog ito. “Ano ba kasi ang pinaggagawa mo rito. Dito mo pa talaga naisipang magpahinga,” namomroblema niyang sabi. “Hay, paano naman ako matutulog ngayon? Nasa kanya na ang lahat ng space ng kama. Bakit naman kasi ang laki-laki mong tao, ha,” pabulong niyang sumbat dito. Dahil nakatihaya si Vlaire ay nahirapan si Kara na mahiga. Sinadya pa niyang banggain ang braso nito ngunit hindi man lang ito natinag. Tulog na tulog pa rin ito. Bumuntonghininga siyang humiga sa tabi nito. Parang siyang sardinas dahil hindi man lang siya makagalaw nang ma

