Chapter 23

942 Words

Chapter 23 Gulantang si Kara nang biglang tumayo ang kanyang ama. “Ano ang sabi mo?” pasinghal nitong tanong sa kanya. Nagugulat niya itong tiningnan. “Ba-Bakit po, ‘Tay? Sabi ko po, si Doc. Vlaire po,” aligaga niyang sagot. Nagsalubong ang kilay nito. “Nag-iisip ka ba?” bigla nitong tanong sa kanya. “Layuan mo ang lalaking iyon, Kara. Hindi mo siya kilala at hindi ka dapat lumalapit sa mga taong kagaya niya!” galit nitong singhal. Naguluhan si Kara. Umiling-iling siya. “Bakit po, Tatay? Bakit po galit na galit kayo? Ano po ba ang ginawa niya sa inyo?” naguguluhan niyang tanong dito. “Hindi mo na kailangan na malaman. Layuan mo siya. Mag-nobyo ka kung gusto mo, huwag lang ang lalaking iyon!” malakas nitong singhal sa kanya. Padabog itong naglakad palabas ng bahay habang pahablot ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD