Chapter 60 “Gising na si Kara!” Kaagad na nabuhay ang katawang-lupa ni Vlaire nang marinig ang sigaw na iyon ni Melissa. Tumayo siya at kaagad na pumasok sa loob ng silid ni Kara. Naabutan niya itong mulat ang mga mata. “B-Babe. . . ” hindi makapaniwala niyang wika. “ . . . You're awake.” Umupo si Vlaire sa tabi ng kama ni Kara saka niya ginagap ang kamay ng asawa. “H-How are you feeling?” tanong ni Vlaire. Kumurap-kurap si Kara. “A-Ayos lang ako. Medyo—masakit.” Inilinga ni Kara ang paningin sa paligid. Isa-isang pumasok ang kanyang pamilya. Naroon ang kanyang amang si Mang Antonio katabi ang kanyang ina na si Melissa. Karga-karga nito ang apo na si Rie. Biglang nangilid ang luha ni Kara. “A-Anong petsa na?” Huminga nang malalim si Vlaire. “You’re in a coma for almost five weeks.

