Chapter 59 “K-Kara?” Marahand tinapik ni Vlaire ang pisngi ni Kara. “H-Hey, wake up. Kara!” Dahan-dahan nagmulat ng mata si Kara. Napaubo siya at lumabas ang dugo sa kanyang bibig. “V-Vlai—” “No. Don't talk,” kaagad na putol ni Vlaire sa sasabihin ng asawa. “It will only make you worse.” Kinain siya ng labis na pag-aalala para kay Kara. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. Natutuliro siya habang iniisip ang kanilang anak. Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Mikhail habang pinapanood ang pagkataranta ni Vlaire. “So, how does it feel, Vlaire?” Nag-angat ng paningin si Vlaire. “A*shole!” galit niyang sigaw. “Haha! Serves you right. Now, enjoy your sweet little time. As for me, I'm taking your daughter.” “As if I'm letting you go,” anang bagong dating. Napalingon si Vlaire sa

