Chapter 14 Vlaire Vandross de’Brava
“Are you serious about her?”
Nilingon ni Vlaire ang kanyang kaibigan na si Sebastian. Matagal na niya itong kasama kaya kilalang-kilala na siya nito. Alam na ng lalaki ang ikot ng kanyang bituka.
“You know it's dangerous to be associated with her, Vlaire. Pinuno ng Union ang ama ng babaeng ginugulo mo,” pangangaral pa nito sa kanya. Ang Union ay isang sikretong organisasyon na tumutugis sa mga na mga lobo at bampira na pagala-gala sa buong bayan.
“What is ginugulo?” nagtataka niyang tanong sa kaibigan.
Napabuntonghininga na lamang si Sebastian. “Ewan ko sa iyo. Ang tanda-tanda mo na, hindi mo pa rin iyan alam. Look, kahit nga pagtatagalog ay wala kang alam tapos guguluhin mo ang buhay niya?” naiinis na ni tanong nitonsa kanya.
“I am not pestering her,” depensa ni Vlaire.
“Yes, you are. Alam mong hindi ka puwedeng makipagrelasyon sa ibang tao. Look at you. You are vampire,” anito.
“I'm serious,” sigurado niyang sabi.
“Okay,” sumusuko nitong sabi. “Just make sure you won't meddle with her father. Baka maputulan ka pa ng bayag,” usal nito.
Kumunot ang noo ni Vlaire. “What's bayag? Why are you speaking some alien language?” nagtatala na tanong ni Vlaire sa kaibigan.
Natampal ni Sebastian ang sariling noo. Namomroblema ang lalaki sa kaibigan. Bumuntong hininga si Sebastian. “Bayag is your balls. You won't like it, right?”
Mabilis na umiling si Vlaire. “Why would he do that?”
“Ewan ko sa iyo. Aalis na muna ako. Nahihirapan lang akong mag-explain sa iyo. And please, learn their language,” mariing utos nito kay Vlaire.
Tumango-tango lamang si Vlaire habang pinapanood ang pag-alis ni Sebastian. “Why is he so grumpy today?” Kaagad siyang tumayo at nag-inat ng kanyang katawan. Pupuntahan niya ang dalaga kahit malalim na ang gabi. Alam niyan tulog na ito sa ganitong oras ngunit sinabi niya kasi na bibisita siya. Hindi rin naman ito maghihintay sa kanya dahil naiinis sa kanya ang dalaga.
DUMAAN ang isang oras at wala pa rin ang lakai kaya lalong humaba ang nguso ni Kara. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili. “Bakit mo naman kasi siya hinahanap?” galit niyang tanong.
Nagulat pa ang kanyang ama nang marinig siya nito na parang nagagalit. “Kara? Sino ba ang kausap mo riyan?” nagtataka nitong tanong.
Natigilan si Kara at napaisip. “‘Tay, nagbabasa po kasi ako ng nobela. Pasensya na po, ginagaya ko kasi itong karakter sa libro!” pasigaw niyang sagot.
“Ganoon ba? O sige. Magbasa ka na pero matulog ka nang maaga dahil aalis ka pa bukas,” paalala nito sa kanya.
Tumango si Kara kahit hindi naman siya nakikita ng kanyang ama. “Opo, ‘Tay. Isang chapter na lang po,” sagot niya. Narinig niya ang mga yabag nito paalis. Mukhang matutulog na rin ito. Wala yata itong pasok sa trabaho. Minsan ay hindi niya mapigilan na itanong sa kanyang isipan kung ano ba talaga ang ginagawa ng kanyang ama. Minsan din ay natatakot siya para sa kaligtasan nito ngunit hindi niya ito mapigilan sa kung ano ang gusto nitong gawin.
”Ang tagal niya, ha! Paasa talaga 'yon.” Binaba niya ang binabasang libro at napalingon sa bintana ng kanyang kuwarto. Madilim sa labas ngunit pakiramdam niya ay tinatawag siya ng kadiliman. Wala sa sarili siyang tumayo at naglakad papalapit sa binata. Binuksan ito ni Kara. Sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin. Napapiksi siya nang dumampi ito sa kanyang balat. Para siyang sinalubong ng yakap ng hangin.
Bumuntonghininga siya. Hindi na niya naiintindihan ang bugso ng kanyang damdamin at pakiramdam niya ay hindi maganda ang kahihinatnan nito.
“Bakit naman kasi ako umaasa sa taong iyon? He's out of my league. Saka alam ko namang inuuto lang ako noon,” nakanguso niyang sabi. Ang hindi niya alam ay nakatayo na sa kanilang bubong ang binata.
Nagugulat pa siyang nag-angat ng paningin nang mapansin niya ang dalawang sapatos sa kanyang harapan. Muntik na siyang mapasigaw dahil sa gulat. Mabuti na lang at mabilis ang mga kamay ng binata at natakpan nito ang kanyang bibig.
“Sssh!” anito.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Kara. Binitawan nito ang kanyang bibig. “Bakit ka nandito?” nagtataka niyang tanong.
Ngumisi ito. “I thought you missed me?” tukso nitong tanong sa kanya.
Napailing si Kara. Hindi siya makapaniwala. “Hindi.” Tumikhik siya. “Ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka nariyan sa bubong ko? Baka mahulog ka,” nag-aalala pa niyang bulong dito.
“Oh, you're concerned. Why don't you invite me inside?” malandi nitong tanong dahilan upang uminit ang kanyang mukha. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi.
“Hah? At bakit? Bahala kang mahulog diyan,” aniya saka bumalik na sa kanyang kama. She climbed to her bed and slumped her body on it. Niyakap niya ang isang unan at kinuha ang binabasa niyang libro. Hinayaan niya lamang ang binata sa labas.
Lumipas ang ilang minuto at naroon pa rin ang binata. Nakatayo ito habang nakapamulsa. Kumunot ang noo ni Kara. “Bakit ka pa nandiyan? Umalis ka na,” pagtataboy niya rito. “Ginayuma mo yata ako, eh. Kapag wala ka ay hinahanap kita, kapag nariyan ka naman ay naiinis ako sa iyo.” Umiling-iling si Kara. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
Bumaba si Kara sa kama at naglakad palapit sa binata. Hinarap niya ito at pansin niya na hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito. “Bakit nakangiti ka?” nagtataka niyang tanong.
“Because I sensed that you starting to like me back. Am I right?” mayabang pa nitong tanong sa kanya.
Umiling si Kara. “Hindi ‘no! Asa ka!” matigas niyang tanggi.
Natawa ito sa kanyang reaksyon. “I don't mind. I want you and nothing's going to stop me from wanting you.”
“Hah? Akala ko ba ay like, bakit want na agad?”
“We'll get there, eventually,” seryoso nitong sagot.
“Wow! Sana lahat determinado,” nakangiwi niyang komento.
“Why is there suitcase?” kunot-noo nitong tanong sa kanya.
Nilingon ni Kara ang kanyang gamit. “Aalis ako bukas. Bakit?”
Nagulat ito. “I did not know you were leaving.”
“Natural! Paano mo nga naman malalaman, aber?”
“I'm going too,” anito.
“Hindi ka puwede roon,” pabulong niyang sagot. “Para sa school 'to at hindi ka puwedeng sumama. Ano ka? Visitor?”
Tumango ito. “Kaloka ka!” pabulong niyang sambit. Umihip ang malakas na hangin dahilan upang makaramdam ng lamig si Kara. “Hindi ka ba giniginaw riyan?” nag-aalala niyang tanong sa binata.
“Pumasok ka muna,” alok niya rito.
Ngumisi ito sa kanya. “Are you sure?”
Tumango siya. “Teka lang, pinapasok kita dahil nag-aalala lang ako sa iyo. Hindi ibig sabihin noon na gusto na kita.”
“Well, you're concerned. So—”
“Anong so? Upakan kaya kita. Baka gusto mong gawin kong fish ball iyang bayag mo,” pananakot niya rito.
“Hah? What's that? I did not know that fish has balls,” naguguluhan nitong komento.
Nasapo na lamang ni Kara ang sariling noo. “Diyos ko po, mahabaging langit!” sambit niya gamit ang impit na boses. “Diyos ko! Ewan ko sa iyo. Maupo ka na riyan at may gagawin lang ako saglit.”
Parang bata itong naupo sa kanyang maliit na upuan. Nakuha ng kanyang atensyon ang mga kilos ng binata. Hindi man lang ito gumawa ng anumang ingay kahit pa sa hinuha niya ay mabigat ito.
“You have a nice room,” rinig niyang komento nito. Iginala ng binata ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. May mga paintings at sketch sa dingding. May mga bulaklak sa bawat sulok ng kuwarto at may nakahilera na mga libro katabi ng maliit na mesa. May isang maliit na kabinet na lagayan ng mga damit ni Kara at katabi nito ay ang mga shoe rack na gawa lamang sa kahoy.
“Salamat,” tipid na sagot ni Kara. “Huwag kang maingay at nandito si Tatay. Baka malaman pa niyang nagpapasok ako ng sinaunang tao sa mundo."
Mabilis na napabaling sa dalaga si Vlaire. “What?” pabulong nitong tanong sa kanya.
Umiling siya. “Wala. Nagbibiro lang ako,” sagot ni Kara. Ang hindi niya alam ay biglang naging balisa si Vlaire dahil sa kanyang sinabi. Gusto nitong itanong sa kanya kung may alam ba siya sa buong pagkatao ng binata ngunit natatakot ito sa magiging sagot niya.
“Matutulog na ako,” anunsyo ni Kara. “Maaga pa ang alis ko bukas,” dagdag niyang wika.
Tumango ang binata at tumayo na ito. “I’m going,” wika nito.
Nagugulat na pinanood ni Kara ang binata. Dumaan ulit ito sa bintana at hindi pa man niya ito tinatawag ay tumalon na ito pababa. Ganoon na lamang kabilis ang bugso ng damdamin ni Kara. Hindi siya makapaniwala na tumalon ito. Paano kung napilayan ito?
Biglang nag-init ang kanyang ulo. “Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit.”