Chapter 15 Maagang bumangon si Kara kinabukasan. Tulog pa ang kanyang ama ay nag-asikaso na siya ng kanyang almusal. Alas-kuwatro ang call time nila dahil mahaba pa ang biyahe nila. Bukas ng tanghali ang balik nila. Pumasok siya sa kanyang kuwarto at tiningnan ang kanyang mga gamit na dadalhin. Bitbit ang kanyang maliit na bag, lumabas siya ng kuwarto at ibinaba ito sa sala. Bumalik siya sa kusina at naghanda na para mag-almusal. Nilingon niya ang kuwarto ng ama nang marinig itong bumukas. “Magandang umaga po, ‘Tay,” bati niya rito. Humikab pa ito bago tumango sa kanya. Dumiretso ito sa kusina at nagtimpla ng kape. “Mukhang maganda po ang tulog ninyo, ‘Tay,” nakangiting komento ni Kara. Tumango ito at napansin niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Nagulat si Kara. Matagal na ni

