Chapter 42 “Sinaktan ko siya, A-Anak. Sinaktan ko ang taong mahal ko.” Natigagal si Kara dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon ng kanyang ama. “Hindi ko po kayo maintindihan. Bakit? Bakit ninyo nagawa?” galit niyang tanong. Yumuko ito at bumuntonghininga. Pinigilan nito ang luhang nagbabadyang tumulo. “D-Dahil nagtaksil siya, Kara. Pinagtaksilan niya ako. Umibig siya sa isang bampira habang magkasama pa kami. Nasaktan din naman ako kaya ko nagawa ’yon.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Kara. “Ano po ba ang nangyari? Bakit humantong sa pagkawala ni Mama?” naiiyak niyang tanong. “Nag-away kami nang malaman ko ang ginawa niyang pagtataksil. Ilang buwan ka pa lang noon. Naglayas siya. Sinundan ko siya habang nag-aaway kami sa daan.” Bigla itong nanlumo at pigil na

