Chapter 41 “Inaano ba kita?” nagtataka na tanong ni Kara sa babaeng kaharap niya. Lalong nalukot ang mukha nito. “Kasalanan mo ang nangyari ngayon sa akin. Kung hindi dahil sa aroganti mong kasama—” “Inaano ka ba ng asawa ko?” naiinis na na tanong ni Kara. “Wala kaming ginawa sa ’yo, Miss. Ano ba naman iyang pinagbibintang mo sa akin.” “No! Kung hindi ako sinumbong noong kasama mo, hindi ako mapapagalitan. Muntik na akong matanggal sa trabaho. Ito lang ang bumubuhay sa akin,” pagbibigay-alam nito sa kanya. Napangiwi si Kara. “Edi, ayusin mo ang trabaho mo. Ang sungit-sungit mo kanina hindi ako nagreklamo. Panay pa ang pag-irap mo sa akin. Ganiyan ba ang itinuro sa iyo? Ngayon kasalanan ko pa. Natural lang naman na isusumbong ka dahil bastos kang makipag-usap,” katwiran ni Kara. Um

