Chapter 56 Gulat na tumingin si Kara kay Kyrios pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. “Bakit ako?” nagtataka niyang tanong. Iginiya sila nito sa isang maliit na silid. Binuksan nito ang ilaw at kumalat ang liwanag sa bawat sulok ng silid. Bumungad sa kanila ang mga mahahabang katana, mga pana at palaso, at iba pang gamit pandigma. Humarap si Kyrios kay Kara bago sumagot. “Dahil ikaw ang nag-iisang anak ni Prince Alucard, ang huling Prinsipe ng mga vampira. Isa kang Hybrid. Ibinilin ni Prinsipe Alucard na hanapin ka. Pero dahil magaling magtago ang kinilala mong ama, ngayon ka lang namin nakita,” mahaba nitong kuwento. “You are also a witch. Hindi mo ba alam?” Nanlaki lalo ang mga mata ni Kara dahil sa rebelasyong nalaman. “H-Ho? Ano po ang ibig ninyong sabihin? Sandali. Hindi

