Chapter 55 Kaagad na tumayo si Vlaire pagkarinig sa sinabi ni Kara. “N-No . . . It's not like that,” ani Vlaire. Akmang hahawakan nito si Kara pero kaagad na umiwas ang huli. “Huwag mo akong hawakan,” pigil-hininga na usal ni Kara. “Huwag kang lalapit sa akin.” “Babe, you're mistaken.” Kaagad na tumalikod si Kara at nagmamadaling naglakad palabas ng silid-kainan. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang kalmado ni Vlaire samantalang nasa panganib ang kanilang anak. “Kara, wait!” Nagmamadaling sumunod si Vlaire kay Kara. Hindi na ito nakapagpaalam sa mga kasama. “B-Babe!” tawag pa ni Vlaire kay Kara ngunit nagbingi-bingihan ang huli dahil sa tampo at kawalang-tiwala. Sinusumpa ni Kara ang kahabaan ng pasilyo dahil kanina pa siya naglalakad ay para bang lalo itong humahaba. Mabilis

