Chapter 54 “I need you to control your anger,” ani Vlaire kay Kara. Tumango si Kara. Kailangan niya ring makausap ang ama. Ang sabi nito noon sa kanya, isa siyang tao. Pero ngayon, biglang lumitaw ang totoo niyang pagkatao. Isa siyang bampira. A Vampire Princess to be exact. “Susubukan ko,” saad ni Kara. Kailangan niyang gawin ito upang hindi makagawa ng ikasasama ng iba. Handa na siyang harapin ang ano mang dagok na sasalubong sa kanya, makuha lang anak niya. Suot ang isang itim na crop top at itim na jeans, inayos niya ang kanyang buhok. She paired it with a black coat and black ankle boots. Hindi na siya makapaghintay sa mga mangyayari. “Are you ready?” tanong sa kanya ni Vlaire. Nilingon ni Kara ang asawa at tinanguan ito. “I'm more than ready,” matapang niyang sagot. Sabay si

