Chapter 53 “Kara, are you a Vampire Princess?” Gulat ang rumihestro sa mukha ni Kara. Hindi niya alam kung bakit ito naisip ng asawang si Vlaire. Normal na tao naman ang kanyang ina, gayundin ang kanyang ama. Tuluyan siyang nahimasmasan pagkatapos mag-settle ang nainom na pulang likido sa kanyang katawan. “B-Babe, paano mo natatanong iyan? I mean, hindi kita maintindihan,” anang Kara. Iginala niya ang paningin sa paligid. Puno ng sirang gamit ang kabuuan ng bahay, maging ang kinalalagyan niya ay puno ng basag na gamit. “A-Ako ba?” Tanging pagtango ang isinagot ni Vlaire sa kanya. “I did not know you were this powerful,” anito. “You're a vampire, Kara. But— you are also human,” dagdag nitong sabi. Napanganga si Kara. “H-Huh?” “Bumabalik ka sa normal na pagiging tao kapag nakakaino

