Chapter 52 Mabilis na napabalikwas ng bangon si Kara. Kinapa niya ang sarili. Mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso. Napatingin siya sa kanyang mga kamay. Maputla ang kanyang kulay. Inilibot niya ang paningin sa paligid. “A-Ano ang nangyari dito?” nagtataka niyang tanong. Hinawi niya ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Hindi man lang siya nakaramdam ng panlalamig nang tumapak sa sahig. Hindi kagaya noon, kailangan niya pang magsuot ng tsinelas. Lalabas na sana siya nang mahagip niya ang sariling repleksyon sa salamin. Kaagad siyang napabalik at tiningnan ang sarili. Wala sa isip siyang napahawak sa kanyang pisngi. “Maputla,” bulong niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maaninag ang kulay ng kanyang mga mata. “P-Pula . . . ” Nahigit niya ang hininga. “ . . . N-Nawala.” Pi

