Chapter 51 “We’ll fight for her,” anang Vlaire. Napangiti si Kara, pero hindi niya maikakailang natatakot siya. Takot para sa kaligtasan ng anak, takot para sa kaligtasan ng asawa. Ginagap niya ang kamay nito at mabilis na niyapos nang mahigpit. “Nasa tabi mo lang ako, Babe. Mahal ko kayo ng anak natin. Hindi ako papayag na basta-basta na lang siyang mawawala sa atin, na basta-basta na lang siyang kukunin sa atin. Hindi ko papayagang mangyari iyon. Magkakasama pa rin tayo.” Gumanti ito ng yakap. Isang halik sa noo ang iginawad ng asawa kay Kara. Isang kalabog ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Nanggaling iyon sa silid ni Rie. Dali-daling tumayo si Kara pero nauna ng tumakbo ang asawang si Vlaire upang tingnan ang kaganapan. Pabalibag nitong binuksan ang pinto at halos liparin ang i

