Prologue
Third Person's Pov
Sa isang abandonadong building ay wala ka ibang maririnig kung hindi puro daing ng tao, putok ng baril at puro mura ng mga taong halatang nahihirapan na.
"Ugh! F*ck! Come in Agent Delgado, come in! we need more back ups! Mas marami sila sa inaasahan natin!" Daing ng isang sugatan na si Agent Chavez Isa din siya sa mga magaling na agent na pinadala sa misyon na ito.
"Copy! I'll contact the captain" Sabi naman nito.
It's a buy bust operation dahil napag alaman nilang dito isasagawa sa pilipinas ang transaction ng isa sa mga delikadong tao na nabubuhay sa mundong ibabaw, na si Don almaez.
Kilala ang matanda bilang isang maimpluwensyang tao dahil na din sa mga naglalakihan nitong negosyo, pero hindi nila lubos maisip na isa pala ito sa mga taong halang din ang bituka. Kailan lang napagalaman ng agency nila ang pinag gagagawa nito kaya gumawa kaagad sila ng hakbang upang madakip ito.
"Captain Aragon come in! Captain come in!" Pag tawag ni Agent Delgado sa kabilang linya. Walkie talkie lang ang gamit nila but it can reach the headquarters.
"What's with fuss agent delgado?" Relax lang na tanong nito. Pero sa loob loob nito ay nag aalala din siya sa mga ito.
"Captain we're out of number, we need back ups! Masyado silang marami, halos sugatan na ang iba sa mga kasamahan namin" nanghihina na sabi din nito. Halos magta tatlong oras na din silang nakikipag sagupaan sa mga tauhan ni Don Almaez kaya grabe na lang ang pagod na nararamdaman nila.
"Okay, wait for the alpha team ipapadala ko sila" mabilis naman pinatawag ni Captain Aragon ang alpha team which is kalalabas lang sa isolation room dahil nag undergo sila ng bagong training about some explosive bombs.
Maya-maya lang ay nakarinig kaagad siya ng katok mula sa labas ng kanyang opisina. Sinabihan niya itong pumasok kaya naman pumasok agad ang isang taong tinitingala lahat ng kapwa comrades niya, dahil sa angking galing nito sa lahat ng bagay.
Nagbigay galang kaagad siya sa kaharap bago ito magsalita.
"Why did you call us captain?" Walang emosyong tanong nito sa kaharap niyang lalaki.
Huminga ito ng malalim tsaka sinabi ang sadya nito sa agent niya.
"There's an on-going buy bust operation at solemn st. There's an abadoned building there, Don Almaez is here in the Philippines for his drug transaction with his chinese investors. The beta team is already there three hours past, but Agent Delgado radio me and said they need more people" paliwanag nito na kaagad naman niyang naintindihan ang ibig sabihin nito.
"Okay captain, we're going there" Sabi niya at nagbigay galang muna ito bago lumabas ng opisina ng kapitan nila.
Pumunta siya sa sarili nilang headquarters sa loob lang din ng main headquarters nila, doon naghihintay sa kanya ang iba niyang kasamahan.
"Yo captain! Balita? Bakit ka pinatawag ni captain aragon?" Tanong ni Jaime.
Hindi niya sinagot ito bagkus ay kinuha niya ang baril niya at pumunta sa cabinet where the ammos are at ni load ang baril niya. Nagbulsa din siya ng tatlong magazine at apat na kutsilyo.
"Get up boys! We have something to do, hurry up!" Hindi naman na nagtanong ang mga ito dahil kilala nila ito. Hindi basta-bastang mag uutos ito kung hindi seryoso ang gagawin nila.
Kanya kanya silang kuha ng mga kailangan nila bago dumiretso sa sarili nilang mga sasakyan. Ilan sa kanila ay nag convoy at ang iba ay sumakay sa van nila.
Nangunguna ang sasakyan ni Captain Elizalde kasunod nito ang sasakyan ni Jaime na kasama si Gavin sa loob. Pumapangatlo naman ang sinasakyan na van nila, Jem, Caezar, Anton at Carly.
"Nangangamoy dugo nanaman, sobrang saya nanaman ni kapitan nito. Hahaha!" Sabi ni Jem at tumawa pa ng nakakaloko.
"Naku! Sinabi mo pa, hayok pa naman lagi yan sa dugo" pangalawang asar naman ni Anton.
Pinatahimik naman sila ng iba dahil naiingayan ang mga ito sa kanila.
Kahit kelan mga bakla to bwiset na to, ang ingay! Sa isip isip ni Gavin.
*****
Sa kabilang banda naman sa new york ay may apat na lalaking pumasok sa isang luxurious bar sa may west side. Hindi maipag aakila ang angking kagwapuhan at kakisigan ng mga ito. Halos lahat ng mga kababaihan maski kalalakihan ay hindi maiwasang hindi mahatak ang atensyon nila ng dahil sa apat na lalaking ito.
Dumiretso sila sa isa sa mga V.I.P rooms na nandito sa Westside bar, kaagad naman silang dinaluhan ng mga waitress at binigyan ng mga maiinom.
"Is there anything you want sir?" Tanong ng isang babae na halos kinulang na sa tela at nagpapa cute pa sa harap ng apat na lalaki.
"Well if you're free tonight can i have you for an entertainment?" Isang ngisi ang sumilay sa labi ng isang Austine Montefiore
Halos mamatay naman sa kilig ang babae at handa na sanang umoo ng magsalita ang isang malaking KJ sa kanilang apat.
"We already talk about this Austine, no girls for tonight, you can go" Sabi niya sa babae at isang pamatay na irap pa ang natanggap ng babae mula sa lalaking nag ngangalang Alexander Montefiore
Napangiwi naman si Austine sa sinabi nito at diniretsong inom na lang niya ang isang basong brandy at bumaling na lang ng tingin sa dance floor.
Isang glass window kasi ang nakapalibot sa kanila, but sila lang ang nakakakita sa mga tao sa baba. In short tinted ang glass window.
"What a big killjoy kuya Alexander" Sabi naman ng pinakabata sa apat habang may kinakain na lollipop at mahinang tumatawa. Aisaac Montefiore
Inirapan lang siya ni Alexander at nagtuloy tuloy lang sa pagtingin ng magazine sa kamay niya. Nang may mahagip ang mata niya.
"Look at this article" Sabi niya at pinakita sa apat. Napakunot ang noo nila ng sabay sabay ng makita kung ano ang nasa loob ng article ng magazine na ito.
Updated News: Don Almaez one of the richest and influential business man got caught in a buy bust operation in the Philippines with his Chinese investors, doing an illegal drug transaction. Also all his business got bankruptcy, all of his investors backed out when they heard the news. He's currently imprisoned at his hometown in Hong Kong.
"Woah! I didn't expect that! I didn't know that he's doing an illegal business" gulat na sabi ni Aisaac.
Naputol ang pag uusap nila ng biglang tumunog ang cellphone ng isang lalaking kanina pa walang kibo sa isang tabi. Archer Montefiore
(What the hell! Where did the four of you go?! You didn't even think twice! You also didn't bring your body guards with you!)
Hindi pa man niya naididikit sa tenga niya ang cellphone niya ay narinig na nila ang sermon ng lola niya sa kanila. Hindi na niya kailangan pa na I loud speaker dahil rinig na rinig na nila ang galit nitong boses.
Napangiwi sila ng sumigaw nanaman ito. Hindi nila alam kung saan pa kinukuha ng lola nila ang boses para sumigaw ng ganito kalakas. Halos matanggal lahat ng earwax nila sa tenga dahil dito.
"Mommyla calm down, we're fine. We're just having fun and freeing ourselves for awhile. We're very sorry" malambing na sabi ni Isaac sa lola niya.
"Oo nga mommyla, promise uuwi agad kami pagkatapos!" Sabi din agad ni Austine.
Akala nila ay mauuto na nila ito pero isang nakakabingi na sigaw nanaman ang narinig nila, napapikit na lang sila dahil dito.
(Shut up and go home! Now!)
Wala silang ibang nagawa kung hindi tumayo at lisanin ang bar, ang dami nilang nadadaanan na nanghihinayang dahil kararating pa lang nila sa lugar ay aalis na din agad ito.
Sumakay sila sa sasakyan ni Alexander. Tinamad silang mag convoy dahil bar lang naman ang pupuntahan nila kaya nakisabay na lang sila sa sasakyan ni Alexander.
Habang binabaybay ang daan patungo sa mansion ng kanilang grandma ay hindi nila napansin na may kotse pala na kanina pa nakasunod sa kanila. Nagulat sila ng bigla na lang paputukan ang kotseng sinasakyan nila.
"F*ck! What's that!" Sigaw ni Archer at tumingin sa likod. Dito lang nila napansin na may humahabol sa kanilang sasakyan.
Nakailang liko si Alexander para iwasan ang mga balang pilit pinapatamaan sila pero hindi ganun kadali dahil mukang sanay ang mga ito na humawak ng baril.
"Sh*t! What are we going to do?! They're tailing us!" Sigaw naman ni Austine na nagpa panic na din.
"I don't want to die!" Sigaw naman ni Aisaac na yakap yakap na si austine.
Nagulat sila ng may marinig ulit silang putok ng baril, this time galing na ito sa isa pang kotse na katabi ng kotseng humahabol sa kanila, based on it BMW na itim ay sasakyan ng mga bodyguards nila, nakahinga sila ng maluwag ng madali lang nilang na eliminate ang mga lalaking gusto sila patayin.
Pagdating nila sa mansion ay todo sermon ang inabot nila sa lola nila na halos high blood na dahil sa kagagawan nilang apat.
"That's it! You know in your own self that it's too dangerous for all of you to go outside without a bodyguard! Now you already push me to my limit, And this is really getting serious! Pack your things, tomorrow morning the four of you will go to the Philippines with me."
Gulat man ay wala na silang magawa. Ayaw nilang magalit pa lalo ang lola nila sa kanila. Dahil sa ayaw man nila o hindi alam nilang wala na silang magagawa pagdating sa lola nila. Nagsiakyat sila sa mga kwarto nila ng bagsak ang balikat at walang magawa.
Nakakailang ring pa lang ang telepono ni captain aragon ay sinagot na niya kaagad ito.
"Hello? Who's this?" Busy siya sa pagaasikaso ng mga papeles na nanghihingi ng mga personal protection sa kanya when someone call him.
(Drake Aragon?)
Napakunot ang noo niya ng mahimigan ang boses ng tumawag, tinignan niya ang pangalan ng tumawag kaya nagulat siya.
"Speaking, what can i do for you ma'am?" Tanong niya dito. Matagal bago ito sumagot.
"I need protection for my grandsons, can you give me your best agents?"
-------
ALL RIGHTS RESERVED
This Work Is A Book Of Fiction.
Names, Characters, Businesses,
Places, Events And Incidents
Are Either Products Of
Author's Imagination Or
Used In Fictitious Manners.
Any Resemblance To Persons,
Living Or Dead Or
Actually Events Is
Purely Coincidental.
NO PARTS OF THIS BOOK MAY BE REPRODUCED, TRANSMITTED, OR STORED IN A RETRIEVAL SYSTEM WITHOUT PRIOR WRITTEN PERMISSION FROM THE AUTHOR
PLAGIARISM IS A CRIME!
NOTE: This Is An Unedited Version
So Expect Some Typographical
Errors, Misspelled Words,
Random Events And Loopholes.
If I Find A Time I Will Edit
This Book, A.S.A.P!
As Of Now Bear With Me And
Have Patience. Thank You!
PROTECTING THE CEO'S
Crest_Maiden18
Hi guys! Please don't forget to follow, comment and vote. Thank you in advance!