Episode 22

1367 Words
Chapter 22: Gavin Alvarez ***** Gavin's Pov Papunta na kami sa mansion nila raven ngayon at tinotoo nga niya ang sinabing magi stay lang siya sa quarters namin, they are all sleeping habang ako nagmamaneho. Ang kakapal ng mga muka di ba? Nang makarating kami sa loob ng mansion ay kanya-kanya ang baba namin, walang alam sila jensen na dadating kami, they will be surprised pag nalaman nilang nakabalik na kami. Isa sila sa mga taong kinokontak kami no'n. How did i know? Pagbukas ko kasi ng cellphone ko ay nakatanggap ako ng sandamakmak na messages sa kanila at missed calls, tinatanong kung nasaan na ba kami/ ano ng nangyari sa amin and such.  Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin sila sa receiving area na tahimik. Si austine, alexander at archer ay nagce cellphone. Si james at aisaac ay tulala lang. Si jensen at maic ay nagla laptop. Anong nangyari kay james at aisaac? Parang tinakasan na ng bait.  "Ehem! Good morning young masters and bosses" bati ni keith kaya nakuha namin ang atensyon nila. Napatayo silang lahat dahil sa gulat at lumapit sa amin. "Okay lang ba kayo? Nasaan si raven?" Nag aalalang tanong ni kuya james sa amin kaya nagkatinginan kami. Hindi nila alam ang isasagot samantalang ako ay tahimik lang sa gilid. Nang walang balak magsalita sa mga bwiset kong kagrupo ay ako na ang nagsalita, akala mo naman mga pinutulan ng dila, sasabihin lang na nasuspend si raven ay hindi pa magawa.  "She's not here but she's okay. Na suspend siya ni captain drake because of what happened" Maikli kong sabi. Ang ayoko talaga sa lahat ay yung nagpapaliwanag. Tsk! -.-  "What?! Nasaan siya ngayon!?" Tanong ni kuya maic. "Ayaw niya po ipasabi sa amin kung nasaan siya sir maic sorry, pero nasa mabuting lagay naman siya nagpapahinga lang. Hindi pa ata sapat yung dalawang linggo niyang pahinga" bulong ni caezar kaya nabatukan siya ni jaime. Rinig na rinig naman namin e. Gago talaga!  "Are you sure she's okay?" Tanong naman ni sir archer--wait! Si sir archer tinanong kung okay lang ba si raven? Weh? Tinignan ko siya ng gulat dahil sa tinanong niya, malamig ang mga tingin niya, alam kong sa likod ng mga tingin na yan ay tinatago niya ang totoong emosyon niya. Wag ako archer hindi lang ikaw kilala kong ganyan. Napangisi bigla ako dahil dun.  "Yes, she's okay and breathing" malamig kong sagot kaya napatango naman silang lahat. "Kelan daw siya babalik?" Tanong ni sir aisaac. Teka nga! Bakit parang biglang naging concern ata ang mga ito ngayon? "After her suspension, sa ngayon kasi bawal siyang lumapit o pakialaman kayo since part yun ng mission, for a week hindi siya pwedeng sumabak sa mga misyon. Yun ang utos ni captain drake" paliwanag naman ni anton kaya napatango na lang sila.  Hindi na nagtanong ng explanation ang mga kuya niya at ang mahalaga daw ay okay lang kami. Hays buti naman. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko pag nagkataon. Hindi pumasok ang apat ngayon kaya nandito lang kami sa loob ng mansion, sila kuya maic, jensen, james at johannes ay umakyat sa mga kwarto nila para matulog, wala pa pala silang maayos na tulog kaya ganun ang mga itsura.  Tahimik lang kaming nanonood ng movie dito sa receiving area kasama si sir aisaac, si sir alexander at austine kasi ay nasa taas at nakikipag video call kay madame elizabeth. Wala akong maintindihan sa pinapanood namin dahil hindi naman ako nanonood talaga, lumilipad ang isip ko. Marami akong iniisip katulad ng paano ko sasabihin kay raven ang tungkol kay byron? Paniguradong malaking bomba ang sasabog sa harap ng leader namin pag nagkataon.  Naramdaman kong kinalabit ako ni aisaac kaya napatingin ako sa kanya, bata pa si sir aisaac, if I'm not mistaken he's only 20? Kaya hindi na ako magtataka kung may pagka childish ang isang 'to. "Bakit young master?" Tanong ko dito. young master ang tawag ko sa kanila, minsan naman si raven ay pinagsasama. Minsan sir, minsan young master. "Pwede mo ba akong dalhin kay raven? Please?" Nagulat ako sa sinabi niya. What the? Ano ang nakain ng batang 'to at parang bumait kay captain? "Young master, hindi pwede. Mahigpit na pinaguutos niya sa amin na hindi pwedeng malaman ng kahit na sino kung nasaan siya, kaya pag pasensyahan niyo na po." Magalang na paliwanag ko dito kaya napahinga siya ng malalim at pumunta sa kusina.  Nakita kong bagsak talaga ang balikat niya papasok ng kusina, ano ba nangyayari sa batang yun at ganun na lang bigla umasta? Napailing na lang ako at tumingin na ulit sa t.v Nasa kalagitnaan na ako kung saan naiintindihan ko na ang pinapanood ko ng bigla namang mag ring ang cellphone ko. Bwiset lang?! Naiintindihan ko na oh! Tinignan ko naman ang cellphone ko and i saw her name in the caller ID, anong kailangan niya? "Captain?" Tanong ko dito. (Bring aisaac here) nagulat ako sa sinabi niya. Why all of a sudden? Tsaka bakit? "Ah, sure ka?" Naninigurado kong tanong dito.  (Yes, I know he wants to see me) tanging sagot niya, kaya kahit naguguluhan ako ay sumang ayon na lang ako.  "Okay copy!" Sabi ko at pinatay ang tawag. Tumayo ako at pinuntahan sa kusina si young master, pagkakita ko ay nakatingin lang siya sa mga stock niyang sweet foods like stick-o, lollipop, chocolates at kung ano-ano pa. Dinadasalan niya ba to?  "Young master?" Tawag ko sa atensyon niya kaya tumingin ito sa akin. Ang lungkot ng mga mata niya. What is his problem? Daig pa nito ang nawalan ng asawa.  "Hmm?" Tanong niya lang. Wala talaga siyang gana makipag usap halata naman.  "Fix yourself, raven wants to see you. Dadalhin kita sa kanya." Sabi ko at nakita ko ang muka niyang nagliwanag. The f*ck! Yung totoo? Sila ba ni captain? May namamagitan ba sa kanila? Pero imposible e, hindi pumapatol sa bata si raven. Kanina down na down to ngayon naman ganito na siya kasigla?  "Really?!" Tuwang tuwa niyang tanong kaya napatango naman ako.  Sinabihan ko siya ng wag maingay dahil hindi pwede to malaman ng iba kung hindi lagot talaga ako kay raven, hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na gusto siyang makita ni young master aisaac e. Nag ayos naman siya kaagad at sinabing may bibilhin lang kami sandali, hindi naman na nagtanong ang iba kaya lumabas na kami ng mansion.  Nagmaneho ako papunta sa agency at nag park, sa totoo lang ay bawal kaming magdala ng sibilyan dito lalo na kung wala namang appointment sa mga boss namin, hindi ko nga alam kung bakit pinapunta ni raven si young master dito e. Gusto niya ba madagdagan parusa niya pag nakita sila ng ibang agents na nandito?  Pasalamat na lang ako dahil naipuslit ko ng maayos to'ng si young master kung hindi, patay din talaga ako. Tahimik ako pero sa isip ko maingay talaga ako. Hindi ako verbal, lahat ng gusto kong sabihin nasa isip ko lang. Nakakatamad kasing magsalita.  Kumatok ako sa pinto ng quarters namin at binuksan ito kaagad. Nakita ko ang pagkamangha sa muka ng kasama ko dahil sa mga nakikita sa paligid niya. This quarters of our ay maganda ang theme at pago organize dahil si raven ang nagayos nito, yun nga lang imbis na mga portrait ang naka sabit as pader ay puro iba't ibang uri ng baril, espada, kutsilyo at kung ano-ano pa.  "Wow!" Napangisi ako sa sinabi ni aisaac sa gilid ko. "You're here" Walang emosyong sabi ni raven at nakita namin siyang naglapag ng cake sa mesa ito. May mga cupcakes din sa gilid nito at kung ano-ano pa'ng pagkain na matatamis. Napangiwi ako sa nakita. Sheez! Naiisip ko pa lang kumain niyan parang hindi kakayanin ng dentista ko ang mga cavities na kakapit said ngipin ko.  "Raven!" Sigaw ni aisaac kaya napatingin ako dito ng tumakbo siya at dinamba ng yakap si raven.  "Woah, easy kiddo. Tutumba tayo said ginagawa mo" Sabi ni raven at nakayakap pa din dito si aisaac. "I missed you" parang batang sabi nito at mas humigpit pa ang yakap nito kay raven. Okay! I'm out! Sabihin niyo nga? Paano niya nahahawakan ng ganito si raven ng hindi siya binabalya? Last thing, how can he make raven smile using that hug? Okay im jealous. Hindi kasi namin nagagawa kay captain yan.  Babalakin pa lang namin ay nakatutok na sa amin ang armalite niya. Hindi kaya... May puwang na din talaga si young master aisaac sa puso ni captain? Not as lover but as her little brother? Hindi ko maipagaakila na kabahan dahil sa totoo lang? Delikado para kay young master aisaac pag napalapit siya ng husto kay raven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD