Chapter 32: Insignia
*****
Raven's Pov
Lumipas ang ilang araw at ganun ang takbo ng buhay naming apat sa rest house na 'to, at sa ilang araw na yun ay naging manhid ako, sino bang hindi? Harap harapan kung maglandian tapos wala ka naman magawa? Wala na, Tama si von mag focus na lang ako sa trabaho ko at sa tatlo ko pa na binabantayan.
Von is always there for me, sa lumipas na araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang bantayan ang tatlo pa sa mansion at bwiset lang! Tinakasan na naman ang iba kahapon, good thing walang nangyaring masama. Kung hindi uulitin ko pa ang nangyari sa kanila.
Tumawag kahapon si aisaac saying that he's already missed me, austine asusual nabawasan na ang pagiging walking AIDS niya kaya lang mas grabe na ngayon mangasar, while alexander, ganun pa din workaholic pa din, hindi ko nga alam kung nagkakaron pa ba 'to ng love life. Masyadong busy. Bakit hindi niya gayahin yung isa niyang pinsan, puro kalandian inaatupag.
Gusto ko na umuwi ng manila para matapos na 'to. Kung pwede lang patayin ko na lahat ng nagbabanta sa kanila para naman maging okay na din ako. Gusto ko na din magpahinga. Yung pang habangbuhay na! Nyeta!
"Walang kasalanan sayo ang mga devices mo, may spare ka ba pag nasira mo yan?" Napatingin ako sa hawak kong mga bug cameras at ilang bluetooth active trackers. Balak ko kasing ilagay to sa mga gamit ni archer, inutusan ko sila carly at anton na lagyan din ng palihim ang mga importanteng gamit nung tatlo para hindi kami mahirapan na hanapin sila.
I smiled at von, Ang swerte talaga ng magiging partner nito sa buhay niya, von is kind, caring, gentleman, responsible, respectful and such. Lahat ng hinahanap ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya na, sadly hindi talaga kami ang itinadhana sa isa't isa. Yung kasabihan nga na, pinagtagpo pero hindi itinadhana. Ganun kaming dalawa.
Nagulat kami ng sunod sunod na pagkabasag ng mga bintana sa mga labas pati na din sa kwarto ko. It's a gunshot that actually break the glasses. Pinayuko ko kaagad si von at kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng kama ko, damn!
Gumapang ako papunta sa pintuan ng hawakan ni von ang paa ko para pigilan.
"What?" Malamig na tanong ko. Worried is visible to his eyes. But i don't care.
"It's dangerous, just...just... Stay here" He said. Huminga ako ng malalim at umiling. Unti-unting naramdaman kong bumitaw siya kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ko.
I found archer is running towards me, where's seira? There's also worried and scared visible to his eyes. Why is he scared? Is it because of seira? He don't need to worry. I'm going to protect them specially him.
"Where's seira?" Tanong ko dito pero hindi niya ako pinansin. Ano ba nangyayari dito?
"Are you okay? Are you hurt? Tell me?" He's showing his emotions right now and I can't explain why. Why is he acting like this? This action of his is supposed to be for seira.
Isinantabi ko muna ang mga iniisip at nararamdaman ko, I look at him using my blank face, kailangan ko unahin ang trabaho ko bago ang iba pa.
"I'm fine, go find seira at siguraduhin mong wag kayong lalabas ng kwarto hangga't hindi ko sinasabi." Sabi ko at iniwan na siya doon.
Tumakbo ako pababa ng sala hanggang palabas, nakita ko ang mga lalaking naka bonet, nasa anim sila at mga armado din. Pinaputukan ko ang apat sa kanila pero mabilis silang nakapag tago, Nakita ko na tatakas naman ang dalawa, mabilis kong itinaas ang kamay ko para paputukan sila. Hindi naman ako nabigo, pagkasakay nila ay mabilis kaagad nilang pinatakbo ito, pero sinigurado kong hindi na sila makakalayo pa.
Napalingon ako sa gawi ng isang lalaking bumaril sa gawi ko, mabilis akong nagtago sa pinakamalapit na pader na meron dito sa pwesto ko, sisilip na sana ako pero nagpaputok nanaman ito sa gawi ko, muntik na ko dun.
Huminga ako ng malalim at chineck ang laman ng baril ko, apat na bala para sa apat na kalaban, I need to measure the distance at kalkulahin ang bawat galaw nila para siguradong walang balang masasayang.
Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko at sakto naman na kaharap ko ang isa sa mga lalaking gusto kong patayin mula pa kanina. I smirked at him at walang hirap na pinasabog ko ang ulo niya, one down, three to go.
Mabilis akong lumiyad para umiwas sa paparating na bala sa gawi ko, ng makabawi na ko ay mabilis ko itong pinatamaan sa kaliwang dibdib niya, pagharap ko ay hindi ko inaasahan ang nangyari, I got punch from this fucktard guy at ngumisi pa. Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa labi ko. Damn! Pumutok labi ko!
Tatapusin ko na sana siya ng maramdaman kong may tao sa likod ko, I immediately kneel my right foot kaya ang natamaan ng bala ay yung lalaking kaharap ko. Head shot. Nakatipid pa ako ng isang bala.
Mabilis kong kinasa ang baril ko binaril ang lalaki sa tuhod niya at sa kamay niya upang mabitawan niya ang baril na hawak niya. Mabilis naman siyang bumagsak kaya nilapitan ko kaagad siya. The others are dead at siya na lang ang aasahan kong sasagot sa mga tanong ko.
Nilapitan ko ito at sinabunutan pataas para makita ko ang muka niya. Wag na kayo magtaka kung bakit ako ganito karahas. Yes I'm an agent but that doesn't mean na maayos ako makikipag usap.
"Sino nag utos sa inyo para gawin 'to?" Malamig kong tanong sa kanya. Pero ngumisi lang siya at dinuraan ako sa muka.
Napapikit ako dahil dun, pucha! Ayoko sa lahat dinudumihan ako! Mabilis kong pinunasan ang muka ko at hinatak siya patayo. Rinig na rinig ko ang bawat daing niya but i don't care. I'm pissed!
Kinuwelyuhan ko siya at sinapak sa muka, hindi pa ako nakuntento at sinikmuraan ko din siya. Ilang beses ko ginawa yun hanggang sa magsawa ako.
"Now tell me, WHO.THE.FUCK.ORDER.YOU.TO.
DO.THIS!" May diin lahat ng bawat salitang sinasabi ko sa kanya. Ayoko mawalan ng kontrol pero pinipilit niya ako.
And for the second time around, kahit nahihirapan siya ay nginisihan niya lang ako. f**k this!
"Roses are red
Violet's are blue
Beware princess
Because he's already there
To finish you"
Naguluhan ako sa sinabi niya who is 'HE' That he's talking about? and i didn't get it. Bakit naglalabasan sila ngayon? Bakit nakikisabay pa sila?
The next thing happened i didn't expect it, I heard a gunshot but it's not for me, tinignan ko ang katawan sa harap ko na unti-unting bumabagsak at kinuhaan ng buhay. I blink twice and roam my eyes around the corner, I just saw a guy who's riding in a black sports car hindi kalayuan sa amin, hindi ko siya mamukaan but the tattoo on his hand ay hindi nakatakas sa mga mata ko. They're back!
Balak ko sana itong habulin pero mabilis niyang pinatakbo paalis ang sasakyan niya. This is bad, specially archer is here, tatlong sibilyan ang kasama ko kaya kailangan ko ng dobleng ingat. Isa lang ang naiisip ko...
Mabilis akong pumasok sa loob at sinalubong naman ako ni von at archer, worried is plastered on their faces, hinanap ng mata ko si seira pero wala ito. Sabi ko kay archer ay hanapin ito.
"Where's seira?" Pangalawang tanong ko mula kanina. Hindi sumagot si archer at nakatingin lang ito sa'kin, naiilang ako sa mga tingin niya kaya bumaling na lang ako ay von, since pinsan naman niya ito.
"Umalis na pala siya kanina, sinabi lang din sa'kin ni archer, may emergency daw kasi na nangyari sa company nila sa manila" Napatango na lang ako. Masama ba kung sasabihin kong nakahinga ako ngayon ng maluwag knowing she's not here.
"Sino ang mga yun ven, at damn! You got cut on your lips" Hahawakan na sana niya pero umiwas ako bago pa niya ito mahawakan. Nakita ko naman na parang huminga ng malalim si archer but i didn't care too much.
"I'm fine don't worry" Sabi ko kay von at bumaling ng tingin kay archer.
"Tapos na ba lahat ng inaasikaso mo dito sa batangas?" Tanong ko sa kanya, he nod kaya napatango ako.
"Better, because we need to go back to Manila, mas safe ka dun. The two of you, Pack all your things. We're going home after 15 minutes" Sabi ko at tumalikod na para sana umakyat ng mapatigil ako sa tanong ni von.
"It's them devon, they're back. The symbols i saw it. I can't risk another life. Not this time. Tama na ang isang beses at hindi na yun mauulit" Sabi ko at tuluyan ng umakyat sa taas.