Episode 18

1478 Words
Chapter 18: Raining Bullets and Fire ***** Mabilis lang na nakapasok sa loob ng bar sila raven, anton, gavin at jem. Masyado silang maingat sa kanilang mga galaw. Pag pasok pa lang nila ay nakita na nila ang dami ng taong nag iinuman, gumagamit ng pinagbabawal na droga, illegal firearms everywhere and cyber p**n. Napangiwi sila sa nakita. "Ready to eliminate them boys?" Pasimpleng tanong niya sa mga ito.  (We're just waiting for your signal captain) sagot ni carly.  "Okay, stand by. We're going to start the party any minute now." Sagot niya sa mga ito at lumakad paakyat sa second floor.  Naiwan sa ground ang tatlong lalaki at nagmanman lang. Narinig ni raven na umorder ng iinumin yung tatlo kaya mabilis niya itong sinabihan.  "Don't drink, may halong droga yan." Sabi niya sa mga ito pero tinuloy lang ng tatlo ang pag order.  (It's just a props, capt.) Sabi ni gavin at tumawa ng mahina.  Puro VIP's ang mga kwartong nandito at hindi mo maipag aakila ang sinisigaw na yaman sa bawat paligid nito. Mag mula sa mga disenyo, style, vases at mga kagamitan.  "Sayang kayo, masisira lang at mababahiran lang kayo ng dugo." Naka ngising sabi ni raven.  Naiisip pa lang niyang makakakita siya ng dugo ay nagdi-diwang ang buong sistema niya dahil dito. Blood.  Kinilabutan ang buong grupo dahil sa narinig nilang binulong nito. Ito ang ayaw na gustong gusto nilang katangian ng leader nila, na hindi mo gugustuhing makita. Nakita ni raven na pumasok na sa loob ang tatlo kasama pa ang dalawang investors nito dito sa pilipinas. May tatlong bodyguards na sumunod sa kanila sa loob, while 6 on the outside. Napangisi siya. Piece of cake. Nilabas niya ang baril niya galing sa hita niya at nilagyan ito ng silencer. She's hiding in the darkest corner of this floor. Malawak 'to pero mukang ginawang pribado dahil sa mangyayaring transaksyon.  "Position boys, wait for my signal" Sabi niya at kasabay no'n ang pagbaril niya sa anim na bantay sa labas ng kwarto. Lumabas siya sa pinagtataguan niya at tinignan ang anim na lalaking wala ng buhay at tumatagas ang napakaraming dugo mula sa mga katawan nila. Next thing she knew her eyes became dark at ang nakikita na lang niya ay tanging pula at mga taong duguan sa harap niya.  "Comienzo" Sabi niya at nakarinig siya ng malalakas na putok ng baril galing sa baba. She close her eyes to hear more the sounds. It's like a music to my ears. She hide her gun beneath her dress at Pinasok kaagad niya ang loob ng silid na walang kamalay-malay dahil sa soundproof ito. Mabilis naman ang naging aksyon ng tatlong lalaking nakabantay sa mga asiano at tinutukan kaagad siya ng baril.  "Who are you?! Why are you here?!" Sigaw ni kinoshita. She's just looking at the floor at hindi pinansin ang tanong nito.  Nang naramdaman nilang wala itong balak sumagot ay sinenyasan ni Lee ang isa sa mga tauhan niya para lapitan ang dalaga. Nakatutok pa din kay raven ang baril ng mga ito. Mabilis ang naging galaw ni raven, she twist the guy's arm at mabilis siyang pumunta sa likod nito kaya ito ang nabaril. She shoot the guy infront of her at mabilis siyang gumulong para magtago sa likod ng couch dahil pinaulanan siya ng bala ng isa. "Damn!" Mura niya at narinig niya din nagmura sa kabilang linya si jem. "Update!" Tanong niya sa mga ito. (We're almost done captain, we just need to burn this building) Sabi ni jem at nakarinig pa siya ng maraming tunog ng baril. "Let's finish this!" Utos niya sa mga ka grupo niya. Tumayo siya mula sa likod ng upuan at binaril niya ang lalaki sa ulo.  Lalabas na sana ang limang matandang lalaki ng bigla niyang barilin ang doorknob at automatic na napalayo ang mga ito dito.  She smirked, lumapit siya sa pinto at sinarado ito. Lumingon siya sa limang lalaki na nanginginig na sa takot. Nakita niyang balak sanang kunin ni Fujikawa ang baril sa may mesa ng barilin niya ito sa ulo.  "Who wants to join them?" Tanong niya habang prenteng umupo sa sofa.  "Demonyo ka!" Sigaw ni Lee. Her side of her lips raised a little because of what he said.  "Really? Anong tawag niyo sa sarili niyo kung ganun?" Malamig na tanong niya sa mga ito.  ***** Sa kabilang banda naman ay nakikipag palitan din ng putok ng baril sila anton at gavin. Hindi nila akalain na ganito kadami ang tauhan ng mga drug lords. Pagkatapos kasi nilang mapatay lahat ng nasa loob ay may sumunod pa'ng iba na higit trenta.  Mabilis ang mga galaw nito dahil na din nasa ilalim ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot. Nagtago naman si jem sa loob ng bar counter ng mag umpisa ang tatlong lalaki na paulanan siya ng bala.  "Damn!" Sabay nilang mura ng leader niya. Tingin niya ay grabe na din ang laban na nangyayari sa taas na hindi imposible. Leader niya ang nasa taas. "Update!" Rinig nilang tanong ni raven. (We're almost done captain, we just need to burn this building) sagot ni jem dito. "Let's finish this!" Sa narinig nila ay kusa na silang nagtayuan at pinagbabaril ang bawat taong nakikita nila. This is them. This is how they work. Too fast and too bloody.  Pumasok na din sa loob sila carly, jaime, caezar at keith. Patuloy lang sila sa pagbaril at kung minsan ay mano-mano ang labanan.  Nilabas ni keith at jaime ang gas na dala nila at binuhos sa buong lugar pati na sa mga taong nagkalat sa paligid nila, there's a demonic smile in their faces. Hindi nila ito mapigilan lalo na't matagal-tagal na din simula ng gawin nila ang trabahong ito.  "Who wants to join them?" Rinig nilang lahat sa dalaga. Napailing sila dahil paniguradong pinaglalaruan nanaman niya ang mga ito.  "We need to get out, lalo na si raven." Nag aalalang sabi ni gavin sa mga ito kaya tumango naman sila.  (Guys! Hurry we dont have much time! We need to burn this place before they came!) Paalala ni keith na bumalik sa van para i check kung ilang oras na lang ang natitira bago makita ang ginawa nila.  Isang oras lang ang binigay sa kanila at kinse minutos na lang ang natitira sa isang oras nila.  "Captain! We need to move" Sabi ni anton at umakyat sa taas. Binuhusan din nila carly ng gas ang buong second floor.  Pagbukas nila ng pinto ay nakatayo sa harap ng apat na lalaki ang babaeng may hawak na dalawang baril.  "Oops! Times up..." Mapaglarong sabi ni raven at sabay-sabay niya itong pinagbabaril sa ulo. Hindi pa siya nakuntento at kinuha ang katana na nakita niyang nakasabit sa pader ng kwarto.  Napangiwi sila carly at anton dahil sa naiisip nilang gagawin nito. Hindi nga sila nagkamali ng bigla niyang putulan ng ulo ang limang lalaki.  "I want them to complete the pieces of the bodies of this people" malamig niyang sabi at pinutulan din niya ito ng mga kamay at paa.  Halos masuka sila dahil sa ginagawa ng captain nila at sa mga sumisirit na dugo sa paligid nila.  "Give me the gas" inabot naman nila ang kalahating galoon ng gas sa kamay ni raven atsaka niya ito binuhos.  Kumuha siya ng tatlong posporo at sinindihan niya ito. Malaking apoy ang nagawa ni raven dahil na din sa mga katawan ng mga pinatay niya.  "Or maybe count their ashes endlessly" Sabi niya at tinalikuran na ang mga ito. Hindi nakatakas sa paningin nila ang kulay itim nitong mata at halos wala ka makikita na puti.  Pagkatapos sindihan ang posporo ay mabilis na sumunod sila anton at carly kay raven. Gulat naman ang itsura ng ibang miyembro ng dumaan sa harap nila si raven. Halos napamura pa nga yung iba pero mabilis silang nakabawi ng batukan sila nila carly.  "Ano ba! Tara na!" Sigaw nila sa mga ito kaya mabilis na lumabas na sila.  Nakita nilang nakaupo si raven sa edge ng upuan ng van habang nakatingin sa building na tinutupok  na ng apoy. Her eyes is still black. Alam na ng mga grupo niya ang tungkol sa mga mata niya specially pag nakakakita siya ng dugo o nakakaamoy. Hindi din nila alam kung bakit ganito si raven pero tanggap naman nila ito.  Nagugulat na lang talaga sila pag nakikita nilang ganito ang mga mata ng dalaga. Naaalala nila ang nakaraan na pilit din nilang tinatakasan.  Tumunog ang cellphone ni Keith at sinagot naman niya agad ito.  "Captain? Yes, mission accomplished" Sabi niya lang at pinatay na ang tawag.  Kinuha ni gavin ang isang syringe na may lamang transparent na likido sa loob nito. Lumapit siya kay raven at marahang hinawakan ang braso ng dalaga. Raven look at him at hindi niya maipagaakila na kinikilabutan siya sa malalamig nitong tingin, idagdag mo pa na itim na itim ang kanyang mga mata.  "Will you let me?" Tanong ni gavin. Ilang minutong nakatingin si raven sa kanya hanggang sa tumango ito ng dahan-dahan.  Pagpasok pa lang ng likido sa ugat ng dalaga ay kusang bumigay ang katawan nito at nawalan ng malay. Mabilis itong binuhat ni gavin at sumakay sa van, ganun din ang ginawa ng iba para makaalis na. Si carly ang nag drive ng van ngayon.  Bago tuluyang hatakin ng antok si raven ay narinig niya ang tunog ng mga police mobile pero hindi pa din mawala sa dibdib niya ang saya dahil sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD