Chapter 17: Mission
*****
Binayaran na nila ang mga pinamili nila, raven check her wrist watch at nakita niyang alas nuebe pa lang ng umaga kaya pwede pa silang kumain.
Dumiresto sila sa jollibee dahil dito gustong kumain ni raven, sumimangot ang walo dahil pambata daw yung kakainan nila, raven didn't give a damn at dumiretso papunta sa loob ng fast food.
Hindi naman masyadong maraming tao kaya nakahanap kaagad sila ng uupuan sa may sulok, since marami silang bitbit ay okay sa kanila ang napiling spot ng dalaga.
"Kami na ni johannes ang oorder, anong sa inyo?" Sabi ni alexander.
Sinabi naman nila ang order nila kaya naupo na lamang sila doon, habang hinihintay ang order nila ay kanya-kanyang tipa lang sila sa mga cellphone nila.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng mga email niya when her phone and her wrist watch beep in unison. Napatingin sa kanya lahat ng nasa mesa nila. Her eyes landed on her cousins.
Minsan lang tumunog ang wrist watch ng bawat isa sa kanila, ito ang ginagamit nila para ma padalhan sila ng alert message ASAP and it means emergency.
She check her phone and she's right. She read the message and it's says my undercover mission sila at kailangan siya ng grupo. She reply 'okay' bago kunin ang mga gamit niya.
"Where are you going?" Tanong ni aisaac sa kanya.
"I need to go, I have an emergency." Maikling sabi niya. Sakto din namang dumating si alexander at kuya johannes niya.
"Saan ka pupunta raven?" Tanong ng kuya johannes niya.
"Kuya, i need to go. I have an order from the headquarters." Sagot niya dito.
Nakita niyang napapikit sabay-sabay ang mga kuya niya. Alam nilang hindi basta ang mission na sinasabi ng nakababatang pinsan. This is a do or die mission at ilang beses na din silang napasabak dito. Alam nilang hindi ito madali.
"We can talk to tito about this." Sabi ng kuya maic niya. Sinamaan niya 'to ng tingin.
"Kami na lang ang gagawa kesa ikaw." Sagot naman ng kuya james niya. Mas lalong sumama ang tingin niya sa mga ito. Damn!
"Look kuya, I'm an agent and the captain of my own team. Hindi ako nagpursige na mapabilang kung nasaan ako ngayon para lang i baby niyo. I know you're all worried and i understand that but this is my duty and responsibility." Malamig na sabi niya sa mga ito.
Nagtataka naman sila austine, alexander, aisaac at archer sa pinaguusapan ng magpipinsan. Pero base sa mga sinasabi ni raven ay may kutob silang about ito sa trabaho niya.
"I'm going, kayo na muna ang bahala sa apat na 'to." Bilin niya sa mga kuya niya at nilingon ang apat na lalaki sa gilid niya.
"Wag kayong magtatangka na gumawa ng kalokohan kung ayaw niyong maranasan ang galit ko." Malamig niyang sabi sa mga 'to.
Nilapag niya sa mesa nila ang susi ng van at lumabas na sa fast food chain.
Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at halos lakad-takbo ang ginawa niya. Paglabas niya sa may exit ay may huminto kaagad na van sa harap niya. Pagbukas ng pinto nito ay bumugad sa kanya ang buong team niya.
Sumakay naman kaagad siya sa likod para din makapag bihis. Pinaandar kaagad ni gavin ang sasakyan nila at inabot ni jem kay raven ang bag kung nasaan ang susuotin niya.
Mabilis niyang kinuha 'to at sinuot ang isang dress na itim na hapit na hapit sa katawan niya, she put a smoky make up para hindi siya makilala, she wear the 3 inches stilleto. Nilugay niya ang buhok niya at inayos ito.
"Here captain" inabot ni anton sa kanya ang bluetooth earpiece kung saan magkakarinigan at makakapag usap sila.
Kinuha niya ito at nilagay kaagad sa tenga niya. She check herself kung okay na ba. Ganito lagi ang role niya sa grupo nila since siya lang ang babae, pag kailangan ay siya lagi ang gumagawa nito. Wala siyang maaasahan sa team niya dahil ang bulky ng mga katawan ng mga ito. Naiinis na nga siya minsan dahil sinasabi niyang nawili ata siya sa pagsasanay sa mga ito.
Bukod kasi sa sinasanay nito ang mga utak ng grupo niya ay sinasanay din niya ito physically. Mas okay na daw na parehas malakas sa kanila hindi yung isa lang. Mas maganda daw kung napag sasabay nila.
"Update" Sabi niya at inabot naman sa kanya ni carly ang laptop.
"We're heading to acropolis square. Na trace na nila captain drake ang tatlong malalaking negosyante na gumagawa ng illegal. Sila ang masterminds ng paglabas-masok ng mga illegal na droga at mga baril sa japan at west side ng europe. Now they are here dahil magde-deliver sila mamayang madaling araw ng produkto nila sa mga korean investors nila dito sa pilipinas." Paliwanag ni caezar.
Pinagaaralan niya ang tatlong lalaki na nasa screen habang nakikinig sa paliwanag ng miyembro niya,
Senji Kinoshita > 55 years old > Japanese Citizen >
Ronald Lee > 50 years old> Korean Citizen
Leonardo Fujikawa > 58 years old > Japanese Citizen
Basa niya sa mga ito. Pinag aralan niya ang mapa ng building kung saan gaganapin ang transaction, isa itong underground bar at illegal din ito.
"Damn this old hags! Wala ba silang alam na lugar kung hindi underground? Susko!" Inis na sambit nito.
Napangisi sila sa sinabi ng captain nila at napailing.
"Kahit kelan ang init ng ulo" natatawang sabi ni keith at nakatanggap naman siya ng pingot kay raven dahil narinig niya ito.
Nanahimik na lang ang iba dahil baka sumunod sila sa nangyari kay keith, worst baka hindi lang yun.
"Raven, what happened to your arm?" Tanong ni jaime na ngayon lang din naalala ni raven.
"Damn! Oo nga pala!" Inis na sabi ni raven. Mabilis na lumipat si jaime sa tabi niya at inabot ni jem dito ang first aid kit.
"What are you going to do?" Tanong ni raven dito.
"I'm just going to change the gauze, I'm going to make it small para hindi masyadong halata then patungan mo na lang ng concealer" sabi ni jaime habang tinatanggal ang benda.
"Damn captain! Ang lalim niyan ha, anong nangyari diyan?" Tanong ni keith.
Sinabi naman ni raven ang nangyari at napaisip din tuloy ang buong grupo niya kung sino ang lalaking tinutukoy ng dalaga.
"Capt, gusto mo ba imbestigahan ko kung sino yun?" Suhestiyon ni gavin.
"How?" Tanong ni raven. Hindi kasi niya alam ang pangalan nito at wala siyang ibang alam na impormasyon tungkol dito.
"May CCTV cameras sa labas ng gate niyo di ba? And I'm not Gavin Alvarez for nothing captain. Trust me on this." Naka ngising sabi nito kay raven at sumang ayon na lang ang dalaga sa sinabi ng binata.
Gusto din naman niya malaman kung sino ba ang lalaking sumunod sa kanila no'ng araw na yun at kung ano ba ang koneksyon nito sa kanya.
Lumipas pa ang ilang oras bago sila makarating sa destinasyon nila, naghanda na sila at tinago ang mga baril sa kanya-kanya nilang secret pocket. While raven ay nasa ilalim ito ng damit niya sa may hita.
Naka pormal lang na suot ang grupo hindi yung uniform nila ang suot nila. Ang iba ay pumasok sa loob ng building, ang iba naman ay pinalibutan ang lugar at may natira sa van para ito ang mag manipula ng mga camera.
Bago bumaba ng sasakyan si raven ay may natanggap siyang message from someone she doesn't know. She creased her forehead when she's reading the text message.
From: 0954*******
Take care of yourself.
Who is this? Tanong niya sa sarili niya.
She couldn't care less at in off ang phone niya para walang sagabal.
"Let's move boys, remember don't get caught if you don't want to receive your punishment from me." Malamig niyang sabi at bumaba na sa sasakyan.
--------------
A/N: Guys, what are your thoughts about this story? You can pm me or comment kung nagugustuhan niyo ba 'to. I just need your opinion guys.
P.S Dont forget to vote. Thank you!