Si Aileen, si Victoria, si Jane at si Ces

1914 Words
Nag resign ako sa Aroma and Blend Cafe at si Felix ang pumalit sa akin. Buwan ng March ng manganak si Jasmin ke Daniel. Sa edad na beynte kuwatro, naging ama at magiging ama na naman sa kay Melissa after eight months. Napasok ako sa isang Japanese firm sa Ortigas. Game animator at visual artist. Mataas ang sahod kaya’t nakapagpundar ako. Maganda ang pasok ng taon sa akin lalo na sa pagdating ni Daniel sa buhay ko. Pinadala ako ng company sa Hokkaido at na assign ako duon ng isang taon. Panay padala ko ng pera kay Jasmin para sa kanya at sa anak namin. Gusto ko ng seryosohin si Jasmin alang alang ke Daniel. Sa Japan, malamig ang klima duon lalo na pag autumn at winter. Kahit spring naka jacket parin ako. Mga haponesa, karaoke at sake ang nakahiligan ko duon. Sobrang hilig ng mga haponesa sa s*x at ayaw nila ng commitment. Nakakasira daw ng friendship. Iba ang kultura nila pero madali kong nasakyan. May isang pilipina na may ari ng bar nasa 50’s na sya pero ubod ng ganda. Pangalan nya ay Aileen. Tatlo anak nya puro babae. May edad na ang kanyang asawang hapon at mga anak nya nasa abroad na at ang isa ay nasa Tokyo. Masayahin si Aileen at napakagalante. Sa s*x, hilig nya Nyotaimori. Pinupuno nya katawan nya ng sushi at kailangan ubusin ko yun bago ko sya matikman. Walang syang kapaguran pagdating duon at minsan nag iimbita ng kaibigang haponesa. Food and s*x orgy trip nya. Nagkukulong kami ng dalawang araw. Pagdating ko ng bahay sobrang pagod ko di na ako minsan nakakapaligo. Pagkatapos ng contract ko, hindi na ako nagpaalam ke Aileen at sa iba kong kakilalang hapon. I hate goodbyes at ayaw ko rin maging clingy sa kanila. ****** Hindi ako nagpasabi na uuwi ako ng Pilipinas ng summer 2010. Gusto ko sila sorpresahin ngunit pagdating ko sa bahay ni Jasmin, ako ang nasorpresa.  May iba na syang kinakasama at plano nilang magpakasal. Hindi ko maintindihan sarili ko pero sandali lamang akong nainis at kinausap ko silang dalawa. Seryoso si Erwin, pangalan ng lalake at mahal nya si Jasmin. Pumayag ako na maging sila basta wag lang nila ako tanggalan ng karapatan kay Daniel. Laking tuwa ng dalawang ungas. Kunsabagay, hindi ko naman talaga minahal si Jasmin. Kung tutuusin, ako ang may kasalanan sa kanya. Pinilit ko syang mahalin, pinilit kong magkunwaring mahal ko sya para lamang may matawag na may nagmamahal sa akin. She doesn’t deserve that kind of love. October 2010 nang mag message sakin si Jackie. It’s been awhile since nag usap kami, after nung incident sa bahay nina Felix, wala na ako narinig sa kanila. Pinasabi nya na nanganak si Melissa. Nang marinig ko yun, hiningi ko number ni Melissa. Nag usap kami. Pinadalahan nya ako ng larawan sa sss. Akin nga. Kamukha sya ni Daniel, female version. Tinanong ko Si Melissa kung alam ni Anton. Hindi daw. Hindi nya pwedeng malaman. Pwedeng I denounce ni Anton ang bata at tanggalan ng apelido at mana. Lahat ng ari arian ng lalake mapupunta sa unang family ni Anton at mawalan ng mana ang bata. Hihiwalayan sya ni Anton at mawawala sa kanya lahat. Hindi pwedeng mangyari yun, hinding hindi. Ibang klase ka talaga, Melissa. Sa loob ng tatlong taon ay wala kaming communication. Hanggang sss lang ako. Hanggang duon lang kami. Patago kung tumawag si Mel sakin. Nang mga panahong yun ay nakailang babae na ako. Karamihan sa kanila ay ten to 15 years ang gap sakin. May isa 50 years old. Twenty five years ang age gap namin. Pangalan nya ay Victoria. Biyuda. Nakilala ko sya sa ospital ng Pasig. Isa syang doctor. Nagpa check up ako nuon pagka’t napapadalas na pagkahilo ko. Ang pagpapa check up ko sa kanya ay napunta sa hindi naming inaasahan pareho. Sa loob ng clinic nya, iba ang na check up nya sakin. Sa kanya ko naranasan ang halos mabaon mga daliri ko sa kama sa tindi ng ecstasy na nadarama ko sa kanya habang sinusubo nya pagkalalake ko. Hindi din nagtagal pagdi date namin. Nabaling atensyon ko sa iba. Na met ko si Jane. Twelve years gap namin at nakatira sa Paco Manila. Barkada sya ng pinsan kong butch. May asawa si Jane at nasa Saudi. Wala syang anak kaya malaya akong matulog sa bahay nya. Napaka selosa nyang babae at halos masakal ako sa ugali nya. After almost one year na sya ka date ko, nag stop ako ng pagdalaw sa kanya at madalang ko na syang i chat or i text. Taong 2013, may na nakilala akong babae. Pangalan nya si Vangie. Single mom sya at nasa 12 years din gap namin. Manager sya ng isang fast food chain na pinagdalhan ko kay Daniel at mga pamangkin ko. Nagandahan ako sa kanya at napaka amo ng mukha nya. Nagpakilala ako at tinanong ko sya kung pwede ko syang dalawin. Pumayag naman sya at sinabi nya address nya sa QC. Sabi nya puntahan ko sya ng linggo ng umaga. That Sunday morning, maaga pa ay nasa bahay na nya ako. Laking gulat ko pagka’t pagpasok ko ng bahay nya ay madaming tao. Nagba Bible sharing sila. Gusto kong umuwi ng mga panahong iyon. Pakiramdam ko naloko ako. “Wag ka muna umuwi, Carlos. Kahit saglit lang. Pakinggan mo muna mga pinag uusapan namin dito. Baka makatulong sayo.” Nginitian ako ni Vangie. May kung anong magnet meron sa pinag uusapan nila that morning. After ng prayer meeting ay nag usap usap kami sa mga karanasan namin at duon ko na realize, isang malaking kasalanan mga pinaggagagawa ko at si Ma’am Vangie ang nag paalala sa akin na pwede ako magbago. Napag alaman ko na may dalawa syang anak na babae kaya’t umiiwas syang magkasala unless pakasalan sya ng taong nararapat sa kanya.  Gumaan ang loob ko sa Fellowship nila at sa buon taon ng 2013 hanggang 2014, nagkaroon ako ng peace sa sarili ko at sa Panginoon. Akala ko that time, okay na ako ngunit sadyang mahina ako sa tukso lalo na kay Melissa. Taong 2014, sabado ng umaga nuon. Umuulan. Gumagawa ako ng designs sa opisina ng mapa check ako sa f*******: account ko. Nag post si Jackie, kasama nya si Melissa. Ang laki ng binagsak ng katawan ni Mel. Tinawagan ko agad si Jackie at tinanong kung pwede kami mag meet ng hapong iyun kasama si Melissa. Pumayag si Mel na magkita kaming tatlo. Nagkita kami sa isang Restaurant sa may C5. Nagulat ako sa itsura ni Mel. Nakatali buhok nya at bare face nya. Walang lipstick or kahit pulbo. Naka polo shirt sya at jeans. Naka rubber shoes at ordinaryong jacket. Tinabihan ko sya, maasim ang amoy nya. Halos hindi sya makatingin sa akin. Nagkamustahan kami at small clichés. I treat them for dinner. Later, pinag usapan namin anak nya, anak namin, si Carla. “Mahal na mahal ni Anton si Carla. Maliit pa kasi si Carla kaya hindi halatang anak mo.” “Baka naman hindi talaga akin si Carla. Look, isang beses lang nangyari sa atin yun. Lasing pa talaga tayo pareho at sobrang pagod ako nun Mel. Alam mo ba nangyari sakin after ka umalis bago nangyari sa tin kina Aris? Yung sa bahay ni Felix? Hinimatay ako. Nagising ako nasa ospital nalang ako.” “Pero ginusto mo din naman nangyari, Carlos. Kung hindi dahil sayo, hindi ako magbubuntis. Si Anton, dalawang taon hindi kami nagka anak. Pinatanggal ko na myoma ko pero hindi kami makabuo. Nung nangyari yun, nagbuntis agad ako. Natatakot ako pag malaman to ni Anton. Ayoko masira future nya. Hindi ko naayos buhay ni Cindy kasi umuwi sya sa ama nya, ayoko mangyari ke Carla nangyari ke Cindy. Gagawin ko lahat maayos buhay nya. Walang makakaalam sa identity ni Carla. SI Jackie kinwento ko sa kanya lahat nung nakaraang taon. Wala akong mapagsumbungan. Naintindihan nya lahat ng  pagkakamali at sa mga nangyari sa atin, Carlos.” “Kailanman ay hindi pagkakamali ang pagdating ni Carla sa atin, Melissa. Isa syang biyaya ng Maykapal. Kasama mo ba sya now?” Tanong ni Carlos. “Hindi, iniwan ko sya sa bahay. Maliit pa sya para magtravel.” Sagot ni Melissa. “Ganito nalang mga best,” si Jackie nag interrupt. “Focus natin atesyon natin ngayon ke Carla. Chaka magkakaibigan tayo, sana huwag na ninyo ulitin nangyari. Accidents happen. Tapos na yun ha. Hindi kayo dapat na magtalik dahil magkakaibigan tayo dito. Hindi tama.  Itong sikretong to hindi dapat makalabas at sa ating tatlo.”  Nag promise kaming dalawa ni Mel na hindi na mauulit yun ginawa namin and we’ll remain friends. Kinuha ni Jackie cellphone nya at nag picture. Ako din nag picture din kaming dalawa. Pinost ko yun sa f*******: at in less than 15 minutes, madami ng nag side remarks sa mga friends ko na pumunta sa bahay ni Aris nuong gabi ng 2009.  “By the way, Carlos. Ninong ka pala ni Carla.” So after two years ko pa nalamang ninong pala ako ng sarili kong anak. What a cruel joke. October ng taong yun nagkita kami uli ni Melissa. Pumunta kami sa  Lemery Batangas kasama ko sina Jackie, Alma at Felix. Na met ko uli si Anton at ang anak ko, si Carla. Hindi ko napigilan kunin si Carla at akapin. Dama ko, anak ko sya. Gusto ko maiyak nuon pero hindi pwede kaya wala ako magawa.  Fifth birthday nya nuon. Tinitignan ko silang tatlo, larawan sila ng masayang pamilya. Inakbayan ako ni Felix, “mahirap magmahal ng bestfriend, tol. Alam ko nararamdaman mo ngayon. Ama din ako.”  “Ako dapat anjan, Felix. Hindi si Anton. Ako dahil sila ang pamilya ko.”Nagpupuyos ang damdamin kong sagot ke Felix.  “Common-law wife ni Anton si Melissa, pare. Apelido nya ang dala ng bata” Paliwanag ni Felix. Ako ang ama ni Carla, para sa akin asawa ko si Melissa.” Nangingilid luha ko. Gusto ko ng sumigaw. Hindi na ako naghintay pa ng reception. Nagpaalam ako sa mag asawa at sa mga kaibigan ko. Nagdahilan ako na pinatawag ako ng boss ko emergency. Alam ni Felix ang rason. Any time that moment, sasabog na ako. Ako na ata ang pinaka ipokritong tao sa buong mundo.   ***** Madami akong naging flings lalo na nung nauso ang tinder. Madami ako na met duon na walang hinangad kundi magparaos. Iba ibang klaseng babae from all walks of life. No strings attached. Bumili ako nuon ng bagong motor at nag invest ako ng maliit na negosyo kasama ang ate Vicky ko. Isa syang Event coordinator kaya nagtayo kami ng Event at Advertising company. Mabilis ang pag asenso ng company gawa ng napakaraming connection ng kapatid ko at malakas PR nya sa clients. Nakakatulong din ang pagkakaroon ko ng knowledge sa graphic designing. Taong 2015 nagkaroon ako ng bagong girlfriend, si Cecille. Si Cecille ay divorcee at galing US. Kasama nya kanyang dalaga nang bumalik sya sa Pilipinas. Kliyente namin sya sa negosyo nuong nag debut anak nya sa tanyag na Hotel Makati. Mayaman si Cecille at nakatira sa Valle Verde Pasig. Nasa early 40’s lang nuon si Cecille at napakaganda nya. Napakamaalaga at kasundo nya pamilya ko. Pati dalaga nya ay kasundo din nila. Akala ko si Ces na sapagkat masaya ang relasyon naming dalawa. Minsan napag usapan namin na magsama o di kaya’y magpakasal. Hindi ko kinakitaan ng butas pero nabago yun nung magkita kami ni Melissa muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD