Mga panahong hawak ko pa mundo ko

1713 Words
July 25, 2019 Thursday, naka receive ng message si Sam ng message sa Head Teacher nya na me first class sya ng araw na yun. Napaka unlikely kasi Thursday talaga ang simula. No choice but to get up early at pumunta ng work. Nang dumating sya sa terminal napansin nya na napakahaba ng pila sa UV. Male late sya for sure pag pumila sya sa UV so again, no choice kailangan magdesisyon ng mabilis. Napatingin sya sa pilahan ng habal. Pumila si Sam at sabay dasal na sana hindi yun kinaiinisan nya na rider ang kanyang masakayan. Unfortunately sya nga. Mukhang matino sya today at nakapaligo. “Maam san po tayo?” tanong nya. “Ortigas po sa may Garnet Street”. “Yun po bang papuntang Strata 2000?” Tanong nya. Sabi ko, “Oo. One hundred Twenty po ba?” Tanong ko. “Yes, maam. One hundred Twenty lang”. “Kaya nyo po ba makarating duon ng mga 25 minutes?” Tanong ko uli. “Kaya po maam.” Maayos naman na tugon ni rider. Sumakay na sya kesa sa ma late pa. Wala na sya panahon pa mag inarte. Sa tindi ng trapik sa Manila ang twenty five minutes mo nagiging two hours. Para kang nag out of town. Maayos naman ang takbo nila for five minutes then nung nasa may Bagong Tulay na nagkwento na sya ng kung anu ano. Ayaw ni Sam ng kinakausap sya pagkat nae stress sya pag nakasakay ng motor. Kabilin bilinan kasi ng pinsan nya na wag sumakay ng habal or angkas dahil malapit sa disgrasya. Ahh lang sya ng ahh at talaga, typical na sagot ng taong hindi nakikinig. Nung huminto sila saglit sa me Pineda, kinuha ni Sam ang phone at nakinig ng music. Fave nya pakinggan that time kanta ni Shawn Mendes at Camilla Cabello na Señorita. Napalakas ata sya ng pagpapatugtog kasi nagcomment ang uchuserong rider. “Mahilig ka pala sa song na yan, maam.”  “Excuse me?” Naiiritang tanong ni Sam. ”Sabi ko po paborito nyo pala kantang yan, Señorita.” Sagot ni kuya rider. “Ah, oo. Fave ko nga.” Mejo dry na sagot ni Sam. Napaka fresh naman ng tukmol nato isip pa nya. Feeling close. “Maam, kung gusto nyo po ako magse service sa inyo. Less twenty pesos po for one month.” Sabi ni tukmol. “Naku kuya okay lang po. Inconsistent kasi schedule ko. Minsan po maaga ako tulad ngayon minsan naman alas diyes. Most of the time nagyu UV po ako.” Naasar na ako pero polite pa din reply ko. Kinuwento nya na side line lang nya ang paghahabal at me iba pa syang negosyo. Tinanong nya ako ilang taon na ako. Sabi ko 33, napalunok ako. Ok lang di naman nya ako kilala. Sabi nya 33 years old na rin daw sya, binata. Tinanong nya ako if me asawa ako sabi ko wala. Dalaga ako. Binaba nya ako sa Prestige building ng Garnet St. Paalis na sana ako ng tinawag nya ako. Hiningi nya messenger account ko para daw pwede ko syang i chat pag kailangan ko ng service.  “Ano po name nila kuya?” “Carlos po. Carlos Narciso.” “Okay, na Carlos. Na add na kita. Salamat at ingat sa byahe.” Nginitian ko si Carlos. Kinuha ko messenger ID nya at akala ko hanggang duon nalang kwento namin. Nagkakape si Sam ng hapong iyon. Nakatanaw sya sa labas ng bintana ng room nya. Tanaw nya ang building ng Unionbank sa left at Horizon building naman sa harap. Payapa ng panahon. Pag ganitong panahon nagko cold coffee sya at nakikinig ng old mellow songs. Tinitignan nya ang bahaghari ng biglang tumunog tablet nya. Nag chat si Carlos. “Hi, ma’am. Good afternoon. Musta napo kayo?” Sasagutin ko ba tong tukmol na to? Chinat na rin nya anyway. “Hello Carlos. I’m okay.” “Ma’am, nasa work po kayo ngayon?” “Yes, 3pm palang eh.” Pang aasar ni Sam. “Haha. Ma’am baka gusto mo sunduin ko kayo?” Sam declined the offer. Ayaw nya kasi ng mga ganun. Napepreskohan sya. Besides he’s a stranger. Mga ganitong tao mahilig to mambola ng babae. Ni hindi na nya maalala mukha ni Carlos. Pauwi na sya ng gabing yun nang mag chat nanaman si Carlos. Nasa Ortigas area lang daw sya at me binabang customer. Baka gusto daw ni Sam sumabay. Aniya nakapila na siya sa UV at malapit na turn nya kaya nag decline na naman sya. Makulit si Carlos. Habang nasa UV si Sam panay ang chat nya. Kinukwento nya buhay nya. Ang totoong trabaho nya. Visual artist sya at gumagawa sila ng designs. Bukod pa duon, me mga negosyo sya. Freelance sya at part time lang nya ang pag Angkas. Me sarili syang schedule at mukang me disiplina. Disiplina, yun ang wala ke Sam. Sabog ang schedule, mahilig mag procrastinate, walang patience, walang direction. Sa klase ng trabaho meron sya at sa attitude nya na indirectly dapat mga bagay na nakapaligid sa kanya ay dapat sa kanya naka adjust, kelangan nga nya na mag Angkas. Kaso wala sya parating budget. Impulsive buyer si Sam at maxadong maluho sya sa pusa nya. The whole month of August hindi nya pinansin mga chats ni Carlos. Hindi na din sya sa terminal pumipila. Lumalayo na sya ng sakay at kahit pa hirap pinagtatyagaan nya. Me mga panahong nagkaroon ng lindol at chat ng chat si Carlos. Nagpapakita sya ng pag alala ke Sam ngunit si Sam nagmamatigas tutal nagwa Wunder naman sya. Isang carpool app na affordable at reliable. Nakatambay ito sa Podium at duon sya sumasakay. Binababa na lamang sya sa me Kapasigan kung saan drop off ng lahat ng nakisakay. Third Saturday ng Agosto ng nagchat si Carlos. Himala, almost 24 hours na hindi nag chat. Bakit kaya? Nagtatakang binabasa nya chats ni Carlos. Gabi na nuon, mejo maalinsangan kaya naka open ang door at umiinom sila ng San Miguel light ng pinsan nya habang nanonood ng TV. “Kamusta, Sam?” chat ni Carlos. “Kamusta gabi mo?” Mukang me kakaiba ke Carlos tonight, isip ni Sam. “I’m okay, Carlos. Kamusta na? Hindi kita naramdman ng almost 24 hours, ah?” “Does it matter, Sam? Magparamdam man ako sayo or hindi, does it matter?” Medyo sarcastic tugon ni Carlos. “May problema kaba, Carlos?” Medyo nagpapanting na tenga ni Sam pero pinigilan nya. “Sorry Sam. Dinalaw ko kasi burol ng papa ng bestfriend kong babae. Namatay papa ni Jackie. “ “I’m sorry to hear that. Eh ba’t parang ikaw ang namatayan?” “Andun kasi si Melissa. Do I look gay? Tingin mo, bagay ba sa akin mag wig?” He sent her pictures of him na nakaupo sa sahig hawak ang isang Pilsen ng Red Horse. Naka lipstick at may wig. Hindi nagustuhan iyon ni Sam. “Carlos, what’s happening to you? Bakit ka imiinom? Bakit ka naka lipstick? Ba’t ka nakawig… anong nangyayari sayo?” “Mukha ba akong bakla? Ha? Sam? Tingin mo bakla ako? Yang mga putang inang babae sinusumpa ko kayo! Ano Sam. Bagay ba sa akin?” Larawan si Carlos ng isang napakalungkot na tao na nag iisa at magulo ang utak pati buhay. “Stop it, Carlos. Stop sending me these photos. I don’t like it. I said stop!” In stop ni Sam pagcha chat kay Carlos ngunit send ng send pa rin si Carlos ng pics nya. Nasa mukha ni Carlos ang matinding kalungkutan. That night, she blocked him. ****** Monday morning. Three days after nya binlock si Carlos. Absent student nya. Pinipilit ni Sam na libangin sarili sa paglalaro ng Café land. Na bored sya. Chinek din nya Farmtown nya. Hindi matanggal sa isip nya si Carlos. Ano bang nangyayari sakin? Tanong nya sa sarili. Chinek nya messenger nya. Tahimik. Tanging Head Teacher lang nya at secretary ng boss nya nag message sa kanya. Somehow, nalungkot sya. Hinanap nya pangalan ni Carlos at in unblock. Dalawang segundo lang nag message agad ito. “Good morning ma’am. Na miss moko no?” Mukang masaya ang gising ni tukmol “Mabuti naman umaga ko. Eh, ikaw? Baliw ka pa rin ba? Natatawang tanong ni Sam “Haha! Naka recover na ako, ma’am. Okay na uli puso ko. Lalo na’t nakakausap na uli kita.” Pambobola ni Carlos. “Happy ako na naka recover kana. Sya, nangungumusta lang. Enjoy your morning.” “Kayo din po. Enjoy your morning din.” Hindi mawari ni Sam pero gumaganda ang umaga pag nakaka chat nya si Carlos.  ****** Wednesday ng umaga pagdating nya sa work me natanggap nya na letter galing sa Credit card company. Laki na ng babayaran nya. Dami pa nyang bayarin. Nag iisip si Sam pano maso solve problema nya ng biglang nag chat na naman si Carlos. “Ma’am, sunduin ko kayo mamaya?” “Not now Carlos madami akong iniisip.” Sagot ni Sam. “Ma’am naman bigyan mo naman ako ng chance. Gusto ko kasi sana ibahagi sayo mundo ko. Ma’am, me pagtingin po kasi ako sa inyo”. Muntik ng nasamid si Sam sa iniinom nyang kape. Gusto itong matawa at manghampas ng tao at the same time. Buti nalang absent student nya. “Carlos, maraming salamat sa offer mo na ride kaso tight budget ko now eh.” Pag amin nya. “Ma’am, dko naman sinabing maniningil pa ako eh. Kaligayahan ko po ang makita kayo at makasama sa sandaling panahon. Kahit po sana sa buong buwan ng September lang ma’am. No need nyo na ako bayaran. Gusto ko lang kayo ihatid at sunduin. Makita lang kita ma’am at makasama sa sandaling panahon masaya nako.” Napa isip si Sam. Malaking katipiran nga naman. Makaka libre sya ng pamasahe. Ang ipamasahe nya iipunin nya pambayad sa credit card. Napaka tempting ng offer. Pero she needs to guard herself baka rapist to or what.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD