THEON'S private chopper landed at the helipad at the top of Montreal Tower. Andrea noticed five males in black uniform promptly approaching the private chopper. Maybe they are staff here. Tinanggal niya ang suot niyang headphone at seatbelt. Nang buksan ng isang staff ang pinto sa gilid niya ay agad din siyang lumabas. Gano'n din si Theon na nasa tabi ng piloto, matapos pagbuksan din ng isa pang staff ang pinto sa gilid nito. Naramdaman niya agad ang lamig ng panggabing hangin sa balat niya nang tuluyan ng lumapat ang mga paa niya sa sahig. Nilingon niya si Theon. Kausap na nito ang piloto nito. Mukhang may ibinilin lang ito sa piloto base na rin sa panay na pagtango ng lalaki habang nakikinig sa mga sinasabi ni Theon dito. Huminga siya nang malalim at tumingala. Kita niya ang maraming

