"Wala po si Sir Logan sa kanyang opisina ngayon, Doktora. Hindi po siya pumasok," ani ng sekretarya ni Mr. Yohan Montreal. "Then tell me where he is now." Andrea demanded. Hindi pa rin humuhupa ang galit niya kay Theon. Paanong nagawa nito iyon sa kanila? Umiling si Miss Madrigal. "Hindi ko po alam, Dok—" "Where's your boss then?" Tukoy niya kay Yohan Montreal. "Nasa loob ng opisina niya, Dok. Pero bawal po siyang disturbuhin—" Nahinto ito sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng opisina ni Yohan Montreal at lumabas doon ang lalaki, kasunod ang dalawa pang lalaki, na mukhang kasing edad lang din ni Yohan Montreal at parehong naka-corporate attire. Nang makita siya ni Yohan ay agad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Bahagya namang gumilid si Miss Madrigal para bigyan ng espasyo ang

