HABANG nakikipag-usap si Theon sa lola ni Andrea, nakatuon lamang ang kanyang tingin sa lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa biglaang pagdating nito. Sa nangyaring sagutan nila kanina, sa galit na nakikita niya sa mga mata nito, kumbinsido na siyang siya talaga ang gagawa ng paraan para lang mapilit niya itong pakasal sa kaniya. Kaya nakagugulat na bigla na lang itong dumating at pumayag na magpakasal silang dalawa. O baka may gusto na naman itong hilinging kapalit kaya biglang nagbago ang isip nito. Bumukas ang front door ng villa at lumabas si Tita Evangeline. Pero agad din itong natigilan nang makita si Theon na kausap pa rin ang lola niya. Hindi rin yata makapaniwala na nandito ang anak, at kinausap ang lola niya. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad na lumapit sa kaniya ang g

