There were moments in college I hoped I could stretch. There were times I loved it because the moment was mine to cherish, because I had nothing else to think of but myself. But then, they were fleeting moments. Sabi ko kay River hindi ako sigurado kung makakapunta ako sa kanila, pero ang totoo ay wala talaga akong balak na magpunta sa kanila. Laban na nina Venera at ayokong palagpasin ‘yon. “Kinakabahan ako,” sabi sa’kin ni V habang hawak niya ang kamay ko. Napakalamig ng kamay niya at may mga butil ng pawis ang noo niya. Tapos na sila mag-rehears at naghihintay na lamang kami na magsimula ‘yung program. Nandoon na rin sa venue sina DJ, Khal, Hendrix, Louie, at Nora. Maging ang buong Psych department yata ay nandoon para sumuporta sa banda nina Venera. “Go, Venera!” sigaw ni Hendri

