It was a serene moment, just a day with nothing really special in particular… but I felt special and seen. Dahil hindi ko mahagilap si Venera at wala rin naman akong gagawin ay sumama na lamang ako kina Khal. Umikot kami at tiningnan ang mga booth. Nakakatawa sila dahil jinujudge nila ‘yung mga design ng booth, at kahit hindi kami bumibili ay may nasasabi sila sa mga pagkain. “Tahimik ka talaga?” tanong sa’kin ni Khal. “Wala lang talaga akong masabi,” tugon ko. Nakarating kami sa iba’t-ibang department hanggang sa nagpaalam si Louie na kikitain niya raw ang girlfriend niya. Nagulat ako nang sabihin niya ‘yon, hindi kasi halata sa kanya na nagnonobya siya, mukhang siya ‘yung tipo ng tao na puro lang aral. “Ako rin, aalis na ako mamaya. Nakapag-attendance naman na kami,” sambit ni

