CHAPTER 25

1570 Words

Galaxy's POV: Sakit, pagkalito, kalungkutan, at pagdodoubt ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero imbis na umiyak ako rito, kailangan kong gumawa ng paraan para malaman ang katotohanan. Hindi ako uupo na lang. Tumayo ako at pinilit na tatagan ang sarili. Dala-dala ko ang bat at nagtungo sa opisina ni Nitron. Paniguradong nandoon ang mga papeles niya. Siguro maging ang iba niyang records. Pagkarating ko sa tapat ng opisina ni Nitron ay nanginginig pa ang kamay kong binuksan ang pinto. Tumutulo ang luha ko kaya pinunasan ko ito at pumasok na sa loob. Kailangan kong mahanap ang mga papeles ni Nitron tungkol sa aksidente niya at kung sangkot ba siya sa nangyari sa akin noon. Inisa-isa kong buksan ang mga cabinet niya. Nakita ko naman ang isang folder na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD