Galaxy's POV: Sobrang saya ng naging bakasyon namin sa yate nila Kuya Zodiac at Ate Yolly. Kahit umuwi rin kami kaagad ay nag-enjoy kami sa pagsuswimming doon. Mamimiss ko ulit ang pamilya ko. Si mom, ang maligalig na tandem nila ni Tita Esther. Si Kuya Zodiac na ang cute kapag sinasamaan ng tingin ni Ate Yolly, ang kambal na ang lalaki na at ang ganda ng lahi, pati rin sila Ate Stella at ang anak nilang masungit ni Kuya Johnson na si Trey. Ang batang iyon talaga. Papunta na kami ngayon sa bahay, este mansyon ni Nitron. Dito kami tutuloy tulad ng sinabi niya kahapon. Nandito si Hydra at gusto ko rin siyang makausap. Naiintriga talaga ako sa mga sinasabi nila kuya. Tahimik lang kami ni Nitron dito sa sasakyan. Hinatid ulit kami ni Kuya Jobert. Tulog si Nitron sa balikat ko habang nakay

